• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 4th, 2021

Pacquiao camp may kontra-demanda sa Paradigm Sports

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagsampa ng kontra demanda ang kampo ni eigth-division world champion Manny Pacquiao laban sa Paradigm Sports Management.

 

 

Ipinunto ng Pacquiao camp na hindi natupad ng Paradigm Sports ang mga ipinangako nito tulad ng mega fight laban kay Ultimate Fighting Championship star Conor McGregor at ilang endorsements.

 

 

Ayon sa pangako ng Paradigm Sports, Disyembre 2020 o Enero 2021 dapat ang laban nina Pacquiao at McGregor.

 

 

Subalit naudlot ito matapos utusan si McGregor ng pamunuan ng UFC na harapin si Dustin Poirier noong Enero 26, 2021 na nagkaroon pa ng rematch noong Hulyo 10, 2021.

 

 

Naglabas ng statement ang legal counsel ni Pacquiao na si Atty. Dale Kinsella kung saan inilahad nito ang ilan sa kontra-demanda ng Pinoy champion.

 

 

“Manny Pacquiao’s cross-complaint filed today reveals in detail the complete sham nature of Paradigm’s complaint. We look forward to exposing Paradigm’s conduct in front of a jury and recovering both general and punitive damages,” ani Kinsella.

 

 

Ipinaliwanag pa ni Kinsella na kung alam lamang ni Pacquiao na hindi matutuloy ang laban kay McGregor, hindi na nito tinuloy pa ang pagpirma ng kontrata sa Paradigm Sports.

 

 

Ang Paradigm Sports ang humahawak kay McGregor.

 

 

“Pacquiao’s primary motivation for signing with PSM was their purported ability to set a very lucrative ‘mega-fight’ between Pacquiao and PSM’s star client, McGregor,” nakasaad sa kontra-demanda.

 

 

Isinampa ng kampo ni Pacquiao ang demanda sa California state court.

 

 

Nasa kasagsagan ng training camp si Pacquiao para sa laban nito kay WBC at IBF welterweight champion Errol Spence Jr. sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila).

 

 

Sa demanda ng Paradigm Sports, nais nitong ipatigil ang Pacquiao-Spence fight dahil sa umano’y “breach of contract” ng Pinoy pug sa kanilang ahensiya.

Dagdag pondo sa mawawalan ng trabaho sa lockdown

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ng dagdag na pondo ang Department of Labor and Employment (DOLE) na gagamitin umano sa pagtulong sa mga ‘formal at informal workers’ sa Metro Manila na inaasahan na mapuputulan ng pagkakakitaan sa 14 na araw na enhanced community quarantine (ECQ).

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na may naiwan pang pondo ang Department of Budget and Management (DBM) at ang Office of the President sa kanilang tanggapan para sa mga mawawalan ng trabaho.

 

 

“Mas mabuti sanang dagdagan nila kasi we have to be very ready for any eventuality kung talagang matindi ang epekto nitong ECQ (enhanced community quarantine),” paliwanag ng kalihim.

 

 

Sinabi niya na pinag-uusapan na ng DOLE, Department of Trade and Industry, Department of Health at Department of Social Welfare (DSWD) kung anong uri ng tulong ang ibibigay sa mga apek­tadong manggagawa.

 

 

“Hindi lamang 15 days na mawawalan ng trabaho ’yung ating mga kababayang manggagawa, kundi simula rin ngayon… Ang kasunod niyan, gutom ang katumbas sa mga manggagawa natin,” giit pa ng kalihim.

 

 

Sa kasalukuyan, maaari pa ring maka-avail ang mga formal workers ng isang beses na cash assistance na P5,000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measure Program (CAMP), habang ang mga informal workers ay binibigyan ng trabaho sa ilalim ng TUPAD na may suweldo na katumbas ng ‘minimum wage’.

Public transportation, maaaring payagan sa panahon ng two week-ECQ-Padilla

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAAARING payagan pa rin ng pamahalaan ang public transportation sa panahon na ipinatutupad na ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila dahil sa vaccination program.

 

Sinabi ni National Task Force against COVID-19 spokesperson Restituto Padilla Jr. na target kasi ng Kalakhang Maynila na makapagbakuna ng 250,000 katao kada araw sa gitna ng pinahigpit na uri ng quarantine simula Agosto 6 hanggang 20.

 

“Hindi na hihigpitan siguro nang lubos sa transportation sector dahil isang anunsyo na nilabas ni (presidential spokesman) Secretary Roque kamakailan ‘yung pagpapatuloy ng vaccination. Maski tayo naghihigpit sa ECQ, increased ramp up ang pagbabakuna ng kababayan,” ayon kay Padilla.

 

Tugon ito ni Padilla sa tanong sa kanya kung opsyon ba ng NTF na babawasan ang bilang ng public transportation.

 

Dahil na rin sa mayroong “race against time” para sa pagbabakuna, sinabi ni Padilla na inaasahan nila na darating na sa bansa ang 16.5 milyong doses ng COVID-19 vaccines ngayong buwan ng Agosto.

 

“Sinusubukan dagdagan pa ito,” aniya pa rin.

 

Sa kasalukuyan, wala pa silang naipalalabas na guidelines para sa transportation sector  sa oras na maipatupad na ang ECQ.

 

Nauna rito, ipinanukala na ng transportation sector sa pamahalaan na panatilihin ang kasalukuyang public transportation supply sa panahon ng two-week ECQ.

 

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng Delta variant COVID-19 cases, nagdesisyon ang pamahalaan na muling ipatupad ang ECQ, “strictest quarantine status,” na napagkayarian matapos na umapela ang Metro Manila Council para sa “stricter measures’ sa Kalakhang Maynila. (Daris Jose)

Ads August 4, 2021

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ARJO, mukhang tuloy na tuloy na ang pagpasok sa pulitika; nagparamdam na sa District 1 ng QC

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY nakita kaming litrato ng isang sasakyan na may pangalan ni Arjo Atayde.

 

 

May nakasulat din na pangalan ng isang konsehal sa isang parte ng sasakyan.

 

 

Does this mean na tatakbo sa election ang award-winning actor na anak nina Sylvia Sanchez at Art Atayde?

 

 

As of now ay tahimik ang kampo ni Arjo sa bagay na ito. Pero siyempre din mo maiiwasan mag-isip na he is probably running for an elected position next yesr.

 

 

Para kasi service vehicle ang dating ng sasakyan that was posted sa Facebook. Tapos may slogan pa na ‘Aksyon Agad.’ (Nag-donate siya ng service vehicles sa District 1 ng Quezon City – Ed)

 

 

Kaya maghihintay na lang muna kami for further details kung may balak na tumakbo sa 2022 si Arjo.

 

 

Sa October pa naman ang deadline ng filing ng certificate of candidacy ng mga nagnanais tumakbo.

 

 

***

MAY love scene sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas sa Gameboys The Movie pero it was tastefully done.

 

 

Sabi ni Direk Perci Intalan, they decided to put a love scene kasi ayaw naman nila i-limit ang kwento at ang progression ng character.

 

 

“Matagal na kasi hindi nagkita sina Gavreel at Cairo kaya meron na silang sexual tension. Deserve naman nila iyon dahil sa pinagdaanan nila during the pandemic. Besides, ‘yung sex is the manifestation of their love for each other,” paliwanag ni Direk Perci kung bakit may love scene na ang dalawang bida.

 

 

Sabi naman ni Kokoy, “Magkaiba kasi kami mag-express nang love namin sa isa’t-isa ni Elijah kasi sinusundan namin yung development ng characters namin. Yes, maraming kilig moments sa movie.”

 

 

“That is how the team takes care of our characters. Ano ba ang deserve ng characters based sa takbo ng kwento? Parang nag-level up na ‘yung characters naming. Sa una, pure, bliss, nandoon ang kilig pero siyempre nandoon din ang pagmamahal.”

 

 

Ready for viewing na ang Gameboys The Movie via KTX.ph at Ticket2Me. Ayon sa The IdeaFirst, fastesy-selling ang ticket ng Gameboys.

 

 

***

DAHIL magpapatupad na naman ng ECQ bunsod ng Delta Variant ng Covid, suspended na naman ang trabaho sa showbiz.

 

 

Bawal na naman ang mga tapings at shootings simula August 6 to 20. Gutom na naman ang aabutin ng mga tao, hindi lang sa mga taga-showbiz kundi even outside showbiz dahil walang trabaho.

 

 

Hindi naman magbibigay ng ayuda dahil tila iniipit ng gobyerno ang para sa ayuda. Aba, kung magdedeklara sila ng lockdown, dapat magbigay ang gobyerno ng cash at food ayuda sa apektado ng ECQ.

 

 

Suwerte yung mga programs a na in the can ay hindi na mahihirapan maghigpit man ang lockdown kasi ayos na sila.

 

 

Balik na ang showbiz sa mga zoom presscons dahil bawal muli ang face-to-face gatherings.

 

 

Sa mga daily wage earners, problem naman nila ang pang-araw-araw na gastusin. Mahirap humanap ng pera kung wala kang trabaho.

 

 

Masuwerte ang mga artista na may regular shows dahil may sweldo pa rin silang matatanggap kahit na lockdown.

 

 

Pero kung naging maayos sana ang response ng gobyerno sa laban versus Covid-19 at ang Delta variant nito, hindi sana natin problema kung magkaroon man ng lockdown.

 

 

Sana may ayuda at yung pamimigay ay hindi pinipili kung sino ang makatatanggap.

(RICKY CALDERON)

SHARON, nakabalik na at inamin na may matinding pinagdaraanan kaya humihiling na ipagdasal

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

AFTER two months na vacation sa Amerika, nakabalik na ng bansa si Megastar Sharon Cuneta.

 

 

First day of August siya dumating at ngayon ay sumasailalim pa sa mandatory 10-day quarantine sa isang bonggang hotel.

 

 

Sa kanyang Instagram post, “Arrived back home in Manila very quietly at 4 something in the morning on August 1. Am now in my 10-day quarantine. Same building as our home, but in the other half where the hotel is. I cannot even see high up to our balcony where I wished yesterday that I would be able to even just see my babies and Kiko waving at me.

 

 

Pero kahit safe na safe na nakabalik ng bansa si Mega, ‘di niya itinago na merong matinding pinagdadaanan at hinihiling niya na patuloy siyang ipagdasal.

 

 

Ayon sa kanya, “Going through so much so please pray for me. Kahit talaga anong tino ng pamumuhay mo, magkakaroon ka pa rin ng problema. Pero mabait ang Panginoon and He has never let me down, and so I have lifted everything up to Him and I trust in Him completely. Lilipas din lahat ito! 

 

 

Ibinahagi rin niya sa latest IG post ang welcome banners na ginawa ng kanyang mga anak, pati na ang bouquet of roses na may sweet note na binigay ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan. 

 

 

Itong nasa pictures na ito po ang sumalubong sa akin pagpasok ko sa hotel room ko pagdating ko from the airport! Pampasaya talaga ng puso. I’m home everyone! I’ve missed you all and am gonna get back to work soon,” pagpapatuloy pa ni Mega.

 

 

Panghuli, ‘di niya nakalimutang i-promote ang comeback movie niya sa Viva Films na mapapanood sa Vivamax, mula sa panulat at direksyon ni Darryl Yap.  

 

 

Pagtatapos pa ni Sharon sa kanyang post, Excited na po ba kayo sa “Revirginized?!!!” Ako super! August 6 na po! Love you all and God bless all of us.”

 

 

***

 

 

MAHALAGA ang kalusugan ng pag-iisip kaya ito ang dahilan kung bakit pinili ng KonsultaMD si Kylie Verzosa, Miss International 2016 at tagapagtatag ng Mental Health Matters (MHM), bilang kampeon nito para sa mental health.

 

 

Nais ng dalawang panig na magbigay ng suporta sa kalusugan ng kaisipan at kamalayan sa mas maraming mga Pilipino. Normal lang na makaramdam ng hirap at kalungkutan lalo na kapag nahaharap sa matinding hamon tulad ng isang pandemya. Gayunpaman, sa tulong ng mga kaibigan, kasamahan at kapareha tulad ng MHM at KonsultaMD, hindi kinakailangang labanan ang mga ito nang mag-isa.

 

 

Itinatag noong 2017, nilalayon ng MHM na itaas ang kamalayan at alisin ang hindi magandang pagtingin na nakapalibot sa mental health at mental illness sa pamamagitan ng pagtuturo sa mga magulang, paaralan, at kumpanya. Ang samahan ay laganap na sa buong Pilipinas.

 

 

  Ang mga nangangailangan ng suporta ay maaaring makatanggap ng LIBRENG konsulta sa loob ng isang buwan sa pamamagitan ng pag-download ng KonsultaMD app at paglalagay ng “KMDKylie” bilang voucher code, at pagpindot sa “2” para sa mental health assistance kapag tumatawag sa hotline ng KonsultaMD.

 

 

  “Ang depresyon ay isang karamdaman na kailangang gamutin.  Alam kong kailangan nito ang matinding pagsisikap. Kailangan nito ng will power. Mahirap pero kailangan mong ibangon ang iyong sarili mula sa kama; one day at a time. Maaaring ang pagsisipilyo at pagligo ay maliit na bagay lang pero isa na itong tagumpay,” ayon kay Verzosa.

 

 

“Ang pagkakaroon ng access sa telehealth para sa mental wellness ay mahalaga lalo na ngayon. Tulay ang telehealth para maserbisyuhan ang mga liblib na lugar kung saan walang mga nakatira o naka destinong doktor.

 

 

Sa pamamagitan ng KonsultaMD, maaari kang kumunsulta sa doktor anumang oras, kahit saan sa pamamagitan ng voice o video, sabi ni Cholo Tagaysay, KonsultaMD Chief Executive Officer.

 

 

Ang KonsultaMD ay isang serbisyo sa telemedicine na bukas 24/7.  Ito ay nasa ilalim ng 917Ventures, ang pinakamalaking corporate venture builder sa bansa at buong-pagmamay-ari ng Globe. Pinamamahalaan ito ng mga lisensyadong doktor na nagbibigay ng pangangalaga ng kalusugan, suporta sa mental wellness, at mga serbisyong pangkaisipan at sikolohikal.

 

 

Ito ay sa pamamagitan ng mga voice calls o video na pwedeng gawin anumang oras at kahit saan. Nag-aalok din ang app ng mga e-prescription, kahilingan sa e-laboratory, at e-medical certificate.

 

 

Para sa karagdagang kaalaman tungkol sa KonsultaMD, bisitahin ang https://www.konsulta.md/

(ROHN ROMULO)

Unang cash incentive, natanggap na ni Hidilyn mula sa MVP Foundation

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng MVP Sports Foundation (MVPSF) chairman na si Manny V. Pangilinan na naideposito na nila sa account ni Hidilyn Diaz ang P10 milyon na cash incentive.

 

 

Ito ang pangakong financial reward ng MVP Foundation para sa Olympic gold medalist

 

 

Lubos naman ang pasasalamat ng 30-anyos na Pinay weightlifter sa unang regalo na kaniyang natanggap mula kay Pangilinan.

 

 

Ayon sa “golden girl,” malaking bagay ang nasabing halaga dahil sa dami ng kaniyang mga pinagdaanan noong nakaraang mga taon.

 

 

Sa panig naman ni Pangilinan, sasagutin niya ang pagbiyahe ng pamilya ni Hidilyn patungo sa Maynila mula sa Zamboanga para agad na nitong makapiling ang mga ito.

 

 

Magugunitang isa lamang si Pangilinan sa mga magbibigay ng cash incentives kay Diaz kasunod ng tagumpay sa Tokyo Olympics.

 

 

Bukod pa ito sa nakasaad sa batas na lahat ng mga atletang magwawagi ng medalya sa anumang international sporting events ay gagawaran ng monetary reward.

PNP todo-bantay sa mga pasaway sa ECQ

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Todo higpit ang isasa­gawang pagbabantay ng Philippine National Police (PNP) laban sa mga pasaway na indibidual na lalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) na epektibong ipatutupad sa darating na Agosto 6-20 sa buong Metro Manila upang mapigilan ang pagkalat ng bagong COVID-19 Delta variant.

 

 

Ayon kay PNP Chief P/Gen. Guillermo Eleazar, nakasaad sa Omnibus Guidelines na dati ng ipinalabas ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang paghihigpit ng restriksyon sa bawat quarantine status.

 

 

“I have already instruc-ted the RD, NCRPO, MGen Vicente Danao, Jr., to make sure that all the quarantine restrictions that have been implemented before, inclu-ding the deployment of appropriate number of PNP personnel and the coordination with Local Government Units for force multipliers, will be in place during that period”, pahayag ni Eleazar.

 

 

“Hindi na bago ang mga quarantine restrictions sa amin kaya tiwala ako na maayos na maipapatupad ito ng ating mga kapulisan.

 

 

Sinabi ni Eleazar na sa ilalim ng ECQ  o pinakamahigpit na antas ng lockdown ay tanging mga APOR (Authorized Persons Outside Residence) ang papayagang lumabas ng kanilang mga tahanan, medical health workers at essential workers.

 

 

Samantalang tanging ang mga essential establishments, mga industriya ang papayagan na magkaroon ng operation sa ilalim ng lockdown.

 

 

Ayon kay Eleazar mahigpit na babantayan ng mga operatiba ng pulisya ang galaw ng mga non-essentials na dapat ay nasa loob lamang ng kanilang mga ta-hanan sa panahon ng ECQ.

 

 

Sinabi ni Eleazar magla-lagay rin ng mga checkpoint sa mga border control sa bawat  siyudad at bayan sa Metro Manila bilang bahagi ng paghihigpit sa mga interzonal travel.

 

 

Inihayag naman ni Eleazar na ang maari lamang tumawid ng mga siyudad o lumabas at pumasok sa Metro Manila ay mga APR pero dapat ay may kinalaman ito sa trabaho at kaila-ngan lamang magpakita ng company ID o certificate of employment sa mga checkpoint. (Daris Jose)

BEA, gusto sanang makatrabaho si ALDEN sa teleserye dahil ‘di pa matutuloy ang movie pero malabong mangyari

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PABALIK na ng bansa ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo, kasama ang boyfriend na si Dominique Roque at back to work na raw siya. 

 

 

Balitang may teleserye siyang gagawin sa GMA Network, at totoo kayang si Alden Richards ang gusto niyang makatrabaho dahil malabo pa raw ang movie na dapat nilang pagtatambalan dahil gusto ng mga producers, gagawin nila ito kung maipapalabas na ito sa mga sinehan.

 

 

Hanggang sa ngayon ay wala pang kasiguruhan kung kailan muling mabubuksan ang mga movie theaters dahil sa pandemic.

 

 

  Pero malabo raw na si Alden ang makatambal niya, dahil sa ngayon ay patuloy pa rin ang lock-in taping nina Alden ng The World Between Us at kung hindi rin kami nagkakamali, one teleserye a year lamang ang gagawin ni Alden sa GMA.

 

 

***

 

 

NAKAHANDA nang magbiyahe abroad si Kapuso Drama King Dennis Trillo, ngayong tapos na tapos na ang taping nila ng gabi-gabing sinusubaybayan sa GMA Telebabad, ang cultural drama series na Legal Wives. 

 

 

Kaya siniguro na niyang dadalo siya sa coming 78th Venice Film Festival na gaganapin sa Venice, Italy, simula sa September 1 hanggang September 11.  In competition ang movie niyang On The Job: The Missing 8 ng Reality Entertainment, Inc.

 

 

  Nasa panahon pa tayo ng pandemic at mas mahigpit ang pagbibiyahe, pero handa raw silang sumunod sa health protocols sa pag-alis at pagbalik nila ng bansa.

 

 

  “Inaayos na namin ang schedule sa pagpunta sa Venice,” sabi ni Dennis.

 

 

“Sanay na rin kasi akong bumiyahe ngayong panahong ito, fully vaccinated na rin po ako at sumusunod ako sa mandatory quarantine.”

 

 

Ang On The Job: The Missing 8, ay sequel ng On The Job na ipinalabas na sa mga sinehan in 2013. Masaya rin si Dennis na sa month of September, ipalalabas sa HBO ang movie in six-part series at isa raw malaking karangalan iyon sa kanya.

 

 

    Hindi umaasa si Dennis na ma-nominate siya.  Sapat na raw sa kanya na maka-attend ng festival at makita nang personal ang mga idolo niya at mapansin ang trabaho niya at ng Reality Entertainment.

 

 

    ***

 

 

   SUPORTADO ang new Kapuso star na si Claire Castro ng parents niyang sina Diego Castro at Raven Villanueva, former Kapuso stars din, sa daring role na ginagampanan niya sa bagong GMA Afternoon Prime na Nagbabagang Luha, na kasama niya sina Glaiza de Castro at Rayver Cruz. 

 

Sa world premiere last Monday, August 2, nagpaka-daring na agad si Claire sa role na dating ginampanan ni Alice Dixson.

 

 

   Sa interview kay Claire para sa serye, inamin niyang comfortable naman siya sa role na ibinigay sa kanya dahil gusto niyang ma-challenge sa very daring at sexy role na ibinigay sa kanya, kasi very opposite si Claire sa character ni Cielo sa story.

 

 

   Kuwento pa ni Claire, na-starstruck siya sa director-actress na si Ms. Gina Alajar. 

 

 

“Happy rin po ako na madali kong nakakausap ang mga co-stars ko at nahihingan ko sila ng advice, si Glaiza, parang tunay kong ate, at madalas na magkaeksena kaya gina-guide po niya ako kung medyo mahirap ang kinukunan sa amin.”

 

 

  Proud daw naman ang parents niya sa pagsisikap niyang masundan ang mga yapak nila. Matatandaang unang napanood sina Diego at Raven sa T.G.I.S. noong 90’s

 

 

   Matagal-tagal na raw hindi nakakausap ni Claire ang parents niya dahil pare-pareho silang busy at nag-lock-in taping pa nga siya.

 

 

  Ang Nagbabagang Luha ay napapanood Mondays to Saturdays after ng Eat Bulaga sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

NAVOTAS SCHOLARS TUMANGGAP NG ALLOWANCE

Posted on: August 4th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TUMANGGAP ang academic scholars ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ng kanilang allowance para sa March hanggang June 2021.

 

 

Nasa 62 beneficiaries ng NavotaAs Academic Scholarship ang nakatanggap ng P4,000-P20,800 educational assistance. 55 dito ang high school students, dalawa ang college, at lima ang teachers.

 

 

“Metro Manila will be under Enhanced Community Quarantine starting August 6. We hope the amount they received will help tide their families over the next two weeks,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

“This school year has been tough to our students and teachers, and we are grateful to our scholars for pushing through the hardships. While we cannot yet see the end of this pandemic, we will continue to persevere and do our utmost to keep Navoteños safe,” dagdag niya.

 

 

Ang High school academic scholars ay tumatanggap ng P18,000 bawat academic year para sa libro, transportation at food allowance.

 

 

Ang Navotas Polytechnic scholars naman ay tumatanggap ng P22,000 bawat academic year para sa tuition, mga libro, transportation at food. Ang Scholars ng ibang colleges o universities ay nakatanggap pareho ng P262,000.

 

 

Habang ang teacher scholars ay tumatanggap ng P75,000 bawat academic year para sa kanilang tuition; libro, transportation, food allowance; at research grant. (Richard Mesa)