• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 18th, 2021

‘Gameboys The Movie’, ipalalabas sa Japan sa January; inaayos na ang schedules nina KOKOY at ELIJAH para sa premiere night

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IPALALABAS ang Gameboys The Movie sa Japan sa January at excited na si Direk Jun Lana sa pagpunta sa Land of the Rising Sun.    Magkakaroon ng premiere night ang movie sa Japan kaya inaayos din nina Direk Jun at Direk Perci Intalan na kasama sa Japan ang lead actors ng movie na sina Kokoy de Santos at Elijah Canlas.

 

 

Inaayos lang ang schedules nina Kokoy at Elijah dahil pareho silang maraming trabaho.    Siyempre ni-request ng mga Japan producers ng Gameboys The Movie ang presence ng dalawang sikat na actor ng phenomenal Pinoy BL series.

 

 

Kaya ang sabi ni Direk Jun ay inaayos nila makasama sina Kokoy at Elijah sa Japan.

 

 

Kwento pa ni Direk Jun, ipalalabas sa mga cinemas sa Japan ang Gameboys The Movie. Malakas daw ang clamor, ayon mismo sa co-producer nilang Japanese who really wanted to be a part of Gameboys when he heard about the movie.

 

 

***

 

 

MASAYA si Raikko Mateo nung malaman na siya ang napili ng Saranggola Media Productions para gumanap na batang Isko Moreno sa life story ng Mayor ng Maynila.

 

 

“Happy ako at excited din kasi alam ko na there is so much goodness about him na makaka-inspure sa maraming tao,” sabi ni Raikko.

 

 

“Challenging na malaman na ipo-portray ko ang buhay niya as a young boy, doon sa panahon na nasa struggle ang buhay nila. Nag-prepare ako for the role by feeling and understanding para maibigay ko ang tamang emotion kung paano si Sir Isko, bilang isang bata, ay hinarap ang kanilang condition at that time.”

 

 

“The biggest lesson I gained from doing Sir Isko is pag gusto may paraan, pag ayaw may dahilan. Si Sir Isko, gusto niyang makatulong sa kanyang magulang. Gusto niyang kumita para sa kanyang pamilya. Kaya nagsumikap po siya.”

 

 

Ayon pa kay Raikko, dapat daw natin panoorin ang pelikula dahil maraming aral na matututuhan dito, lalo na at hindi madali ang buhay na pinagsimulan at pinagdaanan ni Isko

 

 

“He is living proof that dreams do come true if you work hard, pray and put love in everything that you do.”

 

 

Portraying the teen Isko is McCoy de Leon. Filling in the shoes of Domagoso as a politician is Xian Lim.

 

Ramon Christopher Gutierrez and Tina Paner play as the parents of Isko. Jestoni Alarcon essays Domagoso discoverer and manager, Wowie Roxas. Janno Gibbs stars as the star maker and the legend that was German Moreno. MJ Lastimosa appears as the wife of Isko.

 

 

Ipapalabas ang Yorme: The Story sa mga sinehan simula December 1.

(RICKY CALDERON)

Dagdag pang 1.3-M Moderna vaccines dumating sa PH

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.

 

 

Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.

 

 

Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot na sa 13.04 million doses.

 

 

Sinasabing sa naturang bilang ang 7.31 million doses ay mabili ng pamahalaan, habang ang tatlong milyon naman ay donasyon ng WHO COVAX facility at ang 2.72 million doses ay nabili ng private sector.

 

 

Una rito, kagabi rin isang Hong Kong Airlines plane ang dumating sa Pilipinas sakay ang 301,860 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.

Pondong nailabas na ng pamahalaan para sa benepisyo ng mga healthcare workers, P16 B na

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO na sa P16.11 bilyong piso na ang kabuuang nailalabas na pondo ng gobyerno para sa benepisyo ng mga healthcare workers.

 

Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iniulat ni DOH Secretary Francisco Duque na nasa 79,662 eligible healthcare workers ang nakatanggap na ng SRA o special risk allowance as of November 16 , 2021.

 

Aniya, nasa 924 million 978, 224 ani Duque ang inabot na halaga na kailangang ilabas para mabayaran ng SRA ang nabanggit na dami ng health workers

 

Samantala, nasa 635.81 million pesos na ang kabuuang halaga na naipamahagi sa may 27,066 na aplikante para sa sickness and death compensation claims.

 

Sinjguro naman ni Sec. Duque sa mga health workers, ipagpapatuloy ng kanilang Kagawaran ang natitirang pondong nakalaan para sa SRA batches 3 at 4. (Daris Jose)

Age restrictions ng mga minors sa mall, pag-uusapan ng NCR health officials

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nakatakdang magpulong ang technical working group (TWG) na binubuo ng mga Metro Manila health officials para pag-usapan ang magiging restrictions ng mga menor de edad na papapasukin sa mga mall.

 

 

Nag-ugat ang nakatakdang pagpupulong ng mga health officials sa pagpositibo ng isang dalawang taong gulang na batang nag-positibo sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos itong ipasyal ng kanyang mga magulang sa mall.

 

 

Dahil dito, hiniling ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos sa mga magulang na huwag munang ipasyal ang kanilang mga menor de edad sa mga mall para hindi ma-expose sa COVID-19.

 

 

Ayon kay Abalos, ipipisinta raw ng TWG ang kanilang rekomendasyon sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR) para sa kanilang approval.

 

 

Umaasa ang mga itong matatapos nila ngayong araw ang kanilang pagpupulong para bukas ay ipiprisinta na ito sa mga alkalde ng National Capital Region (NCR).

 

 

Target daw ng mga alkalde na magkaroon ng uniform na ordinansa.

 

 

Una rito, sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi, ipinag-utos na nito sa local government units na bumalangkas ng isang ordinasa para payagang pumasok ang mga 12-anyos pataas lamang na pumasok sa mga mall.

DIEGO, ni-reveal na nag-reach out na kay CESAR at wish na magkita rin sila

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

SA virtual media conference ng More Than Blue na magsisimula na ang streaming ngayong Biyernes, November 19 sa Vivamax, natanong si Diego Loyzaga sa rami ng nagawang pelikula kahit na may pandemya. 

 

 

Sa pagpasok ng 2021, una siyang napanood sa Death of A Girlfriend at nakatambal si AJ Raval.

 

 

Magkakasunod naman ang paglabas niya sa Bekis On the Run, House Tour at ngayon nga sa More Than Blue.

 

 

Next month, mapapanood na rin ang Dulo with her love Barbie Imperial and soon ang pagbabalik-Viva Films ni Nadine Lustre sa  Greed na kung saan siya ang napiling leading man.

 

 

May TV series din siyang pinagbidahan ang PH adoptation ng Encounter na si Cristine Reyes naman ang kanyang nakatambal.

 

 

Paliwanag ni Diego, magkakaiba naman ang mga nagawa niyang pelikula sa Viva Films at patuloy na napapanood sa Vivamax, kaya nabigyan naman niya ng justice ang bawat character na ginampanan.

 

 

“They’re all very different for the past films that I’ve done,” tugon ng young actor.

 

 

“But I always go back to, like, a part of me that looks like or is like the character and mas pinangingibabaw ko yung ganoong ako, para mas bumagay sa karakter.

 

 

“And, of course, adding other details that you get from the script that the director might give you, so siguro, dun ko siya na nadi-differentiate ‘yun mga characters and the situations.

 

 

’Yung isa mahirap. Yung isa mayaman, yung isa magnanakaw, yung isa sawi sa pag-ibig, so they’re all different.

 

 

“But then, all still they’re human. They’re also derived from normal human traits, how a person would react in that situation.” 

 

 

Humingi ba siya ng tips sa kanyang ama na si Cesar Montano na alam naman natin na mahusay at premyadong aktor?

 

 

“Yung sa dad ko, I would love to ask him tips,” sabi niya.

 

 

“I’ve been reaching out to him lately. We talk very, very briefly when he has the time.

 

 

Rebelasyon pa ni Diego, “He fell sick previously from COVID-19 and, because of that, we were able to talk again.

 

 

“Sana, one of these days, I get to see him and definitely ask him a lot of tips, a lot of advise.”

 

 

Sa mga past movies ni Diego, impressive naman ang pag-arte niya at ang laki na ng improvement niya, kaya inaasahan na hahangaan na naman siya dito sa More Than Blue at nakipagsabayan kina JC Santos at Yassi Pressman, na kung saan kasama rin si Ariella Arida.

 

 

Mula ito sa direksyon ni Nuel C. Naval, ang direktor ng adaptation ng comedy-drama film Miracle in Cell No. 7, at ang panibagong Philippine remake ng Korean romantic drama film na dudurog sa mga puso nang makapapanood sa iba’t-ibang panig ng mundo.

 

 

Ang More Than Blue ay South Korean drama classic na pinalabas noong 2009, in-adapt naman ito sa Taiwan taong 2018. Mainit ang naging pagtanggap dito, sa katunayan naging domestic highest-grossing film ito ng Taiwan na may halos $300 Million gross sa taong iyon.

 

 

Naging worldwide phenomenon ito na may blockbuster screenings sa mga East Asian countries kabilang ang China, Hong Kong, Malaysia, at Singapore, at nakapagtala ito bilang highest-grossing Taiwanese film sa mga bansang nabanggit.

 

 

Magsisimula sa November 19 ang streaming ng More Than Blue sa Vivamax sa available na sa mas maraming lugar sa buong mundo.

(ROHN ROMULO)

Ads November 18, 2021

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

“VENOM: LET THERE BE CARNAGE” SMASHES ITS WAY TO THE BIG SCREEN

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments
VENOM: Let There Be Carnage is almost here, and the only place to see it is exclusively in movie theaters.  Get ready as Columbia Pictures prepares to unleash the new action thriller in Philippine cinemas starting December 8th. 
Tom Hardy returns as the lethal protector Venom, one of MARVEL’s greatest and most complex characters. Directed by Andy Serkis, the film also stars Michelle Williams, Naomie Harris and Woody Harrelson, in the role of the villain Cletus Kasady/Carnage.

(Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/NPdyL1NSlto)

 

 

When we last met Eddie Brock and Venom, both played by Tom Hardy, the two had formed an uneasy alliance. With the 2018 feature film Venom, audiences thrilled to the MARVEL Comics fan-favorite making his long-awaited starring role on screen.

 

 

The film took in over $856 million worldwide as Eddie, the dogged but self-centered reporter, and Venom, the alien symbiote who takes hold of Eddie’s body, both relied on each other to survive: Eddie could do much better in life with Venom’s eat-or-be-eaten (literally) m.o., and Venom had to be reined in by Eddie’s finely-tuned sense of moral justice. They agreed that they needed each other… but they didn’t have to like it.

 

 

“It’s a joy to play two different parts of a psyche because Venom and Eddie are one for me,” says Hardy. “They are just differentiated by the fact that one is the monster and one is Eddie, but they are always contained within one individual.”

 

 

Indeed, in Venom: Let There Be Carnage, that shaky marriage is starting to crumble.  Sure, there are still upsides… Eddie has told Venom that he could bite the heads off of bad guys, and the symbiote is 100% here for it, dubbing themself the Lethal Protector and munching evildoers in pursuit of justice… and Eddie’s career is firmly on the upswing, getting the career-defining last interview with serial killer Cletus Kasady.

 

 

But despite it all, they still make each other nuts – and their constant bickering escalates until it finally devolves into a violent manic battle as they try to figure out who is throwing who out of the apartment and the body they share. Both Venom and Eddie are determined to figure out if they really do need each other after all.

 

 

“The film is a love story – but not the love story you might think,” says Andy Serkis, who directs Venom: Let There Be Carnage. “It’s very much about the extraordinary relationship between symbiote and host. Any love affair has its pitfalls, its high points and low points; Venom and Eddie’s relationship absolutely causes problems and stress, and they have a near-hatred for each other. But they have to be with each other – they can’t live without each other. That’s companionship – love – the things that relationships are really about.”

 

 

For Serkis – who as an actor worked with performance capture artists to create some of the most memorable characters of the last 20 years, including Gollum in Lord of the Rings, Caesar in the Planet of the Apes films, and Supreme Leader Snoke in Star Wars – watching the first Venom film as a moviegoer filled him with some professional pride and admiration. “I thought Tom gave an extraordinary performance. It was right in my wheelhouse – creating characters using CG,” he says. “When Tom gave me a call out of the blue, saying he thought it would be great if I directed the sequel and asking me to come on board, I think it was because he wanted a director who would be capable of safeguarding his performance, translating it into a visual-effects realm, with some degree of authority from experience with that. We had been circling each other as actors for so many years, and it was wonderful to finally get the chance to work with Tom.”

 

 

“Andy has spent years in front of the camera as well as behind it. He’s done performance capture and animation, and he understands story and nuance and vocal landscapes,” concludes Hardy. “He’s a great actor, a great director, and a decent man too. He was perfect to direct this and has done an amazing job.”

 

 

Venom: Let There Be Carnage is distributed in the Philippines by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International.  Use the hashtag #Venom

(ROHN ROMULO)

4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot, aprubado na ng FDA

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

APRUBADO na ng Food and Drug Administration (FDA) ang EUA amendment ng 4 na bakuna na maaaring gamitin bilang 3rd dose o booster shot.

 

Sinabi ni FDA Director General Usec. Eric Domingo may “basbas” na para gamitin bilang 3rd dose o booster shot ang Pfizer, AstraZeneca, Sinovac at Sputnik V.

 

Kasama sa mga unang makakatanggap ng 3rd dose o booster shot ay ang mga medical health workers na sinisimulan na ngayong araw.

 

Susundan naman ito ng mga senior citizens at yung mga mayroong immunocompromised conditions at may mga comorbidities.

 

Aniya, may listahan ang Department of Health (DoH) kung sino sino ang bibigyan ng 3rd dose o booster shot.

 

Bibigyang prayoridad dito ang mga lugar na mataas na ang coverage ng pagbabakuna. (Daris Jose)

Pagsusuot ng face shield sa pampublikong transportasyon, hindi na required – DOTr

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Hindi na rin mandato ang pagsusuot ng face shield sa mga pampublikong transportasyon epektibo Nobyembre 16.

 

 

Ayon kay Transportation Undersecretary Artemio Tuazon Jr., alinsunod ang naturang hakbang sa direktiba na inisyu ng IATF at inaprubahan ng pamahalaan kung saan boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng face shield sa ilalim ng alert level 1, 2 at 3.

 

 

Batay sa DOTr, ang mga lugar na nasa ilalim ng alert level 5 at nakasailalim sa granular lockdown, mandatoryo pa rin ang pagsusuot ng face shields sa community settings.

 

 

Sa mga lugar na nakalagay sa alert level 4, nasa discretion ng LGUs at pribadong mga establisyimento kung gagawing mandato ang pagsusuot ng face shield.

 

 

Sa kabila naman nito, patuloy naman ang pagpapaalala ng DOTr sa mga mananakay na nananatiling required ang pagsusuot ng face masks gayundin ang istriktong pagsunod sa passenger capacity hanggang 70 porsyento, pag-implementa ng social distancing measures, regular na sanitation at iwasan ang pakikipag-usap at kumain sa loob ng mga pampublikong sasakyan.

PDu30, tatakbong senador sa 2022 elections

Posted on: November 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.

 

Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador Eleksyon 2022.

 

Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters sa pamamagitan ng isang abogado na nagngangalang Atty. Melchor Aranas.

 

Ayon kay PDP-Laban secretary-general Melvin Matibag, tatakbo si Pangulong Duterte sa pagka-senador sa ilalim ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan (PDDS), isang nagngangalang Mona Liza Visorde ang gjnawan ng substitution ng Pangulo.

 

Sinabi ni Matibag na tatakbo ang Pangulo sa PDDS upang maiwasan ang “legal complications” bunsod na rin ng hidwaan sa loob ng PDP-Laban, gayundin ang naging raskn ni Go nang maghain ito ng COC sa pagka-pangulo sa ilalim ng ibang partido.

 

Nauna rito, sa text message, sinabi ni Go na ayaw niyang maghain ng VP si Pangulong Duterte dahil ayaw niyang magkasakitan ang mag-ama.

 

“Ayaw ko din VP file nya. Ayaw ko magkasakitan pa. Tama na ako ang nasaktan. Mataas ang respeto ko kay Pangulo at pamilya,” anito.

 

“Sana senador na. U may quote na,”dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)