Binuksan noong nakaraang Martes ng Department of Transportation (DOTr) ang P801.83 million na bicycle lane network sa Metro Manila na siyang huling bahagi ng 497-kilometer nationwide bike lane network na ginawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
“Today marks the end of the long wait of cyclists for safe and quality bike lanes here in Metro Manila because we are formally inaugurating the third leg of the completed 497 kilometers of bike lane networks in the country,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.
Ang Metro Manila bike lane network ay mayroon habang 313 kilometers na dumaan sa kahabaan ng siyam (9) na pangunahing lansangan at 12 lungsod.
Dahil tapos na ang pagtatayo ng mga bike lanes, ang mga cyclists ay mabibigyan ng mas ligtas na lugar sa lansangan habang sila ay nagbibisikleta papuntang trabaho at sa ibang lugar, ang wika ni Tugade.
Ayon kay Tugade, ang mga bike lanes ay ginamitan at nilagyan concrete delineators at flexible rubber bollards upang paghiwalahin ang mga cyclists sa mga sasakyan. Ginamitan din ito ng white at green pavement markings gamit ang thermoplastic paints, bollard bolted sa ibabaw, bike symbols at signages, solar-powered road studs, at bike racks.
Ang mga bike lanes ay mapapalawak ang paggamit ng road space sapagkat puwedeng magkasya ang 1,250 na cyclists kada oras para sa isang meter ng road space.
“The development of bike lanes in metropolitan cities aims to increase accessibility to key activity areas and fundamental facilities, significantly lessen carbon emission and promote road safety,” dagdag ni Tugade.
Magkakaron din ng tinatawag na South-NCR bike lanes. Ang mga ito ay ilalagay sa Las Pinas, Paranaque, at Muntinlupa upang pagdugtungin ang tatlong (3) nasabing lungsod sa existing bika lanes para magamit ng mga tao hindi lamang sa mga social activities kung hindi para na rin gamitin sa kanilang pagpasok sa trabaho at paguwi sa bahay.
Samantala, binuksan na rin ang 54.7-kilometer na Davao bike lane noong July 21 kung saan sinabi ni Tugade na ang mga cyclists sa Davao City ay makakasiguro na rin sila na magkakaron ng ligtas na lugar sa mga lansangan.
Kasama ito sa 497-kilometer na bike lane network sa Metro Manila, Davao City, at Metro Cebu. Natapos ang bike lane network sa Davao noong June 30 kung saan ito ay babagtas sa 14 na road sections sa Davao City.
Habang ang 129-kilometer na Metro Cebu bile lanes ay nagkaron ng inagurasyon na sinaksihang ng DOTr at DPWH noong July 16.
Lahat ng bike lane network ay binigyan ng pondong P145.371 million mula sa Bayanihan to Recover as One Act o ang tinatawag na Republic Act 1149.
“The DOTr will continue to promote cycling and other forms of active transportation, which are considered as sustainable modes of transport widely used in the most progressive cities in the world,” saad pa rin ni Tugade. (LASACMAR)