• November 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 3rd, 2022

P293-M halaga ng financial aid naipamahagi sa mga sinalanta ng Bagyong Odette – DSWD

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mahigit 293 million ang halaga ng financial aid na naibigay sa mga komunidad na sinalanta ng Bagyong Odette, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

 

 

Sa kanialng report, sinabi ng DSWD-Disaster Response Operations Monitoring and Information Caenter na P293,352,307 halaga ng assistance ang naibigay ng DSWD, local government units, at non-government organizations, at iba pa.

 

 

Kabilang sa mga pinakamatinding sinalanta ng Bagyong Odette ay ang MIMAROPA, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, CARAGA, at BARMM.

 

 

Base naman sa report ng NDRRMC, lumalabas na 407 ang napaulat na namatay dahil sa hagupit ng Bagyong Odette, kung saan 75 dito ang kumpirmado na at 332 naman ang binibirepika pa.

 

 

Samantala, 1,241,954 pamilya o katumbas ng 4,876,254 inidbidwal ang apektado ng bagyo.

HEART, nagbuhay-reyna habang nagbabakasyon sila sa Amerika dahil kay Gov. CHIZ

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

FINALE week na simula ngayong gabi (January 3) ng GMA Primetime series na The World Between Us nina Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Sid Lucero, Tom Rodriguez, Dina Bonnevie at Jaclyn Jose.

 

 

Kaya excited na ang mga televiewers na malaman kung paano magwawakas ang serye na dinirek ni Dominic Zapata. 

 

 

Nagkaroon kasi muna sila ng season break at sa pagbabalik nila, ay mas matitindi na ang mga eksena, at ibang Louie Asuncion (Alden) na ang napapanood, lumalaban na siya, kasabay ang pagtuklas niya kung sino talaga ang may kasalanan ng pagkamatay ni Rachel (Dina).

 

 

Marami ring naawa naman kay Lia (Jasmine) sa pagmamalupit sa kanya ni Eric (Sid) at hindi naman nila ma-take ang mga kasamaang ginagawa nina Eric at Brian (Tom).

 

 

At si Yachie (Jaclyn), matitiis ba niyang madiin ang tunay na anak na si Brian sa kasalanang hindi naman siya ang gumawa?

 

 

Tanong din nila, kung magiging happy ending ba kina Louie at Lia ang pagtatapos ng serye sa Friday, January 7, na napapanood gabi-gabi at 8:50 PM sa GMA-7, after I Left My Heart in Sorsogon.

 

 

Meanwhile, first time ni Asia’s Multimedia Star na nag-celebrate ng kanyang birthday kahapon, January 2, na mag-isa as he turned 30, dahil nasa San Francisco, California siya at kasama lamang niya ang Kuya RD niya, his Tita Joan, sister ni Daddy Bae, and cousin April na kasama niyang nagbiyahe.

 

 

Pagbalik ni Alden sa January 9, haharapin na niya ang pagsisimula nila ni Bea Alonzo ng first movie na pagtatambalan nila, ang Special Memory.

 

 

***

 

 

NAG-WHITE Christmas din sa US ang mag-asawang si Sorsogon Governor Chiz Escudero at Kapuso actress Heart Evangelista, with the twins of Gov. Chiz.

 

 

Kuwento ni Heart, nagbuhay-reyna raw siya roon dahil ang husband niya ang gumagawa ng lahat, kaya naman nag-video si Heart at pinost niya ito sa social media niya with the text na “Best husband video.”

 

 

Ipinakita roon ni Heart habang ipinagda-drive siya ni Chiz, cooking food, going grocery shopping, even doing her hair na ikinatuwa rin ng twins with the caption na “Chizzy and I love it.”

 

 

The video has fetched more than 100 likes and adoring comments from the fans and fellow celebs ni Heart, like Carla Abellana who could only say, “oh gosh!”

 

 

Gabi-gabi ring napapanood si Heart sa I Left My Heart In Sorsogon with new Kapuso actor Richard Yap and Paolo Contis, after 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

LABIS ang pasasalamat ni Sunshine Cruz sa trust sa kanya ng GMA Network, dahil ang first teleserye niyang ginawa, ang Mano Po Legacy: The Family Fortune, ay siyang opening salvo ng network at Regal Entertainment sa pagpasok ng 2022.

 

 

Challenging ang role niya bilang si Christine Chan, ang intelligent and drive-driven daughter of Consuelo Chan, played by Boots Anson Roa-Rodrigo at kalaban niya si Maricel Laxa, ang manipulative daughter-in-law ni Consuelo.

 

 

Isa raw honor sa kanya na makatrabaho ang mga kasama niya sa cast at kay Barbie Forteza na first time lamang niyang nakatrabaho.  Barbie will play the role of Steffy Dy, ang street-smart assistant ni Christine.

 

 

Para raw kasing kabilang na si Barbie sa three daughters niyang sina Angelina, Sam at ang bunso niyang si Cheska.

 

 

Kaya tonight naman ang world premiere ng Mano Po Legacy: The Family Fortune, 9:30PM, after The World Between Us, sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

2021, ‘golden year of PH sports’ – POC

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Maituturing umano bilang “golden year” sa mundo ng sports ang 2021.

 

 

Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Rep. Abraham “Bambol” Tolentino, sa taong ito kasi nakamit ng bansa ang makasaysayang “breakthrough” partikular sa Olympic Games.

 

 

Nabatid na nasa Tokyo International Forum si Bambol nitong July 26 noong masungkit ni Hidilyn Diaz ang unang Olympic gold medal ng Pilipinas matapos manalo sa women’s 55kg division sa weightlifting.

 

 

“This is a year of congratulations for all of us, for breaking several milestones in our sports,” ani Tolentino.

 

 

Dagdag nito na maaaring maraming negatibong idinulot sa ating buhay ang Coronavirus Disease pandemic pero mas nangibabaw pa rin ang tatag ng mga Pilipino.

 

 

Sa ngayon aniya ay mayroon nang isang ginto, apat na silver at walong bronze medal ang bansa mula sa Olympics na nakamit dahil sa pagkakaisa ng mga atleta at coach sa iba’t ibang National Sports Associations.

 

 

“This year is marked by a spirit of happiness for the blessings we have received,” wika pa ng POC president.

‘1st Sunday’ ng 2022: 4,600 bagong COVID-19 cases, naitala sa PH; 25 bagong patay

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mula sa 3,617 sa unang araw ng bagong taon kahapon, tumaas sa 4,600 na bagong COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) cases ang naitala sa Pilipinas ngayong araw.

 

 

Base sa latest bulletin ng Department of Health (DOH), 21,418 na ang bilang ng aktibong kaso kung saan 769 ang asymptomatic o walang sintomas, 15,644 ang mild, 3,081 ang moderate, 1,589 ang severe o malubha, at 335 naman ang nasa kritikal na kondisyon.

 

 

Sa 4,600 na napaulat na bagong kaso ngayong araw, sinabi ng DOH na 4,548 o 99 percent ang naitala noong Disyembre 30, 2021 hanggang Enero 2, 2022, dahilan para umakyat na sa kabuuang bilang na 2,851,931 ang COVID cases sa bansa.

 

 

Ang mga rehiyon na mayroong pinakamaraming naitalang bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo ay ang National Capital Region na may 3,279 infections, Region 4-A na may 676, at Region 3 na may 252.

 

 

Sinabi rin ng DOH na ang recoveries sa ngayon ay pumalo sa 535, kaya umakyat naman ang kabuuang bilang nito sa 2,778,943.

 

 

Ang bagong fatalities naman ay 25, kaya ang death toll sa ngayon ay pumalo na sa 51,570. (Daris Jose)

MARTIN, nag-shine at hinangaan agad sa sneak-peek ng ‘Voltes V: Legacy’; goodluck na lang sa ‘Darna’ ni JANE kung itatapat

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram post ng GMA Network sa unang araw ng Enero, inilabas na sneak-peek ng inaabangang Voltes V Legacy na paparating na ngayong 2022.

 

 

May caption ito na, “We proudly bring you an EXCLUSIVE sneak-peek of what @voltesvlegacy has been working on for the past few years!

 

“Join us and “V” together for one epic ride! #VoltesVLegacy, SOON on GMA!”

 

 

Puring-puri naman ng netizens ang naturang sneak-peek at marami ang nakapansin kay Martin del Rosario na gumaganap na Prince Zardoz na tiyak daw na mabibigyan niya ito hustisya dahil mahusay siyang actor:

 

“Ampogi ni Martin as Prince Zardoz.”

 

 

“Agree. For sure mabibigyan nya ng hustisya ang character bilang magaling syang artista.”

 

 

“Sa true! Yun lang wig sana yung mas mukhang totoo pero win na win sa face ni prince zardoz.”

 

 

“IKR? He looks so beautiful. LOL! About sa wig, kaya siguro brown na lang yung sinuot kasi lalong magmumukhang fake pag blonde tsaka hindi naman talaga type ng mga pinoy ang blonde. Magmumukha din sya lalong babae pag blonde…

 

 

Tumatak agad sa akin si Prince Zardoz, ramdam naman ang Prince Zardoz vibe.
Yung set sa kalaban ok, yung set for camp big falcon, fail. But let’s give it a chance.”

 

 

“Ampogi nman ni Martin kahit may sungay!”

 

 

“Laki din ng pinogi ni miguel tan felix.”

 

 

“OMG! LITERAL NA GOOSEBUMPS ANG NARAMDAMAN KO DITO SA TRAILER!”

 

 

“Ang dami palang team Bosinian dito. Team martin.”

 

 

“wow, mukhang maganda sya, pero sa aktingan lang sablay.”

 

 

“weh! galing nga nila. ano ba namang mala famas acting ang gusto mo?”

 

 

“I agree. Sa few scenes na pinakita, parang ang lamya ng acting :(“

 

 

“are you referring sa mga baguhan? well, sana nga ma.improve nila. infer Miguel ang the kid na gaganap na Little John are good. you can check Love of My Life si Little John na kid andun.”

 

 

“Panonoorin ko ito bilang ever supporter ng voltesV and in fairness mukha nman mganda n exciting. I wont miss the chance to experience voltes V again.”

 

 

“Yung vibes/movement niya, parang ung Ultraman/Machineman dati. 80-90s with updated special effects and CGI. Mukhang okay ah, sana okay din sa acting. Panoorin ko ito since I am a VoltesV fan.”

 

 

“That Miguel TanFelix is so good looking!”

 

 

“Great actor too, watched him in Kambal Karibal.”

 

 

“Hindi na kasi sya masyadong baby face. Napansin ko na to dun sa csid ng kah. Mas gumwapo nga sya.”

 

 

“Kung ito ang itatapat sa Darna – eh di goodluck kay Jane na lang talaga.”

 

 

“Darna fan ako pero yes somewhat agree.”

 

 

“Sablay yung indoor shots. Mukha pa rin syang movie/tv set and not an actual environment.”

 

 

“Behind the scenes pu yun. Haha. Kung makasablay ka naman. Meron and meron pa rin talaga ipupuna kahit di pa naman nakikita final output. All I know is talaga promising ang voltes v legacy.”

 

 

“Huh, there’s only so much they can do. This is free TV, mind you. And pina-approve lahat yan sa TOEI before they release it so pinaghirapan talaga. Just be glad na this is a step up na for Philippine TV.”

 

 

“Mas maganda naman CGI nito kesa sa CGI ng KaF dati sa mga shows hahahaha jusko!! Wala sa kalingkingan.”

 

 

“Very promising ito.Kaabang abang talaga. Pagdating sa mga fantaserye maasahan talaga ang GMA.”

 

 

“Grabe. Sana because of this, umangat o mabuhay man lang ang tv shows sa bansa at mawala na ang network wars. This is so promising. Pero wala yata si Little John?”

 

 

“Bawal pa kasi mga kids dahil sa pandemic pero baka makapag shoot na cya soon.”

 

 

Dahil sa IATF protocols kaya hindi nakakasama si little Jon pero this 5th lock-in taping nila this january dapat kasama na sya… Eh kaso may gwyneth na nangyari, baka maudlot na naman pagsama ng bata sa taping…”

 

 

“Albert Martinez. Number 1 reason for watching this.”

 

 

“Infernes talaga sa mga fantasy series ng GMA pinaghandaan talaga. Syempre not expecting hollywood like efx on this but its beyond expectation so will definitely support this!”

 

 

“Galing ni Martin. Kaso yung sa lima na nagsasalita sa pag volt in, si Ysabel lang ang may energy. Nalalamyaan ako sa 3 nauna hahahah di nagbreakfast yarn??”

 

 

“OH my ghad!!! Ganda, pero di pa daw yan final parang featurette pa lang daw yan (IDK kung tama spell) which means baka sa susunod na trailer o teaser eh mas maganda na since hindi pa yan final, baka improve nila ung ilang effects, lighting etc. Medj nadisappoint sa costume, pero lahat ay WOW!!!”

 

 

“isa ako sa nagwi-wish na maging matangumpay ito. hindi dahil kapuso fan ako pero kasi gusto ko ang Voltes V.”

 

 

“Magaling na bata tong Ysabel no? Pumapalag sa action scenes. Maganda din sya magsalita.”

 

“Ang nag-shine sa sneak peak ay si Martin talaga.”

 

 

“THIS IS THE BEST CGI EFFECTS EVER MADE IN PHILIPPINE SHOWBIZ INDUSTRY.”

 

 

“I’ll support this kasi mukhang may effort talaga ang production. Sana lahat ng shows sa Pilipinas ganito din ang effort. If people don’t support this, it would not bode well for PH TV. Stations will just think not to put any effort kasi wala naman silang return of investments.

 

 

“I hope hindi ganito ang mangyari. I want the TV networks to see what they can achieve by investing in good productions at sana magprogress na ang TV networks sa Pilipinas, and this could be the start.”

(ROHN ROMULO)

NCR ‘high risk’ na sa COVID-19 Omicron variant

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nasa high risk classification na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng reproduction number at positivity rate sa rehiyon.

 

 

Kasabay nito, tumaas din ang hospital bed occupancy sa 41% kumpara noong nakaraang linggo.

 

 

Batay sa ulat ng OCTA Research Group, nasa 4.05 ang reproduction number sa NCR na naita­lang pinakamataas simula noong Abril 1, 2020 pa.

 

 

Ang reproduction number ay ang bilang ng mga taong maaaring ihawa ng isang pasyenteng may COVID. Ang reproduction number na 4.05 ay indikasyon na bumibilis ang hawaan ng virus sa NCR.

 

 

Sa isang tweet, sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David na nasa 2,530 bagong kaso ng sakit ang naitala sa NCR noong New Year’s Day, na pinakamataas sa loob ng tatlong buwan o simula noong Oktubre 10, 2021.

 

 

Simula Disyembre 26, 2021 hanggang Enero 1, 2022, ang seven-day ave­rage ng mga bagong kaso ay tumaas pa ng 969% o mula 90 lamang ay naging 962 na.

 

 

Batay pa rin sa pinakahuling update ng OCTA, ang daily positivity rate sa NCR ay tumaas pa sa 28.03%, mula sa dating 21% lamang.

 

 

“With the increase in positivity rate, NCR is now classified as high risk,” ani David.

 

 

Samantala, inirekomenda ng OCTA sa pamahalaan na muling ilagay ang NCR sa ‘bubble system’ upang mapigilan ang posibleng pagkakaroon muli ng ‘COVID-19 surge’.

 

 

Nabatid naman na ang bilang ng mga okupadong hospital beds para sa mga COVID-19 patients sa NCR ay tumaas mula sa 1,381 lamang noong Disyembre 24 ay naging 1,942 na noong Disyembre 31.

 

 

Sinabi pa ni David na umaasa silang makatutulong ang pagsasailalim muli sa NCR sa Alert Level 3 mula Enero 3 hanggang 15, 2022 para mapigilan ang higit pang pagkalat ng bagong COVID-19 infections. (Daris Jose)

PDU30 hinikayat ang mga survivors ng bagyong Odette na huwag gamitin sa bisyo ang cash aid mula sa gobyerno

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT President Rodrigo Roa Duterte ang mga survivors ng bagyong Odette na umiwas at huwag gamitin ang cash assistance ng gobyerno sa bisyo.

 

Ang mga low-income residents ng mga lugar na hinagupit ng bagyong Odette ay makakakuha ng P1,000 na cash aid mula sa national government. Hanggang 5 miyembro ng pamilya ang makakakuha ng cash assistance.

 

Kausap ang mga survivors ng Bais City, Negros Oriental, sinabi ng Pangulo na “Have you received the P5,000 cash assistance? Not yet? Or have you spent it all?”

 

“That’s what usually happens if the husband spends the P5,000 on alcoholic beverages. And the wives, if they have nothing to do, they are like ‘Marites’ and keep on gossiping and playing poker,. ”

 

Ang ayuda ayon sa Pangulo ay “is intended for the family, especially the children.”

 

“Don’t mess with me by using the money to purchase alcoholic drinks. If you do that, I’ll come back here for you and punch you. Yes, I will. If somebody reports to me that you spent your money on cockfighting, I won’t regard anybody as my friend. I will really come back for you,” dagdag na pahayag nito.

 

Sinabi naman ng interior department na ang budget para sa cash assistance ay naka-iskedyul na i-download sa local na pamahalaan.

 

Maaari namang simulan ng local authorities ang distribusyon sa oras na matanggap na nila ang pondo.

 

Required ang mga ito na i- post ang mga pangalan ng mga beneficiaries sa social media o sa 3 conspicuous areas sa barangay,.

 

“Those who fail to get the aid may appeal through a grievance committee,” ayon kay DILG Usec. Malaya.

 

“The police and military were instructed to lend manpower if needed. The social welfare department, meanwhile, will provide technical assistance in the distribution, dagdag na pahayag nito.

 

“Local governments are given 15 days to distribute the cash aid, though they could ask for an extension,” ani Malaya.

 

“Duterte during his visit to Negros Oriental also instructed the social welfare department to give typhoon victims trapal, family food packs, kitchenware such as pots, and financial assistance, ayon naman Kay Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Inatasan Anita ng Pangulo ang health department na tugunan ang medical concerns ng mga residente. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pinas, mananatili sa ilalim ng Alert Level 3 hanggang Enero 15

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) araw ng Miyerkules, Disyembre 29, 2021, ang rekomendasyon na manatili ang lahat ng lalawigan, highly urbanized cities, at independent component cities sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 1 hanggang Enero 15, 2022.

 

Gayundin, ipinalabas ng IATF ang updated country risk classification epektibo Enero 1, 2022 hanggang Enero 15, 2022.

 

Ang Eswatini, Lesotho, Malawi, Mozambique, Namibia at Spain ay nasa ilalim ng Red List.

 

Nasa ilalim naman ng Green List ang Bangladesh, Benin, Bhutan, British Virgin Islands, China (Mainland), Cote d’ Ivoire (Ivory Coast), Djibouti, Equatorial Guinea, Falkland Islands (Malvinas), Fiji, The Gambia, Guinea, Hong Kong (Chinese Special Administrative Region), Indonesia, Kuwait, Kyrgyzstan, Liberia, Montserrat, Oman, Pakistan, Paraguay, Rwanda, Saba (Special Municipality of the Kingdom of the Netherlands), Saint Barthelemy, Sao Tome and Principe, Senegal, Sierra Leone, Sint Eustatius, Taiwan, Timor-Leste (East Timor), Togo, Uganda at United Arab Emirates.

 

“All other countries/territories /jurisdictions not mentioned above shall be under the Yellow List,” ayon kay acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

 

Samantala, ang IATF, batay na rin sa naging rekomendasyon ng Department of Foreign Affairs, “approved the acceptance/recognition for purposes of arrival quarantine protocols at maging ang para sa interzonal/intrazonal movement para sa national COVID-19 vaccination certificate ng Armenia, Belgium, Canada, France, Germany, Kuwait, New Zealand, Sri Lanka, Thailand, United States of America at Oman.

 

“This is in addition to such other countries/territories/ jurisdictions whose proofs of vaccination the IATF already approved for recognition in the Philippines, and without prejudice to such other proofs of vaccination approved by the IATF for all inbound travelers,” ani Nograles.

 

Kaugnay nito, inatasan naman ang Bureau of Quarantine, the Department of Transportation – One Stop Shop at ang Bureau of Immigration na kilalanin lamang ang mga proofs of vaccination na inaprubahan ng IATF. (Daris Jose)

THE BAT AND THE CAT GET IN SOME TROUBLE IN THE NEW TRAILER OF “THE BATMAN”

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

VENGENCE equals justice for both the Bat and the Cat. Check out the new trailer for “The Batman” now and watch the film only in Philippine theaters March 2022.

 

 

YouTube: https://youtu.be/4T7J-U0lacY

 

 

Facebook: https://fb.watch/a9KqknCxpI/

 

 

About “The Batman”

 

 

From Warner Bros. Pictures comes Matt Reeves’ “The Batman,” starring Robert Pattinson in the dual role of Gotham City’s vigilante detective and his alter ego, reclusive billionaire Bruce Wayne.

 

 

Two years of stalking the streets as the Batman (Robert Pattinson), striking fear into the hearts of criminals, has led Bruce Wayne deep into the shadows of Gotham City.  With only a few trusted allies—Alfred Pennyworth (Andy Serkis), Lt. James Gordon (Jeffrey Wright)—amongst the city’s corrupt network of officials and high-profile figures, the lone vigilante has established himself as the sole embodiment of vengeance amongst his fellow citizens.

 

 

When a killer targets Gotham’s elite with a series of sadistic machinations, a trail of cryptic clues sends the World’s Greatest Detective on an investigation into the underworld, where he encounters such characters as Selina Kyle/aka Catwoman (Zoë Kravitz), Oswald Cobblepot/aka the Penguin (Colin Farrell), Carmine Falcone (John Turturro), and Edward Nashton/aka the Riddler (Paul Dano).  As the evidence begins to lead closer to home and the scale of the perpetrator’s plans becomes clear, Batman must forge new relationships, unmask the culprit, and bring justice to the abuse of power and corruption that has long plagued Gotham City.

 

 

Starring alongside Robert Pattinson (“Tenet,” “The Lighthouse”) as Gotham’s famous and infamous cast of characters are Zoë Kravitz (“Big Little Lies,” “Fantastic Beasts: The Crimes of Grindelwald”); Paul Dano (“Love & Mercy,” “12 Years a Slave”); Jeffrey Wright (“No Time to Die,” “Westworld”); John Turturro (the “Transformers” films, “The Plot Against America”); Peter Sarsgaard (“The Magnificent Seven,” “Interrogation”) as Gotham D.A. Gil Colson; Jayme Lawson (“Farewell Amor”) as mayoral candidate Bella Reál; with Andy Serkis (the “Planet of the Apes” films, “Black Panther”); and Colin Farrell (“The Gentlemen,” “Fantastic Beasts and Where to Find Them”).

 

 

Reeves (“The Planet of the Apes” franchise) directed from a screenplay by Reeves & Peter Craig, based on characters from DC.  Batman was created by Bob Kane with Bill Finger.  Dylan Clark (the “Planet of the Apes” films) and Reeves produced the film, with Michael E. Uslan, Walter Hamada, Chantal Nong Vo and Simon Emanuel serving as executive producers.

 

 

Warner Bros. Pictures Presents a 6th & Idaho/Dylan Clark Productions Production, a Matt Reeves Film, “The Batman.”  The film is set to open in Philippine theaters in March 2022; it will be distributed worldwide by Warner Bros. Pictures.

 

 

Join the conversation online and use the hashtag #TheBatman

Mga tren sa Metro Manila mananatili sa 70% passenger capacity – DOTr

Posted on: January 3rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Mananatili sa 70 percent ang pinapahintulutang passenger capacity sa lahat ng mga tren sa Metro Manila kahit pa simula bukas, Enero 3, ay ilalagay na ulit ang National Capital Region sa ilalim ng Alert Level 3.

 

 

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), patuloy pa rin naman ang pagpapatupad sa mga health protocols sa tuwing sasakayan sa mga tren at gagamit sa iba pang rail facilities tulad ng mga estasyon at depots, at magsasagawa rin ng random antigen tests sa mga pasahero.

 

 

“As recommended by our railways sector, all rail lines will maintain the present 70% passenger capacity under the Alert Level 3 status, provided that strict health measures to prevent the spread of COVID-19 will be enforced,” ayon kay Transportation Sec. Arthur Tugade.

 

 

“This is to avoid the ‘bottlenecking’ or crowding of passengers at stations, which may increase the risk of virus transmission,” dagdag pa niya.

 

 

Nabatid na simula bukas hanggang sa Enero 15, 2022 ay ilalagay ulit ang Metro Manila sa Alert Level 3 kasunod na rin nang pagtaas ng mga naitalang bagong COVID-19 infections sa bansa.

 

 

Sinabi ni Tugade na anumang pagbabago sa passenger capacity ay magiging subject sa guidance ng IATF. (Gene Adsuara)