• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 28th, 2021

Pinoy paralympic swimmer Gary Bejino bigong umusad sa 200m Individual Medley finals

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Bigo ang Pinoy paralympic swimmer na si Gary Bejino na umabanse sa sa finals sa men’s 200m Individual Medley sa paralympic games na ginaganap sa Tokyo, Japan.

 

Sa kanyang paglahok kanina pumuwesto siya sa ika-17 bilang pinakahuli sa mga sumabak sa 200 meters medley.
Nanguna bilang may pinakamabilis na paglangoy ang pambato ng Colombia.

 

 

Sa kabila nito hindi pa rin naman tapos ang paralympics journey ni Bejino dahil sasabak pa ito sa Men’s 50m butterfly, Men’s 400m freestyle at sa Men’s 100m backstroke.

 

 

Ang 25-anyos na si Bejino ay isang amputee kong saan dahil sa aksidente noong pitong taong gulang ito, naputol ang kanyang kanang braso at kaliwang paa.

TSERMAN AT ILANG OPISYAL DINAKIP SA SAP

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DINAKIP ang isang Barangay Chairman at ilang opisyal nito dahil sa reklamong Malversation of Public Funds partikular ang paglustay sa  Social Amelioration Program (SAP) at pamemeke ng dokumento.

 

 

 

Ayon sa MPD Public Information Office, alas 9:20  kagabi nang  maaresto sa  Bagumbayan St. Sta. Mesa, Maynila si Mario Simbulan Ferrales, 73, Chairman ng  Bgy 608 Zone 61 District  VI at residente ng 217-C Bagumbayan St Sta Mesa.

 

 

 

Naaresto rin ang kasabwat nitong sina Ma.Cristina Zara, 53, Kagawad; Isagani Darilay, 42, Brgy.EX-O at isang John Mark Nagera,24.

 

 

 

Ang nasabing mga indibidwal ay inireklamo dahil sa hindi naibigay na ayuda mula sa SAP ng gobyerno  para sa ikalawang quarter na halagang P8,000 ng mga complainants na sina Jerson Ceniza, 30,walang trabaho at Renerio Salabo, 32, store attendant at kapwa mga walang asawa.

 

 

 

Ayon sa impormasyon, sa kabila na nasa listahan ang mga recipient, hindi nila natanggap ang dapat sanang cash aid na kanilang matatamasa.

 

 

 

Narekober sa mga naaresto ang Masterlist ng Beneficiaries at dalawang pekeng identification cards ng mga suspek  na nakalagay ang pangalan at address ng mga complainant na inisyu ng Brgy.608.

 

 

 

Ayon kay Capt.Philipp Ines, MPD-PIO Chief , nasa tanggapan ngayon ng SMaRT  (Special Mayors Reaction Team) ang mga suspek dahil nasa pamamahala ng Manila Social Welfare Development ang pamamahagi ng naturang cash aid.

 

 

 

Mahaharap sa kasong paglabag sa Art 217 (RPC) Malversation of Public Funds (Social Amelioration Program Funds) at Art 172 Falsification of Public Documents ang mga opisyal ng barangay. GENE ADSUARA

FDCP, Ipagdiriwang ang Pinakaunang Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAYNILA, PILIPINAS, AGOSTO 26, 2021 — Simula ngayong taon, ang Pilipinas ay opisyal na ipagdiriwang at gugunitain ang heritage, significance at legacy ng Philippine Cinema sa Philippine Film Industry Month ngayong Setyembre, ang buong buwan na taunang selebrasyon na isinautos ni President Rodrigo Duterte.  

 

 

Ang Film Development Council of Philippines (FDCP), bilang nangungunang ahensya na ipagdiriwang ang Philippine Film Industry Month, ay mayroong mga nakapilang kaganapan at programa para sa pambungad ng selebrasyon na may temang “Ngayon ang Bagong SineMula!”

 

 

Dahil sa COVID-19 pandemic, ang pag-obserba ng Philippine Film Industry Month 2021 ay gaganapin ng online sa social media pages ng FDCP para sa Opening at Closing events. Ang screenings naman ay eksklusibong idadaos sa FDCP Channel virtual platform (fdcpchannel.ph).

 

 

Ang Opening ng Philippine Film Industry Month sa Setyembre 1 ay maipapalabas ng live sa Facebook pages at YouTube channel, na magtatampok ng paglunsad ng Nood Tayo ng Sine Campaign kasama ang important announcements mula sa International Film Industry Conference (IFIC), First Cut Lab Philippines (FCL PH), FDCP FilmPhilippines Incentives Program, at Mit Out Sound: International Silent Film Lab.

 

 

Ang flagship program ng FDCP, ang ika-limang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP), ay nagbabalik sa FDCP Channel kasama ang first leg nito, tampok din ang free screenings mula sa Sine Kabataan Short Film Competition at Sine Isla: LuzViMinda Short Film Competition mula Setyembre 17 hanghang 26.

 

 

Ipalalabas din ng libre sa FDCP Channel ang walong heritage films na restored o enhanced ng FDCP Philippine Film Archive kabilang dito ang Insiang ni National Artist Lino Brocka at Manila by Night ni National Artist Ishmael Bernal sa buong buwan ng Setyembre, at ang mga pelikula sa espesyal na Elwood Perez Retrospective mula Setyembre 25 hanggang 30.

 

 

Tatlong pelikula, Ang Turkey Man Ay Pabo Rin ni Randolph Longjas at ang mga restored version ng Bata Bata Paano Ka Ginawa at Dekada ’70 ni Chito S. Roño ay for rental para sa Pamana ng Lingkod Bayani @ FDCP Channel mula Setyembre 1 hanggang 12, isang partnership sa pagitan ng Civil Service Commission (CSC) at FDCP upang ipagdiwang ang 121st Philippine Civil Service Anniversary.

 

 

Samantala, ang natatanging in-person na kaganapan ay ang Philippine Film Industry Gala sa The Manila Metropolitan Theater (MET) sa Setyembre 12 tampok ang by-invitation na screening ng Dalagang Ilocana ni Olive La Torre, launch ng Elwood Perez Retrospective, at ang book launch ng “Ang Daigdig ng mga Api” ni Clodualdo “Doy” del Mundo, Jr., “Alter/native Cinema: The Un-chronicled History of Philippine Alternative Cinema” at “Three-Volume Anthology of Essays on Philippine Cinema (Vol.1 Philippine Cinema and History; Vol.2 Philippine Cinema and Culture; and Vol.3 Philippine Cinema and Literacy) ni Nick Deocampo, at “Keeping Memories: Cinema and Archiving in Asia-Pacific” ng SouthEast Asia-Pacific Audiovisual Archive Association (SEAPAVAA).

 

 

Espesyal na araw ang Setyembre 12 sa kasaysayan ng Philippine Cinema dahil ito ay kung kailan naipalabas noong 1919 ang Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno, ang pinakaunang Filipino-produced at directed na feature pelikula.

 

 

***

 

 

ANG Pilipinas naman ay ipinagmamalaking irerepresenta sa 78th Venice International Film Festival sa Italy ng On The Job: The Missing 8 ni Erik Matti, ang natatanging Southeast Asian film na lalahok sa kompetisyon sa prestihiyosong Biennale Cinema mula Setyembre 1 hanggang 11.

 

 

Ang Filipino delegates ay lalahok din sa China International Fair for Trade in Services (CIFTIS), Kre8tif! Elevator Pitch sa Malaysia, at Philippine International Comics Festival (PICOF).

 

 

Sa ika-limang taon nito, ang Film Industry Conference ng FDCP ay magiging IFIC mula Setyembre 16 hanggang 19. Ang ibang industry trainings ay ang CreatePHFilms Online Scriptwriting Session, Safety and Health Officers Training Seminar (SHOTS) ng Safe Filming Program ng FDCP, Workshops in Film Incentives (WIFI) at Co-production Masterclass of the FDCP FilmPhilippines Office, Musical Score Lab ng FDCP National Registry (NR) at Mit Out Sound, at FCL PH na inorganisa ng FDCP at Tatino Films.

 

 

Ang Unsung Sariling Bayani (USB) Short Film Competition ni National Artist Kidlat Tahimik ay patuloy na idadaos ang USB Storming with Kidlat: Usapang Bayani Forum with USB Breakout Sessions and USB with Kidlat Tahimik.

 

 

Ang vaccination program ng FDCP para sa film at entertainment workers kasama ang “Vaccine Nation is the Solution” program ng City of Manila ay ipagpapatuloy ang ikalawang dose sa Setyembre 29 sa Adamson University para sa mga nakatanggap na ng kanilang unang dose noong Agosto 2 sa Palacio de Maynila.

 

 

Ang Closing ng Philippine Film Industry Month sa Setyembre 30 ay magtatampok ng Awarding ng Sine Kabataan at Sine Isla winners, paglunsad ng bagong FDCP website, at mga espesyal na anunsyo mula sa FDCP Channel at CreatePHFilms.

 

 

“Ngayon ang Bagong SineMula! This is the declaration of hopeful survival of the first-ever Philippine Film Industry Month amid the COVID-19 pandemic. It speaks of a new beginning, a chance to restart and rebuild a system that would be more inclusive and sustainable for all stakeholders, allowing Philippine Cinema to push forth with its heritage and legacy towards a brighter and more prosperous future for the industry,” wika ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño. 

 

 

Sa pamamagitan ng Presidential Proclamation No. 1085 na pinirmahan noong Pebrero 3, 2021, idineklara ni President Duterte ang buwan ng Setyembre bilang Philippine Film Industry Month, na kinikilala ang pangangailan na pahalagahan ang “invaluable contribution and sacrifices of all stakeholders and sectors of the film industry, as well as provide avenues to showcase and celebrate the achievements and progress of the discipline of film and filmmaking.”

 

 

Inatasan ng Pangulo ang FDCP upang manguna sa pagdiriwang ng Philippine Film Industry Month, at kasama ang lahat ng ahensya ng gobyerno at mga kasapi ng National Government, kabilang ang government-owned o -controlled corporations at state universities at colleges, pati na rin ang pribadong sektor upang tumulong sa FDCP na paunlarin at ipatupad ang mga programa at mga aktibidad para sa Philippine Film Industry Month.

 

(ROHN ROMULO)

WBA nag-sorry, ‘Champion for Life’ award igagawad kay Pacquiao

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Humingi na nang paumanhin ang World Boxing Association (WBA) kay Filipino boxing champion Manny Pacquiao matapos na bawiin ang kaniyang boxing belt dahil sa hindi pagiging aktibo sa boxing.

 

 

Sinabi ni WBA President Gilbert Mendoz na nagkaroon lamang sila ng kalituhan tungkol sa “super” WBA welterweight title.

 

 

Kasabay din nito ay pinuri niya ang fighting senator dahil sa hindi na nito inalmahan ang desisyon nila.

 

 

“Thank you for being such a nice gentleman, thank you for your understanding… I was fooled, and I’m sorry about it,” ani Mendoza sa statement. “This is the 100 years of the WBA, the centennial year, you’re gonna be a Champion for Life. I’ll have a belt made and we’ll come with a resolution later.”

 

 

Tinanggap naman ni Pacquiao ang paghingi ng paumanhin ni Mendoza kung saan sinabi nito na ginagawa lamang ng WBA ang kanilang trabaho.

 

 

Plano rin nigayon ng WBA na bigyan ng pagkilala ang eight-division boxing champion kahit na tinalo siya ni Cuban boxer Yordenis Ugas.

 

 

Bibigyan nila ng “champion for life” belt si Pacquiao bilang bahagi ng pagdiriwang ng centennial celebration ng WBA.

DOTR: GAOR ng PMVICs IHINTO MUNA!

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Hold in Abeyance” yan ang order ng DOTr sa LTO at “conduct immediate and exhaustive review of the policy”ng GAOR.  Pero hindi kusang loob pinahinto ito ng DOTr. Ito ay matapos ng sunud-sunod na batikos buhat sa mga motoristang apektado at maging mga transport groups tulad ng 1- UTAP.

 

 

 

Nagpahayag din ang ilang mga government officials ng pag laban dito. Matinding binanatan ni Sen. Grace Poe ang GAOR sa kanyang privilege speech pero tulad ng sinabi ni Sen. Ralph Recto “it might rise again from the dead”.

 

 

 

Dapat bukod sa review ng polisiya ay magimbestiga din ang kalihim ng DOTr  sa kung sino ang pasimuno ng malasadong polisiya ng GAOR na nilabas ng LTO.

 

 

 

Hindi ba yan dumaan kay Sec. Art Tugade bago inilabas? Si Usec Artemio Tuazon at si LTO Chief Edgar Galvante lang ba ang may pakana nyan? Hindi katanggap tanggap na pagkatapos pahirapan ng higit sa dalawang linggong pagpapatupad ng GAOR ang mga motorista ay magpapapogi ka na hold in abeyance muna at pag-aralan ng maigi ang GAOR. Pinalusot ba ito? Bakit hindi muna mag public hearing ang LTO at DOTR bago maglabas ng polisiya at hindi yun pag matindi ang latay ng batikos ay babawiin bigla.

 

 

 

Marahil ay dapat na rin magsalita ang mga operator ng PMVIC. Paano sila naenganyo na pumasok sa negosyong ito? Sa totoo lang hindi biro ang investment na ibinuhos ng mga ito para mag put up ng PMVIC.  Sino kausap nila sa DOTr?

 

 

 

Sa ngayon ay pasalamat tayo sa mga nakipaglaban para mapatigil ang kontrobersyal na GAOR.

 

 

 

Ang usapin ng PMVIC ay hindi mananahimik hanggat walang napapanagot dito, kung hindi sa panahon ng administrasyong ito ay sa susunod.  Kaya sa mga taga transport sector suportahan niyo ang mga taong handang ipaglaban ang hanay niyo at hindi yung mga magpapanatili ng mga polisiyang nagpahirap sa inyo. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

ALESSANDRA, GLAIZA, CHARLIE, CRISTINE at lima pa, laban-laban sa Best Actress sa ‘44th Gawad Urian’

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino ang mga nominado para sa 44th Gawad Urian.

 

 

Nominado sa Best Picture Category ang Aswang, Hayop Ka, Kintsugi, Lahi Hayop, Midnight in a Perfect World, A Thousand Cuts at Watch List.

 

 

Best Director nominees naman sina Jay Altarejos (Memories of Forgetting), Alyx Arumpac (Aswang), Dodo Dayao (Midnight in a Perfect World), Lav Diaz (Lahi, Hayop), Ramona Diaz (A Thousand Cuts), Dolly Dulu (Love Foretold by the Stars), Lawrence Fajardo (Kintsugi), Antoinette Jadaone (Fan Girl), Avid Liongoren (Hayop Ka), Ben Rekhi (Watch List), at Irene Villamor (On Vodka, Beers and Regrets).

 

 

Magkakalaban naman for Best Actress sina Jasmine Curtis (Alter Me), Glaiza de Castro (Midnight in a Perfect World), Alessandra de Rossi (Watch List), Charlie Dizon (Fan Girl), Shaina Magdayao (Tagpuan), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), Lovi Poe (Malaya), Sue Ramirez (Finding Agnes), at Cristine Reyes (Untrue).

 

 

Magkakatunggali naman for the Best Actor plum sina Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), Enchong Dee (Alter Me), Noel Escondo (Memories of Forgetting), Keann Johnson (The Boy Foretold by the Stars), Nanding Josef (Lahi Hayop), Andrian Lindayag(The Boy Foretold by the Stars), Zanjoe Marudo (Malaya), at JC Santos (On Vodka, Beers and Regrets).

 

 

Battling it out for Best Supporting Actress are Sandy Andolong (Finding Agnes), Lolita Carbon (Lahi Hayop), Dexter Doria (Memories of Forgetting), Hazel Orencio (Lahi Hayop), and Bing Pimentel (Midnight in a Perfect World).

 

 

The nominees for Best Supporting Actor are Micko Laurente (Watch List), Jake Macapagal (Watch List), Jess Mendoza (Watch List), Dino Pastrano (Midnight in a Perfect World), and Enzo Pineda (He Who is Without Sin).

 

 

***

 

 

PALABAN sa hubaran sina Sean De Guzman at AJ Raval sa psychedelic erotic thriller Taya na dinirek ni directed by Roman Perez, Jr.

 

 

Ilang beses din naghubad sina Sean at AJ dahil marami silang sex scenes sa pelikula.

 

 

To be fair, okay naman ang performance nina AJ at Sean sa pelikula. May mga dramatic moments sina AJ at Sean na naitawid naman nila nang mahusay.

 

 

Pero ang nakakagulat ay ang willingness nila to bare for the camera. Siguro dahil sa tiwala nila sa kanilang director kaya pumayag ang dalawa na gawin ang maraming hubaran scenes.

 

 

Tastefully done naman ang mga eksena kaya di dapat mangamba ang dalawa.

 

 

Hindi pangkaraniwang sexy film ang Taya dahil masalimuot ang takbo ng kwento na sinulat ni Cinemalaya Best Screenwriter John Carlo Pacala. Hindi mo bibitiwan ang movie pag nasimulan mo na.

 

 

Kasama rin sa taya sina Jela Cuenca, Khang, Soliman Cruz, Mon Confiado, Pio Balbuena at Raul Morit.

 

 

Mapanood ito sa Vivamax.

 

 

***

 

 

SIMULA pa lang ng seryeng Huwag Kang Mangamba ay nagustuhan na namin ito agad. May dating sa amin ‘yung pagbibigay inspirasyon ng kwento nito, lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

Very timely kasi ‘yung makapanood ka ng seryeng maganda ang kwento at may aral kasi nakabawas somehow ng anxiety habang nabuburyong ka dahil sa pandemya.

 

 

Pero lately napansin namin na lately na masyado naman yata sumasama ang character ni Deborah (played by Eula Valdez) at parang mas nakalalamang ang evil over good.

 

 

Tapos nung isang gabi, ‘yung gay character ang gustong akuin ang pagnanakaw sa center ni Deborah samantalang alam naman niya na yung mga kapatid nyang kawatan ang may gawa.

 

 

Parang medyo lumilihis na pagiging inspiring ng kwento ng Huwag Kang Mangamba.

 

 

Sabi tuloy ng kaibigan namin, “hindi na realistic” ang dating ng kwento. Kaya our friend stopped watching.

 

 

Pero nakabawi ang HKM sa episode noong Huwebes. Ipinahuli ng Arlene Muhlach ang dalawang anak niyang kawatan na nagnakaw sa Healing Center ni Deborah kaya ang bading niyang anak na aako sana sa kasalanan ay lusot na.

 

 

Nakalabas na rin si Barang (Sylvia Sanchez) sa mental hospital sa tulong nina Mira at Joy, na kanya palang mga apo.

 

 

Tinulungan sila ng investigative reporter played by Mylene Dizon.

 

 

Mas lalo pang magiging exciting ang next episodes dahil siyempre di papayag si Deborah na mabuko sa kasalanan kanilang ginawa.

(RICKY CALDERON)

12 sundalo ng US kasama sa 60 patay sa Kabul Airport bombing

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kinumpirma ng Pentagon na 12 sundalo nila ang nasawi sa pagsabog sa Kabul Airport sa Afghanistan.

 

 

Sinabi ni Gen. Kenneth “Frank” McKenzie, namumuno sa US Central Command, kabilang sa nasawi ang 11 marines at isang Navy Medics.

 

 

Mayroong 15 mga sundalo din nila ang nasagutan na dinala na sa pagamutan.

 

 

Sa kabuuan ay nasa 60 katao ang nasawi at 140 na ang sugatan.

 

 

Dagdag pa nito na inaalam pa nila kung anong grupo ang nasa likod ng nasabing suicide attack.

 

 

Magugunitang niyanig ng dalawang pagsabog ang Kabul airport na pinaniniwalaang kagagawan ng suicide bomber.

 

 

Iginiit pa rin ng Pentagon na tuloy pa rin ang ginagawa nilang paglikas sa mga mamamayan nila at mga Afghans. (Daris Jose)

Diaz magdo-donate ng P1 milyong weightlifting equipment

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ayon kay Samahang Weightlifting ng Pilipinas (SWP) president Monico Puentevella, magdo-donate si Diaz ng mga weightlifting equipment sa SWP at Philippine Sports Commission.

 

 

Nagkakahalaga ito ng P1 milyon.

 

 

Nais ni Diaz na makatulong upang makatuklas pa ng mga bagong talento na susunod sa kanyang yapak sa mga darating na henerasyon,

 

 

Kaya naman malaki ang maitutulong ng mga sports equipment para may magamit ang mga interesadong atleta.

 

 

“Gusto ni Hidilyn na maibahagi ang pinaghirapan niya sa new breed of athletes especially sa weighlifting,” ani Puentevella.

 

 

Marami ang nagkainteres sa weighlifting matapos masungkit ni Diaz ang kauna-unahang gintong medalya ng Pilipinas sa Olympic Games.

 

 

Pinagreynahan ni Diaz ang women’s 55-kilogram division kung saan bumuhat ito ng 97 kgs. sa snatch at 127 kgs. sa clean and jerk para sa kabuuang 224 kgs.

 

 

Mahigit P50 milyon ang tinanggap ni Diaz mula sa cash prize, house and lot, kotse at ilang negosyo package bilang insentibo sa kanyang pagkakapanalo ng gintong medalya sa Tokyo Olympics.

KYLIE, masasabing ‘at peace’ at genuinely happy’ after makipaghiwalay kay ALJUR

Posted on: August 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA wakas at masasabi na ni Kylie Padilla na she is “at peace” at “genuinely happy” na siya matapos ang pakikipaghiwalay niya sa mister na si Aljur Abrenica.

 

 

Sa recent interview ni Kylie, malutong ang mga tawa nito at halatang magaan na ang pakiramdam nito kumpara sa mga nauna niyang panayam na may bigat pa siyang dinadala.

 

 

“Okay naman. Kasi nakapaglipat na kami ng bahay, so nakapag-adjust na kami sa kailangang gawin, sa kailangang mangyari, I truly am. I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” diin ni Kylie.

 

 

Malaking tulong daw kay Kylie ang work therapy dahil nakagaan daw iyon sa mga dati niyang dinadalang problema sa buhay.

 

 

“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga. I’m at peace now than I was,” sey ni Kylie patungkol sa project nila ni Andrea Torries na BetCin na tungkol sa isang lesbian relationship na papunta na sa paghihiwalay.

 

 

Sey pa ni Kylie na gustung-gusto niya ang character niya sa BetCin as Beth: “There were certain things na mga binasa ko. Sabi ko, ‘Naiintindihan ko siya kung bakit niya nagawa ‘yung mga nagawa niya.’ She’s an imperfect person, but she loves for real.”

 

 

Ready na rin daw si Kylie na gumawa ng teleserye. Yun nga lang, kailangan daw mentally at physically ready siya sa lock-in taping dahil malalayo siya sa kanyang dalawang anak ng matagal.

 

 

“Ready naman ako anytime, ‘yung lock-in taping lang talaga, nakakatakot kasi magko-commit ka. Siyempre ‘yung ibang lock-in ang tatagal eh, so panibagong isa-psych ko ‘yung sarili ko para malayo sa mga anak ko. Ang hirap talaga, may anxiety akong malayo sa kanila,” sey pa ni Kylie.

 

 

***

 

 

INAMIN ni Kyline Alcantara na mas naging close sila ni Mavy Legaspi habang nasa lock-in taping sila ng teleseryeng I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Ayon sa mga nakasama nila sa taping, mukhang puwedeng mauwi sa higit pa sa pagkakaibigan ang pagtitinginan ng dalawang Kapuso stars.

 

 

Nasabi na before ni Mavy na “best feeling” ang makatrabaho si Kyline dahil nag-e-enjoy siya sa kanilang tawanan at kulitan sa set ng kanilang kinabibilangan na teleserye.

 

 

Panay naman daw ang tukso sa kanila ng kanilang co-stars na sina Heart Evangelista-Escudero, Paolo Contis at Richard Yap.

 

 

“Number one na nang-aasar sa amin si ate Heart. Second si Kuya Pao. Third si Tito Richard. For me, no one knows the future. But right now I’m just really enjoying the moment,” sey ni Kyline.

 

 

Pruweba nga naman ang mga nag-viral na photos nila Mavy at Kyline na very sweet na magkasama sa kanilang location set sa Sorsogon. Ayon sa ilang netizens, lalong lumalalim ang dimples nila kapag magkasama sila.

 

 

Simpleng sagot naman ni Mavy: “Kung ano man ang mangyari, it is what it is.”

 

 

***

 

 

MALAKING adjustment ang nangyari kay Juancho Trivino noong maging padre de pamilya na siya.

 

 

Kung noon daw ay sarili lang niya ang iniisip niya, ngayon ay priority na niya ang kanyang misis na si Joyce Pring at ang baby nilang si Alonso Eliam.

 

 

Ayon kay Juancho, iba pa rin ang mag-alaga ng bata kumpara sa kanyang trabaho bilang artista at host.

 

 

“Akala ko kaya ko eh, kasi nagte-taping ako ng nine years eh. Pero iba eh, iba ‘yung 12 a.m. hanggang 5 a.m. Sinusubukan mo ‘yung best mo na tumigil siya sa kakaiyak pero, adjustment. Patience, sobrang laking patience. Hindi ko na iniisip ang sarili ko ngayon. Mas priority ko na si Joyce and ‘yung anak ko,” sey ni Juancho.

 

 

Maraming netizen ang sabik na makita na ang hitsura ni Baby Liam. Pero sa ngayon ay gusto munang maging pribado nina Juancho at Joyce ang mukha ng kanilang baby.

 

 

“Napag-usapan din namin kasi ‘yun na iho-hold muna ‘yung privacy namin, lalo noong nanganak siya and ‘yung hitsura niya. Para sa mental health din namin, na inu-unti unti rin namin ‘yung mga bagay-bagay. We’re enjoying each moment and sobrang laking blessing din ni Liam sa buhay namin,” diin ni Juancho.

(RUEL J. MENDOZA)