• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 21st, 2021

Ads July 21, 2021

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pacquiao tuloy lang sa ensayo

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tuluy-tuloy lang ang puspusang training camp si People’s Champion Manny Pacquiao sa kabila ng mga isyung pulitikal nito sa Maynila.

 

 

Napaulat na tinanggal ito bilang pangulo ng Partido Demokratiko Pili­pino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) sa ginanap na national assembly ng partido noong Sabado ng gabi sa Clark, Pampanga.

 

 

Ipinalit sa kanyang puwesto si Energy Secretary Alfonso Cusi sa pamamagitan ng isang eleksiyon.

 

Subalit ayaw ni Pacquiao na magpaapekto sa isyu. Kaya naman tuloy lang sa kanyang training camp ang eight-division world champion sa Wild Card Gym sa Hollywood, California upang paghandaan ang laban nito kay Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) sa Las Vegas, Nevada.

 

 

Ilang videos at mga litrato ang ipinost ni Pacquiao sa kanyang social media account kung saan nag-situps pa ito sa harap ng kanyang mga fans kasabay ng pagtugtog ng isang banda.

Bumaba ang dami ng sasakyan sa Skyway 3 matapos simulan ang toll fee collection

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang mga motoristang dumadaan sa Skyway 3 ay bumaba ang bilang matapos simulan ang pangongolekta ng toll fee noong nakaraang Lunes.

 

 

“The number of motorists that passed through the elevated tollway reached a little over 60,000 on Monday, down from the average of 100,000 motorists during seven months of toll-free use,” wika ni CEO Manuel Bonoan.

 

 

Subalit positibo pa rin ang Skyway Operations and Maintenance Corp. na muling babalik ang dating dami ng mga motoristang gumamit tulad noong walang pang toll fee.

 

 

Ayon sa kanila babalik din ito lalo na kung ang ibang lansangan sa Metro Manila ay magiging congested na dahil sa inaasahang trapiko tulad ng bago pa ang pandemya.

 

 

“It takes time, but it will return. I am sure that our traffic will go back to the level of 100,000 until such time that the other routes become congested. They will go back because travel is much faster when you use the Skyway 3,” dagdag ni Bonoan.

 

 

Dahil sa Skyway 3, ang oras ng paglalakbay sa pagitan ng Makati at Northern Luzon Expressway ay tumatagal lamang ng 20 minuto habang ang oras ng paglalakbay mula sa Alabang papuntang NLEX ay 30 minuto na lamang.

 

 

Noong nakaraang Lunes ay nagkaron ng matinding trapiko na naranasan ng mga motorista malapit sa mga toll booths ng expressway at sa EDSA dahil ang ibang motorista ay hindi na dumaan sa Skyway 3 sapagkat simula na ng pangongolekta ng toll fee.

 

 

Ang pagsisikip ng trapiko ay dahil din sa ang ibang motorista ay gumamit ng maling brand ng RFID na dapat sana ay Autosweep habang ang iba naman ay dumaan ng walang sapat na load.

 

 

Samantala, nilabas ng Toll Regulatory Board (TRB), ang ahensiya sa ilalim ng Department of Transportation (DOTr), ang provisional toll rates para sa 18-kilometer na Skyway Stage 3 project sa ilalim ng San Miguel Corp. (SMC).

 

 

Noong nakaraang March, ang TRB ay pinayagan ang provisional toll rates para sa Class 1 vehicles ng P30 mula Sta. Mesa papuntang Ramon Magsaysay, P105 mula Buendia hanggang Sta.  Mesa, P129 sa Ramon Magsasay papuntang Balintawak, at P264 naman mula sa Buendia hanggang North Luzon Expressway (NLEX).

 

 

Ayon kay SMC president at chief operating officer Ramon Ang ang bagong toll matrix na ginawa at pinayagan ng TRB na ipatupad ay isinaalang-alang ang pandemya at iba pang epekto sa ekonomiya at mamayan ng bansa.

 

 

Ang Skyway 3 ay binigyan ng buong pondo mula sa SMC kung saan ito ay nagkakahaga ng humigit na P80 billion.

 

 

Ang Skyway 1 at 2 ay isang Skyway system na may 38-kilometer elevated expressway at may 36 on-and-off ramp access points na magpapabuti sa accessibility, transportation at traffic conditions sa buong Metro Manila. (LASACMAR)

US tennis star Coco Gauff hindi makakapaglaro sa Olympics matapos magpositibo sa COVID-19

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na makakapaglaro sa Tokyo Olympics si American tennis player Coco Gauff matapos na ito ay magpositibo sa COVID-19.

 

 

Ayon sa 17-anyos na US tennis player na labis ito ng nadismaya matapos na malaman na positibo ito sa nasabing virus.

 

 

Matagal aniya na pangarap niyang maglaro sa Olympics subalit hindi na ito matutuloy sa ngayon.

 

 

Binati na lamang nito ang Team USA at umaasang makapaghakot aniya ang mga ito ng maraming medalya.

 

 

Nauna rito inanunsiyo ng USA Basketball team na hindi makakapaglaro si Bradley Beal matapos na magpositibo sa COVID-19.

Pagbubukas ng klase sa Setyembre, tuluy na tuloy na- Sec. Roque

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-tuloy na ang pagbubukas ng klase para sa SY 2021-2022 sa darating na Setyembre 13, 2021.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito’y matapos aprubahan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang rekomendasyon ng Department of Education (DepEd) kaugnay sa nasabing school opening.

 

Ani Sec. Roque, maaari nang magsimula ng mas maaga ang mga klase sa private schools at non-DEPED public schools “provided” na walang face-to-face classes at ang mga nasabing paaralan ay istriktong ipatutupad ang distance learning modalities.

 

Sa kabilang dako, sinabi naman ng DepEd na magsisimula ang klase sa darating na Setyembre 13, 2021 para sa School Year 2021-2022. Ito ay ipinahayag ng DepE matapos na aprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang petsa mula sa mga pinagpiliang inirekomenda ni Education Secretary Leonor Briones.

 

“We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year,,” pahayag ng DepEd.

 

Ang kalendaryo ng paaralan para sa darating na taon ng pag-aaral ay ilalabas umano sa lalong madaling panahon. Tulad ng nakaraang taon, ang blended learning ay ipapatupad muli para sa SY 2021-2022 dahil sa pandemiya na dulot ng C0VID-19.

 

Sinabi naman ni DepEd Undersecretary Diosdado San Antonio na habang hinihintay nila ang magkahiwalay na pag-apruba para sa face-to-face classes ay patuloy naman naghahandang ang naturang departamento.

 

Ipinahayag din niya na magiging mas mataas ang antas ng edukasyon sa darating na pasukan.

 

“Mas mataas ang antas ng kahandaan natin ngayon,” pahayag niya. (Daris Jose)

ANGEL, inamin na tropa lang at hindi talaga nagka-crush kay NEIL; excited na sa pagbuo ng sariling pamilya

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DESISYON talaga ni Angel Locsin na mag-lie low muna sa kanyang showbiz career para naman mapaghandaan ang nalalapit na kasal nila ng film producer na si Neil Arce. 

 

 

Katatapos lang ng public service program niya na Iba Yan! sa Kapamilya Channel na umabot naman ng isang taon, kaya mas marami na siyang oras ngayon lalo na sa kanyang sarili.

 

 

Wala ngang kaduda-duda si Angel na natagpuan na niya ang ‘the one’ after ng failed relationships niya, dahil sobrang supportive sa kanya ang fiancee.

 

 

Sa guesting niya sa podcast ni Matteo Guidicelli na ‘MattRuns’ sinagot ito ni Angel.

 

 

“Si Neil din naman kasi he’s very supportive talaga. Iba kasi ‘yung partner, iba ‘yung lover. 

 

 

“‘Yung partner kasi alam mong hindi ka iiwan sa ere kahit anong mangyari. Napakasarap lang ng pakiramdam ng ganu’n.

 

 

Dagdag tsika pa niya, “nagpapalakad pa siya sa ibang girls. Tapos takbuhan ko siya everytime na broken hearted ako na maraming beses.

 

 

“So, lagi ko siyang kausap, kasi siya yun may sense na hindi ako bobolahin, dahil sasabihin talaga niya sa akin na deretso talaga.

 

 

“Nagkaroon siguro ako ng admiration as a friend, pero hindi ‘yun crush talaga, wala talagang ganun.

 

 

“Kasi parang kapatid ko eh, ganun ang dating sa akin. As in, tropa talaga.”

 

 

Nilinaw niya na lie low lang siya pero walang balak na tumigil dahil hahanap-hanapin niya lalo na ang umarte sa pelikula o teleserye.

 

 

Pero kailangan niyang gawin, “Gusto ko lang talagang ramdamin at i-absorb kung paano mag-prepare para sa isang married life.

 

 

Excited nga si Angel na magkaroon ng sariling pamilya at anak, isa o dalawa ay okey na sa kanya.

 

 

“Dati twins ang gusto ko pero nakita ko ‘yung mga kaibigan ko na may mga anak, parang hindi ko kaya na sabay.

 

 

“Kailangan nakatutok ka talaga. Kung mabigyan ako ng blessing ni Lord, go. Feeling ko stage mother ako,” pahayag pa ni Angel kay Matteo.

 

 

Nang tanungin kung payag ba siyang sundan ang pagiging artista niya, hindi naman daw niya hahadlangan ang magiging anak basta magtapos muna ng pag-aaral.

 

 

Katwiran pa ng aktres, “Kasi hindi ako graduate eh. Alam ko kung gaano kaimportante ‘yung pag-aaral. Alam kong may mga achievements ako pero iba pa rin talaga ‘yung may diploma ka.

 

 

Pwede mo iyon dalahin kahit nasaan ka. Hindi ‘yun mananakaw sa iyo.” 

 

 

May naibahagi rin si Angel sa mga pinagdaanan niya sa buhay, lalo na ‘yun pagiging breadwinner niya sa pamilya.

 

 

“Nakalimutan ko yun sarili ko,” sambit pa ng real life Darna.

 

 

“Siguro ako muna ngayon, ayusin ko muna ang sarili ko. Ayusin ko ang kasal ko, aayusin ko talaga ang lahat.”

 

 

Pag-amin pa niya, “Ang dami kong pagkakamali Matteo, pero okey lang yun.  Ang boring naman ng buhay mo kung wala kang natutunan sa life.”

 

 

Say pa ni Matt, “you are such an independent powerful woman. You stand up for a woman is.

 

 

“Were you always like this?

 

 

“Ako, pinalaki lang ako ng tatay ko na maging totoo ako sa sarili ko. ‘Wag na wag kang papayag na merong injustice na nangyayari sa paligid mo,” paliwanag pa ni Angel sa marami talagang pinaglalaban sa buhay.

(ROHN ROMULO)

Sotto hinihintay pa ng Gilas para makumpleto ang line up sa FIBA Asia Cup

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hinihintay pa ng Gilas Pilipinas si Kai Sotto para makumpleto na ang 20-man FIBA Asia Cup.

 

 

Sinabi ni Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) special assistant to the president Ryan Gregorio na si Sotto lamang ang hinhintay nila para makumpleto na ang line up sa sasabak sa FIBA Asia Cup sa darating na Agosto 16-28 sa Indonesia.

 

 

Kasalukuyang nakabakasyon kasi ang 7 foot 3 center kasama ang pamilya nito matapos ang 2021 Fiba Asia Cup qualifiers sa Clark at FIBA Olympics Qualifying Tournament sa Belgrade noong nakaraang buwan.

 

 

Makakasama nito sa line up sina Geo Chiu, Ange Kouame, Dwight Ramos, and Justine Baltazar, as well as Belgrade OQT peers Isaac Go, Mike Nieto, Jordan Heading, William Navarro, SJ Belangel, RJ Abarrientos, Carl Tamayo at ang mga nagbabalik na Gilas players na sina Tzaddy Rangel, Kemark Carino, Rey Suerte, Matt Nieto, Thirdy Ravena, Allyn Bulanadi, Dave Ildefonso at Jaydee Tungcab

Death toll sa PH dahil sa deadly virus lampas na 26,000

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit pa rin sa 5,000 ang panibago na namang naitalang bagong nadagdag na dinapuan ng virus sa Pilipinas.

 

 

Sa report ng Department of Health (DOH) nakapagtala sila ng 5,204 na mga karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

Mas mababa ito ng bahagya kumpara sa nakalipas na Linggo.

 

 

Dahil dito ang kabuuang bilang ng mga kaso na sa bansa mula noong nakalipas na taon ay nasa 1,478,061 na.

 

 

Gayunman merong walong laboratoryo ang bigong makapagsumite ng kanilang mga datos sa DOH.

 

 

Sa ngayon meron namang mga aktibong kaso ng COVID sa bansa nasa 49,128 o mga nagpapagaling pa.

 

 

Sa kabila nito marami naman ang bagong mga gumaling na nasa 5,811.

 

 

Kaya naman ang kabuuan ng mga nakarekober sa bansa ay nasa 1,402,918.

 

 

Samantala, nasa 100 namana ng mga bagong namatay.

 

 

Ang death toll ngayon sa bansa mula noong nakaraang taon ay nasa 26,015 na.

 

 

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.3% (49,128) ang aktibong kaso, 94.9% (1,402,918) na ang gumaling, at 1.76% (26,015) ang namatay,” ayon pa sa DOH statement.

SENATE BILL 2094: IBA ANG PUBLIC UTILITY sa PUBLIC SERVICE, at ang EPEKTO sa PUBLIC LAND TRANSPORTATION

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa mahabang panahon ang public land transport ay itinuturing na public utility business kaya naman ayon sa nationality restriction provision ng Saligang Batas ay dapat at least 60 percent ay pagaari ng mga Pilipino.

 

 

Ibig sabihin ay maaring pumasok sa public transport ang mga dayuhan basta hindi lalampas sa 40 percent ang kanilang pagaari. Kaya hindi totoo na bawal ang dayuhan pumasok, lamang lang dapat ang Pinoy sa ownership nito. Pero sa mga nagsusulong ng SB2094 o ang pag-amyenda ng Public Service Act ay tila handang isuko ng mga mambabatas nang buung-buo ang pagmamay-ari dito sa mga dayuhan nang hindi dumaan sa tamang paraan.  Ito ay paglapastangan sa Saligang Batas!

 

 

Simple ang legal strategy ng SB2094. Alisin ang public transport bilang public utility. Paano ginawa? Sa panukalang batas na ito, ang public utility ay tatlo na lang: distribution of electricity, transmission of electricity at water pipeline distribution system at sewerage pipeline systems.  Ang public transport at ang ibang dating itinuturing na public utility tulad ng telepono, telegraph broadcast at iba pa ay tatawagin nang public service at dahil hindi na public utility ang transport hindi na mag-a-apply ang nationality restriction ng Saligang batas sa land transport at iba pa.

 

 

Ang husay ng strategy!

 

 

Dahil mahirap mag-amyenda ng Konstitusyon ay magpapasa na lang ng ordinaryong batas na apektado ang Konstitusyon. Para maging public utility ang public service ay dadaan ka sa butas ng karayom sa dami ng ahensya na dadaanan at may mga mabibigat na criteria pa! Pero pag binasa mo ang mga nakasaad na criteria tulad ng ‘the service is of public consequence or needs to be regulated when the common good requires’ ay pasok ang public transport.

 

 

Bakit hindi na lang isinama ang public transport bilang public utility!  Ang sabi ng mga nagsusulong nito ay kailangan nilang i-lift ang nationality requirement para maka-enganyo ng foreign investments ang bansa na kailangan ng ekonomiya.

 

 

Ayon kasi sa UNCTAD ay buhat sa $6.6 billion dollars na direct foreign investment noong 2018 ay bumaba ito sa limang billiong dolyar na lamang ng 2019.

 

 

Pero ang nationality requirement LANG BA ANG DAHILAN BAKIT MATUMAL ANG PAGPASOK NG FOREIGN INVESTMENTS? Ipagpalagay na lang na walang nationality restriction sa mga industriyang ito, sigurado bang pasok ang dayuhan?

 

 

Ayon sa pag-aaral – isang dahilan lang ang nationality requurement. MAS NA tu- TURN OFF ang mga foreign investors sa talamak na korapsyon, inadequate structure, bureaucratic red tapes, high power cost, at iba pa na mas dapat bigyan ng solusyon ng gobyerno!

 

 

Kung meron pa rin nito aba ay maski anong probisyon ang baguhin sa Saligang Batas ay wala ring mangyayari.  At tunay kaya na mas gaganda ang serbisyo pag dayuhan ang nagpatakbo ng mga ganitong negosyo?  Ang nationality restrictions ay depensa ng mga small-and-medium businessmen para hindi sila lamunin ng mga higanteng dayuhang kapitalista.  Marahil sa mga industriya na bilyun-bilyon ang kailangan na kapital bakit hindi?  Pero sa mga tulad ng UV Express, bus, jeep, motorcycle-for-hire, delivery, taxi, tricycle at iba pa, hindi ba yun ang 60-40 na Filipino! Foreign ownership panatiliin na lang?  Sana ay makonsidera ito ng ating mga mambabatas.

Mas maraming supply ng oxygen kailangan para mapaghandaan ang posibleng Delta COVID-19 surge – Vergeire

Posted on: July 21st, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kailangan ng Pilipinas na madamihan ang supply ng oxygen para mas makapaghanda sakali mang magkaroon ng surge dahil sa Delta COVID-19 variant.

 

 

Nauna nang nagbabala ang DOH na posibleng magkaroon ng isa pang surge makalipas na magkaroon ng 11 local cases ng Delta variant sa Northern Mindanao, Metro Manila, Western Visayas, at Central Luzon.

 

 

Ayon kay DOH Undersecretary at spokesperson Maria Rosario Vergeire, matagal nang naghahanda ang kagawaran para sa isa pang surge makalipas na maiulat ang sa India ang Delta variant.

 

 

Ang naturang variant ay sinasabing mas nakakahawa at mas mataas din ang posibilidad na maisugod sa ospital ang tatamaan nito.  (Daris Jose)