• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 20th, 2021

DILG, LLP umapela sa Senado na ibalik ang tinapyas na P28.1-B BDP fund

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

KAPWA umapela sa Senado ang Department of the Interior and Local Government (DILG) at League of Provinces of the Philippines (LPP) na ibalik ang tinapyas na P28.1 bilyong pondo ng Barangay Development Program (BDP) para sa New People’s Army (NPA)-cleared barangays na ipinanukala ng National Task Force to End Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa 2022 budget.

 

“The Support to the Barangay Development Program (SBDP) is a game-changer in our battle to end communist terrorism in the country. Unti-unti nang nararamdaman ng mga naninirahan sa mga barangay na sakop ng SBDP ngayong taon ang tunay na kahulugan ng pagbabago at pagkalinga ng gobyerno na hindi nila naramdaman sa nakaraan dahil sa mga Komunistang Terorista ,” ayon kay DILG Secretary Eduardo M. Año.

 

 

Aniya, mayroon ng momentum sa paglaban sa communist terrorism at ang pagtapyas sa P28.1 bilyon ay makapagbibigay lamang ng “wrong signal” sa Local Government Units na umaasa sa mga nasabing development projects sa susunod na taon.

 

“We must remember that the battle against the CTGs (communist terrorist groups) is not just a battle of arms, it’s also a battle for the hearts and minds of our people,” ayon sa Kalihim.

 

Ito rin ang sinabi ng LLP sa kanilang 8th General Assembly passed Resolution No. 2021-009, sumusuporta sa anti-insurgency program ni President Rodrigo Roa Duterte at hinikayat ang Senado na aprubahan ng buo ang panukalang Support to the Barangay Development Program sa 2022 General Appropriations Bill.

 

“The full and continued implementation of the BDP needs to be pursued in order to bring about and sustain progress and development in these identified conflict-affected barangays that urgently need government support and assistance,” ayon naman kay LPP President and Marinduque Governor Presbiterio Velasco Jr.

 

Sinabi ni Año na ang mga panukalang proyekto sa ilalim ng SBDP ay pawang mga in-identify mismo ng mga residente “represent their collective aspiration towards genuine peace and development.”

 

“Cutting the proposed NTF-ELCAC budget next year will deprive these remote barangays of development and will make them vulnerable once more to the CTGs at a time when we have already gained significant strides in our whole-of-nation approach to defeat communist terrorism,” ayon kay Año.

 

“Mahigit 50 taon nang naghihirap at napag-iwanan ang ating mga kababayan na nakatira sa mga bulubundukin at malalayong lugar na dati ay pinamumugaran ng mga communist terrorist groups. Nakikiusap po tayo sa ating mga Senador na huwag ipagkait ang pagkakataong maramdaman nila ang pagmamalasakit ng gobyerno at malasap ang tunay pagbabago,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Brgy Poblacion, Pulilan, iniuwi ang dalawang pangunahing parangal sa Ika-20 Gawad Galing Barangay

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS– Wagi ang “Poblacion, Pagbangon, at Paghilom” ng Barangay Poblacion, Pulilan bilang isa sa limang parangal na Natatanging Gawaing Pambarangay, habang nanaig ang kanilang Kapitan Ryan P. Espiritu bilang Natatanging Punong Barangay sa ginanap na Ika-20 Gawad Galing Barangay sa Gitna ng Pandemya Awarding Ceremonies na ginanap online ngayong araw.

 

 

 

Kinilala rin sila bilang Hall of Fame awardee matapos magwagi ng Natatanging Gawaing Pambarangay nang tatlong sunud-sunod na taon simula 2018. Nag-uwi sila ng P100,000 perang papremyo at plake ng pagkilala, habang tumanggap si Kapitan Espiritu ng P30,000 perang gantimpala at plake ng pagkilala.

 

 

 

Kabilang sa apat pang nagwagi para sa Natatanging Gawaing Pambarangay na binigyan ng P100,000 perang insentibo at plake ng pagkilala bawat isa ang “Nagkakaisang Barangay! COVID-19 Kayang Labanan: Disiplina, Malasakit, at Bayanihan ang Nanguna” ng Tibig, Bulakan na binigyan rin ng Hall of Fame award; “Malasakit sa Pagbabago, Lambakin Panalo” ng Lambakin, Marilao; “Sa Panahon ng Pandemya, Walang Mahusay, Walang Magaling Basta Sama-sama nating Labanan ang COVID-19” ng Tigbe, Norzagaray; at “Plano, Aksyon, at Solusyon” ng Bunsuran 2nd, Pandi.

 

 

 

Sinabi ni Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity at National Task Force against COVID-19 Chief Implementer at Vaccine Czar Kalihim Carlito G. Galverz, Jr. na ang susi sa epektibong pagpapatupad ng pinakamahuhusay na gawain laban sa COVID-19 sa lalawigan ay nakasalalay sa mga kawani ng barangay at lokal na pamahalaan.

 

 

 

“Ako po ay nagagalak sa napakahusay na pagtugon ng ating kapwa Bulakenyo sa pangangailangan ng ating mga kababayan sa gitna ng hamon na dulot ng pandemya na ito. Sa harap ng pagsubok na ating kinakaharap ay napatunayan ninyo ang inyong husay, tapang, at dedikasyon sa inyong sinumpaang tungkulin bilang mga lingkod bayan,” ani Kalihim Galvez.

 

 

 

Sa kanyang bahagi, binati at pinasalamatan ni Gob. Daniel R. Fernando ang lahat ng nanalo at sinabi na naging hindi malilimutan at makasaysayan ang pagbibigay ng parangal dahil sa isang taong pagpapaliban nito dahil sa krisis na dulot ng pandemya.

 

 

 

“Tayo pong lahat ay sinubok ng pandemyang tulad ng COVID-19 lalo na sa paglilingkod sa ating kapwa at bayan ngunit hindi po nahinto ang ating serbisyo at patuloy tayong nandyan. Mas nanaig ang tungkulin sapagkat tayo ay kinakailangang kumilos, kinakailangang gumanap sa responsibilidad, at kinakailangang mabilis ang pagresponde sa mga emerhensiya,” anang gobernador.

 

 

 

Samantala, nakuha ng Pinagkaisang Lakas ng Kababaihan ng Bunsuran I, Pandi ang Natatanging Volunteer Group kung saan nag-uwi sila ng P30,000 perang gantimpala at plake ng pagkilala; habang iniuwi ni Evangeline Bautista ng Panghulo, Obando ang Natatanging Kagawad ng Barangay at tumanggap ng P15,000 perang insentibo at plake ng pagkilala.

 

 

 

Kabilang sa iba pang nagsipagwagi sina Annalyn DC. Degoma ng Baka-bakahan, Pandi para sa  Natatanging Ingat-Yaman ng Barangay, Joy Alelou S. Dela Peña ng Pandayan, Lungsod ng Meycauayan  para sa Natatanging Kalihim ng Barangay, Edwin V. Lopez ng Lumangbayan, Plaridel para sa Natatanging Barangay Tanod, Jan Niño M. Tolentino ng Agnaya, Plaridel para sa Natatanging Barangay Training and Employment Coordinator, Manuel C. Garcia ng Parulan, Plaridel para sa Natatanging Barangay Health Worker, Rosemarie S. Lazaro ng Sapang, San Miguel para sa Natatanging Mother Leader, at Vilma M. Oronce ng San Miguel Calumpit para Natatanging Lingkod Lingap sa Nayon kung saan lahat sila ay tumanggap ng P10,000 perang gantimpala at plake ng pagkilala.

Sara tinanggap ang Chairmanship ng Lakas–CMD

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Tinanggap ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang alok ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. na maging chairman ng Lakas-CMD.

 

 

“I am honored to accept the Chairmanship of Lakas–CMD,” pahayag ni Sara.

 

 

Ang Lakas-CMD ay partido ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na President Emeritus ng Lakas habang si House Majority Leader at 1stDistrict Leyte Rep. Martin Romualdez ang Presidente.

 

 

“In full support of Mayor Sara Duterte’s candidacy for Vice President, I am offering her my post as Chairman of Lakas-CMD,” sabi ni Revilla.

 

 

Ang pahayag ay ginawa ni Revilla ilang araw matapos na ampunin ng kanilang partido si Sara na tumatakbo na rin bilang Vice-President sa 2022 national elections.

 

 

Pahayag pa ni Revilla, buo ang kanyang tiwala at kumpiyansa sa liderato ni Sara at naniniwala na magtatagumpay ang kanilang partido dahil sa kanya sa 2022.

ALDEN, inamin na ang character sa ‘TWBU’ ang pinaka-special kaya nahihirapang bumitaw

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MAY pa-surprise si Cassy Legaspi sa kanyang kakambal na si Mavy Legaspi.

 

 

Laging emotional si Carmina Villarroel sa tuwing magla-lock-in taping ang mga anak niya. Talagang kahit ikalawa, ikatlong beses na magla-lock-in ang mga ito, hindi pa rin niya mapigil ang pag-iyak.

 

 

Dumating na si Mavy mula sa lock-in taping ng kasalukuyang umeere sa GMA primetime na I Left My Heart in Sorsogon at first teleserye nito.

 

 

Pero pag-uwi niya ng bahay, ang mga magulang naman ang wala para personal siyang salubungin.  Sina Carmina at Zoren Legaspi naman ang magkasamang naka-lock-in taping. Kasalukuyang nagte-taping ang mga ito ng GMA series na “The End of Us” na eere na ngayong December.

 

 

Wala man personally, pero feel sa post ni Carmina na malungkot ito na hindi nga nakita ang pagdating ng anak. Pero nagpasalamat kay Cassy sa pagigiging thoughtful daw sa kanyang kakambal.

 

 

Sey ni Carmina, “Welcome home kuya @mavylegaspi.  Sorry we are not there to welcome you. Kami naman nakalock-in ni Tatay. Congrats again to your first serye ever. Thank you @cassy for the balloons. You are so thoughtful.”

 

 

***

 

 

MAY sepanx as in separation anxiety raw na nararamdaman ang Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ngayong tapos na talaga silang mag-lock-in taping para sa season’s return ng The World Between Us.

 

 

Hindi lang si Alden kung hindi lahat halos sila sa cast at production.

 

 

Kaya sabi ni Alden, “Hindi pa, hindi pa tapos. Kasi, parang sanay na kapag natapos ang isang project, may cast party. Hindi pa natin nagagawa, kapag medyo okay na, we’ll have cast party.  So for now, hindi pa tapos.”

 

 

Sa lahat daw talaga ng ginawang serye at role ni Alden, ang character niya sa TWBU daw ang pinaka-special sa kanya dahil isa raw ito sa talagang pangarap niyang gampanan. Kaya sabi ni Alden, parang matagal na raw siyang immersed sa role dahil noon pa, sa isip niya, nai-imagine na niyang talaga.

 

 

So, sa teaser nga na ipinapalabas, kapansin-pansin na nag-iba na siya bilang si Louie Asuncion. Version 2.0 nga raw na siyang dapat talagang abangan.

 

 

Sa isang banda, excited na rin si Alden dahil after almost two years, makakapag-travel na siya at sey niya, Christmas, New Year at Birthday niya ay sa U.S. daw niya ise-celebrate.

 

 

‘Yun nga lang, unlike before na nakakasama niya halos ang buong pamilya niya, ngayon daw ay hindi dahil hindi pa open ang embassy at sila lang ng pinsan niya ang may U.S. visa na.

(ROSE GARCIA)

Banggaan nina CINDY at KYLIE sa kanilang first movie, kaabang-abang; dedma na lang kahit pinagtatapat

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN at marami talaga ang nag-react nang lumabas ang trailer ng My Husband My Lover ang bagong pelikula ni McArthur C. Alejandre.

 

 

Mapangahas nga ang pelikulang sinulat ng award-winning writer na si Ricky Lee at tampok ang apat na hottest stars ng henerasyong ito, Marco Gumabao, Adrian Alandy, Cindy Miranda at Kylie Verzosa.

 

 

Ang My Husband My Lover ang latest na pelikula ni direk Mac, ang direktor ng mga blockbuster adult drama gaya ng The Annulment at In Your Eyes at ng mga high-rating TV series na Endless Love, Stairway to Heaven at Marimar.

 

 

Ito rin ang pangalawang beses na magsasama sa isang proyekto si Kylie at Marco. Ang kanilang unang project ay ang original series ng VIVAMAX na Parang Kayo Pero Hindi.

 

 

Mas kaabang-abang nga kung paano nagbago ang chemistry nilang dalawa mula sa kanilang unang proyekto lalo na sa maiinit nilang eksena, idagdag pa ang ‘tatluhan scene’ nila kasama si Adrian, na sobrang intense at medyo nahirapan siyang gawin, at maayos naman niyang naitawid.  Tiyak na aabangan ito ng manonood.

 

 

Kaabang-abang din ang magiging banggaan nina Cindy at Kylie, pati na ang nakakalokang dialogues na ibabato nila sa isa’t-isa, na for the first time ay nagkasama na rin ang dalawang matatapang na sexy actress ng Vivamax na parehong sinusubaybayan at pinapanood lalo na nga mga kalalakihan.

 

 

Puwede nga silang maging magkaribal na parehong beauty queen na abala na ngayon sa paggawa ng mga sexy films.  Ang maganda lang sa Viva Films, pareho silang nabibigyan ng chance na mag-shine sa kani-kanilang showbiz career, kaya dedma na lang kung sila’y paglabanin.

 

 

Samantala, sa pelikula, masaya ang buhay mag-asawa nina Alice (Kylie) at Noel (Marco). Si Alice ay matagumpay sa kanyang career at masunurin siyang misis sa kanyang matalino at mabait na mister na si Noel. Ngunit si Alice ay isa ring wild partner pagdating sa kama sa kanyang kalaguyo na si Dennis (Adrian).

 

 

Walang problema sa kanyang buhay may-asawa at ang alam lang ni Alice ay gusto niyang manatili ang asawa niya at ang kalaguyo niya sa kanyang buhay. Maayos ang lahat hanggang sa malaman ni Alice na siya ay buntis. At dahil hindi niya alam kung sino ang ama ng kanyang dinadala, napilitan siyang umamin kay Noel tungkol sa kanyang relasyon kay Dennis.    Nagdesisyon si Noel na makipaghiwalay kay Alice, at nangako naman si Dennis na aalagaan si Alice at ang kanyang anak. Nakahanap ng bagong ka-relasyon si Noel kay Loida (Cindy), isang abogada.

 

 

Si Dennis naman ay naging mabuting mister kay Alice at tatay sa kanyang anak, kahit alam niyang hindi ito sa kanya nang lumabas ang DNA result. Sa kasamaang palad, nagkasakit ang bata at maagang pumanaw, dahilan para aminin ni Alice kay Noel ang katotohanan. Ang muling pagkikita ng mag-asawa ay nauwi sa mainit na pagtatalik na nauw sa “bawal” na relasyon. Nabaliktad na ang sitwasyon at si Noel na ang naging kalaguyo ni Alice. At mas magiging komplikado ang sitwasyon sa pagdating ng kani-kanilang partner upang angkinin ang sa alam nilang sa kanila.

 

 

Panoorin kung ano ang kahihinatnan ng mga komplikadong relasyon at pagsasama sa  My Husband My Lover, streaming online sa November 26 sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. At nagsimula na noong November 19, available na ang Vivamax sa USA and Canada.

(ROHN ROMULO)

30 kompanya, pasok sa loan program ng DTI para sa 13th month pay

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Aabot na sa 30 ang naaprubahang application sa loan program ng Department of Trade and Industry (DTI) para sa 13th month pay ng mga empleyado.

 

 

Ayon kay DTI Secretary Ramon Lopez, nasa P500 million ang inilaan ng kanilang kagawaran para sa loan program na ito.

 

 

Ang naturang halaga ay kayang makapagpautang sa 1,000 kompanya.

 

 

Sa ngayon, 100 kompanya na ang nag-apply sa programa kung saan 30 dito ay aprubado na.

 

 

Sinabi ni Lopez na walang interest ang pautang na ito sa mga kompanya pero mayroon lamang management fee na 4 percent.

RODERICK, ‘di sumama ang loob na ‘di nakapasok ang comeback film na ‘Mudrasta’ sa ‘MMFF’

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Roderick Paulate na hindi nakapasok sa festival ang comeback film niya Mudrasta from TREX Entertainment Productions. Hindi naman kasi alam ni Kuya Dick na ipinasok pala as entry ang movie kung saan leading man niya si Tonton Gutierrez and kasama rin ang kaibigan niyang si Carmi Martin. 

 

 

Since comeback movie niya ang Mudrasta, mas gusto ni Kuya Dick na mas maraming tao ang makapanood nito. Kaya he is looking forward na maipalabas ito ‘pag mas maraming tao na ang pwedeng ma-accommodate sa mga sinehan.

 

 

As of now ay kokonti pa rin naman ang mga nanonood ng sine. Maski si Kuya Dick ay medyo alanganin pa rin ang desisyon kung manonood na siya sa sinehan although he is looking forward to it.

 

 

Kuya Dick is running for councilor sa District II of Quezon City. Gusto niya na muling makapagsilbi sa kanyang mga kasamahan sa distrito.

 

 

Nine years din naman siyang naging konsehal at hindi man siya pinalad magwagi as vice mayor, nakabalik naman siya sa showbiz which he enjoyed naman.

 

 

He recently won as Best Supporting Actor sa comedy series sa Star Awards for TV para sa One of the Baes.

 

 

He is looking forward na makabalik sa konseho para magsulong ng mga batas na makatutulong sa mga tao.

 

 

Sa kanyang paglilibot sa mga barangay, it warmed Kuya Dick’s heart nang malaman na the people remembers the kind of service he gave noong konsehal pa siya. At kung paano siya nakatulong sa marami in his own little way.

 

 

“Iba talaga pag nasa puso ang pagsisilbi at tapat ka sa tungkulin mo,” sabi ni Kuya Dick.

 

 

***

 

 

NATUTUWA si Dimples Romana sa magandang response ng mga tao first two episodes ng Viral Scandal.

 

 

“Ang kwento ng Viral Scandal is something na pinag-uusapan natin at nangyayari sa society natin ngayon. It is very current kaya dapat lang mapag-usapan.

 

 

Lahat ng issues happening in our society ay nasa palabas na ito kaya mas lalong nae-excite ang mga viewers,” sabi ni Dimples.

 

 

Sabi pa ni Dimples, very powerful ang message na hatid at matapang din ang show at production team sa paglalahad nito.

 

 

Kakaiba ang kwento ng Viral Scandal which everybody can relate.

 

 

Pinuri at pinag-usapan din ang mahusay na acting ng mga artista like Jake Cuenca, Charlie Dizon, Jameson Blake, at Joshua Garcia.

 

 

Sa mga susunod na episodes, dapat abangan ng viewers kung ano ang kahihinatnan ni Rica sa pagkalat ng kanyang video scandal. Panoorin kung ano ang gagawin niya at ng kanyang pamilya sa pang-aalipustang maririnig nila sa mga tao.

 

 

Subaybayan ang Viral Scandal gabi-gabi ng 9:20 PM sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live, Jeepney TV, iWantTFC, WeTV iflix. Para sa viewers sa labas ng Pilipinas, mapapanood ito sa The Filipino Channel sa cable at IPTV.

(RICKY CALDERON)

70 milyong COVID-19 doses, naiturok na ng Pilipinas- Galvez

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IBINALITA ng gobyerno na may 31,868,120 Filipino ang ganap na nabakunahan, bahagi ng kabuuang 70,677,771 vaccine doses na naiturok “as of Monday.”

 

Dahil dito, sinabi ni Vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na kumpiyansa ang pamahalaan na 54 milyong Filipino ang makatatanggap ng one dose bago matapos ang buwan ng Nobyembre.

 

“With our current pace and the eagerness of all sectors of society to hit and sustain a daily jab rate of 1.5 million, we are confident that by the end of November, half of our target population will be fully vaccinated,” ayon kay Galvez.

 

Idinagdag pa nito na ang COVID-19 supply inventory ay umabot na sa 124,914,000, kung saan mas maraming doses ang inaasahan na ide-deliver sa bansa sa mga darating na araw.

 

“More than 16 million doses are still expected to arrive this November, which means that by the end of this month, we would be receiving 140 million doses since February. These will be crucial as we carry out a more aggressive vaccination rollout nationwide,” ani Galvez.

 

“The best Christmas gift that we can give to ourselves, our families, our friends and co-workers, and everyone in the community is to have ourselves vaccinated. Get the COVID 19 jab now so we can have a better and safer Christmas,” dagdag na pahayag ni Galvez.

 

Samantala, hinikayat naman ni Galvez ang publiko na suportahan ang nalalapit na 3-day national vaccination drive, na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan National Vaccination Days” mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

Ang nasabing event — sama-samang pagsisikap ng national government, local government units at pribadong sektor ay naglalayon na bumuo at panatilihin ang layunin ng bansa na makapagbakuna ng1.5 milyong doses kada araw. (Daris Jose)

Curry muling bumida sa Warriors

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Kapwa nakabangon sa kani-kanilang kabiguan ang league-leading Golden State Warriors, Utah Jazz at Los Angeles Clippers matapos talunin ang kani-kanilang kalaban.

 

 

Sa New York, nagsalpak si Stephen Curry ng 37 points tampok ang season best na siyam na three-point shots sa 117-99 pagdaig ng Warriors (12-2) sa Brooklyn Nets (10-5).

 

 

May 2,900 career 3-pointers si Curry ngayon para dumikit kay Ray Allen na may NBA record na 2,973 triples.

 

 

Nagmula ang Golden State sa kabiguan sa Charlotte Hornets noong Linggo na pumigil sa kanilang se­ven-game winning streak.

 

 

Nag-ambag si Andrew Wiggins ng 19 points.

 

 

Tumipa si James Har­den ng 24 points para sa Nets kasunod ang 19 markers ni Kevin Durant.

 

 

Sa Salt Lake City, nag­hulog si Bojan Bogdanovic ng season-high 27 points para igiya ang Jazz (9-5) sa 120-85 pagpapatumba sa Philadelphia 76ers (8-7).

 

 

Nagtala si Fil-Am guard Jordan Clarkson ng 20 points para sa Utah.

 

 

May 18 points si Shake Milton  sa panig ng 76ers na nahulog sa kanilang pang-limang dikit na kamalasan.

 

 

Sa Los Angeles, humataw si Paul George ng 34 points para pangunahan ang Clippers (9-5) sa 106-92 paggupo sa San Antonio Spurs (4-10).

Ads November 20, 2021

Posted on: November 20th, 2021 by @peoplesbalita No Comments