MABILIS na nagkaroon ng relasyon ang Kapuso stars na sina Kristoffer Martin at Liezel Lopez noong magkasama sila sa lock-in tapong ng teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.
Ngayon ay nagulat ang kanilang followers sa social media sa bilis din nang paghihiwalay nila.
Last week ay nag-post ng ilang cyptic messages si Kristoffer via Twitter. Madamdamin at tila malungkot ang mga tweets nito tungkol sa isang taong hindi raw ina-appreciate ang ginagawa niya para rito. May nabanggit pa siyang mahirap daw tulungan ang taong ayaw magbago. Hanggang sa nagbakasyon ang aktor na mag-isa sa Bohol pagkatapos ng lock-in taping niya ng Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento.
“Put your focus on people who appreciates you,” tweet ng aktor.
Tanong ng followers ng aktor sa social media kung bakit hindi niya kasama si Liezel sa bakasyon nito?
Noong nakaraang buwan kasi ay ang saya-saya nila dahil nakakapag-date na sila nang maayos. Walang sinagot ang aktor, pero si Liezel ang may sinagot sa TikTok video nito. Kinumpirma niya na hiwalay na nga sila ni Kristoffer.
Post ni Liezel: “Yup nakipaghiwalay na ako.”
Nabanggit din ni Liezel na yung bakasyon ni Kristoffer sa Bohol ay plano raw nila: “Oh yeah, I know about sa Bohol. Kami nagplan non eh. hahaha ayoko lang sumama. kasi nakipaghiwalay na ako.”
Heto pa ang ilang cyptic messages ni Liezel: “Karma is my middle name…”
“Manipulative sad boy is real guys so be careful out there.”
“I am a good woman…I see the good in everything. I am me. Nobody can change that. – Note to self”
Inusisa naman ng ilang netizens ang social media account ng ex-girlfriend ni Kristoffer na si AC Banzon. Napansin nila na nasa same resort din si AC sa Bohol dahil sa parehong hitsura ng furnitures sa post ng aktor. Hula nila ay nagbalikan ang dalawa at pinapalabas lang ni Kristoffer na solo flight siya sa Bohol.
Wala naman daw masama kung magkabalikan ang dalawa dahil may anak sila na si Pre.
***
SA programang Tunay Na Buhay, sinabi ng ’90s teen heartthrob at TGIS star na si Red Sternberg ang tunay na dahilan kung bakit niya iniwan ang showbiz noong 2001.
“It was a combination ng burnout, tatlong TV shows, gumagawa ako ng dalawang pelikula. Everyday trabaho. Ako ‘yung tipong I never had a driver, wala akong P.A., lahat ako. I just felt na it was time to move on,” sey ni Red na kasalukuyang nagtatrabaho bilang general manager ng Panama City Beach in Florida, USA.
Higit na 14 years nang nakatira si Red sa Amerika at may sarili na siyang pamilya. Inamin niya na hindi naging madali ang buhay niya sa ibang bansa at kunsaan-saang State sila tumira ng kanyang misis at tatlong anak.
Minsan daw ay nami-miss din niya ang buhay-artista. Pero wala siyang regret na tinalikuran niya ang showbiz para sa isang normal na buhay sa ibang bansa.
“Do I miss it? Yeah. Do I still want to do it in the future? Maybe, and the acting itself,” simpleng sagot ng former heartthrob.
Sa kanyang trabaho, wala raw siyang kinukuwento na dati siyang artista sa Pilipinas. Pero paminsan-minsan daw ay may nakakakilala sa kanya.
“I think the last one was mga two weeks ago. Naka-mask pa nga ako eh, nakilala pa rin ako. Sabi niya, ‘Uy Red kamusta?’ “Nag-iisip naman ako dahil ‘yung pagkakasabi niya parang kaibigan ko. I never talk about it. ‘Yung mga empleyado ko hindi nila alam,” sey ni Red.
Sumikat si Red noong 1995 dahil sa teen-oriented series na TGIS: Thank God It’s Sabado ng GMA-7 at Viva Television. Kasabay niyang sumikat sina Angelu de Leon, Bobby Andrews, Onemig Bondoc, Mike Flores at Raven Villanueva. Lumabas din siya sa mga TV shows na Growing Up, Anna Karenina at Sana Ay Ikaw Na Nga. Ginawa rin niya ang mga pelikulang Takot Ka Ba Sa Dilim?, TGIS: The Movie, Where D’ Girls Are, Silaw, Laging Naroon Ka, It’s Cool Bulol at My Pledge of Love.
***
PAGKATAPOS ng limang taon, nalibing na ang ashes ng Hungarian-American actress and socialite na si Zsa Zsa Gabor sa Budapest, Hungary.
Pumanaw ang aktres noong December 16, 2016 dahil sa heart attack sa edad na 99.
Hinatid ng kanyang husband na si Frédéric Prinz von Anhalt ang three quarters ng ashes ni Gabor sa Budapest mula sa London.
“She was first-class, she had her own seat and she had her passport, everything there. It was her last trip, she always used to go first class, she had her champagne, caviar.
“And then we arrived in Budapest… That’s what she wanted and that’s what she had in her last will. She definitely wanted to be in Budapest because her father is buried here too,” sey ni Frederic sa Reuters.
Ang natitirang ashes ni Gabor ay mananatili sa Westwood Village Memorial Park in Los Angeles.
(RUEL MENDOZA)