• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 17th, 2021

Pres. Duterte inaprubahan pagbubukas ng klase sa Sept. 13 – DepEd

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Itinakda sa Setyembre 13, 2021 ang pagsisimula ng School Year 2021-2022.

 

 

Ayon sa Department of Education (DepEd) mismong si Pangulong Rodrigo Duterte na ang pumili sa nasabing petsa.

 

 

Nakatakdang maglabas sa susunod na mga araw ang DepEd ang mga school calendar para sa 2021-2022.

 

 

Nauna rito nagsumite ng ilang petsa si DepEd Secretary Leonor Briones kay Pangulong Duterte at isa rito ay ang Setyembre 13.

 

 

“We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year,” bahagi ng statement ng DepEd.

 

 

Malamig naman ang pangulo sa pagsasagawa ng face-to-face classes hangga’t hindi pa tuluyang nababakunahan ang malaking populasyon ng bansa. (Daris Jose)

KIM at JERALD, manggugulat sa kakaiba at daring roles sa bagong pelikula; hataw pa rin kahit nasa gitna ng pandemya

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAHIT may pandemya, hindi talaga mapipigilan ang paghataw ng #KimJe, dahil ang real-life couple na si Kim Molina at Jerald Napoles ay muling magtatambal sa kanilang pangalawang pelikula ngayong taon, ang Ikaw At Ako At Ang Ending na hatid ng Viva Films.

 

 

Mula sa kanilang unang successful na team up sa pelikulang Ang Babaeng Walang Pakiramdam na ‘di pa natitinag sa Top 10 movies ng Vivamax, ngayon naman ay naka-trabaho nila ang romantic movie hit maker na si Direk Irene Emma Villamor.

 

 

Ilan sa mga di malilimutang pelikula ni Direk Irene ay ang “Camp Sawi”, “Meet Me in St. Gallen”, “Sid & Aya: Not a Love Story”, “Ulan”, at “On Vodka, Beers, and Regrets”. At siguradong madadagdag ang Ikaw At Ako At Ang Ending sa mahabang listahan ng mga hit movies ni Direk Irene.

 

 

Iikot ang pelikula sa dalawang estranghero na pinagtagpo sa hindi inaasahang oras kung saan kapwa sinusubukang takasan ang kanilang mga miserableng reyalidad.

 

 

Nag-premiere sa YouTube ang teaser trailer ng pelikula noong July 11, at siksik ito ng takbuhan, car chasing at maiinit na love scenes ni Kim at Jerald, at mukhang puno ng suspense at aksyon ang pelikula.

 

 

Ngunit dahil ito ay pelikulang gawa ni Direk Irene, siguradong marami pang sorpresa ang mapapanood sa pelikula.

 

 

Siguradong marami rin ang masosorpresa sa kakaiba at mas daring na Kim at Jerald na mapapanood sa pelikulang ito, dahil ibang klase ng pag-arte ang kanilang ipapakita bukod sa kanilang pagpapatawa, kung saan mas kilala sila.

 

 

Kaya naman ipakita ang inyong suporta sa #KimJe at panoorin ang  Ikaw At Ako At Ang Ending sa August 13, streaming globally sa ktx.ph, iWant TFC, TFC IPTV at sa VIVAMAX.

 

 

Ngayon, mas pinadami na ang paraan para mag-subscribe sa VIVAMAX! Mag-subscribe gamit ang VIVAMAX app via Google Play Store at App Store. Unli-watch na sa halagang P29 para sa tatlong araw, P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.    Pwede kang magbayad gamit ang GCash, Globe, Smart, Visa/Mastercard, PayMaya o PayPal account na naka-link sa iyong Google or Apple account. Maaari ding mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad sa EC Pay outlets: 7 Eleven at All Day o via PayMongo, GrabPay at GCash o via PayMaya.

 

 

Para makapagbayad mula sa E-commerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, GCash, ComWorks Clickstore, Paymaya o Globe One.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, ComWorks, at Load Central partner outlets: Cebuana Lhuillier at Palawan Express.

 

 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Sky Cable, Cable Link, KCAT Fiber, Air Cable, Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect, Z-energy Cable TV Network Inc.

 

 

Available din ang Vivamax sa Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.  Vivamax, atin ‘to!

 

 

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa ating Pambansang Streaming App, VIVAMAX!

(ROHN ROMULO)

NCR, nananatili sa ilalim ng GCQ- Roque

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INIREKOMENDA at inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Community Quarantine Classifications para sa iba’t ibang lugar sa bansa para sa mga nananatiling mga araw ng buwan ng Hulyo.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) ay ang National Capital Region, Baguio City at probinsya ng Apayao, City of Santiago, probinsya ng Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino, probinsya ng Bulacan, ang mga probinsya ng Cavite, Rizal, Quezon, at Batangas, ang Puerto Princesa, ang mga probinsya ng Guimaras at Negros Occidental, ang probinsya ng Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, Zamboanga del Norte, ang Davao Oriental, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato; sa CARAGA naman aniya ay ang Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, Dinagat Island, Surigao del Sur; at sa BARMM ang Cotabato City.

 

Sa ilalim naman aniya ng GCQ “with heightened restrictions” ay ang probinsya ng Cagayan, Laguna, at Lucena City, Naga City, ang Aklan, Bacolod City at Antique, kasama ang probinsiya ng Capiz hanggang Hulyo 22; Negros Oriental, Zamboanga del Sur at Davao City.

 

Para naman aniya sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ay ang mga probinsya sa Region 3 ng Bataan; sa Region 6 ay ang Iloilo City at ang Iloilo province pero ito aniya ay hanggang Hulyo 22 lamang.

 

“Kung hindi po mag-improve ang ating mga numero ay posible po na mabago muli ang classification ng Iloilo City at Iloilo; sa Region 10, Cagayan de Oro City; sa Region 11, Davao Occidental, Davao de Oro, Davao del Sur, Davao del Norte; at sa CARAGA ay ang Butuan City,” pahayag ni Sec. Roque.

 

Sinabi ni Sec. Roque na ang lahat ng mga probinsya na hindi niya binanggit ay nasa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ). (Daris Jose)

Huling SONA ni PDu30 magiging simple at ilalahad ang nagaganap na reyalidad sa ground- Andanar

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Presidential Communications Operations Office (PCOO)na repleksiyon ng pagiging simple ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang aasahan ng publiko para sa huling State of the Nation Address (SONA) nito sa darating na Hulyo 26, 2021.

 

Ito ang paglalarawan ni PCOO Secretary Martin Andanar sa magiging SONA ng Pangulo at itinuring bilang isang optimistic speech.

 

Aniya, ilalahad ng Punong Ehekutibo ang reyalidad sa ground lalo na at kasalukuyan pa ring may presensiya ng pandemya, mga pili o importanteng nagawa at mga naging pagbabago sa nakalipas na limang taon.

 

Sinabi ni Andanar na matagal na nilang pinaghahandaan ang huling pag- uulat sa Bayan ng Pangulo habang nailatag na aniya na din ng grupo ng mga speech writers ang accomplishment ng Presidente.

 

Mula naman dito ay bahala na si Pangulong Duterte kung ano ang nais niyang maisama sa kanyang talumpati sa SONA lalo’t hindi naman mababangit lahat ang mga nagawa na nito sa kanyang panunungkulan.

 

Ani Andanar, ilan rito ay tungkol sa Build, Build, Build; Free tuition act, nakuhang benepisyo ng mga retirees, anti- corruption, may kinalaman sa peace and order at iba pa. (Daris Jose)

Antonio Banderas To Join The Star-Studded Cast Of ‘Indiana Jones 5’

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANTONIO Banderas is the latest star to join the star-studded and growing list of talent in Indiana Jones 5.     

 

 

Once again, Harrison Ford is returning to play Indy, his first reappearance in the role since the ill-fated Indiana Jones and the Kingdom of the Crystal Skull in 2008.

 

 

But Steven Spielberg will not be returning to the director’s chair, passing the torch off to Logan and Ford v Ferrari director James Mangold.

 

 

The franchise helmer is still serving as a producer, joined by Kathleen KennedyFrank Marshall, and Simon Emanuel.

 

 

Not to disparage any of the previous Indiana Jones films, but the cast for the fifth movie is easily the best. Not only do we have two iconic Award Award-nominated superstars like Banderas and Ford, but the rest of the cast includes Phoebe Waller-BridgeMads MikkelsenBoyd Holbrook, nd Shaunette Renée Wilson.

 

 

As per report of Deadline.com, production is currently underway on the film, with new photos of the cast leaking left and right, and Ford’s already been injured on set. Little is known about the plot, but an on-set video revealed that Nazis are back in this latest installation.

 

 

We, unfortunately, do not have any details on what character each actor is playing, including the recently cast Banderas. Might Waller-Bridge be a new sarcastic sidekick? With his history of playing villains, might Mikkelsen be cast as one?

 

 

Banderas can be seen in The Hitman’s Wife’s Bodyguard, which was just released last month. Additionally, the actor has another entry into a long-running franchise currently in production — Puss in Boots: The Last Wish.

 

 

He will also be reunited with Penélope Cruz in Official Competition, star in a remake of the 1970s thriller The Enforcer, as well as the prequel adaptation of the video game series Uncharted.

 

 

His future film projects that he signed on for include The Monster of Florence, the adaptation of the bestselling non-fiction book of the same name. Banderas will star as Mario Spezi, the journalist who investigates the mysterious murders in Florence between 1968 and 1985.

 

 

He will also write and produce a sci-fi thriller film called Solos, which follows a Spanish colonel who is suffering from trauma. Finally, Banderas will direct his third feature, his first since Summer Rain in 2006, called Akil.

 

 

The film will follow the titular African boy who is being hunted by the police and flees to an American woman’s home in Spain.

 

 

The untitled Indiana Jones 5 will hit theaters on July 29, 2022. (source: collider.com)

(ROHN ROMULO)

Kalituhan sa payment scheme, sanhi ng trapik sa Skyway 3

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang kalituhan sa payment scheme o paraan ng pagbabayad ng toll ang naging sanhi nang pagkakaroon ng mabigat na daloy ng trapiko sa Skyway Stage 3 noong Lunes.

 

 

Ayon kay Manuel Bonoan, pangulo at CEO ng Skyway Operations and Maintenance Corp., ang masikip na daloy ng trapiko ay nagsimula sa unang araw nang panini­ngil nila ng toll fee sa mga motorista na dumaraan sa expressway kamakalawa.

 

 

Aniya, nagkaroon kasi ng kalituhan ang mga motorista at inakalang maaari nilang gamitin ang kanilang Easytrip sa paggamit sa naturang elevated expressway.

 

 

“May mga kalituhan sa motorista kasi first day,” ani Bonoan. “Maraming moto­rista na tumuluy-tuloy at ang dala nila ay ‘yung Easytrip nila and they thought na pupuwedeng gamitin dito sa Stage 3.”

 

 

Nabatid na ang Skyway Stage 3 at iba pang expressways sa southern part ng Metro Manila ay gumagamit ng Autosweep, na isang brand ng radio-frequency identification (RFID) habang ang mga expressways naman sa norte ay gumagamit ng Easytrip, na isa pang brand ng RFID

 

 

“Hindi nila alam na hindi puwedeng gamitin kasi wala pa kaming interoperability,” paliwanag pa ni Bonoan.

 

 

Sinabi naman ni Bonoan na habang nasa proseso pa ang mga expressway operators ng pagsasapinal ng protocols para sa interoperabi­lity, dinagdagan na lamang ng Skyway ang bilang ng mga personnel na nagkakabit ng Autosweep stickers sa mga sasakyan, na nais gumamit ng naturang elevated structure. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Herd Immunity ng Pinas, posibleng abutin ng 2023

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19.

 

 

Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo.

 

 

Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng dating ng mga bakuna sa bansa.

 

 

Pawang mga second dose lamang ang naiturok sa mga qualified recipient habang ang first dose ay pansamantala ring nahinto.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa 8.87% pa lang ang nabig­yan ng first dose habang 3.33% ang mayroong se-cond dose.

 

 

Hindi malayong sa taong 2023 pa maabot ng Pilipinas ang herd immunity kontra COVID-19.

 

 

Ito ang pagtaya ng Philippine Vaccine Tracker matapos bumagal ang pagdating ng suplay ng bakuna nitong mga nakaraang linggo.

 

 

Sa datos ng PVT, mula July 9 hanggang kahapon ay bumaba ang bilang ng mga naturukan dahil sa pagkaantala ng dating ng mga bakuna sa bansa.

 

 

Pawang mga second dose lamang ang naiturok sa mga qualified recipient habang ang first dose ay pansamantala ring nahinto.

 

 

Sa kasalukuyan, nasa 8.87% pa lang ang nabig­yan ng first dose habang 3.33% ang mayroong second dose.

MMDA, nag-hire ng 1,000 traffic enforcers

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KUNG may nangyayaring sibakan sa puwesto ay nag-hire naman si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Benhur Abalos ng 1,000 traffic enforcers para sa MMDA.

 

Napaulat kasi na may 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit sa Lungsod ng Maynila ang sinibak sa puwesto.

 

“Sa amin po sa MMDA ay nag-hire pa kami ng 1,000 na additional na traffic enforcers. Kaya kung makikita ninyo po . ito’y nakakalat sa buong Kalakhang Maynila lalo na po sa mga panahon ngayon,” ayon kay Abalos.

 

Nauna rito, kinumpirma ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Leo Francisco na tinanggal niya sa puwesto ang 240 tauhan ng District Traffic Enforcement Unit.

 

Ito ay yung mga matagal ng naka-assign sa nasabing unit kung saan ayon kay Gen. Francisco, ang mga pinagtatanggal niya ay pawang overstaying na sa posisyon.

 

Nasa lima hanggang 11 taon silang nakadestino at ang itinira na lamang niya ay ang hepe upang magtuluy-tuloy ang promosyon.

 

Sinabi ni Gen. Francisco na natuklasan niyang nasa duty lamang ang mga nasabing traffic police kapag rush hour o mula alas-6 ng umaga hanggang alas-8:00 ng umaga, at kapag hapon mula alas-4:00 hanggang alas-8:00 ng gabi.

 

Aniya, pagkatapos ng rush hour ay hindi na sila mahagilap at hindi na rin nagsisibalik sa opisina.

 

Napalitan na lahat ang miyembro ng nasabing unit at nagtakda na rin siya ng panuntunan upang makatiyak na hindi makapandaraya sa oras ng duty ang bawat police.

 

Ang bawat pulis na itinalaga niya sa traffic ay kinakailangan magpakita sa headquarters ng MPD bago ang simula ng trabaho at magre-repoort naman sa station commander kung saan sila naka-assign kapag pauwi na habang mag-iikot naman ang ilang opisyal para masigurong nasa duty ang mga ito.

 

Napag-alaman pa ni Gen. Francisco na maraming pulis ang gustung-gusto na madestino sa traffic at iba sa kanila ay nagpapatulong pa sa mga kaibigan upang makabalik sa kanilang posisyon pero hindi na niya ito papayagan. (Daris Jose)

Clippers star Kawhi Leonard inoperahan sa tuhod

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sumailalim sa operasyon sa kanyang tuhod si Los Angeles Clippers star Kawhi Leonard.

 

 

Ang operasyon sa kanyang torn knee ligaments ay siyang dahilan ng hindi niya pagsali sa walong laro ng Clippers sa playoffs.

 

Natamo ang nasabing right knee injury sa laban ng Clippers sa Utah Jazz.

 

 

Dahil sa injury matatagalan pa ang kaniyang paggaling na may posibilidad na hindi makapaglaro ng ilang games sa 2021-2022 campaign.

Jawo, 9 iba pa iluluklok sa Philippines Sports Hall of Fame

Posted on: July 17th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pamumunuan ni ‘Living Legend’ Robert Jaworski ang siyam pang sports heroes ng bansa sa pormal na pagluluklok sa kanila sa Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) sa Linggo sa isang digital ceremony.

 

 

Kasama rin sa fourth batch ng mga inductees sina football great Paulino Alcantara, swimmer Eric Buhain, track and field star Elma Muros-Posadas at 1988 Olympic gold medalist Arianne Cerdena ng bowling.

 

 

Ang iba pa ay sina Dionisio Calvo (basketball at football coach), Gertrudes Lozada (swimming), Rogelio Onofre (athletics) at Olympic bronze medalist boxers Leopoldo Serantes at Roel Velasco.

 

 

Ang PSHOF ay itinatag ng Philippine Sports Commission (PSC) isang dekada na ang nakakalipas sa pangunguna ni chairman William ‘Butch’ Ramirez.

 

 

“These heroes and their achievements have become a source of pride and inspiration for us and for the future generation of Filipinos,’’ wika ni Ramirez.

 

 

Ang 10 enshrinees ay tatanggap ng P200,000 bawat isa kasama ang PSHOF trophy sa digital awarding ceremony.

 

 

Si Ramirez ang chairman ng PSHOF at si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino ang vice chairperson.