• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 9th, 2021

P1,500 dagdag sa senior citizens aprubado na sa Kamara

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Malabon City Rep. Josephine Veronique ‘Jaye” Lacson-Noel matapos niyang mag file ng kanyang certificate of candidacy (COC) para sa reelection na aprubado na sa mababang kapulungan ang kanyang panukalang batas na magbibigay ng dagdag na P1,500 para sa seniors citizens sa bansa.

 

 

“Aside from several bills that have become law that I principally authored or co-authored which directly or indirectly benefit the city folks, I have been a key partner of the local officials led by Mayor Lenlen Oreta in extending much-needed assistance to our constituents like jobs for those who went jobless due to this Covid-19 pandemic,” pahayag ni Lacson-Noel.

 

 

Natuwa din siya sa suportang ibinibigay ng kanyang asawang si Rep. Florencio ‘Bem’ Noel, na naghain din ng kanyang COC bilang kinatawan ng An-Waray Party-list para sa ikalawang termino, sa mga mamamayan ng Malabon lalo na sa panahon ng pandemya.

 

 

Nagpapasalamat naman ang mambabatas ng Malabon sa pamunua ng House of Representatives matapos na ang kanyang House Bill 4057 ay naipasa na ng kanyang mga kasamahan at kaagad na isinumite sa Senado para sa pag-apruba nito bago ito pirmahan bilang isang batas ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

 

 

“I am confident that the Senate will pass it with dispatch because this particular measure is very important for our senior citizens all over the country. They badly need extra monetary assistance for their needs like medicines for their maintenance especially amid these trying times,” ani Lacson-Noel na ang anak na si Regino Federico ‘Nino’ Noel, na naunang itinalaga ng Pangulo bilang bagong miyembro ng konseho ng lungsod, ay nagsampa din ng kanyang COC para sa pagka-konsehal.

 

 

Sinabi pa niya na ang pag-apruba ng Kamara sa HB 4057 ay napapanahon habang ang mga miyembro ng vulnerable sector na matatanda ay dapat bigyan ng pansin sa kasagsagan ng pandemya.

 

 

“Now that only the approval of the Senate is needed, it would be very clear that our senior citizens all over the country can soon get P1, 500 cash monthly from the government,” dagdag niya.

 

 

Ipinaliwanag ni Lacson-Noel na itinulak niya ang panukala sapagkat ang mga umiiral na batas na nagbibigay ng suporta sa mga senior citizen ay hindi sapat upang mapanatili ang kanilang mga pangangailangan lalo na sa kanilang gamut. (Richard Mesa)

Sa pagtakbo ni VP LENI bilang Pangulo: ELY, kinukulit na ng netizens na tuparin ang pangakong reunion concert ng Eraserheads

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL official ngang in-announce ni Vice President Leni Robredo ang paglaban sa pagka-pangulo sa Halalan 2022, nagtatanong ngayon ang netizens kay Ely Buendia kung tutuparin niya ang pangakong magkakaroon ng reunion ang Eraserheads.

 

 

Marami nga ang nagpakita ng suporta at kaligayahan sa naging desisyon ni VP Leni, kaya umulan ng mensahe at pink artcards mula sa social media users tulad ng Twitter.

 

 

Pero hindi nila nakalimutan ang pangako ni Ely habang nakasalang sa Q&A session ng kanyang Twitter account.

 

 

Natanong kasi si Ely kung may possibility na muling magkasama-sama ang members ng popular ’90s band na kinabibilangan nina Ely, Buddy Zabala, Raimund Marasigan at Marcus Adoro sa isang reunion concert.

 

 

Sumagot si Ely ng ,“Pag tumakbo si Leni.”

 

 

At dahil nga tatakbo na si VP Leni, marami talagang naghihintay sa magiging sagot ni Ely at sa reunion concert ng Eraserheads na suggestion nila ay gawing fund-raising para sa pagkampanya ni VP Leni sa buong bansa.

 

 

Say nga ng ilang netizen, “Eraserheads be covering Let it be by The Beatles, but in Leni version. Yes. Speaking words of wisdom. Leni Be.

 

 

“Imagainie Eraserhead reuniting para suportahan si Leni!!!! @elybuendua9001 #LetLeniLead #LetLeniLead2022.”

 

 

Great! That’s a good, good sign! I am getting goosebumps! Loving this collab! Leni for President plus Eraserheads reunion concert!    “Parang #ColdplayXBTS. You are our Universe VP Leni ! #LetLeniLead #Eraserheads @lenirobredo.”

 

 

Samantala, may gumawa ng art card na nakalagay in bold letters ang ‘LENI 2022’ nakabaligtad ang letter ‘E’ ay kinulayan ng pink. At sa ibaba ng art card ang naka-quote si Ely sa tungkol sa E-heads reunion pag tumakbo nga si VP Leni.

 

 

***

 

 

SI Anne Curtis pa rin ang ‘Most Followed Filipino Female Celebrities on Twitter’ at ‘di matinag sa top spot with 14.14M.

 

 

Hawak pa rin niya ang distinction na first Filipino celebrity na nagkaroon ng 14M followers sa Twitter. Pangalawa naman si Angel Locsin with 12.65M at pangatlo si Kathryn Bernardo with 10.52M.

 

 

Nasa pang-apat naman si Yeng Constantino with 7.42M ang nag-iisang singer sa Top 10, panglima naman si Maine Mendoza with 6.5M at pang-anim si KC Concepcion with 5.47M na labis nagpapasalamat sa kanyang followers.

 

 

Nasa Top 7 naman si Alex Gonzaga with 5.15M at pangwalo si Julia Montes with 4.91M at pang-siyam si Zeinab Harake with 4.58M na isa sa most followed Pinoy influencer sa TikTok at YouTube.  Paghuli, pasok sa Top 10 si Liza Soberano with 4.56M

 

 

Kitang-kita naman talaga ang kasikatan nila at influences sa netizens at followers, kaya binabantayan ang kanilang tweets at opinyon at pinagkakatiwalaan na maging endorser.

 

 

At ngayong Halalan 2022, sinu-suno kaya sa kanila ang kukulitin ng mga pulitiko na suportahan ang kanilang pagkandidato?

(ROHN ROMULO)

NORA, nagdesisyon na tumakbo bilang representative ng ‘NORA A’ Party-list

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SALUDO kami sa desisyon ni Willie Revillame na huwag patulan ang udyok na kumandidatong Senador.

 

 

At least, aware ang TV host na hindi kaya ang trabaho ng isang senador dahil wala naman siyang experience sa paggawa ng batas.

 

 

Mas pinili ni Kuya Willie na manatili sa kanyang programang Wowowin at patuloy na bigyan ng entertainment ang kanyang mga fans.

 

 

Mabuti naman at naisip ni Kuya Willie na ang kawalan niya ng expertise sa paggawa ng batas ay isang balakid para sa isang mahusay na performance.

 

 

Pwede siyang manalo because Kuya Willie is very popular pero ano naman ang gagawin niya sa Senado kung wala naman siyang preparasyon para maging senador?

 

 

Hindi naman alam kung itutuloy nga talaga ni Robin Padilla ang pagtakbo sa senado pero sana ay huwag na lang.

 

 

Wala naman siyang experience in crafting laws at kahit minsan ay ‘di pa siya nanalo sa isang elective position. Tumakbo na siya noon pero he lost. Sana ay naging lesson na iyon sa kanya.

 

 

Maraming mga artista na gustong tumakbo pero sana before they do ay pag-isipan muna nilang mabuti if they are qualified for the job.

 

 

***

 

 

MAHAL namin si Nora Aunor or Ate Guy as she is fondly called pero hindi kami sang-ayon sa kanyang decision na tumakbo na party list representative.

 

 

Hindi namin alam kung paano nakumbinsi si Ate Guy na tumakbong party list representative pero hindi kami kumbinsido na dapat pa siyang pumasok sa politika.

 

 

Wala naman siyang dapat patunayan. At saka pwede naman siyang makatulong in her own little way kahit na di siya pumasok sa politics.

 

 

Si Ate Guy raw mismo ang may gusto na tumakbo.

 

 

Sana ay hindi nagkamali si Ate Guy sa kanyang desisyon. Tatakbo si Ate Guy bilang party list representative ng ‘NORA A – National Organization for Responsive Advocacies for the Arts.’

 

 

Gusto raw ni Ate Guy na makatulong sa performing arts group, senior citizens, labor Groups,  mga kabataan, mga miyembro ng LGBTQ, mga magsasaka, at mga manggagawa sa showbiz, gayundin sa members ng entertainment media.

(RICKY CALDERON) 

Pagpapasinaya sa Bicol International Airport, pinangunahan ni PDu30

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sa kanyang naging talumpati, sinabi ng Pangulo na masaya siya na naging bahagi at kasama sa inagurasyon ngayon ni Pangulong Rodrgo Roa Duterte ang pagpapasinaya sa Bicol International Airport sa Brgy. Alobo, Daraga, Albay.

 

Ang pagkumpleto aniya ng world-class state ng gov’t infrastructure project ay nagbigay sa pamahalaan ng karangalan at kasiyahan dahil makapagbibigay ito ng mas maayos na transportasyon para sa mga Filipino na magbibyahe patungo at mula sa Bicol region.

 

“I congratulate the DOTR as well, its local officials and project partners including the Civil Aviation Authority of the Philippines for turning the Bicol International Airport into a reality after an 11-year delay,” ayon sa Pangulo.

 

“Indeed, today’s inauguration is another milestone in the admin’s Build, Build. Build program. We are fulfilling our mission of improving the lives of Filipinos by providing quality infrastructure projects that allow greater connectivity and mobility, create more jobs, and boost economic activity in other regions,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang paliparan aniyang ito na tinaguriang “most scenic gateway” sa bansa ay may pangakong makapagbibigay ng “unforgettable travel experience” hindi lamang sa mga bisita kundi mismo sa maraming mga Bicolanos.

 

Sa pagkakataong ito ayon sa Pangulo, hinikayat niya ang management at staff ng Bicol International Airport na tiyakin na ang lahat ng mga pasahero ay makakakuha ng “best, quality of service” na deserve ng mga ito.

 

Samantala, kumpiyansa naman si Pangulong Duterte na sa oras na fully operational, ang airport ay makapagsisilbi sa pangangailagan ng 2 milyong pasahero kada taon at makapagbigay ng “efficiency, reliability and safety standards” upang masiguro ang modern airport.

 

“Let us look forward for a stronger and more vibrant future of the entire Bicol region and its surrounding provinces. Mabuhay at congratulations para sa inyo,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Brooklyn Nets posibleng magkampeon, Durant tatanghaling MVP – NBA GMs survey

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinakapaborito umano ngayon ang Brooklyn Nets na siyang hinuhulaang magka-kampeon sa bagong season ng NBA.

 

 

Ito ang lumabas sa taunang survey ng 30 mga general managers.

 

 

Nakatanggap daw ng 72% na mga boto ang Brooklyn na sa tingin nila ang siyang mananalo.

 

 

Lumabas din sa survey na may posibilidad ding magkampeon ang Los Angeles Lakers (17%) habang pumapangatlo ang defending champion na Milwaukee Bucks (10%).

 

 

Lumutang naman ang pangalan ng veteran superstar na si Kevin Durant sa survey na siyang makakasungkit daw ng MVP award.

 

 

Umabot sa 37 votes ang napunta kay Durant mula sa mga managers at sumusunod naman sa 33 percent ang Mavs star na si Luka Doncic.

 

 

Sa October 19, 2021 NA ang simula ng bagong season ng NBA.

Willie Revillame hindi na tatakbo sa pulitika

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nagdesisyon ang TV host Willie Revillame na hindi na tatakbo sa anumang posisyon sa 2022 elections.

 

 

Sinabi nito na nais niyang ipagpatuloy ang kaniyang TV show dahil sa ganitong paraan ay nakakatulong ito ng mas maraming tao.

 

 

Hindi aniya kailangan pang tumakbo sa anumang posisyon para makatulong sa kapwa.

 

 

Magugunitang isa ang TV host/actor na napipili ni Pangulong Rodrigo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa darating na halalan. (Daris Jose)

Bawat Filipino may pagkakautang daw na P106,000 dahil sa P11.6-T na utang ng gobyerno

Posted on: October 9th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinukoy ngayon ng economic think tank na IBON Foundation Inc. na bawat isang Pinoy ay may utang na P106,000 ito ay dahil naman sa paglobo pa ng pagkakautang ng gobynero a umaabot na sa record-high na P11.642 trillion.

 

 

ayon kay IBON Foundation executive director Jose Enrique “Sonny” Africa kung ang naturang halaga na P11.642-trillion at paghahati hatiin sa bawat 109 million population, nangangahulugan daw na ang kada Filipino ay meron ng pagkakautang ng mahigit sa 106,000.

 

 

Sa pagtaya pa ng IBON foundation lumalabas daw na sa bawat pamilya ay aabutin ng halos kalahating milyong piso ang pagkakautang.

 

 

Aminado naman si Africa na hindi naman masama ang pangungutang ng gobyerno upang isalba ang ekonomiya basta ang balik nito ay may revenues para sa huli ay mabayaran din ang mga obligasyon.

 

 

Una nang inilabas ng national government ang running debt recrod as of end-August 2021 na mas mataas pa sa P32.05 billion mula sa dating P11.61-trillion level noong buwan ng Hulyo.

 

 

Sinasabing ang paglobo ng pagkakautang ng Pilipinas ay upang pondohan ang ipinapatupad nitong mga COVID response.