• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for October 22nd, 2021

Simmons sinuspendi ng 1 laro ng 76ers

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Sinuspendi ng Philadelphia 76ers ng isang laro si Ben Simmons dahil sa hindi pagkakaintindihan ng kapwa manlalaro nila.

 

 

Dahil dito ay hindi makakapaglaro si Simmons sa pagharap ng koponan laban sa New Orleans Pelicans.

 

 

Sinabi Sixers coach Doc Rivers na may ibang manlalaro pa na papalit sa puwesto ni Simmons.

 

 

Makailang beses kasi na hindi nakikisama si Simmons sa mga nagdaang ensayo ng koponan na ikinagalit ni Rivers.

Ads October 22, 2021

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang Korapsyon sa ating bayan

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ang isyu ng korapsyon sa ating bayan ay pumutok matapos ang pahayag ni Sen. Manny Pacquiao na umano’y triple ang korapsyon na nagaganap sa ating bayan.

 

 

Agad naman itong sinagot ng ating pamahalaan ng pangalanan ang mga sangaay ng pamahalaan na sangkot sa korapsiyon at agad itong bibigyan ng aksiyon. Makalipas ang ilang buwan inilabas ng Commission on Audit o C.O.A ang mga ahensiya ng pamahalaan na hindi umano’y maling panggastos o kaya naman ay over prizing activities ng ilang sangay ng pamahalaan. Ang isa nga sa kanila ay ang Department of Health o D.O.H.

 

 

May mga nagsasabi na si Sen. Pacquiao ay namumulitika lamang dahil sa ambisyon nitong pulitika. Ano naman ang masasabi natin sa commision on Audit o C.O.A na namumulitika din ba sila?

 

 

Sa aking paniniwala ang isyu ng korapsiyon ay dapat mabigyang linaw at mapanagot ang dapat managot. Subalit hanggang ngayon ay parang wala pang malinaw na imbistigasyon na isinasagawa ang pamahalaan. Bilyon-bilyong halaga ang sangkot sa di umano’y irregularidad na sana’y nagamit sa panahon ng pandemik. Kung saan maraming nagugutom, walang trabaho at walang pambayad sa mga “bills”. Tulad ng kuryente, tubig at “house rental”.

 

 

Totoo na walang malinis na pamahalaan pagdating sa korapsiyon sabi nga sa wikang banyaga “You can’t erradicate corruption but you can minimize it”. Pero hindi ito matutupad kung tila walang patas, makatwirang pagsisiyasat ang magaganap at hindi mapanagot ang mga salarin. Ang korapsiyon ay patuloy na lalala kung ang isang pamahalaan ay bulag, binge at inutil pagdating sa isyu ng korapsiyon. (Manny Maldonado)

YASMIEN, dapat pasalamatan ni ALWYN sa pagkakaayos nila ni JENNICA

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PWEDENG pasalamatan ni Alwyn Uytingco ang co-star ni Jennica Garcia na si Yasmien Kurdi sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Las Hermanas na mapapanood na simula sa October 25.

 

 

Although bida-kontrabida silang dalawa rito bilang first kontrabida role nga ito ni Jennica, sa lock-in taping kunsaan, unang sabak muli ni Jennica sa taping na kasalukuyan itong dumadaan sa pakikipaghiwalay sa asawa, si Yasmien ang isa sa nakakausap niya at nahihingan ng payo.

 

 

Masaya raw si Yasmien na nagkabalikan na nga ang dalawa.

 

 

Sey niya, “Opo, nakukuwento nga niya ‘yung problema niya no’ng time na ‘yon. Pero sabi ko sa kanya, kapag asawa mo, asawa mo. Kung kaya niyong ayusin, ayusin niyo kasi, may mga anak sila, e, dalawang babae.

 

 

      “Pero happy ako ngayon, nagka-ayos sila, okay na sila, ‘di ba? So I’m really happy for her. ‘Yun naman talaga, ‘till death do us part’ sabi nga sa kasal, ‘di ba?”

 

 

      Pagsubok lang daw ‘yan sa buhay na pinagdadaanan, sey pa ni Yasmien na in all fairness, may karapatang magbigay ng payo dahil for 10 years as married to her husband, Rey Soldevilla, still happy at intact ang marriage life nila.

(ROSE GARCIA)

PhilMech, namahagi ng iba’t ibang agricultural machinery sa lalawigan ng Bulacan

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang bilang na 44 na iba’t ibang magsasaka, kooperatiba, asosasyon at lokal na pamahalaan sa Bulacan ang tumanggap ng sertipiko ng pagkakaloob para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Farm Machinery ng Department of Agriculture sa ginanap na “Provincial Turn-over of Agricultural Machinery for the Province of Bulacan under the RCEF Mechanization Program” sa Bulacan Capitol Gymnasium, Lungsod ng Malolos, Bulacan kaninang umaga.

 

 

Kabilang sa 57 yunit na ipinagkaloob sa mga benepisyaryo ang 26 Four-wheel Tractors, 18 Rice Combine Harvesters, 5 Hand Tractors, 3 Riding-type Transplanter, 2 Rice Reapers, 2 Rice Threshers, at 1 PTO Driven Disc Plow/Harrow.

 

 

Pinangunahan ni Gob. Daniel R. Fernando ang pamamahagi ng farm machineries kasama si Dr. Baldwin Jallorina ng Department of Agriculture-PhilMech at mga kinatawan nina Sec. William Dar na si Regional Executive Director Crispulo Bautista, Jr. ng DAR Region 3 at Gng. Leony Marquez na kinatawan si Senador Cynthia Villar gayundin sina Kinatawan Lorna Silverio at Gavini Pancho.

 

 

“Patuloy po tayong nakikipagtulungan sa Department of Agriculture at sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa tuluy-tuloy na pag-asenso ng agrikultura sa ating lalawigan tungo sa masaganang kinabukasan ng magsasaka at ng lalawigan”, ani Fernando.

 

 

Aniya, malaki ang maitutulong ng mga makinarayang ito upang pagaanin ang trabaho ng mga magsasaka at naniniwala din siya na maitataas nito ang produksyon, kita, at kalidad ng kanilang mga produkto.

 

 

Gayundin, kasalukuyang itinatayo ang Farmers Training Center sa loob ng bakuran ng Kapitolyo upang patuloy na makatulong sa paglilinang sa kakayahan ng mga magsasakang Bulakenyo. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

3 drug suspect tiklo sa buy bust sa Caloocan, Valenzuela

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P.3 milyon halaga ng droga ang nasamsam sa tatlong hinihinalang drug personalities matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa Caloocan at Valenzuela Cities.

 

 

Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr., ang pagkakaaresto kay Victor Alferez Jr. alyas “Noy”, 21, at Zaldy Geroso, 38, kapwa ng Brgy. 178, Camarin ay resulta ng isang linggong validation na isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) matapos ang natanggap na ulat mula sa isang regular confidential informant hinggil sa umano’y illegal drug activities ng mga suspek.

 

 

Ani Col. Mina, dakong alas-11:30 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna PMAJ Deo Cabildo, kasama ang 6th MFC RMFB-NCRPO ng buy-bust operation sa Langka St., Brgy. 178 kung saan isang undercover police ang nagawang makipagtransaksyon sa mga suspek ng P8,500 halaga ng droga.

 

 

Matapos tanggapin ng mga suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang medium plastic sachet ng hinihinalang shabu ay agad silang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang tinatayang nasa 45 grams ng hinihinalang shabu na nasa P306,000 ang halaga, at buy-bust money na isang tunay na P500 bill at 8 pirasong P1,000 boodle money.

 

 

Sa Valenzuela, natimbog din ng mga operatiba ng SDEU ng Valenzuela Police si Francisco Balila sa buy-bust operation sa pangunguna ni PLT Joel Madregalejo sa Sugar St., Llenado Subd., Brgy., Karuhatan dakong alas-6 ng Huwebes ng umaga.

 

 

Nakuha sa suspek ang tinatayang nasa 4 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price P27,200, P500 buy-bust money, P500 cash at plastic case. (Richard Mesa)

Awiting Pamasko ni MADAM INUTZ, tagos sa puso ang napapanahong mensahe; pangakong house and lot, tinupad ni WILBERT

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY-TULOY ang pag-ariba ng showbiz career ni Daisy Lopez a.k.a. Madam Inutz, ang Mama-bentang live seller ng Cavite.

 

 

Dahil todo talaga ang pag-aalaga ng kanyang manager na si Wilbert Tolentino, na former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist.

 

 

Bago pumasok si Madam Inutz sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 ay ini-release ang kanyang debut novelty single na ‘Inutil’.

 

 

Nai-record din niya ang second single na may titulong ‘Sangkap ng Pasko’ na isa namang ballad song.

 

 

Tumatagos nga sa puso ang napapanahong mensahe ng awiting Pamasko. Marami ang makare-relate mula sa isang mahirap na tao na gaya ni Madam Inutz na ang sangkap ng Pasko ay pamilya.

 

 

Kay sarap ng feeling na sama-sama sa pagdiriwang nito.

 

 

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” deklara ni Ka-feshness Wilbert.

 

 

Literal na umiyak ang ina ni Madam Inutz nang marinig ang ‘Sangkap ng Pasko’ dahil damang-dama niya ang hugot ng kanta, gayundin ang kalahagahan ng pamilya.

 

 

Lumabas na ang official music video ng ‘Sangkap ng Pasko’ na higit 250K ang views sa YouTube Channel niya na Daisy Lopez na almost one million na ang subscribers.

 

 

Samantala, walang tigil ang sorpresa ni Wilbert sa kanyang alaga. Dahil bago pumasok sa PBB si Madam Inutz ay binigyan ng bahay at lupa sa Bulacan noong October 5, kaya naiyak ito sa tuwa.

 

 

Mapapanood sa Wilbert Tolentino VLOGS ang buong detalye ng regalo niya.

 

 

“Huwag ka na umiyak. Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” bulalas ni Kuya Wil.

 

 

Motivation gift ito para paghusayan pa ni Daisy ang laban niya sa PBB para manalo siya. 88 square meter ang house and lot pero ang floor area niya ay 55 square meter. Kailangan pa itong bakuran kaya pagagandahin nila ito habang nasa PBB house ang alaga.

 

 

Dalawang palapag ito pero balak ni Sir Wil na gawing third floor para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

 

 

Hindi siya magarbo pero puwedeng daanan ng tao at nasa bungad ng subdivision.

 

 

Sey pa ni Sir Will maraming isinakripisyo si Madam Inutz na endorsements.

 

 

“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko na ipasok siya sa PBB,” sambit pa ni Wilbert.

 

 

Maraming inilaan na pagbabago at plano si Kuya Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporters.

 

 

Hindi na talaga mapipigilan ang pag-ariba ng career ni Madam Inutz sa pamamahala ni Sir Wilbert. Maski ang mga netizens na humusga sa kanya bilang manager ay naging masaya dahil napatunayan nito na may nagawa siya sa career ng kanyang talent.

 

 

Bukod dito, sini-secure niya ang future ng pamilya ni Madam Inutz. Kaya nabuhay ka Wilbert.

 

 

Para sa mga inquiries & product endorsement – tumawag lang sa 09175INUTIL / 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM.

 

 

At sa update puntahan lang ang YouTube channels na Wilbert Tolentino VLOGS at Daisy Lopez.

(ROHN ROMULO)   

FACE SHIELD ORDINANCE ng QUEZON CITY na NAGPAPATAW ng MULTA at PAGKAKULONG – DAPAT MAAMYENDAHAN!

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Noon pa man ay sumulat na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa Quezon City Council para ma-amyendahan ang 0rdinance 2965 o ang Mandatory Wearing of Face Shield Ordinance na ipinasa noong August 24, 2020 at nilagdaan ng Mayor noong September 17 2020. Sa kung sino man ang lalabag, ang karampatang parusa na ipapataw, sa ilalim ng Section 7 ng Ordinance ay ang mga sumusunod:

 

 

 

1st offense P300 pesos

 

2nd offense P500 pesos at

 

3rd Offense ay PI,000 Pesos o pagkakulong ng hindi hihigit sa isang buwan, or BOTH, AT THE DISCRETION OF THE COURT.

 

 

Kamakailan ay inanunsyo na ng Pangulo na hindi na mandatory ang pagsuot ng face shield maliban sa closed places, crowded places, at closed contacts.

 

 

 

Sinabi rin ng DILG at DOH na hindi dapat multahan o ikulong ang walang face shield o improper wearing nito.  At pagbabawal lamang pumasok sa mga establishments o hindi papayagang makasakay sa public transport ang “parusa” at wala nang multa o kulong.

 

 

 

Naging kontrobersyal din ang face shields dahil sa diumano ay koneksyon ng pagbili nito sa graft and corruption.

 

 

 

Sa Ordinansa naman ay may nakasaad na DURATION – The ordinance shall remain effective until the City Mayor, ON RECOMMENDATION, of the Quezon City Health Department, determines that the public health measures are no longer necessary.

 

 

 

May ilang probisyon din sa Ordinansa na dapat linawin kung rerebisitahin lamang ito ng Konseho.

 

 

 

Sana ay mabigyan ng pansin ito ng mga Konsehal. (Atty. Ariel Enrile – Inton)

Hiring ng mga aplikanteng bakunado laban sa COVID-19, hindi diskriminasyon-Galvez

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“Public interest is higher than personal interest,”

 

 

Ito ang naging pahayag ni vaccine czar at National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa nagsasabing isang malinaw na diskriminasyon ang pagtanggi ng mga kumpanya sa mga aplikante na hindi pa bakunado laban sa Covid- 19.

 

 

Ipinanukala kasi  ng pribadong sektor sa Inter-Agency Task Force Against Emerging Infectious Diseases na bigyan ng insentibo ang mga bakunadong indibidwal.

 

 

Kabilang na rito ang bigyan ang mga kumpanya ng karapatan na mag- hire lamang ng mga bakunadong aplikante.

 

 

Ang mga empleyado na hindi pa bakunado ay iminumungkahi na sumailalim sa antigen test o RT-PCR test  linggo-linggo na sarili nilang gastos.

 

 

“It is the prerogative of companies to hire, train, promote and fire employees,” ayon kay Galvez.

 

 

At sa tanong kung diskriminasyon ba ito sa mga hindi pa bakunado ay sinabi ni Galvez na “It is not discrimination but the moral and corporate responsibility of the company to protect its people, clients, consumers and business interest.”

 

 

“The principle of recruitment is to get the best among the qualified. The company has the right to choose and reject applications. Why will you choose [someone] that will become a threat to your existence?” dagdag na pahayag nito.

 

 

“In the next round of battle, the next round of surge will be the battle of the unvaccinated which will become the state’s liability and weakness in our fight against COVID-19,” aniya pa.

 

 

“They are the burden that we have to carry on this long battle,” ani Galvez.

 

 

Ani pa ni Galvez, ang mga kumpanya ay may prerogative na mag-hire o mag- reject ng aplikante para sa “ promotion of public safety and common good.”

 

 

“Why hire people who do not accept moral responsibility with the company?” ani Galvez sabay sabing “Private sector has its own rules.  I have been in the recruitment for five years, good moral character and obedience are one of our mandatory requirements. If the applicant does not follow rules, he or she will be automatically disqualified.”

 

 

Itinanggi naman ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion ang ulat na nagpapatupad ng  “no vaccine, no salary policy ang pribadong sektor. (Daris Jose)

Relasyong PIOLO at SHAINA, maraming kinikilig at meron ding hindi naniniwala

Posted on: October 22nd, 2021 by @peoplesbalita No Comments

BIGLANG lumitaw sa social media ang tila foursome date nina Jodi Sta. Maria at Raymart Santiago at sina Piolo Pascual at Shaina Magdayao.

 

 

Base sa mga pictures na lumabas, madaling isipin na may relasyon between Piolo and Shaina.

 

 

Marami naman kaming nabasang mga netizen na kinikilig sa kanilang dalawa. May mga nagsasabi na bagay raw ang mga ito at siguro raw, sila na nga talaga.

 

 

Matagal na raw na nababalitang nagdi-date ang dalawa, pero low key lang, huh!

 

 

Pero yun lang, sa kabila ng mga kinikilig sa dalawa, bakit marami pa rin kaming nababasa na nagsasabing hindi sila naniniwala.

 

 

May mga comment pa na, “Don’t me Shaina & Piolo!”

 

 

***

 

 

ANG mag-D.I.Y. (Do It Yourself) daw ang isa sa nadiskubreng talent pa ni Maine Mendoza ngayong may pandemic at ito raw ang isa sa pinagkaka-abalahan niya.

 

 

Naging mahilig daw siyang mag-formulate tulad ng perfume. Kaya biniro si Maine ng “daddy” niya sa Daddy’s Gurl na si Vic Sotto na naging scientist na raw siya.

 

 

Sa ngayon nga, bilang isa sa pinaka-busiest celebrities pa rin kahit na may pandemic, mapa-endorsements or shows, lagare pa rin si Maine.

 

 

Kaya nga sa naging online mediacon ng Daddy’s Gurl na nagse-celebrate na ng ikatlong anibersaryo ngayong Sabado, bukod pa sa ipinakilala ang mga bagong cast, tinanong namin si Maine kung mas naa-appreciate ba niya ang trabahong meron siya.

 

 

     “Siguro po lalo na sa panahon ngayon na may pandemic, ang dami pong nawawalan ng trabaho. Talagang lahat tayo ay dapat magpasalamat. Like sa akin po sa mga projects at opportunities na dumarating sa akin.

 

 

      “Sa rami ng walang work ngayon, we just have to make the most of the opportunities that we are given. So kahit minsan, physically tiring and it can get really taxing po talaga, iisipin mo na lang na ang daming taong walang trabaho.”

 

 

      Sey pa niya, “Ang daming taong naghihirap ngayon kaya pahalagahan na lang kung ano ang meron ako imbes na isipin kung gaano ba nakakapagod physically or mentally ‘yung trabaho ko ngayon.”

(ROSE GARCIA)