KUNG maingay ang balita sa relasyong Aljur Abrenica at AJ Raval, iba naman ang drama ni Kylie Padilla.
Tila dedma o talagang naka-move-on na si Kylie sa naging hiwalayan nila ni Aljur at tila unaffected na ito kung kanino man nali-link o balitang may karelasyon ang ama ng mga anak niya. Nag-like pa nga ito sa HHWW picture na lumabas kina Aljur at AJ.
Mas nag-post pa si Kylie ng palitan nila ng chat ng kanyang “leading lady” sa BetCin na si Andrea Torres. Akala mo e, naging “real” na rin ang LGBTQ relationship nila bilang sina Beth at Cindy.
Sa palitan nila ng chat, sinabi ni Andrea na, “Love you always!!!! Here for you always. Kahit tapos na ang BetCin.”
Naiyak naman daw si Kylie sa message sa kanya ni Andrea at reply nito, “Love you!!! Thank you Ada. Naiyak ako bakit mo ako pinapaiyak!!! Salamat talaga for this. It means everything!”
Sa caption naman, nagpapasalamat si Kylie na si Andrea raw ang naging first leading lady niya. “I learned so much from this woman. I’m happy you were my first leading lady. Cheers to more projects with you! Another strong beautiful lady I’m blessed to have worked with.”
Habang si Andrea naman ay nag-response rito na, “Huhu!!! Ako din pinapaiyak mo dito! That instant chemistry means something talaga! Hehehe, You’re precious. Di ako magsasawang sabihin sa ‘yong I love you, I’m always here for you. I miss you and I’m proud of you! Beautiful soul!”
Naku ha, ‘di kaya magka-develop-an na sa sweetness ang dalawang ito? Huh!
***
DALAWA lang ang sinasabing magiging desisyon ng Star for All Seasons at kasalukuyang Representative ng District 6 ng Batangas na si Vilma Santos.
Tatakbo ito for a higher position as Senator or magre-retiro muna sa pulika. Taong 1998 pa nang pinasok ni Ate Vi ang pulitika mula sa pagiging Mayor ng Lipa City hanggang sa umabot na nga siya sa kasalukuyang posisyon.
At sa dalawang pagpipilian, nagkaroon na ito ng desisyon and not to run anymore.
Sa nilabas niyang statement na nakita namin sa kanyang Facebook account, sinabi niya na, “After careful consideration of the present situation especially the limitations in conducting a campaign during a pandemic, I have decided not to seek any elective post in May 2022 elections.
“Pero hindi nangangahulugan na titigil na ako sa pagseserbisyo sa ating mga kababayan. Nandito pa rin ako para maglingkod sa inyo.
“I have been serving the public for more than 23 years and will continue to serve, in the best way I can, even in my private capacity. Tuloy pa rin ang trabaho at serbisyo!
“Sa lahat ng nagtiwala at patuloy na sumusuporta sa akin, maraming, maraming salamat po. Pagpalain nawa tayo ng Poong Maykapal.”
Marami naman ang sumusuporta sa desisyon niyang ito at may mga nagko-comment pa na “Best decision, Ate Vi.” At kasunod nito, ang wish na sana raw, magbalik pelikula itong muli.
***
SA pag-anunsiyo naman ni Willie Revillame ng desisyon na hindi na tumakbo bilang Senator, tila ang anak na si Meryll Soriano ang isa sa masaya sa desisyon ng ama.
Nag-post ito sa kanyang Instagram account ng picture ni Willie habang karga ang anak nila ni Joem Bascon at isang simpleng, “Love you, Papa” na may prayer at heart emoji.
At sa kasunod na IG post ni Meryll, katulad ng ibang celebrities, naging open ito sa kung sino ang Presidente sa pagpo-post na naka-pink siya at may caption na “Pink is the new Hope.”
Hindi lang tayo sure kung pareho ba sila ng political color ng ama pagdating sa Presidente.
Sa part ni Willie, binigyang-diin nga niya na kung meron man magtutuloy-tuloy na gagawin niya at hindi mawawala ay ang kanyang programa sa GMA-7 na Wowowin.
Aniya, “Sa araw pong ito, tuloy-tuloy pa rin po ang Wowowin. Hindi ko po kailangang kumandidato. Hindi ko po kailangang manalo. Ang kailangan ko ay makasama kayo dahil sa puso ko, sa isip ko dapat laging ang mga Pilipino, kayo ang panalo.”
(ROSE GARCIA)