• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for September 28th, 2021

Fil-Japanese golfer Yuka Saso, 4th place sa 2021 Walmart NW Arkansas Championship

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagtapos sa ika-apat na puwesto ang Philipinne golfer na si Yuka Saso sa 2021 Walmart NW Arkansas Championship na ginanap sa Pinnacle Country C

 

lub in Rogers, Northwest Arkansas.

Tinapos ng Filipino-Japanese golfer ang torneyo na mayroong total na 199 at 14-under par 71 sa lahat ng 54-hole sa tatlong araw na torneyo.

 

 

Ang naturang tournament ay bahagi ng LPGA tour ngayong taon.

 

 

Dahil sa fourth-place finishi, tatanggap ang Olympian na kinatawan ng bansa sa Tokyo Olympics ng $104,506 o katumbas ng mahigit P5.2 million na cash prize.

Gobyerno, palaging handang tulungan ang mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at BARMM

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa mga mamamayan at health front-liners sa Region 12 (Soccsksargen) at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na palaging handa ang pamahalaan na tugunan ang kanilang pangangailanan sa gitna ng pandemiya.

 

Sa ginawang monitoring visit si Go sa nasabing lugar, araw ng Biyerne ay siniguro nito sa mga manggagawa ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC), na nakikipaglaban din sa coronavirus disease 2019 (Covid-19), na pinagsisikapan niyang mabuti na maipasa ang batas na naglalayong tiyakin ang allowances at benepisyo ng mga health care workers.

 

Sinabi pa ni Go, chairperson ng Senate committee on health and demography na ang panukalang batas ay naglalayon ding palawigin ang saklaw ng benepisyo kabilang na ang lahat ng health workers sa mga ospital at iba pang Covid-19 treatment facilities lalo na sa panahon na ang estado ay nasa public health emergency.

 

“All health care workers on duty are considered exposed to Covid-19. We cannot see this virus and it is hard to separate those who are directly exposed from those who are not,” ang pahayag ni Go sa mga opisyal ng CRMC na nakiisa sa okasyon sabay sabing “All health workers in both private and government facilities are included in the proposed Senate bill on special risk allowance that I had filed.”

 

Sa kabilang dako, pinangunahan naman ni Go ang dalawang groundbreaking ceremonies para sa vital health facilities – ang bagong gusali na laan para sa 16th Malasakit Center na kanyang pinasinayaan noong Nobyembre 19, 2018, at isang 100-bed capacity Covid-19 isolation at treatment facility sa BARMM – kapuwa na matatagpuan sa CRMC compound.

 

Ang CRMC ay Covid-19 referral hospital sa Soccsksargen at BARMM sa Central Mindanao.

 

“We all know that once you are inside the hospital, you cannot say you are not exposed to the virus,” dagdag na pahayag ni Go.

 

Kasama naman ni Go sa twin groundbreaking ceremonies sina CRMC Chief of Hospital Dr. Ishmael Dimaren, Cotabato City Mayor Cynthia Guiani Sayadi, at Minister Eduard Guerra ng BARMM Ministry of Public Works.

 

“President Rodrigo Duterte’s marching order is to ensure health services to Filipinos must be prioritized,” ang pahayag ni Go.

 

Ani Go, ang bagong Malasakit building, sa oras na makumpleto ay makapagpapahusay sa serbisyong ibinibigay nito sa mga mahihirap.

 

“The Malasakit Center is for the poor and the indigents, for the hapless and helpless that have nowhere to go for their medical needs,” aniya pa rin.

 

Isa aniya itong one-stop shop para sa mga mahihirap kabilang na ang senior citizens at persons with disabilities, kung saan ay maaari silang makapag-avail ng libreng access sa medical services ng pamahalaan.

 

Sa ilalim ng programa, ang mga mahihirap na pasyente ay tinutulungan na makapag-avail ng serbisyo at pinansiyal na tulong na ibinibigay ng Department of Social Welfare and Development, Department of Health, Philippine Health Insurance Corp., at Philippine Charity Sweepstakes Office.

 

“These agencies will help the poor avail of zero bills for their patients in hospitals,” ayon kay Go.

 

Mayroon na aniyang 141 Malasakit centers ang gumagana sa buong bansa ngayon.

 

At upang ipakita ni Go ang kanyng pagpapahalaga at pagkalugod sa pagsisikap ng mga front-liners, namahagi ang staff members ni GO ng food packs, face shields, face masks, vitamins, at Jollibee meals sa 1,848 front-liners at 270 pasyente ng CRMC.

 

Nagpa-raffle din siya ng bisikleta, computer tablets at bagong sapatos para sa mga empleyado ng CRMC.

 

Matapos naman ang naging pagbisita ni Go sa nasabing lungosd, sinamahan naman ni Go si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa inagurasyon ng pagbubukas ng Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

GAB, nag-post ng mala-thirst trap photo na resulta ng extensive workout; dumaan noon sa mental health breakdown

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGPOST ng mala-thirst trap na photo si Gab Valenciano na kinainteresan ng maraming netizen sa social media.

 

 

Nagpakita si Gab ng naging resulta ng kanyang extensive workout mula July hanggang September 2021. Kitang-kita ang six-pack abs niya sa kanyang body transformation.

 

 

Bahagi raw ito ng kanyang malaking pagbabago para mabalanse niya ang kanyang physical and mental growth. Hindi kaila sa marami na dumaan sa mental health breakdown noon ang anak ni Gary Valenciano.

 

 

“Physical and mental health is the true definition of wealth. Earlier this year, I wasn’t in a good place, battled anxiety and lost 20 pounds due to not eating and not sleeping properly. My mental struggles manifested, hence, my critical weight loss,” caption ni Gab sa IG.

 

 

Ngayon daw ay kaya nang tingnan ang sarili sa salamin, hindi tulad noon na ayaw niyang makita ang sarili.

 

 

“I hated what I saw in the mirror, so I had to make a choice. And I chose to fight. I surrounded myself with people who pushed me, who encouraged me and who helped me gain back my fire. And that goal was to start loving and taking care of ‘me’ again.

 

 

“I feel stronger than ever, confident and most importantly, happy. Make a decision to be better today, just life in general, and take it one day at a time. No need to rush. You’ll get there, you just need to keep walking towards the right direction,” diin pa niya.

 

 

Noong 2020, naging open si Gab sa pagkakaroon ng mental health problem at nais niyang maka-reach out sa maraming dumaranas ng depression, anxiety at severe sadness na puwedeng mauwi sa suicide,

 

 

“When everything seems to be fine, then you wake up the next day feeling absolutely worthless, blind and unable to see beyond the next day. Depression and your state of mind will never define you,” sey pa niya.

 

 

***

 

 

FUTURE beauty queen ang Kapuso actress na si Pamela Prinster.

 

 

Gumaganap siya bilang si Abby, ang kontrabida kay Beauty Gonzalez sa GMA afternoon teleserye na Stories From The Heart: Loving Miss Bridgette.

 

 

Una naming nakilala si Pamela sa set ng teleseryeng That’s My Amboy nila Barbie Forteza at Andre Paras noong 2016. 15 years old lang si Pam noon pero pam-beauty queen na ang height at personality niya.

 

 

Muli naming nakita si Pam noong sumali siya sa Starstruck season 7 noong 2019 at mas tumangkad at gumanda pa siya.

 

 

Sa tanong kung nasa plano ba niya na sumali ng beauty pageant, sinagot naman niya ay yes.

 

 

“It’s also in my dreams to be a beauty title holder. I guess in a few more years, I will be ready. For now, mas gusto ko munang umarte. I enjoy being an actress and working with so many people. I guess dito muna ako. Joining a beauty pageant is definitely in the works soon. I want to be Miss Philippines at the Miss Universe pageant!” sey pa niya.

 

 

Enjoy daw sa kanyang kontrabida role si Pamela dahil nagkakaroon daw siya ng sarili niyang character sa teleserye.

 

 

“I feel good about my role. Nabibigyan ko siya ng iba’t ibang interpretation. I can be sweet to Kelvin (Miranda), pero mataray ako kay Ms. Beauty. Tsaka bagay daw sa akin ang kontrabida. When I did That’s My Amboy, kontrabida rin ako doon ni Barbie, kaya nasanay na ako,” tawa pa niya.

 

 

Abangan na lang natin ang pagsali ni Pamela sa Miss Universe Philippines.

 

 

***

 

 

NAG-POST na rin ng kanyang pamamaalam ang Sex and the City star Sarah Jessica Parker sa pagpanaw ng kanyang co-star at kaibigan for 30 years na si Willie Garson.     Pumanaw si Garson dahil sa sakit na pancreatic cancer.

 

 

Nakasama ni SJP si Garson sa six season ng SATC at sa dalawang film versions nito. Huli na nilang pagsasama ang reboot ng SATC sa HBO Max na And Just Like That…

 

 

Heto ang post ni SJP sa kanyang IG: “It’s been unbearable. Sometimes silence is a statement. Of the gravity. The anguish. The magnitude of the loss of a 30 + year friendship. A real friendship that allowed for secrets, adventure, a shared professional family, truth, concerts, road trips, meals, late night phone calls, a mutual devotion to parenthood and all the heartaches and joy that accompany, triumphs, disappointments, fear, rage and years spent on sets (most especially Carrie’s apartment) and laughing late into the night as both Stanford and Carrie and Willie and SJ.

 

 

“Willie. I will miss everything about you. And replay our last moments together. I will re-read every text from your final days and put to pen our last calls. Your absence a crater that I will fill with blessing of these memories and all the ones that are still in recesses yet to surface.

 

 

“My love and deepest sympathies and condolences to you dear Nathen. You were and are the light of Willie’s life and his greatest achievement was being your Papa. These were his last words to me. “Great bangles all around.” Yes. Godspeed Willie Garson. RIP.”

 

(RUEL MENDOZA)

Stick to the rule of law, iwasan ang karahasan sa Eleksyon 2022

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NANANAWAGAN si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa publiko na manatili lamang sa “rule of law” at iwasan ang karahasan sa 2022 national elections.

 

Sa naging talumpati ni Pangulong Duterte, matapos niyang pangunahan ang pagpapasinaya sa Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan town, ay sinabi nito na nais niya ang mapayapang eleksyon sa susunod na taon.

 

“There will be votes and it will be counted correctly. Nobody wants trouble, nobody wants cheating. Sabi ko, nakikiusap na ako. I’m pleading, almost praying, that people will really stick to the rule of law and avoid violence,” ayon sa Pangulo.

 

Hindi naman binanggit ng Chief Executive ang partikular na grupo o kung mayroon mang intelligence reports na mayroong anumang organization planning na gagamit ng harahasan o puwersa para impluwensiyahan ang resulta ng national polls.

 

Subalit nagbabala ang Pangulo na maaari niyang tawagan ang military upang matiyak ang mapayapa at maayos na pagsasagawa ng halalan sa bansa sa susunod na taon.

 

“Kasi kapag hindi, unahan ko na kayo, I will be forced to use the might of the military, not for any purpose but to see to it that the election is peaceful and violence-free. ‘Yan ang hingi ko, not only here but all places in the Philippines,” ayon kay Pangulong Duterte na nauna nang pormal na tinanggap ang nominasyon na tumakbo bilang bise-presidente sa susunod na taon.

 

“Either we have an election that is free, or I will use the military to see that the elections are free. The military is the guardian of our country, and I could call them anytime to see to it that people are protected and elections freely orderly exercised,” aniya pa rin.

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang karahasan at cheating tactics sa mga nagdaang halalan ang sumira sa ilang lugar sa bansa .

 

Taong 2018, nakita sa data ng Philippine National Police na ang bilang ng “politically motivated killings” ay dumoble kumpara sa taong 2017. Nagimula ito habang papalapit ang 2018 election period.

 

Kabilang rito ay ang nangyaring pagpatay kay General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote; Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan (kapuwa pinatay noong July 2018); Buenavista Bohol Mayor Ronald Tirol noong May 2018; at Ronda, Cebu Vice Mayor Jonnah John Ungab noong February 2018. (Daris Jose)

Pagbaba ng satisfaction rating ni Pdu30, hindi alarming- Malakanyang

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PARA sa Malakanyang, hindi maituturing na alarming kundi “very good” pa rin ang pinakahuling satisfaction rating ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na bumaba sa 75% base na din sa inilabas na survey ng SWS.

 

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, wala namang Presidente na hindi bumaba ang kanyang trust at satisfaction rating habang papalapit na ang eleksiyon.

 

Natural lamang ayon kay Sec. Roque na sa panahon ng eleksiyon ay humahanap ang mga kandidato ng paraan para bumaba ang rating ng Administrasyon para manalo.

 

At kung bumaba man aniya ang satisfaction rating ng Pangulo ay hindi naman ito mabilisang pagbaba.

 

Sinasabing may 3 porsiyento ng margin error kaya’t humigit kumulang ay di naman tatas ng 7 points ang ibinaba ng rating ng Panglo.

 

November 2020 naman ng makuha ng Pangulo ang pinakamataas na satisfactory rating na pumalo sa 84 percent sa kabila ng COVID-19 pandemic. (Daris Jose)

NAVOTAS NAGDAGDAG NG SKILLED WORKERS

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MULING nagdagdag ng bagong batch ng skilled workers ang Navotas City kasunod ng virtual graduation ng 138 Navoteños mula sa Navotas Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute.

 

 

Sa NAVOTAAS Institute Annex 1, 46 ang nakakumpleto ng Japanese Language at Culture habang 11 nakatapos ng Basic Korean Language at Culture.

 

 

May lima ding nakapagtapos sa Beauty Care NC II; 4, Hairdressing NC II; 10, Dressmaking NC II; 7, Tailoring NC II; at 12, Bread and Pastry Production NC II.

 

 

Samantala, sa NAVOTAAS Institute Annex 2, 15 trainees ang nakakumpleto at nakatanggap ng national certification (NC) II para sa Housekeeping, at 28 nakapagtapos ng Basic Visual Graphics and Design.

 

 

Binati ni Mayor Toby Tiangco ang nasipagtapos at pinuri sila dahil sa paggamit ng kanilang oras sa pagsasanay at makakuha ng bagong kasanayan.

 

 

Aniya, maaaring magsimula ang mga nagsipagtapos ng negosyo o dalawin ang  NavotaAs Hanapbuhay Center para sa hanapbuhay na puwede na nilang pasukan.

 

 

Habang sinabi naman ni Cong. John Rey Tiangco, na ang lungsod ay nagtatag ng training centers upang bigyan ng pagkakataon ang mga Navoteño na matuto ng mga bagong pamamaraan at iba’t-ibang uri ng skills na makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay at pamumuhay.

 

 

Ang Navotas ay may apat na training centers na bukas para sa mga Navoteño at hindi Navoteño trainees habang ang mga residente ay maaaring mag-aral ng libre sa nabanggit na training institute at ang mga hindi naman residente ng lungsod ay sasailalim sa assessment exams ng librehttp://peoplesbalita.com/wp-content/uploads/2020/10/navotas_seal.png depende sa kursong kukunin nito. (Richard Mesa)

Ads September 28, 2021

Posted on: September 28th, 2021 by @peoplesbalita No Comments