• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 5th, 2021

Duterte, inanunsiyo ang mga holidays sa 2022

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Maagang inanunsyo ngayon ng Malacañang ang inaprubahan ng Pangulong Rodrigo Duterte na mga holidays at special workings para sa taong 2022

 

 

Ito ay batay sa Proclamation No. 1236 na pirmado ng pangulo na nagtataksa sa mga regular holidays, non-working days, at special working days sa susunod na taon.

 

 

“Whereas, for the country to recover from the COVID-19 pandemic, there is a need to encourage economic productivity by, among others, minimizing work disruptions and commemorating some special holidays as special (working) days instead,” ani Duterte sa naturang proklamasyon. “The Department of Labor and Employment shall promulgate the implementing guidelines for this Proclamation.”

 

 

Regular Holidays:

 

Jan. 1 – New Year’s Day

April 9 – Araw ng Kagitingan

April 14 – Maundy Thursday

April 15 – Good Friday

May 1 – Labor Day

June 12 – Independence Day

Aug. 29 – National Heroes Day

Nov. 30 – Bonifacio Day

Dec. 25 – Christmas Day

Dec. 30 – Rizal Day

 

 

Special non-working days:

Feb. 1 – Chinese New Year
Feb. 25 – People Power Revolution Anniversary
April 16 – Black Saturday
Aug. 21 – Ninoy Aquino Day
Nov. 1 – All Saints’ Day
Dec. 8 – Feast of the Immaculate Conception of Mary

PBA hihirit na magkaroon na ng live audience sa mga laro

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Umaasa ang Philippine Basketball Association (PBA) na makakabalik na sa normal set-up ang 2021 PBA Governor’s Cup.

 

 

Nakatakda kasing magsimula ang second conference sa ikatlo o huling linggo ngayong buwan na mayroong mga imports.

 

 

Noong nakaraang taon kasi ay nagsagawa lamang ang liga ng All-Filipino Conference dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, na sana ay payagan na silang magkaroon ng mga audience sa mga laro.

 

 

Napayagan na rin aniya ang mga sinehan kaya susubukan nilang makahingi ng permit para payagang magkaroon ng mga audience ang mga laro.

 

 

Magugunitang pinayagan lamang ng Inter-Agency Task Force ang pagkakaroon ng mga contact-sports kapag ito ay isasagawa sa bubble-format.

Plastic barrier sa PUVs, aalisin na – DOTr

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na nire-require ngayon ng Department of Transportation (DOTr) ang paglalagay ng plastic barriers sa loob ng mga public utility vehicles (PUVs) bilang dibisyon ng mga pasahero.

 

 

Ito’y matapos itaas na sa 70% seating capacity ang mga PUV.

 

 

Ayon kay Transportation Assistant Secretary for road transport Mark Steven Pastor, maaari nang alisin ng mga dri­vers at operators ang mga natu­rang plastic barrier sa kanilang pamasadang sasakyan dahil wala namang medical fin­dings na nagsasaad na epektibo ito para maiwasan ang hawaan ng virus sa mga pasahero.

 

 

Maaari pa nga raw panggalingan ng virus ang mga nakakabit na plastic barrier.

 

 

“Drivers and operators can already remove them because there are no medical findings, based on our studies, that they can prevent the spread of COVID-19. Instead, the virus could stick to them,” pahayag pa ni Pastor sa isang pulong balitaan kamakailan.

 

 

Sa kabila naman nito, sinabi ng opisyal na dapat pa ring istriktong ipatupad ang umiiral na health safety standards sa lahat ng pampublikong transportasyon para maiwasan ang transmission ng COVID-19.

 

 

Matatandaang noong Hulyo 3, 2020 ay pina­yagan na ng pamahalaan ang pagbiyahe ng mga jeepney at mga bus ngunit inatasan ang mga driver na mag­lagay ng plastic barriers upang hindi magkadikit-dikit ang mga pasahero.  (Gene Adsuara)

Saso hahataw sa Japan Classic

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Wo­men’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture.

 

 

Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon.

 

 

Ito ang unang torneo ni Saso sa Japan matapos kumampanya sa nakaraang Olympic Games sa Tokyo noong Agosto kung saan siya nagtapos sa joint ninth place.

 

 

Kasalukuyang No. 6 si Saso sa pinakabagong inilabas na world rankings.

 

 

Inaasahang idedepensa ni South Korean champion Jiyai Shin, inu­ngusan si Saso noong 2020 edition, ang kanyang titulo ngayong taon.

 

 

Matapos ang Japan tournament ay bibiyahe si Saso patungong US para sumabak sa mga LPGA events na Pelican Championship sa Nobyembre 11-14 at sa CME Group Tour Championship sa Nobyembre 18-21 na parehong idaraos sa Florida.

 

 

Regular na lumalahok si Saso sa mga LPGA tournaments bago pa ang Tokyo Olympics.

BEA, super excited sa pagkakasama sa annual Christmas Station ID ng GMA-7; netizens iba-iba ang naging reaksyon

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SUPER excited nga si Bea Alonzo sa pagkakasama niya sa taunang Christmas Station ID ng GMA-7.

 

 

Nag-post si Bea ng photos sa kanyang IG account kasama ang caption na, First time to be a part of the GMA station ID, and I had a blast shooting with the team! Watch out for the GMA Christmas Station ID 2021 soon.


      “Let’s #LoveTogetherHopeTogether mga Kapuso @gmanetwork.”

 

 

Isa nga sa unang nag-react ang honey ni Bea na si Dominic Roque sa pamamagitan ng red heart emoji.

 

 

Marami namang na-excite sa followers ng actress sa paglabas sa naturang Christmas Station ID, at may nag-wish pa na sana next year at magkaroon siya ng teleserye kasama si GMA Primetime King Dingdong Dantes.

 

 

Samantala, super react naman ang ilang netizens na may iba’t-ibang opinyon:

 

“Love how Bea embraces being kapuso. She exudes joy and gratitude.”

 

“Lahat ng kababawan sa GMA nagawa niya. Bakyang bakya na si Tita B.”

 

“Hindi naman. Sabihin mo yan pag nag-guest sya sa Wish Ko Lang or Dear Uge. Charot.”

 

“Grabe noh? Halos na-dominate ni Bea buong 2021. Talagang naging talk of the town.”

 

“Ganun talaga pag mga kinawawa sa mga relasyon, nagkakaron ng mga projects, nagiging maingay, kasi nsa kanila yung simpatya at support ng madlang pipol.”

 

“Dapat lang, contract star siya ng GMA, Di ba?”

 

“Sorry pero it’s a downgrade for her talaga.”

 

“Girl, declining na career ni Bea bago sya lumipat. Di na ganon kalakas box office draw nya. Naging mas relevant and visible sya paglipat nya ng GMA. Naging mas approachable din ang image nya.”

 

“Please enlighten me. If nagstay sya sa kabila, anong ganap? Shelved “nga” di ba ung serye nya (bago pa sya lumipat). Wala na syang contract. Limited ang ganap or wala as in wala for her. Sa GMA, bayad sya, kahit anong gawin nya, bayad sya which is ABS can not give to her this pandemic. Si what is downgrade for you?”

 

“Anong downgrade, eh ang taas kya ng tinatanggap nyang salary. Kahit hindi magtrabaho yan, bayad pa rin. Eh sa kabila, hati na sweldo, nganga pa sa projects. Wag nga kau.”

 

“THIS YEAR ALONE 2021 AYON SA BROADSHEET 400 MILLION KITA NI BEA SA MGA ENDORSMENT NYA AT CONTRACT SA GMA7. BASHERS ANO NA? HANAP DIN DAW KAYO NG WORK SABI NI QUEEN BEA.”

 

 

Kaabang-abang naman talaga ang kung saan part ang paglabas ni Bea, pero sa tingin namin sa bandang huli, kahilera nina Dingdong, Marian Rivera at Alden Richards.

 

 

***

 

 

NAG-KICK off na ang most anticipated shopping festival in the region na hatid ng Shopee, ang leading e-commerce platform sa Southeast Asia at Taiwan, ito ang annual 11.11 Big Christmas Sale.

 

 

Naitala na ang number of sellers and brands on Shopee ay nag-surge ng 60% in 2021, while 1 in 3 shoppers at its recent 9.9 event was new to the platform.

 

 

Nagbabalik naman ang international superstar na si Jackie Chan sa isa namang fun commercial para sa 11.11 Big Christmas Sale.      After his 9.9 commercial met with viral success by garnering 435 million views online, the action-packed sequel sparked excitement for all users as well.

 

 

Fans can catch the commercial here: https://shp.ee/64cba9b

 

 

Ayon kay Martin Yu, Director sa Shopee Philippines, “Christmas holds a special place in Filipinos’ hearts. During this season of giving, Shopee Philippines hopes to make this year’s festivities even more memorable for both our users and sellers. As the holidays approach, we aim to bring more joy to shoppers and help them save more on things they love by curating the best deals.

 

 

We’ve also pioneered efforts to expand our digital ecosystem to help more consumers, businesses, and communities access and benefit from e-commerce. We invite everyone to join us in making this the biggest and most impactful 11.11.”

 

 

Magkakaroon naman ng big finale ang event sa November 11 sa pamamagitan ng 11.11 Big Christmas Sale TV Special, na kung saan magpi-perform ang NCT 127, isa sa hottest K-pop boy bands ngayon, ng kanilang chart-topping hits at mapapanood ng 9:30-11:30pm sa GMA 7 at Shopee Live. May appearances ang local celebrities na sina Jessy Mendiola, Aira Bermudez, Rocco Nacino, Klea Pineda, Andre Paras, at Gil Cuerva.

 

 

Lastly, viewers stand a chance to win prizes and giveaways worth over ₱12,000,000, including two new house & lots and a brand-new car.

 

 

Para sa iba pang information about Shopee 11.11 Big Christmas Sale, bisitahin lang ang https://shopee.ph/m/christmas-sale.

(ROHN ROMULO)

Halos 150,000 COVID-19 vaccines tinupok ng apoy sa Zamboanga del Sur

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit-kumulang daanlibo’t kalahating bakuna laban sa nakamamatay na coronavirus disease ang nasira matapos lamunin ng sunog ang isang gusali sa Mindanao, pagkukumpirma ng gobyerno.

 

 

Ang ulat ay kinumpirma ng Malacañang, Department of Health at National Task Force Against Covid19 (NTF) sa ilang pahayag na inilabas simula Lunes.

 

 

“We are saddened that 148,678 doses of COVID 19 vaccines were damaged during the fire that broke out at the Provincial Health Office of Zamboanga del Sur on the evening of October 31,” ayon sa inilabas na joint statement ng pamahalaan kahapon.

 

 

“The three-storey building which is occupied by different offices and departments of the provincial government also served as the provincial cold chain storage facility for COVID-19 vaccines allocated for 26 municipalities and one component city.”

 

 

Sa mga inisyal na ulat, kabilang sa mga doses ng bakuna na nasira ang:

 

  • AstraZeneca (9,176)
  • Moderna (14,400)
  • Pfizer-BioNTec (88,938)
  • Sinovac (36,164)

 

 

Ang mga gamot mula AstraZeneca ay ay nakalaan sana para sa ikalawang dose na igugulong na sana sa ika-3 ng Nobyembre, habang ang para naman sa mga edad 12-17 ang Moderna vaccines na ibibigay sana sa kaparehong petsa.

 

 

Naka-allocate naman para sa Pagadian City ang isang-kapat ng Pfizer vaccines na napisala na siyang nakaimbak sa provincial cold storage lalo na’t puno na ang ultra-low freezer ng lungsod: “Meanwhile, a half of the Pfizer doses were meant for the province’s vaccination rollout, while another quarter of the supply were scheduled for deployment to other local government units,” dagdag pa ng statement.

 

 

“The Sinovac vaccines were not delivered immediately because there were already LGUs that refused to accept the said vaccines due to vaccine brand preference.”

 

 

Binabantayan naman na NTF, kasama ng DOH, Department of the Interior and Local government atbp. ang developments sa imbestigasyon ng insidente. Nasa proseso pa rin naman ang mga responders sa pagsalba sa mga bakuna, refrigerators, carriers at transport boxes na pwede pang magamit.

 

 

Sinisiguro naman ngayon ng gobyerno sa mga residente ng Zamboanga del Sur na agad mapapalitan ang mga napinsalang bakuna lalo na para sa mga naka-schedule nang makakuha ng ikalawang dose ng gamot.

 

 

‘Nakakalungkot na balita’

 

 

Ipinaabot naman ng Palasyo ang kanilang panghihinayang pagdating sa nangyari, lalo na’t marami sana ang maproprotektahan ng gamot mula sa peligro ng COVID-19.

 

 

“Malungkot nga po itong balitang ito dahil ang nasunog po talaga ay ‘yung regional DOH office. So kinukumpirma ko po na hindi bababa sa 100,000 doses ang naapektuhan,” ani presidential spokesperson Harry Roque ngayong Martes.

 

 

“Mabilis naman po nating mapapalitan ‘yan dahil hindi naman po problema ang suplay. Ito po talaga ay nangyayari, hindi po talaga natin ginusto na magkaroon ng ganyang sunog.”

 

 

Tinap naman na ng DILG ang Philippine National Polcie at Bureau of Fire Protection at mga regional offices nito para matiyak ang mabilis na imbestigasyon sa apoy.

 

 

Maglalabas naman ang DILG ng show cause order sa pamahalaang panlalawigan ng Zamboanga del Sur pagdating sa kabiguan nilang maipamahagi ang ang mga baKkuna tatlong araw matapos matanggap ang kanilang supplies.

 

 

“To avoid similar incidents happening in the future, the DILG and DOH are reiterating to all LGUs at the municipal, city, and provincial levels to ensure that safety officers are reporting 24/7 in all COVID-19 cold chain facilities and warehouses,” pagtitiyak ng gobyerno sa joint statement.

 

 

Paalala ng gobyerno, “ginto” ang COVID-19 vaccines ngayon lalo na’t isang buhay na nailigtas na raw ito sana.

 

 

Sa huling ulat ng Kagawaran ng Kalusugan, sumampa na sa 2.79 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na mula s avirus ang 43,276 katao ayon sa mga datos kahapon.

Maiksing curfew, mahabang mall hours asahan – MMDA

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Payag ang mall owners na pahabain ang kanilang operating hours ngayong Christmas season, upang makatulong sa pag-iwas sa mabigat na trapiko sa mga lansangan, ayon ito kay Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos nitong Lunes.

 

 

Sinabi ni Abalos na pataas nang pataas ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA na magbubunga ng mas mabigat na daloy ng trapiko kaya kinausap nila ang mall owners sa ganitong aksyon.

 

 

Iginiit din aniya, ng mall operators na problema umano rito ang curfew at limited capacity na pinapayagan sa mga public utility vehicles (PUVs).

 

 

Ayon naman kay Abalos na nakatakda silang magpalabas ng resolution tungkol sa curfew na napagkasunduan na rin ng Metro Manila mayors., Maging ang public transport naman ay itinaas na sa 70% capacity ng Inter-Agency Task Force (IATF).

 

 

Una nang hiniling ni Abalos sa mall operators ang pagpapahaba ng ­operating  hours at huwag magsagawa ng sale kapag weekdays at sa halip ay weekends at holidays na lamang upang hindi maapektuhan ang daloy ng trapiko at matulungan ang pagbangon ng ekonomiya.

 

 

Ang curfew na ipinapatupad sa rehiyon ay nagsisimula ng alas-12 ng ha­tinggabi hanggang alas-4 ng madaling araw.

 

 

“In fact, nag-uusap na ang mga alkalde as we are talking right now. Inaayos  na rin ‘yung draft of the resolution, if ever. Nagkakabotohan kasi. Pagkaboto nila, I have to draft the resolution. And then, they will have to sign it, by e-signature, bawat isa,” ani Abalos. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Walang ‘conflict of interest’ sa F2 Logistics deal para sa 2022 polls – Comelec

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Binigyang diin ng Commission on Elections (Comelec) na walang “conflict of interest” sa pinasok na kontrata ng komisyon sa logistics company na iniuugnay sa negosyante at major campaign donor ni Pangulong Rodrigo Duterte noong tumakbo ito sa pagka-presidente noong 2016.

 

 

Ang logistic firm ni Uy na F2 ang siyang magde-deliver ng mga election materials gaya ng vote-counting machines (VCMs) mula sa bodega ng Comelec patungo sa iba’t ibang polling precincts sa 2022 elections.

 

 

Sinabi ni Comelec Spokesperson James Jimenez, ang F2 Logistics daw kasi ang lowest bidder sa naturang kontrata kaya naman qualified ito sa pagseserbisyo sa halalan.

 

 

Una rito, hiniling ng poll watchdog na Kontra Daya na kanselahin ang P536 million delivery contract na iginawad ng Comelec sa F2 Logistics.

 

 

Ayon kay Kontra Daya convenor Prof. Danilo Arao hindi raw ito usapin ng integridad kundi usapin ito ng pagiging disente.

 

 

Kaya naman para maalis ang agam-agam dapat daw ay ikansela na ang kontrata at i-award sa isa pang kompanya na walang potential conflict of interest.

 

 

Agad naman itong sinopla ni Jimenez at sinabing ang F2 Logistics ay magde-deliver lamang ng mga kagamitan sa halalan.

 

 

Nagbigay pa ng scenario si Jimenez na posibleng lagyan ng preloaded result ang mga VCM habang ito ay ibinibiyahe pero sa araw daw mismo ng halalan at bago ang botohan ay magpi-print ang Comelec ng zero report at dito lalabas na walang laman ang mga VCM.

 

 

Kaya naman, wala raw basehan ang mga espekulasyon ng mga mga kumokontra sa paggawad ng Comelec ng kontrata sa F2 Logistics. (Daris Jose)

LeBron, iba pang NBA stars agaw pansin sa costume sa annual halloween party

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Ilang mga NBA superstar ang nag-trending din nang hindi magpahuli sa kanilang halloween attire.

 

 

‘Wagi si LeBron James ng Lakers sa kanyang get up bilang si Freddy Krueger.

 

 

Si Russell Westbrook ay bilang si Chucky sa pelikulang Child’s Play film franchise.

 

 

Gayundin ang 19-year NBA veteran na si Carmelo Anthony ay nakisama rin bilang si Candyman.

 

 

Ang isa pang veteran Lakers na si Dwight Howard ay ginaya naman si Rasputia Latimore sa 2007 movie na “Norbit.”

 

 

Ang big man na si Anthony Davis ay nagsuot ng full mask bago ang game habang ang misis niya si Bloody Mary.

 

 

Si Damian Lillard naman ng Blazers ay isinama pa ang pamilya para sa picture taking bilang “The Flinstones” family.

 

 

Gayundin di Rajon rondo at ang kanyang misis bilang sina Wolverine at Storm.

 

 

Ang big man na si Anthony Davis ay nagsuot ng full mask bago ang game habang ang misis niya si Bloody Mary.

 

 

Si Damian Lillard naman ng Blazers ay isinama pa ang pamilya para sa picture taking bilang “The Flinstones” family.

 

 

Gayundin di Rajon rondo at ang kanyang misis bilang sina Wolverine at Storm.

Bakuna sa 12-anyos pababa isusunod na ng DOH

Posted on: November 5th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Pinag-aaralan na rin umano ng Department of Health (DOH) ang posibleng vaccination kontra COVID-19 sa mga bata na mas bata pa sa 12-taong gulang makaraang mag-umpisa na ito sa mga adolescents.

 

 

“Yes, considering nasa ibang bansa na below 12 [years old]. Hihintayin natin ang resulta ng pag-aaral,” ayon kay Health Undersecretary Myrna Cabotaje.

 

 

Base ito sa pag-apruba na ng United States-Food and Drugs Administration (FDA) na magamit ang bakuna mula sa Pfizer at BioNTech para sa mga bata na may edad 11 hanggang limang taong gulang.

 

 

Sa inisyal na pag-aaral sa ibang bansa, hindi tulad ng mga adults at adolescents, kailangan lamang na iturok sa mga bata ang 1/3 ng dosage ng bakuna kontra COVID-19.

 

 

Sa kasalukuyan, mga kabataan mula 12-17 taong gulang na may comorbidities pa lamang ang binabakunahan ngunit uumpisahan na ito sa lahat ng adolescents sa Nobyembre 3

 

 

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang tinatayang 12.7 milyong adolescentes sa unang quarter ng 2022.  Sa ngayon, may 23,727 pa lamang na kabataan na may comorbidity ang nababakunahan.