• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January 27th, 2022

WHO director Tedros muling nahalal sa puwesto

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nahalal sa bilang director ng World Health Organization (WHO) si Tedros Adhanom Ghebreyesus.

 

 

Ito na ang pangalawang termino niya matapos ang procedural vote na siyang magiging solong nominado sa gaganaping leadership election sa Mayo.

 

 

Siya ang itinuturing na unang African leader na namuno sa WHO.

 

 

Sinabi nito na labis siyang nagpapasalamat sa mga sumuporta sa kaniyang programa.

 

 

Halos lahat ng 34 miyembro na kumakatawan sa iba’t-ibang bansa ang nagbigay ng suporta sa kaniyan na mamuno muli sa WHO.

 

 

Ilan sa mga hindi nakadalo sa botohan ang Tonga, Afghanistan at East Timor.

 

 

Dahil dito ay inaasahan na uupo uli siya para maging director-general ng WHO sa halalan na gaganapin sa Mayo kung saan boboto ang 194 WHO member states.

 

 

Ang 56-anyos na WHO head ay dating Ethiopian minister of health at foreign affairs.

 

 

Umani ito ng papuri sa paghawak niya ng COVID-19 pandemic.

Paggalang sa karapatang pantao kasunod ng paghihigpit sa ‘di pa mga bakunado, maaasahan – PNP

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ng Philippine National Police (PNP) na walang matatapakan na karapatang pantao sa gagawing paghihigpit sa pagkilos ng mga hindi pa bakunadong indibidwal kontra COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) sa Metro Manila.

 

 

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, ipatutupad nila ang “maximum tolerance” sa pagpapatupad ng bagong patakaran at pantay nila itong ipapatupad sa lahat.

 

 

Pahayag ito ni Carlos matapos na mapagkasunduan ng Metro Manila Council na panatilihin muna sa bahay ang mga hindi bakunado at huwag papasukin sa mga matataong establisyemento maliban na lang kung “essential” ang kanilang paglabas.

 

 

Giit ng PNP chief, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga local government unit at iba pang ahensya ng pamahalaan sa pagpapatupad ng health protocol.

 

 

Patuloy din ang kanilang pagbabantay sa lahat ng government designated at accredited quarantine facilities.

 

 

“Starting today, NCR is under Alert Level 3. PNP Chief General Dionardo Carlos assures na kahit may mga LGU which shall prohibit unvaccinated individuals from entering or staying inside eatablishment, then they have the authority to set their local guidelines basing from the National direction of the IATF. Sisiguruhin po ng PNP walang karapatang pantao ang matatapakan. We will exercise maximum tolerance on the implementation of the policies, at the same time making sure that no one is above the law,” pahayag naman ni PNP spokesperson Col. Roderick Augustus Alba.

Greek tennis player Stefanos Tsitsipas pasok na sa quarterfinals ng Australian Open

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PASOK  na sa quarterfinals ng Australian Open si Greece 4th seeded Stefanos Tsitsipas.

 

 

Ito ay matapos na talunin si Taylor Fritz ng US sa loob ng limang set.

 

 

Nagtala ang Greek player na 4-6, 6-4, 4-6, 6-3, 6-4 sa laro na tumagal ng tatlong oras at 23 minuto sa Rod Laver Arena.

 

 

Makakaharap nito sa quarterfinals ang 11th seeded Italian player na si Jannik Sinner.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 15) Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

“Bernard, saan ka kamo pupunta?” muling tanong ni Lola Corazon habang nag-iimpake ang lalaki.

 

“Kakasabi ko lang po lola, may importanteng bagay akong aasikasuhin sa isang isla.”

 

“May kinalaman sa trabaho?”

 

“Opo.”

 

“Sige, kung gano’n, mag-iingat kang mabuti. Hindi ko na kakayanin pa kung ikaw naman ang mawawala.”

 

“Mag-iingat ako lola.” Pagkasabi niyon ay isinara na ni Bernard ang bagahe niya at lumabas na ng silid kasunod ang matanda.

 

Nasa salas si Cecilia nang bumaba sa hagdan ang maglola. Sa pagmamadali ni Bernard ay nabunggo pa niya ang balikat ng dalaga.

 

“Sorry.” Yun lang at diretso na itong lumabas ng bahay.

 

Nagtataka naman si Cecilia.

 

“L-Lola Corazon, saan ho ba pupunta si Sir Bernard, bakit madaling madali yata siya?”

 

“Ang totoo hindi ko rin alam. Basta ang sabi niya importante ang aasikasuhin niya. Sa pagkakakilala ko sa aking apo, wala ng mas higit pang mahalaga para sa kanya kundi si Angela. Kaya may kutob akong may kinalaman ang lakad niyang ito sa kanyang asawa. Harinawa’y para sa ikabubuti.”

 

Hindi nakaimik si Cecilia. Kung si Angela ang pinakamahalaga kay Bernard, tiyak na mahihirapan siyang palitan ito sa puso niya.

 

Habang patungo sa isla ay nanginginig ang kalamnan ni Bernard. Magkahalong pananabik at galit ang lumulukob sa kanyang emosyon. Pananabik kay Angela at galit naman para kay Roden.

Tila sinusubok naman ang haba pa ng pasensya ni Bernard nang magkaaberya ang bus na sinasakyan. Gayundin ang ferry na patungo sa isla. Maging ang bangkang maghahatid sa kanya sa mismong lokasyon nina Roden sa isla ay may aberya din.

 

“Pasensya na po kayo, hintayin na lang natin na makabalik ang bangka. Kinulang kasi tayo sa bangkero, nasiraan pa tayo ng bangka.” anang namamahala.

 

Napahugot na lang ng malalim na paghinga si Bernard. Pero tamang tama lang padilim na. Gusto niyang masorpresa si Roden sa kanyang pagdating. Tinapunan niya ng tingin ang isang bangkero na ginagawa ang kanyang bangka. Nilapitan niya ito.

 

“Bro, tulungan na kita?”

 

“Ha?”

 

“Tutulungan na kita. Babayaran kita ng malaki kung maihahatid mo ako sa pinakamabilis na paraan patungo sa Isla Asul.”

 

“Ha? E sige boss, may alam akong shortcut. Pero simplehan lang natin, tulungan mo akong mabitbit ang bangka ko sa banda ro’n, doon natin gawin para walang makapansin at doon na rin tayo dumaan.”

 

“Ayos, salamat!”

 

Samantala.

Habang kumakain sila ng hapunan.

 

“Manang Fe, kumain na ho ba si Angela?”

 

“Konti. Pinagtyagaan ko siyang subuan.”

 

“Bukas matutuloy na ho ang alis ko. May aasikasuhin lang ako sa trabaho. Kayo na muna ang bahala sa kanya. Babalik din naman ako agad.”

 

“Roden, kailangan natin siyang mapatingnan…”

 

“Babalik din siya sa dati Manang Fe. Konting pagtitiyaga lang. Mag-iiwan ho ako ng perang panggastos nyo.”

 

“Ikaw ang bahala. Nag-aalala lang kasi ako sa kanya.”

 

Pagkatapos kumain ay pumasok si Roden sa silid ni Angela at inilock ang pinto. Nahihimbing na ang babae. Naupo siya sa gilid ng higaan nito.

 

“Angela…hindi ako aalis na hindi kita naaangkin…kailangang may mangyari sa atin ngayong gabi…”

 

Hinaplos ni Roden ang balikat ng babae. Pagkatapos ay masuyong hinagkan.

 

“Gagawin ko ang lahat para maangkin ko ang puso mo…mapapalitan ko rin si Bernard sa puso mo at mamahalin mo ako ng higit sa pagmamahal na ibinigay mo sa kanya…”

 

“Uuhhng…” nagigising gising si Angela dahil sa paghaplos at paghalik ni Roden sa balikat niya.

 

Ipinagpatuloy naman ni Roden ang ginagawa. Ang mga labi niya ay idinampi na rin niya sa leeg ng babae. Hahagkan na sana niya sa labi si Angela kasabay ng paghawak niya sa dibdib nito nang bigla itong magising.

 

“HUH?”

 

“Angela!”

 

Sa pagmulat ng mga mata ni Angela ay si Bela agad ang nasa isip.

 

“BELA!” sabay balikwas nito ng bangon.

 

Tinakpan ni Roden ang bibig ni Angela at pilit itong inihihiga muli. Subalit nagpupumiglas ang babae.

 

“BELAAA! BELAAA!” patuloy nitong sigaw kahit tinatakpan ni Roden ang bibig niya.

 

“Stop it Angela! STOP IT!”

 

Sa kabilang dingding ay napapaantanda na lang si Manang Fe.

 

“Diyos ko, sana matapos na ang problemang ito…” usal nito sa sarili.

 

Dahil sa paghihisterical ni Angela ay nakawala ito mula sa mga bisig ni Roden. Nang makahulagpos ay nagmamadali itong lumabas ng silid at patakbong lumabas ng bahay.

 

“ANGELA, ANGELA!” habol ni Roden.

 

Natulala naman si Manang Fe na dinaanan nila pareho.

 

Sige sa pagtakbo si Angela habang patuloy na isinisigaw ang pangalan ng anak.

 

“BELA, ANAK KOOO!”

 

“Pikon na pikon na’ko sa’yo Angela!” ani Roden habang patuloy na humahabol sa mabilis na pagtakbo ng babae patungo sa dalampasigan.

 

Hindi naman maintindihan ni Bernard ang nararamdaman. Iniisip pa lang niya ang magiging senaryo ng pagkikita nila ni Roden ay parang sasabog na ang dibdib niya sa sobrang galit.

 

“Hayup ka Roden, magbabayad ka sa ginawa mong pagtatago sa asawa ko!” aniya sa isip habang sakay ng bangka at nakatanaw sa malayo.

 

Nang maabutan ni Roden si Angela ay mahigpit niya itong hinawakan sa braso.

 

“Sumosobra ka na babae ka, puro pagpapasensya na lang ako sa’yo!”

 

“Si Bela, parang awa mo na, iligtas mo si Bela!” umiiyak na pagmamakaawa ni Angela.

 

“Wala na si Bela, patay na siya, wala ka ng anak, ikaw at ako na lang!”

 

Napakunot ang noo ni Bernard nang mula sa malayo ay matanaw ang imahe nina Angela at Roden.

 

“Angela…manong, pakibilisan mo pa!”

 

Hindi alintana ni Roden ang paparating na bangka dahil ang buong atensyon niya ay na kay Angela. Mariin ang paghawak niya sa braso nito habang hinihila pabalik sa bahay.

 

“ANGELAAAAA!” Ubod lakas na sigaw ni Bernard nang makalapit na ang bangka.

 

Natigilan sa pag-iyak si Angela nang marinig ang tinig na iyon. Unti-unti siyang lumingon sa pinanggalingan ng boses.

 

“Bernard…” halos pabulong na lumabas sa mga labi niya.

 

(ITUTULOY)

P13 milyon halaga ng shabu nasabat sa Caloocan, bebot timbog

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT P13 milyon halaga ng shabu ang nasamsam ng mga awtoridad sa 25-anyos na babae na tulak umano ng illegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy bust operation sa Caloocan City, Martes ng hapon.

 

 

Kinilala ni Philippine National Police Drug Enforcement Group (PNP-DEG) Director PBGEN Remus Medina ang naarestong suspek na si Janesa Cabardo Canoy alyas “Jane”, at residente ng 295 Sandico St., Tondo, Manila.

 

 

Sa ulat, dakong alas-4:30 ng hapon nang magsagawa ang mga operatiba ng Special Operation Unit 3(SOU-3), PNP DEG sa pangunguna ni PBGEN Medina, kasama ang PDEA-NCR at Caloocan City Police Sub-Station 12 sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Samuel Mina Jr, ng buy bust operation sa Langit Road Corner Crusher Street, Phase 9, Package 7C, Bagong Silang, Caloocan City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

 

 

Nakumpiska sa suspek ang tinatayang nasa 2 kilograms ng hinihinalang shabu na may Standard Drug Price (SDP) P13,600,000.00, brown Louis Vuitton sling bag, light brown pouch na naglalaman ng identification card, cellphone at buy bust money na 15 bundles ng boodle money na may dalawang pirasong tunay na P1,000 bills.

 

 

Nahaharap ang naarestong suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)

Sotto nagningning para sa 36ers

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAS maganda ang inilaro ni Kai Sotto sa kanyang third game sa Adelaide 36ers.

 

 

Subalit hindi pa rin ito sapat para tulungan ang kanyang tropa matapos lasapin ng Adelaide ang 89-100 kabiguan sa kamay ng Illawarra sa 2021-22 Australia National Basketball League na ginanap sa WIN Entertainment Centre.

 

 

Nakalikom ang 7-foot-3 Pinoy cager ng 12 puntos tampok ang perpektong 8-of-8 sa freethrow line habang nagdagdag pa ito ng limang rebounds sa kanyang 13 minutong paglalaro.

 

 

Nanguna para sa 36ers si Sunday Dech na naglista ng 20 markers kabilang ang anim na three-pointers habang naglista naman si Todd Withers ng 15 points.

 

 

Nag-ambag pa si D­aniel Johnson ng 10 points at walong rebounds at si Cameron Bairstow ng walong puntos at 10 boards para sa Adelaide.

 

 

Nahulog ang Adelaide sa 3-5 marka.

 

 

Umangat naman ang Illawarra sa 5-3 baraha kung saan nagningning si Harry Froling na may 27 puntos kabilang ang walong triples.

 

 

Nagsumite pa si Tyler Harvey ng 19 markers habang naglista naman si Sam Froling ng 18 points para sa kanilang tropa.

 

 

Sunod na makakasagupa ng Adelaide ang Tasmania sa Biyernes.

National Children’s Vaccination Day laban sa COVID-19, itinulak

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng mga health experts ang Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force (IATF) against coronavirus disease (COVID-19) na magsagawa ng COVID-19 vaccination day para lamang sa mga bata sa gitna ng kamakailan lamang na pagsirit ng infections sa bansa.

 

 

Sa isang webinar na may pamagat na “Omicron Truths and Myths, Pediatric COVID-19 vaccine news and the Journey to the New Normal” na idinaos, kahapon, Enero 25, pinatunayan ng mga health experts ang pagiging epektibo ng COVID-19 vaccines.

 

 

Sa kahalintulad na webinar, sinabi ni Philippine Medical Association (PMA) president Dr. Benny Atienza na hiniling din ng kanilang medical society sa national government na magsagawa ng “vaccination day for children” para tumaas at maging mabilis ang inoculation drive sa gitna ng pagtaas ng infections.

 

 

“The PMA is suggesting to the DOH and IATF that there should be a National Children’s Vaccination Day to encourage the parents, the community, or their children to be vaccinated,” ayon kay Atienza.

 

 

“The proposed vaccination day for children is important, especially among the age group of five to 11-year-olds, as well as the 12 to 18-year-olds, considering that only a small percentage of these age groups have been vaccinated against COVID-19,” dagdag na pahayag ni Atienza.

 

 

Samantala, muli namang inulit ni Philippine Foundation for Vaccination (PFV) executive director Dr. Lulu Bravo na ang tanging daan lamang para tapusin ng bansa ang pandemiya ay sa pamamagitan ng “all-out vaccination.”

 

 

“Vaccination is the way for it. It is the way that we can end this pandemic… [it is] the immunity that we all deserve to get, not just from a previous infection, but from vaccination,” ani Bravo.

 

 

Inalala pa ni Bravo na ang worldwide pandemic ay nangyari noong 1918.

 

 

“Did you know that in the 1918 pandemic, at least 10 percent of the world’s population died from flu? We don’t want that to happen [again]. That’s the reason why vaccines are here to protect us,” anito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Pfizer-BioNTech sinimulan na ang trial ng kanilang bakuna laban sa Omicron coronavirus variant

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIMULAN na ng Pfizer-BioNTech ang clinical trial ng kanilang bagong COVID-19 vaccine na target ang Omicron variant.

 

 

Plano ng kumpanya na subukan ito bilang booster shots sa mga bakunado na.

 

 

Habang tatlong beses naman na ituturok sa mga hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19.

 

 

Inaasahan na mahigit 1,400 na adults ang makikibahagi sa trial na karamihan ay sa US.

 

 

Nauna rito naghayad din ang US company na Moderna na plano nilang simulan ang trial ang kanilang Omicron vaccines sa mga susunod na buwan.

SENIOR CITIZENS ID para sa PUBLIC TRANSPORTATION

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMIIRAL pa rin ang 20 per cent discount sa public transport kahit na may 70 per cent maximum limit sa passenger capacity. May ilang senior citizen na pasahero na taga QC ang nagtatanong kung kikilalanin ng mga driver at konduktor ang bagong labas na QC card.  Bakit hindi? Nakalagay naman doon ang petsa ng kapanganakan para madaling ma-verify and edad ng pasahero.

 

 

Kung walang OSCA ID ay pwede ang government issued ID tulad ng drivers’ license o voters ID.  At dito nagkakalituhan dahil tinatanong kung ang QC Card ay official ID na maaring magamit hindi lang sa transport pero sa mga establisyamento para mabigyan ng discount.

 

 

Nagiging problema rin daw kung ito ang ipinakikita sa labas ng Quezon City. Sabi nga ng ilang senior citizens mas mainam ang OSCA ID dahil ito ang nasa batas at ino-honor kahit saan na no-questions ask!

 

 

Ito ang nais na gawin simple na lang ng RA 11055 o Philippines Identification Systems Act dahil sa hindi na kakailanganin ang ano mang ID dahil ang petsa ng kapanganakan ay nandoon na. Ang ibang LGU na nagbibigay ng additional benefits sa kanilang senior citizens ay nagre-require na ‘yun LGU issued ID ang gamitin para sa additional benefits.

 

 

Sa kabila ng lahat nang ito ang naiipit ay ang pobreng senior citizen.

 

 

Sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang mungkahi namin ay basta mapatunaya ng gamit na anumang identification card na Senior citizen ang bearer ay sapat na ito para ibigay ang diskwento na saad ng batas.

 

 

Naalala ko noong nasa LTFRB ako may nagsumbong na isang pasahero laban sa isang bus company na hindi siya binigyan ng discount dahil hindi niya dala ang ID niya – pero sa itsura ng nasabing pasahero ay sigurado naman na senior citizen na ito.

 

 

Ang sabi ko noon – ang ID ay isang dokumento na nagpapatunay na senior na ang pasahero, pero kung sa itsura pa lamang ay walang kaduda-duda na senior na siya dapat ibigay ang diskwento sa kanya.

 

 

Dapat ay hingin lamang ang ID kung nay sapat na duda ka sa edad niya. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Paniwala na may kanya-kanyang timeline: BEA, ‘di nagmamadali o nakikipag-unahan na mag-asawa at magka-anak

Posted on: January 27th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA ‘Ask Away’ ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa kanyang Instagram Story, may isang netizen na nagtanong ng, “You’re not getting any younger po, when will you get married and have kids like Marian, Anne, Jennylyn, etc.?”

 

 

At maayos at pabiro naman niya itong sinagot na, “May taxi?!”

 

 

Dagdag pa ni Bea, “Hindi ako nagmamadali. I’d like to take my time. It’s not a race after all. I believe we all have our own timeline.”

 

 

Last August 2021, inamin nga ni Bea na boyfriend niya si Dominic Roque, na kung saan kitang-kita naman ang kanyang kaligayahan, na natagpuan niya ang bagong mamahalin at magmamahal sa kanya.

 

 

Super react naman ang netizens na ang iba ay na-off sa tanong na tungkol nga sa pag-aasawa at pagkakaroon ng anak.

 

 

Comments nila:

 

 

“Mga tao nga naman pala desisyon sa buhay.”

 

 

“Patience is where we realize that to rush something is to compromise it to its own destruction. Maturity is to realize that the most effective way to stop the destruction is by beginning to develop patience. And the first place that we need to do that is with ourselves. – Craig D. Lounsbrough

 

“So, never let anyone rush you. Dont let anyone control your decisions in life.”

 

 

“Patience is a virtue…”

 

 

“Ang payo ko sa mga babae na mid 30s wag magmadali. Nakakatakot mapunta sa maling tao.”

 

 

“Sukatan ba ng fulfillment at success ang pagkakaroon ng asawa at mga anak?

 

kelan kaya mgbabago ang way of thinking ng mga pinoy.”

 

 

“Paulit ulit na tanong from nosey relatives, friends, colleagues, mga tao sa paligid lol.”

 

 

“Yung nagtanong napaka-immature. Tipong di maganda ka-bonding kasi laging may pagka-intrusive at di marunong lumugar.”

 

 

“Maarte ka kasi o kaya di pa sure kay Dom.:

 

 

“Regardless kung maarte sya or hndi p sure sa current bf nya, WALA K NANG PAKE DOON. Buhay nya yan, so mind your own business.”

 

 

“I love bea alonzo!!! Never pa ko nakabasa ng article na sumagot si Bea ng rude or may sinagot siyang basher.”

 

 

“’You’re not getting any younger po’. Kaloka! Kunyaring respectful eh disrespectful naman ang sinabi.”

 

 

“Hindi mandatory na magpakasal and magka-anak. If a person finds fulfillment sa pagiging single and walang anak, that’s their decision to make. Pwede ba ung ninakaw na pera ng bayan ang asikasuhin mo instead.”

 

 

“Pano magpapakasal meron na ba nag-aya sa kanya? Hahaha.”

 

 

“Hindi siya kereng na tulad ng idol mo. Besides, bago pa lang sila ni Dom, eh di mauna ka na kaya.”

 

 

“Mga pakialamera akala mo sila ang gagastos sa pagpapalaki ng anak.”

 

 

“Gusto ko ung sagot nya! pak na pak, original at hindi generic answer. Ung tipong hindi mo mababasa sa mga quotes.”

 

 

Sagot naman ni Bea sa nagtanong sa gagawing teleserye sa GMA-7, excited na rin siya at ia-announce ito ng kanyang management very very soon.

 

 

Tuloy na rin ang lock-in shooting nila ni Alden Richards sa February, sa nagtanong naman sa upcoming movie niya this year.

(ROHN ROMULO)