Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Ayon kay OCTA Fellow Dr. Guido David, nag-peak na ang virus cases sa NCR at sa ngayon ay nakakapagtala na lang ng seven-day average na 2,000 bagong kaso.
Wala rin silang nakikitang anumang variant of concern na nagbabanta ngayon kaya’t sa tingin nila ay magtutuluy-tuloy na ang pagbaba ng mga kaso ng COVID-19 hanggang sa panahon ng Pasko.
Sa kasalukuyan ang COVID reproduction number sa NCR ay nasa 0.6 na, bumababa na rin ang hospital occupancy rate sa rehiyon at ang positivity rate ay nasa 13% na lamang.
Sinabi ni David na posibleng sa linggong ito ay maging 4-digit na lang o less than 10,000 na ang national average o ang COVID-19 cases na naitatala sa bansa, na ngayon ay naglalaro pa ng hanggang 11,000 ang seven-day average.
INAMIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “last minute” nang ang ruling PDP-Laban na si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na patakbuhin bilang presidential candidate sa May 2022 elections.
Ang pag-amin ng Pangulo ay sinabi nito sa kanyang naging pagbisita kay televangelist Apollo Quiboloy sa Davao City, araw ng Biyernes ilang oras matapos na maghain ng kanyang certificate of candidacy si Dela Rosa sa Commission on Elections.
“Wala kaming ulo,” ayon sa Pangulo.
“I think PDP decided last minute, the last day of the filing of the certificates that it would be good to have at least a head of the whole team,” dagdag na pahayag nito.
Kumpiyansa naman ang Chief Executive na malaki ang tsansa ni Dela Rosa na manalo at maupo sa Malakanyang.
“He might still make it. With so many candidates filing their certificates of candidacy, you can never tell the destiny of man. It would be good to have a military man as president of this Republic,” ayon sa Pangulo.
Inihayag ni PDP-Laban secretary general Melvin Matibag na si Dela Rosa ang kanilang ‘standard bearer’ at makakatambal ni Sen. Bong Go na tatakbo bilang pangalawang pangulo.
Sa isang panayam, sinabi naman ni Dela Rosa na may “basbas” ni Pangulong Duterte ang kanyang pagtakbo bilang pangulo ng bansa sa Eleksyon 2022.
Binigyan diin nito na ipagpapatuloy niya ang mga programa ng Pangulo ng kapag nahalal na pangulo sa susunod na taon. (Daris Jose)
ALL-OUT support ang ipinakita ni KC Concepcion sa kanyang Facebook at Instagram accounts para sa desisyon ng kanyang stepdad na si Sen. Kiko Pangilinan na tatakbo bilang Vice President sa May 2022 national elections.
Si Sen. Kiko ang napiling ka-tandem ni Vice President Leni Robredo na tatakbo naman bilang pangulo matapos nilang mag-file ng candidacy noong October 7, 2021.
Nag-post si KC sa social media old photo kasama si Megastar Sharon Cuneta, Sen. Kiko at sina Frankie at Miel na mga bata pa at isa pang photo na silang dalawa.
Caption niya KC na naka-tag si Sen. Kiko: “Your love for family and country is genuine and true. Thank you for all the things that you do. This is our family’s biggest milestone yet…
“Dad, whatever the outcome, let the welfare of others be your motivation and strength.”
Ipinagmalaki rin ni KC ang mga naging accomplishments ni Sen. Kiko at dasal niya na maging matagumpay ang naging desisyon ng stepdad.
“A Harvard alumnus. A UP and La Salle raised lawyer. An Ateneo professor. 20 years of serving the people as Senator.”
“You deserve my vote and the Vote of the People. May God bless the long journey towards becoming the next Vice President of the Philippines. Mahal kita. ”
Nag-reply naman ang senador at nagpasalamat sa support and love ni KC.
“Thank you for the love and support, my eldest. It means so much. God’s purpose not mine. We surrender the effort to the Almighty. The battle is His. Love you too.”
May post din si KC sa kanyang IG stories ng heartwarming photo nila Sen. Kiko, na nagpapakita kung gaano sila ka-close.
Gumamit siya ng pink background, naka-pink dress din at nilagyan niya ng caption ang photo nila ng, “My Vice President.”
Nasa Los Angeles, California si KC para ipagpatuloy ang pag-aaral ng gemology at doon na siya boboto.
Isa nga sa makakalaban ni Sen. Kiko sa pagka-bise predisente ay si Senate President Tito Sotto, na asawa ni Helen Gamboa na tiyahin at nanay-nanayan naman ni Sharon.
***
TRUE to the promise of delivering bigger, better prizes, in-announce ng ‘Wil To Play’, ang mobile game arcade ni television host and funnyman Willie “Kuya Wil” Revillame, ang “Wil To Play 10.10 Special 10-Day Doble Panalo Raffle.”
For 10 days, na nagsimula kahapon, October 10, sampung daily winners ng PHP10,000 each (PHP5,000 gift certificate from Wil To Play + PHP5,000 gift certificate from Kuya Wil, both convertible to cash) ang idi-draw kasama ang usual generous prize packages na pinamimigay tulad ng sacks of rice, groceries and other essentials (Kailangan Package), smartphones (Kasiyahan/Kaalaman Package), brand new motorcycles (Kuya Wil’s Special Prize), food cart + Wil To Play Negosyo Reseller/Outlet puhunan(Grand Kabuhayan Package) and tricycle + Wil To Play Negosyo Reseller/Outlet puhunan (Ultra Grand Kabuhayan Package).
In addition, from October 10 moving forward, ang mga mananalo sa ‘Wil To Play’ ay bibigyan ng power to choose by offering the option to convert all prize packages to cash to facilitate easier distribution, especially to provincial winners.
Ang ‘Wil to Play’ ay nagdadala ng fun and excitement sa television game show sa inyong mobile phones. Virtual man ang games pero ang prizes at stake are definitely real.
Ang ‘Wil to Play’ ay mula sa Perya Perya (na halaw sa Filipino term amusement park), ang mobile game arcade platform ng technology company Big Crunch Digital Pte. Limited (Big Crunch Digital).
Ang ‘Wil To Play’ ay mada-download sa Google Play Store. For more information on Wil To Play, please visit WilToPlay.com or facebook.com/WilToPlay.
(ROHN ROMULO)
DADAAN SA BUTAS ng karayom at magiging mahirap para sa International Criminal Court na ilantad ang katotohanan sa drug war sa bansa.
Ito’y dahil na rin sa posisyon ng Philippine government na hindi makipagtulungan sa imbestigasyon ng ICC sa nasabing usapin.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na ang mga reklamo at alegasyon ukol sa kontrobersiyal na anti-illegal drugs campaign ay kailangan na nakasampa sa Pilipinas.
“Sana po pero without the cooperation of the State, mahihirapan po sila to uncover the truth. Ang sa akin lang naman po, kung mayroon talagang may reklamo laban sa drug war, isampa po natin dito sa Pilipinas nang mabigyan kayo ng katarungan,”ayon kay Sec. Roque.
Ang pahayag na ito ni Sec. Roque ay tugon sa sinabi ni ICC prosecutor Karim Khan na ang kanyang imbestigasyon sa drug war ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay maglalantad ng katotohanan at makapagbibigay garantiya na pananagutin ang mga sangkot sa di umano’y human rights abuses.
Sinabi ni Khan, na itutuon ng ICC ang kanilang pagsisikap para masiguro ang “a successful, independent and impartial investigation.”
Sa kabila ng pagmamatigas ng Malakanyang na hindi makikipagtulungan sa ICC probe, sinabi ni Khan na handa ang kanyang tanggapan na makipagkasundo sa Philippine authorities habang isinasagawa ang imbestigasyon.
Matatandaang ang predecessor ni Khan na si Fatou Bensouda ang humiling sa ICC na magsagawa ng imbestigasyon sa krimeng nangyari sa Pilipinassa pagitan ng Nobyembre 1, 2011 sa konteksto ng anti-drug campaign sa ilalim ng Duterte administration.
Pinagbigyan naman ng ICC ang kahilingan ni Bensouda na imbestigahan din ang nangyaring patayan sa Davao province sa pagitan ng Nobyembre 2011 hanggang Hunyo 2016.
Sinabi ni Sec. Roque na mas gugustuhin pa ni Pangulong Duterte ang mamatay sa halip na harapin ang imbestigasyon ng ICC.
Inatasan naman ang Department of Justice-led inter-agency panel na rebisahing mabuti ang drug killings sa bansa at nakumpleto na nito ang kanilang pagrerebisa sa dalawang batches ng drug war cases.
Hinikayat kasi ni United Nations High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet ang Pilipinas na isapubliko ang natuklasan sa isinagawang assessment ng DoJ.
Bilang tugon, tiniyak ni Sec. Roque itatago ang DoJ at ang lahat ng dokumento ay ilalathala sa oras na pormal na naghain na ng kaso.
“Wala pong tinatago ‘yung imbestigasyon ng DOJ dahil kapag natapos po ang imbestigasyon at kinakailangan magsampa ng kaso, isasapubliko po lahat ‘yan,” ayon kay Sec. Roque.
“Lahat ng isinasampang records sa ating hukuman ay public documents,” aniya pa rin. (Daris Jose)
Pinayagan na rin ang NBA supertar na si Kyrie Irving na makapag-practice sa kanilang team facility sa Brooklyn.
Gayunman hindi pa rin ito makakapaglaro tulad na lamang sa New York at home games kapag nagsimula na ang season dahil sa hindi pa rin ito nakakapagpabakuna laban sa COVID-19.
Ayon sa team, ang pasilidad nila sa Brooklyn ay maituturing daw na pribado, habang ang ilang mga estado sa Amerika ay naghigpit doon sa mga hindi bakunado.
Inamin naman ng coaching staff na mag-iisang linggo na rin na hindi pa nila nakikita si Irving mula ng magsimula ang training camp.
Una nang nanghinayang ang ilang players kung mababawasan sila ng katulad ni Irving lalo raw at wala itong katapat na players.
Sa darating na October 19 na ang opening ng bagong season ng NBA.
Mahigit 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccines mula sa COVAX Facility ang dumating sa Pilipinas kahapon.
Lumapag ang Emirates flight lulan ang 918,450 Pfizer jabs sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 pasado alas-4:00 ng hapon.
Marso 1 ng kasalukuyang taon nang sinimulan ng Pilipinas ang vaccination program nito kontra COVID-19.
Sa ngayon, mahigit 20 million Pilipino pa lang ang bakunado kontra sa naturang sakit.
Kabilang sa mga brands ng COVID-19 vaccines na natanggap ng Pilipinas ay gawa ng Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca at Sputnik V.
Agad pinayuko ng Belarusian tennis player na si Aliaksandra Sasnovich ang 2021 US Open champion na si Emma Raducanu sa secound round ng Indian Wells tennis tournament.
Tinalo ng 27-anyos na si Sasnovich ang kampeyon sa score na 6-2, 64.
Nagkaroon ng problema sa accuracy at energy level ang 18-year-old British sensation kaya ito natalo sa world number 100.
Nagkaroon din ng unforced errors at hindi nakaporma sa tennis star mula Belarus sa kabila ng suporta sa kanya ng mga nanonood.
“Aliaksandra played a great match. She’s an extremely experienced opponent who has been on the Tour for many years. She was better than me today so she deserves to win,” ani Raducanu.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na naglaro si Raducanu sa Indian Wells.
INAPRUBAHAN at nagbigay ng updated report ang Inter-Agency Task Force (IATF), ukol sa testing at quarantine protocols para sa international arriving passengers na manggagaling mula sa “Green” at “Yellow” List of countries/ territories/jurisdictions epektibo ngayong araw. Oktubre 8, 2021.
Ang mga fully vaccinated individuals na manggagaling mula sa “Green” o “Yellow” List ay kailangan na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa mapalabas ang kanilang negative RT-PCR testing na kinuha sa ikalimang araw.
Kailangan din na sumailalim ang mga ito sa home quarantine hanggang sa ika-10 araw, ang unang araw ay ang araw ng kanilang pagdating sa bansa.
Sa kabilang dako, ang mga unvaccinated, partially vaccinated, o indibiduwal na ang vaccination status y “cannot be independently verified” o kumpirmado bilang valid o authentic ng mga awtroidad na nagmula sa “Green” o “Yellow” List ay required na sumailalim sa facility-based quarantine hanggang sa maipalabas ang kanilang RT-PCR testing na kinuha noong ika-pitong araw.
Required ang mga ito na sumailalim sa home quarantine hanggang sa kanilang pang-14 na araw, ang unang araw ay ang araw ng sila ay dumating sa bansa.
“For both instances, the Bureau of Quarantine (BOQ) shall ensure strict symptom monitoring while the individuals are in the facility,” ayon kay Presidential sokesperson Harry Roque.
Sa kaso naman ng mga foreign nationals, required ang mga ito na mag-secureng kanilang pansariling pre-booked accommodation “at least 6 days” para sa mga fully vaccinated; at “at least 8 days” naman para sa unvaccinated, partially vaccinated, o indibiduwal kung saan ang vaccination status “cannot be independently confirmed as valid or authentic by our authorities coming from “Green” or “Yellow” List.”
Ang mga dokumento na tinatanggap para i-verify/confirm ang vaccination status kabilang na ang Certification mula sa Philippine Overseas Labor Office sa bansa na pinagmulan ng overseas Filipino workers (OFWs) at ng kanilang asawa, magulang o mga anak na magbi-byah kasama sila; VaxCertPH digital vaccination certificate o BOQ-issued International Certificate of Vaccination o Prophylaxis (ICV) para samga Filipino o dayuhan na fully vaccinated sa PIlipinas; at ang national digital certificate sa foreign government na tumatanggap ng VaxCertPH sa ilalim ng reciprocal arrangement o BOQ-issued ICV para sa non-OFWs at foreigners fully vaccinated sa ibang bansa.
Sa kabilan dako, inaprubahan din ng IATF ang protocols parasa mga close contacts ng probable, suspect at confirmed COVID-19 cases.
“Fully vaccinated individuals who are close contacts of probable and confirmed COVID-19 cases may undergo a 7-day quarantine period provided the individual remains asymptomatic for the duration of the 7-day period with the 1st day being the date immediately after the last exposure,” ayon kay Sec. Roque.
“In the event that RT-PCR test needs to be performed on the asymptomatic individual, it may be done not earlier than the 5th day after the date of the last exposure,” dagdag na pahayag nito.
Kapag ang RT-PCR test ay nakakuha ng positibong resulta, ang isang indibiduwal ay magiging symptomatic, ang indibiduwal na ito ay susunod sa itinakdang testing at isolation protocols.
Samantala, wala namang testing at quarantine ang ire-require para sa mga close contacts na natunton ng lagpas na sa ika-pitong araw mula sa huling exposure at nananatiling asymptomatic.
Ang mga unvaccinated o partially vaccinated individuals na maaaring maging close contacts ng suspect, probable, at confirmed COVID-19 cases ay kailangan na sumailalim sa 14-day quarantine.
Bukod dito, nagpasok naman ang IATF ng bagong probisyon sa Guidelines ukol sa Pilot Implementation of Alert Levels System for COVID-19 Response sa National Capital Region.
Pinapayagan ang mga” below 18 years old, fully vaccinated individuals over 65-years of age, fully vaccinated individuals with comorbidities or other health risks, fully vaccinated pregnant women point-to-point interzonal travel to areas under General Community Quarantine and/or Modified General Community Quarantine, subject to guidelines and health protocols as may be prescribed by the Department of Tourism and the local government unit of destination. ” (Daris Jose)
NAGWAKAS na ang 11-taon pagtatago ng isang lalaking akusado sa panggagahasa sa isang 16-anyos na kanyang kapitbahay sa Ormoc City matapos siyang masakote ng mga awtoridad sa kanyang hideout sa Caloocan City.
Ayon kay NPD Director P/BGen. Jose Santiago Hidalgo, Jr. ang akusadong si Melvin Jumao-as, 30, tubong Leyte at residente ng Purok 6, Calapakuan, Zambales ay sangkot din sa serye motornapping incidents sa Caloocan City at kalapit na probinsya at napag-alaman na sub-leader siya ng notoryus “Limos Motornapping Group”.
Siya ay nadakip sa Langit Road, Brgy. 176, Bagong Silang dakong alas-8 ng umaga ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) sa pangunguna ni P/Lt Melito Pabon sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Lt. Col. Jay Dimaandal, kasama ang NPD- Regional Intelligence Unit of National Capital Region (RIU-NCR), NPD Highway Patrol Group (HPG) at Ormoc City Police Station.
Ani BGen. Hidalgo, si Jumao-as ay tinagurian bilang Top 6 Most Wanted Person sa Ormoc City na may standing warrant of arrest na inisyu noong July 12, 2011 ni Hon. Judge Clinton C. Nuevo ng Ormoc City Regional Trial Court (RTC) Branch 12 para sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination na walang inirekomendang piyansa.
Batay sa record, sapilitang hinalay ni Jumao-as ang 16-anyos niyang kapitbahay sa Sitio Tongonan, Brgy. Montereco, Ormoc City noong October 09, 2010 at matapos nito ay nagtago ang suspek makaraang magsampa ng kaso ang pamilya ng biktima kontra sa kanya.
Nang makatanggap ng intelligence information si DSOU head Lt. Col. Dimaandal mula sa NPD-RIU-NCR na si Jumao-as ay naispatan sa Bagong Silang, kasama ang grupo ng hinihinalang motornapping syndicate ay agad bumuo ng team ang DSOU sa pamumuno ni Lt. Pabon, sa coordination sa Ormoc City Police Station saka ikinasa ang police operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek. (Richard Mesa)