• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 25th, 2021

Mag-utol huli sa aktong nagsa-shabu sa Valenzuela

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang magkapatid matapos maaktuhan ng mga pulis na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang bahay sa Valenzuela city, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni PLT Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unti (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek na si Romeo David, 45, at Benito David, 51, kapwa ng 2233 Bilog Kabesang imo, corner  Atyesa St. Brgy. Balangkas.

 

 

Sa report ni SDEU investigator PCpl Glenn De Chavez kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, habang nasa loob ng kanilang opisina ang mga operatiba ng SDEU nang makatanggap sila ng tawag sa telepono mula sa isang concerned citizen at ipinaalam sa kanila ang hinggil sa nagaganap na pot session sa Kabesang Imo, corner Atyesa St. Brgy. Balangkas.

 

 

Bumuo ng team ang SDEU sa pangunguna ni PLT Madregalejo, kasama PSSg Luis Alojacin, PCpl Christian Rey Corpuz at PCpl Alfredo Mendoza III saka pinuntahan ang naturang lugar dakong alas-5 ng hapon upang alamin ang naturang ulat.

 

 

Pagdating sa lugar, naaktuhan ng mga operatiba sa loob ng isang bahay ang mga suspek na sumisinghot ng umano’y shabu na naging dahilan upang arestuhin nila ang mag-utol.

 

 

Narekober sa mga suspek ang humigit-kumulang sa 2 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price Php 13,600.00, isang nakabukas na plastic sachet na may bahid ng umano’y shabu at ilang drug paraphernalias.

 

 

Kasong paglabag sa Sec. 11, 12 at 15 under Article II of RA 9165 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (Richard Mesa)

Mga atleta na nagwagi sa Tokyo Olympics nakuha na ang mga cash incentives

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINARANGALAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang mga atletang Filipino na lumahok sa 2020 Tokyo Olympic Games.

 

Binati ng Pangulo sina Hidilyn Diaz, Nesthy Petecio, Carlo Paalam at Eumir Marcial para sa pagdadala ng karangalan sa bansa at iangat ang diwa ng mga Filipino sa gitna ng coronavirus pandemic.

 

“Your hard work, dedication and sportsmanship, even amidst the challenges in your training and competitions prior to the Olympics, are truly inspiring,” ayon kay Pangulong Dutere sa kanyang naging talumpati sa isinagawang Awarding of Incentives to Tokyo Olympics 2020 Philippine Athletes sa Malacañan, Palace, Lunes ng gabi.

 

“I am confident that you will get better and stronger in securing more victories in the future. Your success will continue to motivate many aspiring athletes and our Filipino youth to channel their energies into sports and other productive activities, keeping them away from the harmful vices,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

Iginawad kina Petecio, Paalam at Marcial ang Order of Lapulapu na may ranggong Kamagi. Nabigyan si Diaz ng Presidential Medal of Merit, P10 milyon na nakasaad sa Republic Act 10699, karagdagang P5 milyon para sa pagbasag sa Olympic record, P3-M cash incentive mula sa Office of the President at ang certificate ng housing unit mula sa National Housing Authority.

 

 

Habang sina Paalam at Petecio ay nabigyan ng tig-P5 milyon na nakasaad sa RA 10699 at P2-M mula sa Officde of the President.

 

 

Mayroon namang P3-M na ibinigay kay Marcial na nakasaad sa batas at karagdagang P1-M na cash mula sa office of the President.

 

 

Ilang mga atleta na sumabak sa Tokyo Games ay nabigyan ng tig-P200,0000, Presidential Citation kung saan personal din itong tinanggap nina Elreen Ando ng weightlifting at shooter Jayson Valdez.

 

 

Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ng Pangulo ang Philippine Olympic Committee (POC) at Philippine Sports Commission (PSC) sa pagtiyak na handa ang mag atletang Filipino na sumabak at lumaban sa Tokyo Olympics.

 

Tiniyak ng Chief Executive na nananatili silang committed sa pagbibigay ng buong suporta sa mga atletang Filipino.

 

Dahil dito, hinikayat niya ang POC, PSC at iba pang sports bodies na patuloy na magbigay ng kinakailangang tulong sa mga aleta sa piling antas at matamo ang kagalingan.

 

‘The strength and excellence of our athletes in the international sports arena demonstrate the Filipino spirit of resilience and determination to succeed,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Our Tokyo 2020 medalists and Olympians truly embody our greatness as a people and as a nation.”

 

Gayundin, pinasalamatan ng Pangulo si Japanese Ambassador Kazuhiko Koshikawa para sa matagumpay na hosting ng Japan sa Olympics at hangad nito ang tagumpay pa rin ng nalalapit na Paralympic Games.

 

Samantala, nakatanggap din ng Order of Lapulapu na may ranggong Kamagi ang mga Filipino boxers kasama na si 1996 Olympics silver medalist Mansueto “Onyok” Velasco.

 

Ang Order of Lapu-Lapu ay ibinibigay sa tao sa gobyerno o pribadong sektor na nagbigay ng kanyang extraordinary service o nakagawa ng hindi matatawarang kontribusyon sa naging tagumpay ng kampanya o adbokasiya ng Pangulo. (Daris Jose)

Ads August 25, 2021

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Incentives ni Onyok Velasco na P500,000 naibigay na – Palasyo

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Naibigay na ng gobyerno ang inaasam na pagkilala kay 1996 Atlanta Olympic silver boxing medalist na si Mansueto “Onyok” Velasco.

 

 

Kasama kasi si Velasco na binigyan ng parangal kasabay ng mga nagwagi sa 2020 Tokyo Olympics.

 

 

Mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang naggawad ng Order of Lapu-Lapu, rank of Kamagi at P500,000 na cash mula sa Office of the President dahil sa tagumpay nito sa Olympics 25 taon na ang nakakalipas.

 

 

Tinawag ng Palasyo na kapabayaan ng nagdaang mga gobyerno ang nasabing hindi pagbibigay ng pagkilala kay Velasco.

 

 

Magugunitang ibinunyag ni Velasco noong kasagsagan ng Tokyo Olympics na hindi pa niya natatanggap ang ilang mga pagkilala mula ng magwagi ito sa 1996 Atlanta Olympics.

Mga batang may comorbidities ilalagay sa A3 priority group – DOH

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maaaring isama na sa A3 vaccination priority group ng gobyerno ang mga batang may comorbidities.

 

 

Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III, kahit na hindi pa pinapayagan ang mga bata na mabakunahan laban sa COVID-19 ay puwedeng-puwede isama ang mga batang may sakit sa puso, baga at ilang mga may malubhang sakit.

 

Sa kasalukuyan ay mayroong approved priority groups gaya sa G1 mga frontline health workers, A2 mga senior citizens, A3 mga taong may sakit, A4 economic frontliners at A5- indigent population.

 

 

Magugunitang may ilang naitala ang DOH na mga batang dinapuan ng Delta variant ng COVID-19.

‘Pacquiao, naantig din sa buhos nang pagbati sa kanya at pag-iyak ni Kris’

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggap ni Manny Pacquiao na may pasasalamat ang maraming bumati sa kanya at kinilala ang kanyang mga nagawa sa boksing sa kabila ng kanyang pagkatalo kay Yordenis Ugas.

 

 

Sinabi nito na naantig din daw ang damdamin ni Pacquiao sa pag-iyak at mensahe nang tinaguriang “queen of all media” na si Kris Aquino.

 

 

Ayon kasi kay Kris, hindi na kailangan ni Pacquiao na mag-sorry dahil sa ito na nga ang nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa.

 

 

Una nito sinabi nito Pacquiao na, “I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best.”

 

 

Sa kanyang Instagram page, todo ang paghanga ni Kris dahil daw sa masyadong pagpapakumbaba ni Manny.

 

 

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo,” ani Aquino. “No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.”

 

 

Ipinaabot din naman ni Kris ang kanyang “love and prayers” kay Jinkee.

 

 

“God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.”

 

 

Ayon kasi kay Kris, hindi na kailangan ni Pacquiao na mag-sorry dahil sa ito na nga ang nagbibigay ng malaking karangalan sa bansa.

 

 

Una nito sinabi nito Pacquiao na, “I’m sorry I could not give you a win, but I did my very best.”

 

 

Sa kanyang Instagram page, todo ang paghanga ni Kris dahil daw sa masyadong pagpapakumbaba ni Manny.

 

 

“Pinahanga mo ako #PacMan. Lumuha ako sa interview mo,” ani Aquino. “No need to apologize, and we Filipinos wholeheartedly appreciate your THANK YOU.”

 

 

Ipinaabot din naman ni Kris ang kanyang “love and prayers” kay Jinkee.

 

 

“God will surely be guiding and healing both of you in the coming days.”

Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, isinusulong ang paggamit ng digital tools

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Isinusulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando ang paggamit ng mga pasyenteng may Tuberculosis (TB) sa Bulacan ng Digital Adherence Technologies (DAT) ng ASCENT Project (Adherence Support Coalition to End TB).

 

 

 

Ang ASCENT na proyekto ay isinasagawa ng KNCV Tuberculosis Foundation katuwang ang Department of Health at mga lokal na Pamahalaan ng Bulacan at Pampanga para sa positibong kalalabasan ng gamutan sa TB, gayundin ang pagpigil nito at pangangalaga ng kalusugan sa buong mundo.

 

 

 

Hindi gaya ng tradisyunal na Directly Observed Treatment (DOT) tool na hinahayaang inumin ng pasyente ang kanilang mga gamot sa maginhawang lugar at oras habang konektado sa kanilang mga health care provider, sinusuportahan ng DAT tools ang mga pasyenteng may TB sa kanilang pag-inom ng gamot sa pamamagitan ng smartphone–based technologies, digital pillboxes at ingestible sensors.

 

 

 

Sinabi ni Fernando na ang dating kilalang smart mobile phone na aparato ay makatutulong sa mga tao sa kanilang gamutan sa TB gayundin ang matalinong impormasyon at komunikasyon lalo na ngayong may krisis sa COVID-19.

 

 

 

“Hinihikayat ko na ang bawat pasyente ay mag-enroll gamit ang libreng pagte-text at video upang mamonitor ang inyong gamutan sa nasabing sakit. Suportahan po natin ang gamutang ito upang maiwasan ang face to face interaction,” anang punong lalawigan.

 

 

 

Gayundin, sinabi ni Regional Technical Officer Mona Lisa Morales ng ASCENT na ang nasabing TB medication adherence na Medication sleeves/labels, Smart pill boxes and Video-supported treatment na bubuo ng digital record ng paggamit ng gamot kung kaya sa ganitong paraan ay mamomonitor ng health care workers ang pagsunod sa pamamagitan ng single user interface upang suportahan ang gamutan sa may TB.

 

 

 

Sa paggamit ng digital tool na tinawag na DAT, kinakailangang mag-enroll muna sa alin mang tinukoy na pasilidad ng kalusugan ang pasyenteng may TB at sila ay tatanggap ng mga gamot para sa nasabing sakit na naka-customize na balot. Kasunod nito, dapat magsagawa ang pasyente ng toll-free call o text para sa code mula sa DAT upang otomatikong mailista ang kanilang araw-araw na dosis. Pagkakalooban din sila ng isang lalagyan na espesyal na idinisenyo upang kanilang pagtaguan ng kanilang gamot para sa TB.

 

 

 

Sa tuwing bubuksan nila ang kahon, magpapadala ng signal ang embedded device at awtomatikong aabisuhan ang mga health care worker ng mga naka-log na pang-araw-araw na dosis. Sa panahon ng pag-inom ng medikasyon, itatala ng pasyente ang video message gamit ang customized app sa kanilang mobile phone at pagkatapos makumpleto, ipapadala ang video sa mga health care worker para sa pagrerepaso.

 

 

 

Samantala, sa pamamagitan ng ASCENT Project, patuloy ang online na pagpupulong at pagtatasa sa pagganap ng DAT sa mga pasyente at mga nangangalaga kabilang ang healthcare providers, ilang pangunahing TB players sa lebel ng lokal, regional, at central National Tuberculosis Control Program (NTP).

 

 

 

Ang ASCENT project ay pinopondohan ng Unitaid, isang pandaigdigang inisyatibo sa kalusugan sa pangunguna ng ng KNCV Tuberculosis Foundation kung saan mayroon ng higit 100 taon ng kadalubhasaan at karanasan sa paglaban sa TB na naglalayong makamit ang isang TB-free na mundo.

Spider-Man: No Way Home’s First Trailer Spins a Whole New Adventure

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SONY Pictures and Marvel Studios have just dropped the first trailer forSpider-Man: No Way Home, the third entry in the two studios’ co-stewardship of the latest cinematic Spider-Man.

 

 

Tom Holland’s latest solo outing as Spider-Man has given us a glimpse of what to expect, and it seems like Peter Parker’s not quite so happy to be a very public face of that new age and turns out it’s about to get a whole lot messier.

 

 

Filled with drama, reality-warping, and exciting villains, the three-minute clip is sure to get the Marvel fans out there thrilled!

 

 

Watch the film’s first teaser trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=seGMK4QKumU

 

 

As the trailer reveals, Peter Parker’s life completely changed after his identity was made known to the public, thanks to his encounter with Mysterio and John Jonah Jameson Jr.’s exposé in Spider-Man: Far From Home.

 

 

Instead of being hailed as a hero, Parker is accused of killing Mysterio and while he seemingly clears his name, it still had drastic effects on the people around him, including MJ, his best friend Ned, and his Aunt May.

 

 

Peter then seeks the help of Doctor Strange who, despite Wong’s warning, casts a spell to make people forget that Peter Parker is Spider-Man. This spell opens a hole in the Multiverse and we see the two struggling in a warping reality.

 

 

 

Before the trailer ends, it teased the arrival of Spider-Man’s two biggest enemies– we see the familiar bomb of Green Goblin with his sinister laugh in the background, and Alfred Molina reprising his role as Doctor Octopus.

 

 

Spider-Man: No Way Home directed by Jon Watts, stars Tom Holland as Peter Parker, Benedict Cumberbatch as Doctor Stephen Strange, Zendaya as Mary Jane Watson, Jacob Batalon as Ned Leeds, and Marisa Tomei as Peter’s Aunt May. The cast also includes, as seen at the end of the trailer, Alfred Molina as Doctor Otto Octavius, as well as Jamie Foxx as Electro, and (purportedly) a whole host of returning faces from the Sam Raimi and Marc Webb Spider-Man films.

 

 

Spider-Man: No Way Home is set for release on December 17, 2021.

(ROHN ROMULO)

‘Tiny bubbles’ policy sa MECQ mananatili

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili  pa rin ang small bubbles o tiny bubbles policy kung saan hindi pa rin papayagan ang mga indibidwal na makapamili ng mga basic goods sa labas ng kanilang mga siyudad o municipalties.

 

 

Ang paalala ay ginawa ni PNP Chief Gen. Guil­lermo  Eleazar para sa publiko partikular sa mga residente sa National Capital Region (NCR) at iba pang mga lugar na nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).

 

 

Ayon kay Eleazar,  mananatili ang mga checkpoints sa mga borders at tanging mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ang maaaring makadaan sa mga Quarantine Control Points (QCPs).

 

 

Aniya, walang pagbabago sa kanilang mga checkpoints nuong nasa panahon ng ECQ ang Metro Manila.

 

 

Bagama’t hindi pinapayagan ang cross-border sa pamimili ng pangunahing bilihin, nilinaw naman ni Eleazar na pinapayagan naman tumawid sa ibang siyudad o cross-borders ang mga mayroong medical appointments at emergency services sa mga ospital.

 

 

Ayon naman kay JTF Covid Shield Comman­der Lt. Gen. Israel Ephraim Dickson, walang naitalang mga untoward incidents sa mga checkpoints.

 

 

Mahigpit pa rin ang paa­lala nito sa mga kapulisan na nagmamando ng QCPs na pairalin pa rin ang maximum tolerance.

ALDEN, may big announcement sa birthday niya na mas matindi kaysa concert na ikina-excite ng fans

Posted on: August 25th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MINABUTI na lamang sagutin ni bagong Kapuso actress Bea Alonzo ang mga issues tungkol sa paglipat niya sa GMA Network. 

 

 

May mga nagtampo nga raw kasi kay Bea nang iwanan niya ang isang project niya sa ABS-CBN, dahil sa paglipat niya ng network. May mga hindi ring magandang comments kay Bea ng mga dati raw niyang kasamahan.

 

 

  Hindi na tinukoy ni Bea ang mga comments, basta nagbigay na lamang siya ng statement na malinis ang kanyang konsensiya at wala siyang iniwanang responsibilidad, wala siyang mga taong tinapakan at maayos ang kanyang pagpapaalam sa mga executives ng network.

 

 

May manager si Bea na very professional, kaya nakatitiyak kaming hindi basta aalis si Bea sa dati niyang network kung mayroon siyang commitment na maiiwanan.

 

 

  Still on Bea, ngayong she’s back in town after a month vacation in the US with boyfriend Dominic Roque, naghahanda na siya sa pagsisimula ng shooting ng first project niya as a Kapuso star, na pagtatambalan nila ni Asia’s Multimedia Star Alden Richards, na ipu-produce ng Viva Films, APT Entertainment at GMA Pictures.

 

 

   ***

 

 

     TAMANG-TAMA naman na very soon ay balik na rin ang lock-in taping ni Alden Richards at ng buong cast ng romantic-drama series sa last chapter ng story, na kasalukuyang naka-season break at babalik sila sa November 15.

 

 

Marami nang excited sa muling pagbabalik ng serye lalo pa at nagbigay si Alden ng ilang eksenang dapat abangan.

 

 

  “Makukulong ako sa kasalanang hindi ko ginawa,” kuwento ni Alden sa virtual mediacon ng serye.

 

 

“Ano ang krimeng nangyari, at sino ang may kasalanan pero sa akin ipasasagot ang krimen.  Ang mga mapapanood ninyo this week ay siya kayang mangyayari hanggang sa pagtatapos namin?”

 

 

   Pero ang isa pang ikinai-excite ng mga fans ni Alden ay ang interview naman sa kanya ng 24 Oras, na nag-iwan siya ng message na “may big announcement ako on my birthday this coming January, 2022, isa iyon sa surprise ko, mas matindi kaysa concert.”

 

 

  Mabilis na kumalat sa social media ang announcement ni Alden, kaya abang-abang na lamang tayo, mabilis lang lilipas ang five months to January, 2022.

 

 

  Napapanood ang The World Between Us hanggang this Friday, August 27, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7.

 

 

    ***

 

 

     TOTOO na ang balitang hiwalay na sina Paolo Contis at LJ Reyes, ayon na rin sa manager ni Paolo, si Manay Lolit Solis. 

 

 

Wala pang nagsasalita either kay Paolo or kay LJ, pero wala raw third party, tulad ng mga nasusulat.  Latest balita ay bumalik na muli si Paolo sa bahay nila ng mommy niya.

 

 

Sunud-sunod ang mga shows ni Paolo sa GMA at kasama nga siya sa lock-in taping ng I Left My Heart in Sorsogon with Heart Evangelista and Richard Yap.

 

 

  Tutok naman ngayon si LJ sa pag-aalaga sa mga anak niyang si Aki at si Summer, anak nila ni Paolo.  At naging visible na rin si LJ ngayon sa mga shows sa GMA Network.

 

 

Co-host na siya nina Camille Prats at Iya Villania sa morning show na Mars Pa More at madalas na rin siyang mag-guest sa ibang shows ng GMA.  Napapanood din siya sa replay ng afternoon prime series na The Good Daughter with Kylie Padilla and Rocco Nacino, pagkatapos ng Ang Dalawang Ikaw sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)