• December 26, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 24th, 2021

COVID-19 booster shots, planong iturok sa mga seniors kasabay ng ‘national vaccination drive’

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Target ngayon ng pamahalaan na maturukan ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) vaccine booster shots ang mga senior citizen kasabay ng tatlong araw na national vaccination drive sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.

 

 

Ayon kay Department of Science and Technology (DOST) vaccine development expert panel head Dr. Nina Gloriani, puwede rin umanong mag-avail ang mga senior citizens ng karagdagang doses depende sa rollout ng booster shots para sa mga health-care workers.

 

 

Sa unang linggo ng Disyembre, target ng pamahalaan na mabakunahan na rin ng booster shots ang mga may comorbidities at ang mga indibidwal na nasa A3 group.

 

 

Ngayong araw, sinumulan na ng pamahalaan na mabigyan ng karagdagang bakuna ang mga fully-vaccinated health-care workers.

 

 

Una rito, inaprubahan na ng Food and Drug Administration (FDA) ang apat na vaccine brands na gagamitin sa booster shots kabilang na ang Pfizer, AstraZeneca at Sinovac bilang homologous third dose at Sputnik Light bilang heterologous third dose.

 

 

Sinabi naman ng Department of Health (DoH) na posibleng ang ibigay sa mga health-care workers ay Moderna, Pfizer o Sinovac vaccine brands para sa booster doses.

Transport News DILG, sinimulan ang Barangay Development Program sa Bulacan

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government ang groundbreaking ceremony ng mga development projects sa ilalim ng 2021 Local Government Support Fund-Support in Barangay Development Program ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict sa Sitio Suha, Brgy. San Mateo, Norzagaray, Bulacan kahapon.

 

 

Sa isang simpleng programa, sinabi ni DILG Reg. 3 Director Karl Caesar R. Rimando na pinondohan ng nagkakahalagang P20 milyon ang proyekto kabilang na ang Concreting of Farm-to-Market Road, Construction of Two Units of Health Center at Electrification Project.

 

 

Mabibigyan rin ang mga residente ng mga hayop na maaaring paramihin at pagkakitaan, mga pataba at mga binhi.

 

 

 

Samantala, pinasalamatan naman ni Gobernador Daniel R. Fernando ang DILG sa pagpili nito sa Brgy. San Mateo bilang isa sa mga benepisyaryo ng programa at pinaalalahanan ang mga Bulakenyo na ingatan at alagaan ang nasabing mga proyekto sa kanilang barangay.

 

 

 

“Lubos ang aking pasasalamat dahil isa ang Brgy. San Mateo sa napiling lugar dito sa Lalawigan ng Bulacan upang isagawa ang Barangay Development Program. Malaking tulong ito sa ating kapwa Bulakenyo sa Norzagaray, umpisa pa lamang ito ng pag-unlad. Karugtong nito, hinihiling ko lamang na ating alagaan at ingatan ang mga proyektong ipinagkaloob sa atin,” anang gobernador.

 

 

 

Itinatag ang Barangay Development Program (BDP) sa layuning maghatid ng kaunlaran sa mga komunidad sa bansa na dati ay may kaguluhan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

1 gradweyt kada pamilya, target ni Bong Go

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inihayag ni Senator Bong Go sa harap ng grupo ng mga negosyan­te ang kahalagahan ng edukasyon bilang salik sa pagsustine sa pagrekober ng ekonomiya ng bansa.

 

 

Sa Presidentiables Forum ng Philippine Chamber of Commerce and Industry kasabay ng 47th Philippine Business Conference and Expo, sinabi ni Go na kinakailangang matukoy ang 10 milyong pinakamahihirap sa hanay ng mahihirap para mabigyan sila ng pang-pinansiyal na ayuda at hanapbuhay.

 

 

Kapag natukoy, nais ni Go na tulungan ang bawat pamilya na magkarooon ng isang anak na napagtapos sa pag-aaral.

 

 

Sinabi ni Go na kapag siya ay nahalal, kanyang ipagpapatuloy at pag-iibayuhin ang mga naging accomplishments ng Duterte administration.

 

 

Sa ngayon, sinabi ni Go na may tinatayang 1.6 million mahihirap na Filipino students ang nakapag-aaral nang walang binabayaran sa tuition at miscellaneous fees dahil na rin sa Free Higher Education program ni Pangulong Duterte. (Daris Jose)

P1 rollback sa oil price, epektibo sa susunod na linggo

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Inaasahan na muling magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo.

 

 

Sinasabing mahigit sa P1 ang oil price rollback na ipapatupad sa November 23.

 

 

Ang presyo ng gasolina aabutin mula sa P0.85 hanggang P1.10 kada litro ang posibleng ibaba ang rollback, samantalang sa diesel ay P1.20 hanggang P1.30 sa kada litro at sa kerosene ay aabutin ng P1.30 hanggang P1.40 kada litro.

 

 

Ayon sa mga key player ang pagbuti ng palitan ng piso kontra dolyar ang dahilan nang pagbaba ng presyo ng petroleum products sa merkado.

 

 

Una nang humingi ng dagdag singil sa pasahe ang mga passenger jeepney dahil sa mataas na halaga ng krudo at dahil sa pagbaba ng oil prices ay posible umanong matengga muna ang fare hike petition sa LTFRB.

 

 

Una na ring sinabi ng LTFRB na hindi napapanahon ang fare hike dahil ang ma­liliit na pamilyang pinoy ang higit na naaapektuhan lalo pa ngayong panahon ng pandemya. (Daris Jose)

Ads November 24, 2021

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

IG post ni RUFFA tungkol sa ‘beauty in privacy’, may kinalaman daw sa isyu kina HERBERT at KRIS; super react ang netizens

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PINAG-UUSAPAN ng netizens ang latest IG post ni Ruffa Gutierrez na kung saan pinagdiinan niya na there is a ‘beauty in privacy’.

 

 

Post ni Ruffa, “Social media has made us so eager to show and tell but there is BEAUTY in PRIVACY. Everything isn’t meant to be on display.

 

 

“It’s perfectly fine not to overshare and to keep some things for you. I don’t need validation from strangers because I’m genuinely HAPPY.

 

 

“Good morning everyone, especially sa lahat ng Maritess!”

 

 

Nag-react naman ang mga celebrity friends ni Ruffa, tulad ni Aiko Melendez na nag-comment ng, “Mismo!”

 

 

Say naman ni Jackie Foster, “You know how I feel about privacy these days @iloveruffag people think they know you based on your posts. But for some there truly is MoRE than meets the eye! Or meets the I.G  I love you and adore you. You have never been anything more than Real. Even when you were annoyed with something you heard were honest with me and spoke to me directly and that’s why I will forever love you and pray for nothing but the very best for you and the girls.  Keep that peace, it looks good on you!”

 

 

Comment ng isa pang close friend na si Donita Rose, “Hi Sis! I miss you so so much. Someone showed me the old ABS station ID and when I saw you and the gang, I cried at work. I wanted to make hagulgul but I had to stop myself.”

 

 

Naka-relate naman si Vina Morales sa post ni Ruffa, “Agree! There is always BEAUTY in PRIVACY. We are on the same boat! Stay happy and pretty always!”

 

 

At dahil nga binati ni Ruffa ang mga Maritess sa social media, maraming netizens ang nagpahayag ng kani-kanilang komento at payo sa post na ito ni Ruffa na pinalalagay na may kinalaman sa tsikang karelasyon niya ngayong na si former QC Mayor Herbert Bautista:

 

 

“Happy pero nagseselos sa “the one that got away”. He he.”

 

 

“Eeek! Sila nga? Wahaha.”

 

 

“Hahhahaha kala ko kaibigan lang kay very defend!”

 

 

“Ayan natamaan ka ng sinabi ni Kris kaya now sya na puntirya mo, bf mo ang sabihan mo not the non existent social media manager kuno, bat kasi kagsabi si guy ng ganon na kayo nman na. r u not enough to pull some votes for him?”

 

 

“Genuinely happy? pero super affected naman lol.”

 

 

“Lol these celebrities that advocate for things that they don’t even practice themselves.”

 

 

“Tested na yang linyang “no need validation” at “genuinely happy” na kaimpokritahan lang..why bother posting it pa if di nmn pala need validation..convince yourself nalang.”

 

 

“Naiinggit kay Kris. Love pa kasi ng jowa nya si K.”

 

 

“Wag kang makialam sa buhay ng iba ‘day. Focus on yourself.”

 

 

“Pero may I post ka about sa socmed admin ng isang politician. Sana kung gusto mo ng privacy quiet ka nalang eh ayaw mo rin pahuli eh gusto mo malaman ng madla na ikaw ang present GF. Convenient privacy! Charot…”

 

 

“’Beauty in privacy’ yet she made things public. Why make unnecessary noise in the first place?”

 

 

“Selos much? As if naman good catch yang jowa mo…eeewww.”

 

 

“Magkasama pala sila ni Bistek dati sa movie.”

 

 

“Beauty in privacy kemerut dahil hindi ka naman kaya ipangalandakan at panindigan ng jowa mo, gurl. Hanggang patago-tago lang yan.”

 

 

“Anyare sa taste mo ruffa? Hahaha.”

 

 

“Di nman si kris ang naghahabol sa bf mo kundi bf mo na di kayang ipaglaban si kris noon,now na taken na ito kunyari kaya ng ipaalam sa mundo pero ikaw na pala ang latest, i-fire talaga ng soc-med manager eh personal stuff like that tingin makikialam yan & about kris pa? kakahiya lng kasi ikaw ang present pero iba ang sinasabi.”

 

 

“Sya kaya ung unang kumuda kaya nadrag name nya ahahaha.”

 

 

 

“Beauty in privacy but you’re the first one to shout out about HB’s past, just because you’re the present. Walk the talk, girl!”

 

 

“Ano kaya ang TRUE REACTION ni tita A sa new bf ng unica hija nya?”

 

 

“Parang mas genuine ang happiness ni tetay, she is just proud of her lover bakit parang may bitter? sana nga genuinely happy din ang jowa mo sayo.”

 

 

“Sorry Rufing pero yung natira sa ‘yo di ang better man!”

 

 

“Wag mo awayin si kris. Jowa mo ang nagsalita hindi siya. Pinuri ka pa nga nya. Wag ka bitter!”

 

 

“When you’re genuinely happy, you don’t need to say it. It will show.”

 

 

“Kung nung noon hindi kayang ma-achieve ni HB sila Kris at Ruffa. Ngayon iba na! Iba nagagawa ng may katungkulan, biglang pumopogi.”

 

 

“O ayan Mayor B, may pasampol pa. Palayain mo na lang si “the one that got away” at mukhang mamatay matay sa selos si Madam Ruffa.”

 

 

“Hindi kasalanan ni K. Yung BF mo ang pagbawalan mo. Siya ang nag social med at inaming nagsisisi siya dahil mabagal siya sa pagpo-propose hanggang it’s too late at naunahan nang iba.”

(ROHN ROMULO)

Lacson at Sotto, sumailalim sa voluntary drug test

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Magsasanib pwersa ang Philippine National Police at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pag-imbestiga sa isang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine.

 

 

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, nasimulan na ng PDEG ang pagbeberipika ng naturang impormasyon at nangangalap na ng mga ebidensya.

 

 

Paliwanag niya, nagbibigay ng update sa kanya ang PDEG pero maghihintay muna sila na makumpleto ang imbestigasyon bago isapubliko ang resulta.

 

 

Nakikipag-ugnayan din ngayon ang PDEG sa Intelligence Group para ma validate ang nasabing report.
Dagdag pa ni Carlos, aalamin nila sa Malakanyang kung saan nangaling ang impormasyon dahil hindi naman sila basta-basta pwede dumirekta sa Pangulo.

 

 

Wala namang time-frame na ibinigay si Carlos sa PDEG para sa imbestigasyon dahil nagiging maingat sila sa pagkumpirma nito.

 

Pagtiyak nito na sa sandaling validated na ang ulat magkakasa sila ng operasyon.

 

 

Tumanggi naman si Carlos sabihin kung may natanggap silang impormasyon hinggil sa isang presidential bet na gumagamit ng cocaine.

 

 

Samantala, hinimok ni PNP Chief ang mga lahat ng mga kandidato na sumailalim sa drug test para mabatid ng publiko na drug free ang isang kandidato.

 

 

Pero nilinaw ni Carlos na hindi nila hinahamon ang mga kandidato na sumailalim sa drug testing dahil “free will” o boluntaryo lamang ito.

 

 

Aniya, sa panig ng PNP regular random drug testing ang kanilang isinasagawa para patunayan na drug free ang mga pulis.

 

 

As of presstime ( Nov 22),  sumailalim ang Reporma standard bearer Sen. Panfilo Lacson at ang kanyang running mate na si Senate President  Vicente “Tito” Sotto III sa voluntary drug test. Nagpunta ang dalawa sa Philippine  Drug Enforcement Agency (PDEA ) headquarters, Lunes ng tanghali.

 

 

“What we underwent was not ordinary testing. PDEA uses a MULTI DRUG testing kit. It can check all types lof illegal drugs, encompassing holistic drug test,” ayon pa kay Sotto.

 

 

“Ordinary testing only checks  marijuana and shabu.

 

 

Urine samples were taken and the PDEA is still processing these samples, said the Senate President, who once led the Dangerous Drug Board. (Daris Jose)

Bagong outbreaks, iprayoridad – Isko

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nararapat na gawing isa sa prayoridad ng susunod na pamahalaan ang pagbabantay at paghahanda laban sa mga susunod pang mga outbreaks na mangyayari sa mundo kahit na matapos na ang pandemya sa COVID-19, ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno.

 

 

Sinabi ni Moreno, standard-bearer ng Aksyon Demokratiko para sa Halalan 2022, una niyang tututukan ang pagpapalakas sa sistema sa kalusugan ng bansa para hindi na nagugulantang kapag may tumatamang mga outbreak sa mundo.

 

 

“Ilalaan ko ang unang dalawang taon ng aking administrasyon sa pagpapalakas ng health system para makalaban tayo sa pandemya, dapat bantayan ang mga darating na outbreaks at maging handa sa anumang mangyayari habang pinipilit nating buhayin ang ating ekonomiya,” ayon kay Moreno.

 

 

Kasunod nito, sinabi niya na gagawin niya sa buong bansa kung anuman ang nagawa niyang mga proyekto at programa sa Maynila.

 

 

“Nasa pandemya tayo. Ang buhay at kinabukasan ng tao ang nakasalalay. Kaya naisip ko na kung ano ang ginawa natin sa Maynila, ganun din ang gagawin natin sa buong bansa,” ayon sa alkalde.

 

 

Kasama sa mga proyektong ito na nais gawin ni Moreno sa buong Pilipinas ang pabahay para sa mga mahihirap sa Baseco, Tondo at Binondo; konstruksyon ng COVID-19 field hospital at bagong Ospital ng Maynila; libreng antigen testing at libreng gamot na Remdisivir at Tocilizumab; at patuloy na paghahatid ng food boxes sa mga taga-Maynila. (Gene Adsuara)

Panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax sa langis pinamamadali sa Kamara

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nanawagan ang Gabriela Party-list sa Kamara na madaliin ang panukalang suspensyon ng TRAIN Law excise tax.

 

 

Ayon kay Rep. Arlene Brosas, hindi naman kasi sapat ang mga rollbacks sa produktong petrolyo at nagbabadya pa ang panibagong sirit sa presyo ng langis.

 

 

Nakikita niyang magiging malaking alwan sa mga motorisata at consumers ang pagsasabatas sa House Bill No. 10488 sapagkat tatanggalin nito ang mga TRAIN Law excise taxes sa langis sa loob ng anim na buwan.

 

 

Sa ngayon, aprubado na sa komite sa Kamara ang naturang panukalang batas.

 

 

Hangga’t sa hindi pa ito nagiging ganap na abtas, sinabi Brosas na dapat ding magkaroon ng rollback sa presyo naman ng LPG gayong pumapalo na sa hanggang P1,000 ang presyo ng kada tangke nito hanggang sa ngayon.

 

 

Mas malaki din aniya pa dapat ang i-rollback sa diesel, gasolina at kerosene kung talagang sumusunod ang mga kompanya sa pandaigdigang pamilihan. (Daris Jose)

WINWYN, hindi pa rin makapaniwalang nakapasok ang ‘Nelia’ sa MMFF; napapanahon ang kuwento at maraming makaka-relate

Posted on: November 24th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA ang bagong producers na sina Atty. Aldwin Alegre at Atty. Melanie Quino dahil napili ang Nelia, ang unang venture nila as film producers bilang entry sa 2021 Metro Manila Film Festival. 

 

 

Bida sa movie si Winwyn Marquez, Raymond Bagatsing at Ali Forbes. Tampok din sa Nelia sina Mon Confiado, Lloyd Samartino, Shido Roxas, Dexter Doria at Dan Alvaro  

 

 

“Nakatutuwa na napagbigyan ang pelikulang Nelia dahil napapanahon ang kwento nito dahil tiyak na makaka-relate dito ang mga health workers,” wika ni Atty. Aldwin nang makausap namin sa announcement ng MMFF entries na ginawa sa Novotel sa Quezon City.

 

 

Ginagampan ni Winwyn ang role ng isang medical worker. Tiyak na marami raw ang makaka-relate sa role niya, especially those who suffered stress sa kanilang trabaho.

 

 

Reaction naman ni Winwyn nang makapasok sa MMFF ang Nelia, “I was watching from FB Live nung announcement and kinakabahan ako kasi syempre mga unang movies na binanggit napakalaking mga artista at pinaghandaan na mga pelikula din.

 

 

Hindi ako masyado nagexpect pero I was hoping pa rin nung biglang binanggit yung synopsis naparecord ako bigla kasi di ako makapaniwala, mixed emotions talaga.

 

 

Kabado, tuwa, at takot pero sobrang grateful na napili ang Nelia dahil alam ko buong cast and production binigay lahat nung ginagawa ang film.

 

 

Tinawagan ko agad dad ko para balitaan siya.”

 

 

Ayon kay Atty. Aldwin, dapat sana ay may gagawa lang sila ng short film para sa DepEd pero dahil nagsara ang DepEd dahil sa pandemic, naisipan nila na gumawa ng isang full-length film sa tulong ng director nilang si Lester Dimaranan.

 

 

“Open naman ang iba’t-ibang online platforms para maipalabas namin ang movie pero siyempre masaya kami dahil napili ang Nelia as official entry sa festival,” wika pa ng baguhang producer.

 

 

Flattered sina Atty. Alwdin dahil kahit na mabibigat ang ibang entries ay nabigyan ng slot ang maliit nilang pelikula.

 

 

Introducing sa Nelia sina Juan Carlos Galano at Aldwin Alegre. This is directed by Lester Dimaranan under A and Q Productions.

 

 

Naging masaya naman daw ang shoot nila kahit under the pandemic dahil nagkaroon ng bonding ang cast while filming kahit na medyo nahirapan sila dahil may mga safety protocols na dapat sundin during the lock-in shoot.

 

 

Sinabi pa ni Atty. Aldwin na excited sila sa pagsali nila sa festival.

 

 

***

 

 

MATAGAL nang pangarap ni Direk Joven Tan na makapagdirek ng isang musical kung saan makikita ang struggles of a person, kung paano niya ito nilabanan at nakamit ang kanyang pangarap.

 

 

“Ang life story ni Isko Moreno ay perfect material for it. Hindi madaling gawin ang movie dahil sa pandemic. Maraming restrictiosn pero natapos namin ang movie and I am thankful for that fact.”

 

 

Ang importanteng chapter sa buhay ni Isko ay highlighted sa movie. Ang pagiging boy garbage collector niya ay ginampanan ni Raikko Mateo. Ang high school life niya at That’s Entertainment days ay si McCoy de Leon naman ang gumanap. Ang pagiging public servant niya ay ginampanan ni Xian Lim.

 

 

“May idea na tayo sa buhay ni Isko, kung paano siya nagsimula and all. Pero ‘yung pagiging dreamer, hardworker at survivor ang nasa movie, Mas lalo natin makikilala si Isko. May mga pagkakataon na nadapa pero hindi siya sumuko kundi mas nagsumikap para maayos ang buhay niya,” kwento ni Direk Joven.

 

 

May 15 original songs sa movie at tawag ni Direk Joven sa mga ito ay songs of hope.

 

 

“Masaya man o malungkot ang kanta, gusto kong sabihin sa viewers na laging may pag-asa.”

 

 

Para kay Direk Joven, very inspiring ang buhay ni Isko Moreno.

 

 

“We are the captain of our ship. We are the drivers of our lives. We have the choice to make or break our lives. Kung susuko tayo, hindi natin makukuha ang pangarap natin… kung tataasan natin ang pangarap natin, maabot man natin kahit kalahati noon, mataas pa rin. Libre ang mangarap, sabayan lang natin ng pagsisikap at pagdadasal.”

 (RICKY CALDERON)