• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 14th, 2021

6 Para athletes lalaban sa gold

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ipinangako ng anim na miyembro ng Team Philippines na ibibigay ang lahat ng kanilang makakaya para makamit ang kauna-unahang gold medal sa Paralympic Games.

 

 

Sasabak sina powerlifter Achelle Guion (powerlifting), taekwondo jin Allain Ganapin (taekwondo), Jerrold Mangliwan at Jeanette Aceveda (athletics), Ernie Gawilan at Gary Bejino (swimming) sa Paralympics sa Tokyo, Japan sa Agosto 24 hanggang Set­yembre 5.

 

 

“Talagang ibibigay po namin ang lahat ng aming makakaya,” sabi ni Mangliwan, tatayong flag bearer sa opening ceremony, kahapon sa People Sports Conversations program ng Philippine Sports Commission (PSC).

 

 

Nakatakdang bumiyahe ang national paralympics team sa Agosto 22 sa paglahok sa sporting event para sa mga differently-abled athletes.

 

 

Si Pinay powerlifter Adeline Dumapong ang unang nagbigay sa bansa ng Paralympic medal matapos angkinin ang bronze medal sa women’s 82.5kg. class noong 2000 edition sa Sydney, Australia.

 

 

Hindi pa nanalo ng gold medal ang bansa sa Paralympics mula nang su­mali noong 1988 sa Seoul, South Korea.

 

 

Para lalo pang bigyan ng motibasyon ang anim na Paralympians ay nagbigay ang PSC sa kanila ng tig-P150,000 bilang travel allowance.

 

 

Bukod sa cash incentives sa PSC ay nangako rin si MVP Sports Foundation (MVPSF) chairman Manny V. Pangilinan na magbibigay ng P5 mil­yon para sa Paralympic gold, P2 milyon sa silver at P500,000 sa bronze.

Hawaan ng COVID-19 sa Pinas bumilis

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pumalo sa 1.41 ang reproduction number ng COVID-19 sa bansa o ang bilis ng hawahan ng virus dulot ng mataas na banta ng Delta variant.

 

 

Ayon sa OCTA Research Group, nitong August 12, ang reproduction number ay pu­malo sa 1.41 at umaabot naman sa 1.76 sa Metro Manila.

 

 

Noong August 10 ay 1.33 samantalang sa Metro Manila ay 1.79 o may bahagyang pagbaba sa kalakhang Maynila.

 

 

Sa QC ay nakapagtala ng bagong kaso ng virus na 467 mula August 5 hanggang 11, sinundan ito ng Maynila, 304 cases; Cebu City, 275; Makati, 195 at Davao City, 175.

 

 

Ang MM ay nasa ila­lim ng ECQ mula August 6-20 at pinag-aaralan na ng Department of Health kung ie-extend.

 

 

Ang ibang lugar na nasa ECQ ay ang Laguna, Cagayan de Oro, at Iloilo City mula August 6-15; Bataan mula August 8-22 at Tuguegarao ay August 12-21.

3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa.

 

 

 

Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina  Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho Sunggye, 56 na inaresto sa kanilang tinutuluyan sa isang subdibisyon sa angeles City, Pampanga.

 

 

 

Sa report nagsagawa ng operation ang mga operatiba ng FSU  upang isilbi ang isang g deportation warrant laban kay Hans dahil sa pagiging wanted sa illegal na droga sa kanilang bansa.

 

 

 

Pero nadatnan din ng FSU sina Yang at Cho sa loob na nang beripikahin sa South Koreans authorities, si Yang ay wanted din sa panloloko sa kanilang bansa

 

 

 

Nabatid na nakapag-isyu ng arrest warrant sa korte ng Korean laban kay Han noong Augut 23, 2018 dahil sapaglabag sanarcotic controlmact.

 

 

 

Samantala si Yang ay may nakabinbin na arrest warrant laban sa kanya na inisyu ng Seoul district court base sa kasong isinampa sa kanya sa paglabag sa panloloko.

 

 

 

Si Cho naman ay wanted ng BI dahil sa kanyang pagiging overstaying at undocumented allied.

 

 

 

Ang tatlo ay kasalukuyang nakakulong sa BI warden facility sa  Camp Bagong Diwa, Taguig City. GENE ADSUARA

Marcial may dalawang misyon

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Dalawa ang tatargetin ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial sa kanyang susunod na pagsalang sa boksing.

 

 

Ito ay ang makuha ang gintong medalya sa 2024 Paris Olympics at maging world champion sa middleweight division.

 

 

Ayon kay Marcial, hindi madali ang daang tatahakin nito. Subait handa ang Pinoy pug na magsakripisyo at gawin ang lahat upang makamit ang tagumpay na ito.

 

 

“Kailangan pa na pagbutihin sa training namin para maabot yung mga pangarap namin. Nasa puso na namin na gusto talaga naming makuha ang gold medal,” ani Marcial.

 

 

Nais nitong gawing ins­pirasyon ang naging karanasan ni Tokyo Olympics gold medalist Hidilyn Diaz na dumaan sa matinding pagsubok bago maabot ang inaasam na gintong medalya.

 

 

Apat na Olympic Games ang pinagdaanan ni Diaz bago makuha ang ginto — una noong 2008 sa Beijing, China kasunod ang 2012 London Olympics bago masiguro ang pilak sa 2016 Rio Olympics at ang ginto sa Tokyo Games.

 

 

Maliban sa Olympic gold, hangad din ni Marcial na makuha ang world title sa professional boxing.

 

 

Matapos ang Tokyo Olympics, nakaabang na ang professional boxing career nito kasama ang MP Promotions.

41-yr. old Udonis Haslem kukunin uli ng Miami kahit ‘di ‘naglalaro’

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kukunin pa rin umano bilang miyembro ng Miami Heat ang isa nilang iconic personality na si Udonis Haslem kahit hindi na ito gaanong pinalalaro.

 

 

Ang 41-anyos na si Haslem ay kinuha pa ng koponan para sa isang taon na kontrata sa halagang $2.6 million.

 

 

Kung maalala sa halos buong NBA career ay iniukol ito ni Haslem sa Miami.

 

 

Gayunman sa nakalipas na anim na season, dalawang games lamang siya na pinalaro bilang starter.

 

 

At noong nakaraang season, isang beses lamang siyang nakalaro na tumagal lamang ng tatlong minuto at na-eject pa siya.

 

 

Sinasabing mahalaga umano ang ginagampanang papel ni Haslem na tulad ng isang coach at nagbibigay ng inspirasyon sa mga players.

 

 

Ang 2021-22 NBA season ang siyang magiging 19th season ni Haslem sa Heat.

 

 

Inabot na rin siya noon sa pagiging bahagi ng tatlong NBA championships.

Pacquiao bumubuo na ng game plan kontra Ugas

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bumubuo na ng ba­gong game plan ang kampo ni People’s Champion Manny Pacquiao para sa laban nito kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas.

 

 

Nabago ang kalaban ni Pacquiao matapos matuklasang may eye injury si World Boxing Council at International Boxing Fe­deration titlist Errol Spence Jr. sa prefight medical exa­mination.

 

 

Sumailalim agad sa eye surgery si Spence kahapon sa Amerika.

 

 

Dahil sa mga pagbabago, gumagawa na rin ng solidong plano ang Team Pacquiao para kay Ugas kabilang na ang panonood sa mga nakalipas na laban nito.

 

 

Magtutuos sina Pacquiao at Ugas sa Agosto 21 (Agosto 22 sa Maynila) kaya’t may halos dalawang linggo pa ang tropa ng Pinoy champ para makabuo ng game plan.

 

 

Isa na rito ang pagpapalit ng sparring partners. Kaliwete ang mga naunang sparring partners ni Pacquiao dahil kaliwete si Spence.

 

 

Sumalang agad si Pacquiao sa walong rounds ng sparring sessions kaharap ang tatlong right-handed boxers.

 

 

Sa mahigit dalawang dekada sa boxing, sanay na si Pacquiao sa mga ganitong uri ng biglaang pagbabago kaya’t hindi na mahirap para sa kanya ang adjustments.

 

 

Hindi ganun kaning­ning ang pangalan ni Ugas kumpara kay Spence su­balit walang balak magpa­kampante si Pacquiao.

 

 

At handa itong bigyan ng magandang palabas ang mga boxing fans.

3 timbog sa P1 milyon shabu sa Caloocan at Valenzuela

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT sa P1 milyon halaga ng illegal na droga ang nasamsam ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalang drug pushers matapos maaresto sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, ang pagkakaaresto kay Jonell Chavez alyas “Kokoy”, 50, (pusher) ay resulta ng isang linggong validation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDE) matapos ang natanggap na impormasyon mula isang impormante hinggil sa umano’y illegal drug activity ng suspek.

 

 

Dakong alas-12:20 ng Biyernes ng madaling araw nang isagawa ng mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni PMAJ Deo Cabildo, kasama ang mga tauhan ng 6th MFC RMFB-NCRPO sa pangunguna ni PMAJ Vilmer Miralles ang buy-bust operation malapit sa bahay ng suspek sa Phase 6, Purok 3, Camarin, Brgy. 178, na nagresulta sa pagkakaaresto sa kanya.

 

 

Narekober kay Chavez ang humigit-kumulang sa 45 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P306,000.00, buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 7 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Nauna rito, dakong alas-9 ng Huwebes ng gabi nang maaresto din ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit ng Northern Police District (DDEU-NPD) sa pangunguna ni PMAJ Amor Cerillo sa ilalim ng pangangasiwa ni PLTCOL Renato Castillo sa buy-bust operation sa Bagong Sibol, Purok 4, Brgy. Mapulang Lupa, Valenzuela City si Danny Beltran, 21, at Paulo Rejuso, 27, kapwa (watchlisted).

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang humigit-kumulang sa P105 grams ng hinihinalang shabu may standard drug price P714,000.00, nasa 60 grams ng hinihinalang marijuana na may standard drug price P7,200, digital weighing scale, itima na belt bag, at buy bust money na isang P1,000 bill at 6 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni NPD Director PBGEN Jose Hildalgo Jr, ang mga operatiba ng DDEU-NPD at Caloocan police SDEU dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska sa naturang illegal na mga droga. (Richard Mesa)

NBA star JR Smith desididong maglaro ng golf

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith.

 

 

Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North Carolina A&T State University para makasali sa golf team ng koponan.

 

 

Desididong sumabak sa larong golf si two-time NBA champion JR Smith.

 

 

Ito ay matapos na nag-enrolled siya sa North Carolina A&T State University para makasali sa golf team ng koponan.

 

Kasalukuyan kasi ay nag-aaral siya ng degree sa liberal studies na magsisimula ang klase sa Agosto 18.

 

 

Hindi kasi nakapag-kolehiyo si Smith dahil matapos ang high school ay naglaro agad ito sa NBA noong 2004.

 

 

Makailang beses na rin nakitang naglalaro ng golf sa PGA tour ang NBA star.

 

 

Hindi kasi pinagbabawal sa US ang pagkakaroon ng magkakaibang sports kaya desidido itong

PNP may 3 kumpirmadong kaso na ng Covid-19 Delta variant – ASCOTF

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng pamunuan ng PNP Administrative Support For Covid-19 Task Force na mayroon ng tatlong kaso ng Covid-19 Delta variant na naitala sa kanilang hanay.

 

 

Ayon kay PNP, The Deputy Chief for Administration (TDCA) at ASCOTF Commander Lt. Gen. Joselito Vera Cruz , ang tatlong police personnel na kumpirmadong nahawahan ng Covid-19 Delta variant ay mga personnel mula sa PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP).

 

 

Nagpositibo sa Covid-19 virus ang tatlong pulis nuong buwan ng July at agad isinailalim sa 14 day quarantine ang mga ito.

 

 

Subalit lumabas ang genome sequencing result ng tatlong pulis ngayong buwan lamang ng Agosto,dahilan para sila ay inatasang sumailalim muli sa RT PCR test .

 

 

Sinabi ni Vera Cruz, batay sa resulta sa isinagawang swab test isa sa tatlong pulis ang nagpositibo muli sa Covid-19 virus at kasalukuyang admitted sa isang LGU facility.

 

 

Habang ang isa ay nag negatibo sa swab test at kasakuluyang naka home quarantine at sumailalim sa RT-PCR test ngayong araw August 12,2021.

 

 

Ang isa pang pulis ay naghihintay ng kaniyang RT PCR test result at kasalukuyang naka home quarantine.

 

 

” So far we have 3 confirmed Delta variant cases. They were tested covid positive last July and had finished their 14day isolation. However, results of their genome sequencing were only released this August kaya they were directed to immediately undergo Rtpcr test again by DOH. Unfortunely, 1 was tested positive again and now admitted in an LGU isolation facility while another 1 was tested negative but is still on home quarantine for reswabbing on August 12. The other 1 is still awaiting result of his Rtpcr and also on home quarantine,” mensahe na ipinadala ni Lt Gen. Vera Cruz sa Bombo Radyo.

 

 

Kinumupirma din ng heneral na patuloy ang pagtaas ng Covid-19 active cases sa kanilang hanay kung saan sumampa na ito sa 1,868 as of August 12,2021.

 

 

Sa nasabing bilang 1,491 dito ay mula sa mga Police regional offices, 12.4% o 224 dito ay mula sa National Operational Support Units (NOSUs), 70 mula sa National Administrative Units (NASU) at 63 sa National Headquarters (NHQ).

 

 

” Actually ECQ man o hindi or regardless of the quarantine status, minomonitor natin mga new cases natin on a daily basis as reflected sa PNP CODA or Covid Data. Based on our data, madami talaga nai-infect sa mga units performing operational functions especially sa PROs & NOSUs,” dagdag pa ni Vera Cruz.

 

 

Nitong Martes August 10,2021, ininspeksyon nina PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar at Lt. Gen. Vera Cruz ang mga quarantine facilities ng PNP at swabbing facilities sa Camp Crame, PICC, MOA at ULTRA.

 

 

Sinabi ni Vera Cruz, sa kabila ng pagsirit muli ng Covid-19 cases sa kanilang hanay, hindi pa rin puno ang kanilang bed capacity lalo na sa Camp Crame.

 

 

Batay sa datos ng ASCOTF at PNP Health Service nasa 35% ngayon ang occupancy rate sa Camp Crame, 21% sa NCRPO, 61% sa ULTRA at 45% sa PICC.

 

 

” Ok naman readiness ng mga Quarantine Facility/Swabbing Facility natin Anne though tumataas talaga new cases,” wika ng Heneral.

 

 

Patuloy namang pina-alalahanan ni Lt. Gen. Vera Cruz ang mga kapulisan na striktong sundin ang minimum public health standard (MPHS), doblehin ang pag-iingat para maproteksiyunan ang sarili lalo na at may kumpirmadong kaso na ng Delta variant sa PNP.

 

 

Ang Delta variant ng Covid-19 ay 60% highly transmissible kumpara sa iba pang mga variant na unang nagsilabasan.

 

 

“Ang akin lang paalala sa ating mga kapulisan ay ang ibayong pag iingat lalo na ngayon na may mga confirmed cases na ng delta variant mula sa ating hanay. Ang delta variant ay sinasabing 60% highly transmissible than the alpha or UK variant kaya kinakailangan natin ang dobleng pag iingat para proteksyunan ang ating mga sarili sa pamamagitan ng pagpapabakuna ng kahit anung brand ng vaccine na available sa ating mga lugar; ang pag sunod sa established health protocols to break the virus transmission; at ang pagdadasal ng taimtim na tayo ay gabayan ng Poong Maykapal sa hamon ng kasalukuyang pandemya. Napakalaki ng papel na ginagampanan nating mga kapulisan sa kampanya ng ating gobyerno para labanan itong kasalukuyang pandemya kaya napaka importante na mapanatili natin ang magandang kalusugan sa ating mga hanay,” mensahe ni Lt Gen. Vera Cruz.

Abalos, umapela sa publiko na huwag magpa-third dose ng bakuna laban sa Covid-19

Posted on: August 14th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

UMAPELA si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos sa mga mamamayang Filipino na huwag tangkaing magpaturok ng third dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine.

 

Giit ni Abalos, illegal ang magpaturok ng third dose ng covid 19 vaccine na tinatawag na “booster”.

 

Aniya, ang pagpapaturok ng third dose ay pag-alis sa oportunidad sa kapuwa na hindi pa bakunado kahit isang beses pa lang.

 

“Ngayon binabakunahan po natin ang first and second doses. ‘Wag na ‘wag kayong magpapabakuna ng pangatlo dahil nagkakakulangan na ng bakuna. Uunahin po natin ‘yung first dose at second dose,” ayon kay Abalos sa isang panayam habang nagsasagawa ng pag-iinspeksyon sa proseso n pagbabakuna sa munisipalidad ng Pateros.

 

“Kaya ako nagsama ng mga awtoridad ngayon para ma-imbestigahan itong mga nagpapabakuna ng booster dahil bilang patakaran, bawal po ito. Hindi dapat gawin ito. Makunsensya naman kayo, and andaming wala pang bakuna, hirap na hirap na nga tayong magbakuna,” dagdag na pahayag ni Abalos.

 

“Ito panawagan ko–kulang tayo sa bakuna ngayon. Makunsensya naman kayo, ‘yung iba wala pang bakuna tapos kukuha kayo ng booster? ‘Wag naman ganun. Ang patakaran natin ngayon, first and second dose as far as government is concerned,” aniya pa rin.

 

Binigyang diin ni Abalos na ang available na bakuna sa bansa na nakuha ng pamahalaan para sa publiko ay binili o donasyon mula sa ibang bansa sa pamamagitan ng COVAX facility.

 

Sa kabilang dako, hindi naman lingid sa kaalaman ni Abalos ang mga balita sa social media na may mga indibiduwal ang di umano’y nakatanggap ng dalawang anti-COVID shots sa Mandaluyong City at nakatanggap ng third shot sa ibang local government unit (LGU).

 

“Siguro ang tanong dito, anong kaso?,” ayon kay Abalos.

 

“For one, tignan natin yung form niya. Kasi may form yan kung ilang shots pa, kung first or second. Tinitignan natin, pinapa-imbestigahan natin. Ngayon kung nilagay mo roon na isa ka pa lang, or dalawa, yun pala pangatlo ka na, that’s falsification,” paliwanag nito.

 

“We have to review our forms here and even review our ordinances here…maawa naman kayo,” aniya pa rin. (Daris Jose)