LIBO-libong supporters ang sumalubong kay Manila Mayor at presidential aspirant Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa Cebu sa kanyang pagbisita sa nasabing lalawigan bilang bahagi ng kanyang “listening tour” na nakatutok sa mga pangkaraniwang tao. Hindi magiging ganap ang pagdalaw ng alkalde sa Cebu kung hindi matitikman ang malutong at masarap na Cebu lechon.
Samantala, nilinaw ni Domagoso na hindi niya nais makasakit ng damdamin ng mga kababayang Filipino-Chinese community sa kanyang nasambit laban sa China at sa pagsakop nito sa Philippine waters.
Aniya, ang kanyang pangungusap ay nakatuon lamang sa mga “mainlanders.”
Umani nang pagbatikos ang standard-bearer ng Aksyon Demokratiko at naparatangan ng pagiging racist sa mga Tsino nang kanyang pagbantaan na papaalisin sila sa bansa.
“I’m pertaining to Chinese mainlanders, the ones occupying our islands. And I don’t care. I don’t sugarcoat. Those navy, those fishermen from China, continue to occupy our space. We need not sugarcoat our words,” sambit ni Domagoso.
Aniya, siya ay naniniwala na ang Filipino-Chinese community na naninirahan sa bansang Pilipinas ay naliliwanagan na hindi sila ang kanyang tinutukoy at nauunawaan ang kanyang pananaw sa isyu ng pagsakop sa West Philippine Sea. (JEMBA)