Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
Hangga’t hindi nagpapabakuna si star guard Kyrie Irving laban sa coronavirus disease (COVID-19) ay hindi siya isasama ng Brooklyn Nets sa kanilang mga ensayo at laro para sa 2021-2022 NBA season.
“Kyrie’s made it clear that he has a choice in this matter and it’s ultimately going to be up to him what he decides,” sabi kahapon ni Nets general manager Sean Marks. “We respect the fact that he has a choice, he can make his own and right now what’s best for the organization is the path that we’re taking.”
Ayaw magpabakuna ni Irving dahil sa kanyang paniniwala na iginagalang ng Brooklyn team at nina coach Steve Nash, Kevin Durant at James Harden.
Ipinatutupad ng New York City ang COVID-19 vaccine mandate sa mga professional athletes na nag-eensayo at naglalaro sa kanilang siyudad.
Ang mga NBA players ay hindi required magpabakuna, ngunit sasailalim sila sa mas maraming testing at restrictions kapag sasama sila sa kanilang mga koponan.
Samantala, umiskor si Jordan Poole ng 18 points para igiya ang Golden State Warriors sa 111-99 paggupo sa Los Angeles Lakers at itala ang kanilang 4-0 record sa preseason. Dinaig naman ng Toronto Raptors (3-2) ang Washington Wizards (0-3) sa kanilang 113-108 panalo.
INAPRUBAHAN nang Inter-Agency Task Force (IATF) ang rekomendasyon na ilagay ang National Capital Region (NCR) sa ilalim ng Alert Level 3 simula Oktubre 16, 2021 hanggang Oktubre 31, 2021.
Inaprubahan naman ng IATF na ilagay ang Apayao, Kalinga, Batanes, Bulacan, Bataan, Cavite, Rizal, Laguna, at Naga City para sa Luzon; at Zamboanga City at Zamboanga del Norte para sa Mindanao sa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Ang mga nasa ilalim naman ng General Community Quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ay Abra, Baguio City, Ilocos Sur, Pangasinan, Cagayan, Isabela, City of Santiago, Nueva Vizcaya, Quirino, Quezon, at Batangas para sa Luzon; Bacolod City, Capiz, Lapu-Lapu City, Negros Oriental, at Bohol para sa Visayas; at Zamboanga del Sur, Misamis Oriental, Cagayan de Oro City, Davao del Norte, Davao Occidental, Davao de Oro, Butuan City, at Surigao del Sur para sa Mindanao.
Inaprubahan din ng IATF na ilagay sa ilalim ng GCQ ang Ilocos Norte, Dagupan City, Ifugao, Benguet, Tarlac, Lucena City, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro, Puerto Princesa, Marinduque, Albay, and Camarines Norte para sa Luzon; Aklan, Antique, Guimaras, Negros Occidental, Iloilo City, Iloilo Province, Cebu City, Cebu Province, Mandaue City, Siquijor, at Tacloban City para sa Visayas; at Zamboanga Sibugay, Misamis Occidental, Iligan City, Davao City, Davao Oriental, Davao del Sur, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, North Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Islands, Cotabato City, at Lanao del Sur para sa Mindanao.
Ang lahat ng lugar na hindi nabanggit ay inilagay naman sa ilalim ng Modified General Community Quarantine (MGCQ).
Ang pinakabagong risk-level classification ay epektibo simula Oktubre 16, 2021 hanggan Oktubre 31, 2021 (Daris Jose).
Nakalabas na umano ng ospital si Deontay Wilder, dalawang araw matapos na lumasap ng matinding pagkatalo kay WBC champion Tyson Fury na ginanap sa T-Mobile Arena sa Las Vegas nito nakalipas na Linggo.
Gayunman kinakailangan pa nitong magpagaling ng husto dahil sa pagkabasag ng kamay bunsod na rin ng brutal fight kay Fury, sa ikatlo na nilang paghaharap.
Kung maalala pinatumba rin ni Wilder (42-2-1, 41KOs) si Fury ng dalawang beses sa fourth-round, gayunman lumasap din naman siya ng knockdowns sa rounds three, ten at sa eleven, kung saan doon na itinigil ng referee ang laban sa oras na 1:10.
Dahil umano sa physical damage na tinamo ni Wilder, kinailangan itong agad na isugod sa University Medical Center.
Maraming mga Filipino pa rin ang nangangamba at natatakot na madapuan ng COVID-19.
Sa isinagawang survey ng Social Weather Stations (SWS) na mayroong 91 percent sa 1,200 adults ang nagsabing takot silang madapuan ng virus.
Isinagawa ang survey mula Setyembre 12 hanggang 16 kung saan 76 percent dito ay nagsabing nababahal sila habang 9 percent lamang ay hindi nababahala.
Isinabay ang pagsasagawa ng survey sa kasagsagan ng pagtaas ng infections.
Umabot rin sa 60 percent sa survey ang nagsabing hindi pa naabot ng bansa ang matinding epekto ng COVID-19 crisis.
Habang mayroong 38 percent naman ang nagsabing nalampasan na ng bansa ang pandemya.
LUNGSOD NG MALOLOS- Sinimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture, and Tourism Office at Provincial Health Office ang pagbabakuna sa mga manggagawa sa turismo kabilang ang mga manggagawa ng pelikula, historyador, mananaliksik, mga grupo sa sining at kultura, tour guides, samahan ng turismo, at mga frontliner sa accommodation, resorts, events, food, at sektor ng agritourism.
Limang daang manggagawa sa turismo ang unang nabakunahan sa ginanap na Mass Vaccination noong Oktubre 7, 2021 sa Provincial Vaccination Site, The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center sa lungsod na ito, at 500 pa ang naka-iskedyul na bakunahan ngayong buwan.
Pinaalalahanan ni Fernando ang mga bagong bakunang manggagawa ng turismo na pagtuloy na sumunod sa mga health protocol upang makaiwas sa COVID-19.
“We need to protect ourselves. Kailangan protektado ang ating katawan dahil mayroon po tayong pamilya na dapat din nating ingatan. We need to make sure that everybody is safe. Patuloy pa rin tayong mag face shield at face mask and social distancing at alcohol,” anang gobernador.
Sinabi ni Dr. Eliseo Dela Cruz, pinuno ng PHACTO, na ang Bulacan ang unang lalawigan sa bansa na tumugon sa panawagan ng pamahaalang nasyunal at Department of Tourism na bakunahan ang mga tourism frontliner.
“Agaran pong tumugon ang ating gobernador sa panawagan ng ating national government. Kailangan po na sa pagbubukas ng ating turismo sa lalawigan ng Bulacan ay protektado ang lahat ng ating tourism frontliners,” aniya.
Samantala, pinasalamatan ni Paula Bernardo, isang majorette ng Bagong Bayan Brass Band na nabakunahan ng Pfizer, ang Pamahalaang Panlalawigan sa pagbibigay prayoridad sa mga manggagawa sa industriya ng turismo na naapektuhan ng pandemya.
“Since pandemic, nawalan ng pagkakakitaan at tumamlay ang industriya ng sining. Nawalan ng trabaho ang mga musiko at mananayaw. Gayunpaman, nagpapasalamat kami na isa kami sa nabigyan ng pagkakataon na mabakunahan upang ligtas na makabalik sa aming trabaho sa oras na payagan na ito,” ani Bernardo.
Patuloy ang ginagawang pagpapagaling ni PBA legend Robert “Sonny” Jaworski matapos na dapuan ng pneumonia noong nakaraang taon.
Sinabi ng kaniyang anak na si Robert “Dodot” Jaworski Jr., nagkaroon ng rare blood disorder ang ama na nagdulot ng paglutang ng iba niyang sakit.
Dagdag pa nito, maganda na rin ang lagay ng ama kahit na hindi 100 porsyento ang lakas nito.
Malaki rin ang paniniwala nito na ang paglalaro noon ng matagal ng ama sa basketball ay siyang nagdulot sa pananakit sa tuhod at sa likod.
Umapela na lamang ito sa mga fans ng ama na patuloy ang ipagdarasal para sa agarang paggaling.
Si Jaworski ay tinaguriang “living legend” ng Philippine basketball dahil sa tagal ng kaniyang career sa PBA.
MAKARAAN ang 17-taon na pagtatago sa awtoridad, naaresto rin ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Taiwanese national dahil sa tangkang pagpatay sa kanyang kababayan sa Taipe.
Kinilala ang suspek na si Huang Kuan-I, 53, na naaresto ng BI fugitive search Unit (FSU) sa bayan ng Real Quezon, sa kanilang ulat kay Immigration Commissioner Jaime Morente.
Ang mga umaresto ay armado ng Warrant of Deportation na inisyu ng Morente matapos na nakatanggap ng impormasyon mula sa Taiwanese authorities kung saan si Huang ay may outstanding warrant na insyu ng Hualien prosecutor’s office sa Taiwan noon pang 2004.
“Aside from being an undesirable alien, he will also be deported for being an undocumented alien because his passport already expired in February 2019 and has not been renewed since,” ayon kay BI-FSU acting chief Rendel Ryan Sy.
Dagdag pa ni Sy na overstaying na rin si Huang kung saan dumating sa bansa noon g April 2009 paratakasan ang krimen ginawa sa kanilang bansa.
“He fled to the Philippines a year before a Taiwanese judge sentenced him to eight years in prison for attempted murder,” ayon ka Sy.
Sa natanggap na impormasyon ng BI, si Huang ay nahatulan ng pamamaril sa kanyang kababayan sa Hualien, Taiwan noong 2004 dahil sa mainitang pagtatalo. GENE ADSUARA
Hindi pa rin magluluwag ang Philippine National Police (PNP) sa kanilang trabaho at pagpapatupad sa mga ipinagbabawal sakaling maibaba na ang alert level sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, na kung magbabago na ang alert level sa Kalakhang Maynila mula sa kasalukuyang Alert Level 4 pababa sa Alert Level 3 ay inaasahang magluluwag ang mga restriction, at mas maraming negosyo pa ang magbubukas.
Dahil dito, mas maraming tao ang inaasahang lalabas at pupunta sa “permitted industries.”
Kaya dito umano pupunta ang mga pulis nang may koordinasyon sa management at may-ari ng mga negosyo, para masiguro na susunod pa rin ang lahat sa minimum public health standards upang iwas-COVID-19.
Bukod dito, babantayan din ng mga pulis kung nasusunod ang itinakdang kapasidad sa mga establisimyento o negosyo.
Sa ngayon, wala pang anunsyo ang Inter-Agency Task Force (IATF) kung mananatili ba o mababago na ang Alert Level 4 ng NCR, na nakatakdang magtapos sa October 15.
NGAYONG gabi na, October 15, ang special guest appearance ni Kapuso actress Bea Alonzo, sa comedy program na Bubble Gang.
Ipapakita naman ni Bea ang husay niya sa comedy, na matagal na raw niyang nami-miss gawin, at na-excite siya nang malaman niyang may special episode para sa kanya ang whole gang, led by creative genius Michael V, na matagal na pala niyang wish makatrabaho.
Kaya nagamit na ni Bea ang ipinakita niya sa kanyang latest content ng YouTube channel niya, ng new airplane cabin-inspired taping van. Parang nasa isang business class cabin si Bea sa loob ng van na mini home na niya kapag bibiyahe siya nang malayo papunta sa location sites niya kapag may taping.
May overhead compartments, to store her items, dressing area, a microwave, a refrigerator, a coffee station, a television with Netflix, and a full bathroom with a leather door. Dagdag ni Bea siya raw ang nag-design ng car para magmukha siyang inside an airplane dahil noon pa ay dream na niyang magkaroon ng private jet.
So, ready na si Bea kung tuloy na ang shooting nila ni Alden Richards ng movie na isu-shoot daw nila dahil kahapon, October 14, dahil tapos na ang taping nila ng The World Between Us with Jasmine Curtis-Smith and Tom Rodriguez.
Kung ang susunod na project ni Bea ay isang teleserye, looking forward siya makatrabaho ang mga younger Kapuso stars tulad nina Ruru Madrid at Derrick Monasterio.
At siyempre si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera. Sa katunayan mayroon na raw kasi siyang naiisip na story.
“I actually have a concept in mind, ikukwento ko na lang sa mga bosses… for me and Marian sana,” masayang sinabi ni Bea.
***
MEANWHILE, napansin na ng mga fans at followers ni Marian Rivera na sunud-sunod ang mga TVC shoots niya ng mga bago niyang endorsements, na for the past two weeks ay halos araw-araw siyang nagsu-shoot.
Merong solo niya, mayroon magkasama sila ni Dingdong Dantes, meron ding kasama niya ang bunso nilang si Sixto.
Ang nai-excite pa ang mga fans ay kung ano ang bagong ilalabas ni Marian na mga new products ng Flora Vida by Marian, na iba naman sa mga flower arrangements na ginagawa niya. May kinalaman nga ba ito sa hilig niya sa jewelries?
No problem naman kay Marian kahit sunud-sunod ang TVC shoots niya dahil ginagawa lamang niya ito sa bahay nila, na kahit ang taping niya ng spiels ng Tadhana ay doon na rin niya ginagawa, sa direksyon naman ni Dingdong.
***
FINALE episode na today ng top-rating monthly GMA Afternoon Prime series na Stories from the Heart: Loving Miss Bridgette, na pinagtambalan nina Beauty Gonzalez and Kelvin Miranda.
Sa isang interview natanong si Beauty kung ano ang masasabi niya doing the series.
“Pinatunayan sa story na you can’t plan love, lightning can strike anyone at anytime, at wala kang magagawa pag dumating ito sa ‘yo,” sagot ni Beauty.
“Kaya mami-miss ko ito dahil sa youthful energy and pureness and rawness of puppy love.”
Hindi sinagot ni Beauty kung ano ang mangyayari sa finale, “expect the unexpected, a perfect mix of true life and fantasy, a closing and perhaps an opening. Kaya thank you to our avid viewers and fans who never fail to watch our show. Thank you for Loving Miss Bridgette, thank you for cheering for her, for accepting her into your homes and into your hearts.”
Balitang may next project na si Beauty sa GMA at isang top Kapuso actor ang makakatambal niya.
(NORA V. CALDERON)