• November 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 24th, 2021

Sen. Lapid, nagpositibo sa COVID-19

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ngayon ng kampo ni Sen. Lito Lapid na nagpositibo ang mambabatas sa COVID-19.

 

 

Ayon sa kaniyang chief of staff na si Jericho Acedera, kasalukuyang sumasailalim sa treatment ang senador.

 

 

Naka-confine umano ito sa Medical City sa Clark, Pampanga.

 

 

Ikinokonsidera ng kaniyang doktor ang kondisyon ni Lapid bilang “mild to moderate” COVID case.

 

 

Inaalam na rin kung saan nahawa ang mambabatas, habang may contact tracing naman sa mga taong posibleng na-expose sa kaniya sa mga nakaraang araw.

5 hanggang 8 milyong Covid-19 vaccines darating ngayong linggo-Galvez

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INAASAHAN ng Pilipinas na makatatanggap ito ng lima hanggang walong milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa ika-apat at huling linggo ng buwan ng Agosto.

 

Ito ang naging pagtataya ni vaccine czar at chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez Jr.

 

Ani Galvez, inaasahan niyang kabilang sa ide-deliver sa bansa ang tatlong milyong doses ng Sinovac, 360,000 doses ng Pfizer, at 1.8 milyong doses ng Moderna.

 

Ang mga bakunang Sinovac at Pfizer ay binili ng pamahalaan habang ang Moderna naman ay binili ng gobyerno at ng pribadong sektor sa pamamagitan ng trilateral arrangement.

 

Maliban dito, inaasahan din ni Galvez na magde-deliver ang COVAX facility ng “monthly pledge” nito na tatlong milyong doses sa Pilipinas.

 

“Napakasaya po natin dahil palaki nang palaki ang bilang ng ating mga kababayan na nakakakuha na ng complete doses ng mga bakuna,” ang pahayag ni Galvez

 

“The government is expected to breach the 30-millionth mark in administered jabs since it first began the national vaccination program in March. As of Aug. 20, more than 13 million Filipinos have already been fully vaccinated while 16.9 million have received their first dose,”aniya pa rin.

 

Samantala, target naman ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 18.5 % ng 77 million eligible population bago matapos ang taon para makamit ang herd immunity. (Daris Jose)

Ugas handang bigyan ng rematch si Pacquiao

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Handang bigyan ni Cuban champion Yordenis Ugas si Manny Pacquiao ng rematch.

 

 

Sinabi nito na malaki pa rin ang respeto nito sa fighting senator.

 

Dalawang daan porsyento aniya na ito ay hindi magdadalawang isip na bigyan si Pacquiao ng rematch.

 

 

Magugunitang nakuha ni Ugas ang unanimous decision na panalo kay Pacquiao at nakuha ang WBA super welterweight belt.

Pacquiao, mananatiling Pambansang Kamao ng mga Filipino

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MANANATILING “People’s Champ” si Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao kahit natalo siya kanyang laban kay WBA welterweight champion Yordenis Ugas ng Cuba.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mananatiling matatag at hindi matitinag ang suporta ng publiko sa boxing career ng tinaguriang Pambansang Kamao.

 

“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the honors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ayon kay Sec. Roque.

 

Mananatili aniyang nakaukit sa puso ng mga Filipino si Senador Pacquiao bilang People’s Champ.

 

“Mabuhay ka, Manny!,” sigaw ni Sec. Roque.

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Senador Bong Go si Pacquiao sa ipinamalas nitong tapang sa laban nito kay Ugas.

 

Para kay Go, si Pacquiao ay isang huwaran na patuloy na nagbibigay ng inspirasyon sa mga kabataang atleta at sa bawat Pilipino.

 

“Thank you to my fellow Senator and Mindanaoan, Manny Pacquiao, for putting up a gallant fight against reigning WBA (Super) welterweight champion Yordenis Ugas.” ayon kay Go.

 

“Senator Manny, sa muli, maraming, maraming salamat at mabuhay ka!,” dagdag na pahayag nito.

Suporta kay Pacquiao bumuhos

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagpahayag ng iba­yong suporta pa rin ang Malacañang at ma­ging mga kasamahan sa Senado kay Senador Manny Pacquiao sa kabila ng pagkatalo niya kay Cuban boxer Yordenis Ugas sa kanilang super welterweight boxing match sa Las Vegas, Nevada.

 

 

“The boxing icon’s loss in Las Vegas would not diminish the ho­nors he bestowed to our country and the joy he gave to our people,” ayon sa pahayag ng Office of the Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

 

“Senator Pacquiao will forever be etched in the hearts of Filipinos as our People’s Champ,” dagdag pa nito.

 

 

Sinabi pa na tuloy pa rin ang suporta ng Palas­yo kay Pacquiao sa kabila ng pagkatalo sa mas batang Cubano na isa ring dating Olympian at sa mga nakaraang isyu sa pagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Para naman sa kaniyang mga kasamahan sa Senado, mananatili na ‘national treasure’ ng Pilipinas si Pacquiao dahil sa pagpapakita niya ng tapang at husay sa kabila ng kaniyang edad na 42. (Daris Jose)

Pacquiao nagpahiwatig ng posibleng pag-retiro kasunod nang pagkatalo vs Ugas

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kasunod ng kanyang unanimous decision loss kay Yordenis Ugas sa kanilang bakbakan kahapon sa T Mobile Arena sa Las Vegas, nagpahiwatig si Manny Pacquiao na posibleng isasabit na niya ang kanyang boxing gloves makalipas ang ilang dekadang pagsabak sa itaas ng lona.

 

 

Sa kanilang post fight press conference, sinabi ni Pacquiao na maraming bagay na ang kanyang ginawa sa pagboboksing, at marami rin ang naging kapalit nito sa kanyang buhay.

 

 

Sa ngayon, pinag-iisipan na raw niya ang kanyang future sa boxing at nakikita na rin ang kanyang sarili makasama pa lalo ang kanyang pamilya.

 

 

Bagama’t talo, labis namang nagpapasalamat si Pacquiao sa kanyang mga fans na pumunta sa laban nila ni Ugas.

 

 

Nagpasalamat din siya sa suporta ng mga ito sa kanya at sa pagkakataon na maibahagi ang kanyang mga karanasan sa pagboboksing.

 

 

Magugnita na mula noong Enero 1995 ay lumalaban na si Pacquiao sa boxing bilang isang professional athlete.

 

 

Sa kanyang 72 professional bouts, kinikilala si Pacquiao sa ngayon bilang tanging eight-division world champion.

Mga nabakunahang OFWs sa Pinas makakapasok na ng Hong Kong simula Aug. 30

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Papayagan nang makapasok sa Hong Kong mula Agosto 30 ang mga manggagawang Pilipino na nabakunahan sa Pilipinas kontra COVID-19, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

 

 

Pumayag na kasi aniya ang Hong Kong na tanggapin ang maipapakitang vaccine cards ng mga OFWs mula sa Bureau of Quarantine ng Pilipinas.

 

 

Tinatayang aabot sa 3,000 OFWs na naghihintay ng kanilang deployment sa Hong Kong ang magbebenepisyo sa development na ito.

 

 

Nauna nang hindi pinayagan ng Hong Kong na makapasok sa kanila ang mga nabakunahan kontra COVID-19 sa Pilipinas.

MARIAN, nangakong ipagluluto sina BEA ng ipinagmamalaking menudo ng kanyang lola; DINGDONG at DOMINIC matagal nang magkaibigan

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

HINDI naitago ni Bea Alonzo ang saya at kilig nang first time na makaharap sina Kapuso Primetime Queen Marian Rivera at si Ms. Korina Sanchez sa isang virtual event ng Beautéderm na pag-aari ni Rhea Anicoche-Tan na nagsi-celebrate ng 12 years anniversary.

 

 

Sa naturang virtual event na hinost ni Daula Saulerinamin ng bagong Kapuso actress na kinikilig talaga siya ng makasama sina Marian at Korina.

 

 

“Alam mo kung bakit? Nandiyan na si Miss Korina Sanchez, nandiyan pa si Miss Marian Rivera Dantes.”

 

 

Napa-“Asus!” naman si Marian.

 

 

“Parang I’m in the presence of such beauty, power, di ba? Kinikilig ako, sabi pa ni Bea.

 

 

Wish naman ni Marian, sana raw ay mabigyan din sila ng chance na magkita-kita sa personal kapag umokey na ang sitwasyon.

 

 

“’Yan nga ang sabi ko kanina. Sana matapos na lahat para magkita-kita na tayo nang aktuwal. Hindi yung nakaganito tayo, di ba?” pahayag pa niya.

 

 

Sagot sa kanya ni Bea, “Actually! Imagine kung personal ito. Imagine kung gaano kasaya ‘yon!”

 

 

Tugon naman ni Darla, nakapunta na siya sa bahay ni Bea kaya sana raw sa bahay nina Marian ang susunod.

 

 

Sagot naman ni Bea, “Oo nga, baka ma-invite na tayo ni Marian. Magpapaka-close na ako. Marian, baka naman.”

 

 

Tugon naman ng asawa ni Dingdong Dantes, “Sure ba! Basta matapos itong pandemya. At ipagluluto ko kayo ng menudo ng lola ko.”

 

 

Hirit pa ni Marian, “Bea, kailangan magluto ka rin. Magdala ka rin ng niluto mo. O, di ba? I-invite ko kayo next time.”

 

 

Aliw na aliw naman ang netizens kina Bea at Marian, na hoping na magkasama nga ang dalawa sa isang project sa GMA Network, dahil malabo pa ang makagawa sila ng pelikula.

 

 

May ilan din netizens na di nakatiis na I-compare ang dalawa, lalo na si Bea na litaw na litaw ganda.
“bat parang ang ganda ni bea lately?”

 

 

“Pag inlove, ganern talaga.”

 

 

“Sobrang nag come back is real siya no? As in glowing siya ngayon yung tipong ang sexy and lean ng body and yung skin hindi dry. Vavavoom ganun!”

 

 

“Siyempre pagkatapos ng pandemya dahil hindi talaga tumatanggap ng bisita ang DongYan except sa family nila. Iniingatan kasi nila mga anak nila. At para malaman mo hindi imposible na dumalaw talaga sina Bea at Dom sa bahay nila Marian dahil matagal nang magkaibigan sina Dingdong at Dominic. Member sila ng Euromonkeys na palaging may ganap. At hilig din talaga ng DongYan mag invite ng friends sa bahay nila. Kaya pwede talagang matuloy ang pagdalaw ng BeaDom sa bahay ng DongYan.”

 

 

“Cute nila! Pwede sila maging mag sister sa isang show or movie. Yung mga partners din nila magkabarkada.”

 

 

“Kahit mas fan ako ni bea kay marian, alam ko na mas maganda si marian even betore pero dito sa picture nila mukang sumabay naman si bea 🙂 sana magkasama sila sa isang project.”

 

 

“Ang galing sumagot ni QUEEN B sa mga interview sa kanya…MAY SENSE!”

 

 

“Maganda pa rin si Marian.”

 

 

“Mukhang she is at a good place right now. Mas masaya sya sa GMA at mas masaya sta kay Dom.”

 

 

“Pansin ko din yan. Mga 2 years ago haggardo itsura nya at ang lalalim ng facial lines. She looks glowing now.”

 

 

“Queens! Nakakaganda talaga sa GMA, less stress, charot!”

 

 

“OMG. Pwede silang gumanap na magkapatid! Gaganda, kainis!”

 

 

“Nagsama ang dalawang Queens.”

 

 

“Siyempre dahil hindi pa naman sila nabigyan ng chance dati na magkasama ng matagal sa trabaho. Ayaw naman siguro nila na magplastikan at ifollow ang isat isa kahit hindi pa naman sila magkakilala talaga. Pero ngayon, nasa iisang istasyon na sila at alam nila na hindi malayong magkatrabaho o magkita sila sa GMA. At isa pa, barkada ang mga partners nila kaya magandang pagkakataon na siguro ito na magsimula na silang makilala ang isat isa.”

 

 

“In reality, Marian needs to reach out so she won’t look insecure. Bea is really a threat. Just saying.”

 

 

“Threat talaga saan banda.”

 

 

“Paanong magreach out eh si Bea nga ang gustong “makipagclose” kay Marian. Si Bea na mismo nagsabi niyan.”

 

 

“Marian is in a good place. Hindi yan bothered na mawalan na ng project. Napakadami nyang hinindiam na projects meaning ok lang sa kanya. Her family is her priority na. Napakadami na rin nyang investments na I doubt maghihirap sila pag nawala na sya sa limelight. She knows how to handle money and family.”

 

 

“Bea is a threat sa lahat ng kapuso artist. Dami nya ng notable projects kesa sa mga taga kamuning.”

 

 

“kita naman kay Marian na magaling siya humawak ng pera.kahit lielow siya ngayon sa paggawa ng teleserye sa GMA dahil palaging umaayaw sa mga projects niya, marangya pa rin ang buhay niya hanggang ngayon sa kabila ng pandemya.”

 

 

“Getting to know your biggest network rival.”

 

 

“true naman na dapat i absorb ntn positivity sa buhay natin at wag ang nega.Nagraradiate nman din tlga sa aurahan ng dalawang to ang peace,contentment at happpiness.”

 

 

“ang ganda nga ni bea lately. ung cali vlog nila, sarap panoorin. ang ganda nya dun.”

 

 

“Kaya pla todo bikini yung isa..nagsama dalawang maganda.”

 

 

“Looking forward for a teleserye for these too.”

 

 

“Parehong half pinay magkaiba lang ang beauty!”

 

 

“Marian need mo nang lumevel up sa iyong career.”

 

 

“I love Bea’s humility. I mean she’s as accomplished as Korina and Marian naman”

 

 

“Both beautiful but naloka ako sa lighting set-up sa bahay ni Bea. Glow kung glow! Love it!”

 

 

“Bagay naman talaga si Bea sa channel 7, noon pa.”

 

 

“Ang plastic naman nung magpapaka close na. eh mas bigger star ka kay Marian Bea.”

 

 

“I never found Bea that pretty before – I saw her when she was younger – and wasn’t impressed even as she got older. But since her GMA move and Dom, I see what the fuss is all about now. She’s sparkling. It must be love and contentment. Good for her.”

 

 

“Agree to you, ang ganda niya now at bagay sila ni Dom. Bukod kay Marian and dong.. kay bea at dom ako kinikilig now.”

(ROHN ROMULO)

DepEd, magpapatupad ng enhanced enrollment para sa 2021-2022 school year

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Opisyal ng naglabas ang Department of Education (DepEd) ng enrollment guidelines para sa nalalapit na pagsisimula ng school year 2021-2022 sa gitna pa rin ng nararanasang COVID-19 pandemic sa bansa.

 

 

Sa bisa ng DepEd Order No. 32 series of 2021 na pirmado ni Education Sec. Leonor Briones nakapaloob ang bagong guidelines na layuning mabigyan ng options ang mga paaralan sa buong bansa na magpatupad ng “enhanced ” enrollment process alinsunod sa guidelines na itinakda ng IATF at ng DOH.

 

 

Ipinaliwang ng kalihim na ang naturang enhanced enrollment guidelines ay magiging gabay ng mga magulang, legal guardians at mga guro para sa enrollment ng mga estudyante para sa pagbubukas ng partikular na school year.

 

 

Nakasaad sa bagong guidelines na dapat ay remote lamang ang enrollment sa mga lugar na nakasailalim sa ECQ at Modified Enhanced Community Quarantine para mamintina ang physical distancing habang ang mga nasa lugar na may maluwag na quarantine classification naman ay maaaring pisikal na magsumite ng Modified Learner Enrollment and Survey Form sa mga paaralan.

 

 

Ang mga itatalagang guro at non-teaching personnel sa mga paaralan para mangasiwa sa enrollment ay kailangan na bakunado at maaari rin na mag-organisa ng dropbox enrollment method kapareho ng ginawa noong nakaraang school year.

 

 

Para naman sa enrollment ng mga mag-aaral sa Grades 1-6, 8-10, at Grade 12, isasagawa ang remote enrollemnt procedure kung saan tatawagan na lamang ng mga advisers ang mga magulang para sa enrollment o maaaring ang magulang ang kumontak sa adviser ng kanilang anak.

 

 

Inaabisuhan naman ang mga magulang ng mga estudyante na mag-i-enroll sa kindergarten, Grades 7 at Grade 11 na makipag-ugnayan sa paaralan na may option na magpa-enroll sa pamamagitan ng digital o physical enrollment platform.

 

 

Para naman sa mga transferees, kailangan na direktang tumawag sa kanilang lilipatang eskwelahan.

 

 

Magsisimula ang enrollment period sa August 16 hanggang September 13 na unang araw ng klase na inaprubahan ng Pangulong Duterte.

LTO sa Metro Manila, Laguna, Bataan balik operasyon na

Posted on: August 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagbabalik-operas­yon na simula Lunes, Agosto 23, ang mga tanggapan ng Land Transportation Office (LTO) sa National Capital Region (NCR), Laguna at Bataan.

 

 

Ito, ayon sa LTO, ay kasunod na rin ng pagbababa na ng quarantine classification ng mga nasabing lugar sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula sa dating ECQ.

 

 

Sinabi ng LTO na ang kanilang mga nabanggit na opisina ay mag-o-operate ng may 50% capacity upang maka-accommodate ng 50% na usual na bilang ng mga kliyente nito.

 

 

Pinaalalahanan naman ng LTO ang mga magtutungo sa opisina na sundin ang CO­VID-19 safety protocols upang maiwasan ang mabilis na pagkalat ng sakit at upang hindi maantala ang kanilang transaksyon.

 

 

Matatandaang nagtigil muna ng operasyon ang LTO sa mga natu­rang lugar matapos na maisailalim ang mga ito sa ECQ upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, partikular na ang Delta variant nito. (Daris Jose)