• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for January, 2022

NCR at 7 lalawigan, inilagay sa ilalim ng Alert Level 2 simula Pebrero 1

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILAGAY ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang National Capital Region at 7 iba pang lalawigan sa ilalim ng Alert Level 2, simula Pebrero 1.

 

 

Ang iba pang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2 ay Batanes, Bulacan, Cavite, Rizal sa Luzon; Biliran at Southern Leyte sa Visayas; at Basilan sa Mindanao.

 

 

Samantala, inilagay naman sa Alert Level 3 ang mga sumusunod na lungsod at lalawigan:

  • Cordillera Administrative Region: Abra, Apayao, Baguio City, Benguet, Kalinga at Mountain Province;
  • Region I: Dagupan City, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at Pangasinan;
  • Region II: City of Santiago, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino;
  • Region III: Angeles City, Aurora, Bataan, Nueva Ecija, Olongapo City, Pampanga, Tarlac at Zambales;
  • Region IV-A: Batangas, Laguna, Lucena City and Quezon Province;
  • Region IV-B: Marinduque, Romblon, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Puerto Princesa City;
  • Region V: Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, Naga City at Sorsogon.
  • Region VI: Aklan, Antique, Bacolod City, Capiz, Iloilo City, Iloilo, Negros Occidental at Guimaras;
  • Region VII: Cebu City, Lapu-Lapu City, Mandaue City, Bohol, Cebu, Negros Oriental at Siquijor; at
  • Region VIII: Ormoc City, Tacloban City, Eastern Samar, Leyte, Northern Samar at Western Samar.
  • Region IX: City of Isabela, Zamboanga City, Zamboanga Del Sur, Zamboanga del Norte at Zamboanga Sibugay;
  • Region X: Bukidnon, Cagayan de Oro City, Iligan City, Lanao del Norte, Misamis Occidental at Misamis Oriental;
  • Region XI: Davao City, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Davao Oriental at Davao de Oro;
  • Region XII: General Santos City, North Cotabato, Sarangani, South Cotabato at Sultan Kudarat;
  • Region XIII: Surigao del Norte, Surigao Del Sur, Agusan Del Norte, Agusan del Sur at Butuan City; at
  • Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao: Maguindanao, Cotabato City at Lanao Del Sur.

 

 

Ang mga nasabing Alert Levels ay epektibo mula araw ng Martes, Pebrero 1 hanggang Pebrero 15, 2022.

 

 

Samantala, ia-anunsyo ngayon ng Malakanyang kung ano ang Alert Level para sa lalawigan ng Ifugao para sa panahon na mula Pebrero 1 hanggang 15, 2022.

 

 

Sinabi ni Nograles na ngayon pa kasi aaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF), Enero 31, 2022 ang usaping ito. (Daris Jose)

DAYUHANG TURISTA, BUBUKSAN NA SIMULA FEBRUARY 1

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INANUNSIYO ng Bureau of Immigration (BI) na simula sa February 10, magbubukas na ang boarder ng  bansa para sa pagpasok ng mga dayuhang  turista.

 

 

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na ito ay kasunod sa resolusyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na insiyu noong Huwebes na lahat ng “fully vaccinated nationals of non-visa required countries under Executive Order No. 408 s. 1960 as amended” ay papayagan ng pumasok sa bansa.

 

 

May kabuuang  na 157 countries ay kinokonsiderang visa free, kabilang dito ang United States of America, South Korea, Japan, Australia, Canada, UK, Malaysia, at  Singapore.

 

 

Ang mga paparating na turista ay kinakailangang magpakita ng valid passport  at proof of vaccination kontra Covid-19.

 

 

Ang tinatanggap na proof of vaccination  ay ang World Health Organization International Certificates of Vaccination and Prophylaxis at  VaxCertPH.

 

 

Bukod dito, ayon sa resolusyon, simula February 1, lahat ng padating na pasahero ay kinakailangang magsumite ng isang negative na RT-PCR test valid ng hanggang 48 hours bago ang kanyang pag-alis sa pinanggalingang bansa.

 

 

Pero sa mga fully vaccinated, hindi na nila kinakailangang sumailalim sa facility-based quarantine, pero kinakailangang ma-monitor sila ng pitong araw. Habang ang mga unvaccinated, partially vaccinated, o ang kanilang vaccination status ay hindi madetermina ay kinakailangang sumailalim sa required quarantine protocols na ayon sa Bureau of Quarantine ng local government units. Exempted dito ang mga minors.

 

 

“The opening of our borders to foreign tourists is a welcome development,” ayon kay Morente.  “We see this as a giant leap towards the rebound of the tourism and international travel sector,” dagdag pa nito. GENE ADSUARA

NICA ZOSA, kinoronahan bilang ‘Miss Summit International 2022’

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING nag-uwi ng bagong international beauty title ang Pilipinas.

 

 

Nagwagi bilang Miss Summit International 2022 si Nica Zosa noong January 26 sa Las Vegas, Nevada. Tinalo ng ating Philippine representative ang 20 other candidates.

 

Sa Facebook page ng naturang pageant, ang runners-up ni Zosa ay si Miss USA Kendall Strong (2nd runner-up) at Miss Canada Margaret Rodrigo (1st runner-up).

 

Dagdag si Zosa sa mga Pinay na nag-uwi ng korona para sa Pilipinas tulad nina Maureen Montagne (Miss Globe), Cinderella Faye Obenita (Miss Intercontinental), Samela Aubrey Godin (Miss Culture International) and Alexandra Faith Garcia (Miss Aura International).

 

Taga-Cebu rin si Zosa tulad ng mga Cebuana beauties na sina Beatrice Luigi Gomez (Top 5 Miss Universe 2021) at Maureen Tracy Perez (Top 40 Miss World 2021)

 

***

 

AFTER two years ay magbabalik na ang Miss International pageant.

 

Kinansela ng Miss International ang kanilang yearly pageant noong magkaroon ng global pandemic noong 2020 at 2021. Kelan lang ay in-announce ni Stephen Diaz, spokesman for the said pageant, na tuloy na ulit ang pageant sa last quarter ng taong 2022.

 

      “Very limited slots for the #60thMissInternational if it’s held in Japan this December. In the meantime, I am still negotiating with other countries who are bidding to host this year’s edition. It is better to have Plan B and Plan C. Miss International must be held this year, no matter what,” tweet ni Diaz.

 

May 46 confirmed delegates na at kasama rito ang ating magiging Philippine representative na si Hannah Arnold.

 


      The winner of the 60th Miss International pageant will be crowned by outgoing queen Sireethorn Leearamwat of Thailand, who was crowned in 2019 and has the longest reigning holder of the title.

 

Sa bansang Japan ginaganap every year ang Miss International, kung ‘di man matuloy sa Japan, may ibang countries naman daw na puwede mag-host ng pageant kaya nag-open sila for bidding.

 

The Philippines has won the Miss International crown six times: Gemma Cruz (1964), Aurora Pijuan (1970), Mimelanie Marquez (1979), Precious Lara Quiganan (2005), Bea Rose Santiago (2013), and Kylie Verzosa (2016).

 

***

 

ISANG global superstar na ang Spider-Man star na si Tom Holland na may net worth na $18 million.

 

Isang major box-office hit ang Spider-Man: No Way Home with 1.6 billion worldwide gross, kaya naman kaya nang bilhin ng aktor ang anumang gusto niya, lalo na pagdating sa mga luxury cars.

 

Last year, na-purchase ni Holland ang dalawang dream cars niya. Isang Porsche Taycan na nagkakahalaga ng $185,000 or 9.2 million pesos; at isang Rolls-Royce Cullinan na may price tag na $335.000 or 16.7 million pesos!

 

Paboritong i-drive ng 25-year old actor ang Posche Taycan at ito ang minamaneho niya sa London kasama ang leading lady and girlfriend na si Zendaya noong magkaroon ng premiere ang pelikula nila.

 

Post pa ni Holland sa Instagram: “I’ve gone electric!!! Thank you @porsche for a weekend we won’t forget and an incredible car. It’s perfect and I love it. #porschetaycan #didigetwheelspin”

 

Katatapos lang ni Holland ng bagong pelikula titled Uncharted, isang live adaptation ng beloved series of action-adventure games created by Amy Hennig. May premiere na sila sa February 2022.

 

Samantalang si Zendaya, na may net worth na $15 million, bukod sa kanyang HBO series na Euphoria, siya ang napiling global endorser ng cosmetic brand na Lancome.

(RUEL J. MENDOZA)

Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba pa sa 0.50 – OCTA

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUMABA pa sa 0.50 ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

 

 

Ayon sa OCTA Research group, mas bumaba pa ito sa 0.63   reproduction number noong Miyerkules sa rehiyon.

 

 

Ang reproduction number na mababa sa bilang na 1 ay nagsasaad na ang hawaan ng COVID-19 ay bumababa na.

 

 

“The downward trend has slowed in the past four days but new cases still tracking below Jan 20 projections. Public must continue to comply with health protocols” pahayag ni  Dr. Guido david, ng OCTA Research.

 

 

Aniya nitong nagdaang Biyernes ay nakapagtala  na lamang ang NCR ng  2,256 na bagong kaso ng COVID-19, pinakamababa mula December 31, 2021 nang magsimulang umatake ang Omicron virus sa bansa.

 

 

“The downward trend has slowed in the past four days but new cases still tracking below Jan 20 projections. Public must continue to comply with health protocols” pahayag ni  Dr. Guido david, ng OCTA Research

 

 

Aniya nitong nagdaang Biyernes ay nakapagtala  na lamang ang NCR ng  2,256 na bagong kaso ng COVID-19, pinakamababa mula December 31, 2021 nang magsimulang umatake ang Omicron virus sa bansa. (Gene Adsuara)

No. 14 top most wanted person ng Malabon, kalaboso

Posted on: January 31st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINILBIHAN ng mga awtoridad ng warrant of arrest ang isang 18-anyos na tinaguriang No. 14 top most wanted person ng Malabon City habang nakapiit sa Malabon Police Station Custodial Facility makaraang masangkot sa panggugulo at makuhanan ng patalim.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong akusado na si Aaron Jerry Orlino, 18 at residente ng E-3 Brgy., Longos.

 

 

Ayon kay Col. Barot, unang naaresto ng mga tauhan ng Malabon Police Sub-Station 5 sa pamumuno ni PLT Mark Cyrus Santos si Orlino dahil sa paglabag sa Alarm and Scandal at BP 6 in relation to Omnibus Election Code of the Philippines noong January 24, 2022 dakong alas-12:05 ng hating gabi sa Maya Maya  St., Brgy. Longos.

 

 

Dito, napag-alaman ng pulisya na may warrant of arrest si Orlino na dalawang Attempted Murder at isang Frustrated Murder kaya’t nasa No. 14 TMWP siya ng lungsod.

 

 

Dakong alas-8:15 ng gabi nang isilbi ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section sa ilalim ng pangangasiwa ni PEMS Gilbert Bansil at SS-5 sa pangunguna ni PLT Santos, kasama ang 4th MFC, RMFB-NCRPO ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Presiding Judge Rosario Gomez Inez-Pinzon ng RTC Branch 290, Malabon City noong December 15, 2021 para sa kasong Attempted Murder at Frustrated Murder kontra sa akusado sa Malabon Police Custodial Facility na may i-nirekomendang piyansa na Php. 200,000 at Php 72,000 respectively.

 

 

At warrant of arrest na inisyu naman ni Hon. Presiding Judge Abigail Santos Domingo-Laylo, Family Court Branch 4, Malabon City noong July 12, 2021 para sa kasong Attempted Murder na may inirekomendang piyansa na Php.120,000. (Richard Mesa)

DOTr: 47.1 M na pasahero ang sumakay sa EDSA busway

Posted on: January 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ang Department of Transportation (DOTr) ng 47.1 million na pasahero ang sumakay sa EDSA busway noong nakaraang 2021 na may daily average na 129,000 na katao ang gumamit ng EDSA busway.

 

 

“We are happy that many benefited and are continuously benefiting from EDSA busway, especially during this time of pandemic,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Ang EDSA Busway na kilala rin na EDSA Carousel ay isang dedicated median bus lane service na isang collaborative na proyekto ng DOTr, Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH).

 

 

Sa ilalim ng Service Contracting Program, ang mga public utility vehicles (PUVs) tulad ng EDSA busway ay binabayaran ng pamahalaan based sa per-kilometer na tinatakbo nito kung kaya’t nagbibigay ito ng “Libreng Sakay” para sa mga medical frontliners at essential workers ngayon panahon ng pandemya

 

 

Noong nakaraang December, ang DOTr ay nakapagtala ng may pinakamataas na dami ng pasahero na gumamit at sumakay dito na may 7.6 million na katao.

 

 

“Based on data of LTFRB, the Edsa Busway also known as EDSA Carousel, consistently recorded more than 2 million commuters for the first three months of 2021: 2 million in January; 2.3 million in February; and 2.4 million in March, while 1.6 million was recorded in April as Metro Manila was placed under modified enhanced community quarantine (MECQ). EDSA Busway’s ridership increased once again in May with 2.6 million commuters,” saad ni Tugade.

 

 

Ayon sa DOTr, ang EDSA busway ay konsepto na naaayon sa kagustuhan ng pamahalaan na hindi kumalat ang COVID-19 sapagkat ang paglalakbay sakay dito ay mabilis lamang kung kaya’t nababawasan ang travel time ng isang pasahero at dahil dito mababawasan rin ang panganib na ma expose sa virus.

 

 

Dagdag pa ni DOTr assistant secretary Mark Steven Pastor na mula sa dating 2 hanggang 3 oras na travel time noong wala pang pandemya mula sa Mall of Asia sa Pasay patungong Monumento sa Caloocan, sa ngayon ang travel time ay nabawasan na at naging 1 oras na lamang dahil sa EDSA busway.

 

 

Samantala, natapos na ang mobile vax drive na tinawag na “We vax As One” na ginawa ng DOTr at MMDA sa Paranaque Integrated Terminal Exchange noong nakaraang Jan. 24-28.

 

 

Naglaan ng 500 na doses ng Astra Zeneca vaccine kada araw para sa mga pasahero na sumasakay sa PITX kung saan ito ay bukas para sa mga walk-ins at ang registration ay ginawa on-site na rin.

 

 

Sinabi rin ni acting presidential spokesman Karlo Nograles na ang DOTr ay may plano rin na magkaron ng COVID-19 vaccinations sa iba’t ibang estasyon ng rail systems, ports at tollways sa Metro Mlanila.

 

 

“The government will continue to explore different methods to make vaccines more accessible to our people,” saad ni Nograles.  LASACMAR

May nagawa na ‘major major mistakes’: Pag-amin ni VENUS na may nakarelasyon na mas matanda, ikinagulat ng marami

Posted on: January 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAGAL na naging tahimik sa media si Miss Universe 2010 3rd runner-up Venus Raj sa anumang involvement sa showbiz at nag-concentrate ito sa kanyang pagiging community worker at pagiging speaker sa kanyang religious group.

 

 

Kaya laking-gulat ng marami nang biglang nakuwento sa ito sa pakikipagrelasyon niya noong 16 years old siya sa isang lalakeng malaki ang agwat sa edad niya.

 

 

Inamin ni Venus na hindi siya naging totoo sa pagsagot niya noon at meron nga siyang nagawang “major major mistakes” sa pakikipagrelasyon sa murang edad.

 

 

“I was 16, the guy was like 28. Wala pa akong kaalam-alam sa buhay noon, para akong sunod lang kung anong sabihin, masabi lang na you are in a relationship.

 

 

“I don’t know kung anong ibig sabihin ng toxic relationship. Hindi ko alam kung paano ba iyong dynamics dapat, no idea at all. I was introduced to things that I shouldn’t be introduced to.

 

 

“First sexual experience and I thought, siguro ganito talaga. Ito siguro yung love kasi usually, ganoon naman, e. Dapat binibigay mo iyong sarili mo nang buung-buo sa tao.

 

 

“It ended after two years or one year and a half kasi he got another lady pregnant,” kuwento ni Venus.

 

 

May kulang daw kasi sa buhay noon si Venus at iyon ay ang magkaroon ng father figure. Lumaki daw siya na walang tinitingalang lalake sa pamilya nila.

 

 

“At that time, hindi ko alam that there was a void. I know now, I can name that as a void when I was younger pero noong nandoon ako, hindi ko naman alam na it was called like a void, na may kulang. Parang pakiramdam ko lang, gusto kong may kasama sa buhay.

 

 

“I think the thought that relationships would be the ultimate when it comes to having relationships with a man and compromising my purity because that’s something na parang hindi ko na mababalikan iyon.

 

 

“Yung mga moments na ganu’n na feeling mo that’s the best thing that you can give to someone you know that you are in a relationship with. I think now, it would be honoring and respecting the person that I am in a relationship with,” sey ni Venus.

 

 

***

 

 

NAGANAP sa Paris ang reunion ng magkakaibigan na sina Heart Evangelista, Solenn Heussaff at Anne Curtis.

 

 

Nataong nasa Paris ang tatlo at tinuloy na nila ang matagal na nilang inaasam na reunion.

 

 

“It finally happened!” post ni Solenn sa kanyang IG stories.

 

 

Nasa Paris si Heart para sa 2022 Paris Fashion Week. Solo trip lang siya. Sina Solenn at Anne ay nasa Paris naman since December kasama ang kanilang mga mister na sina Nico Bolzico at Erwan Heussaff at mga anak na sina Thylane at Dahlia.

 

 

Humabol din sa kanilang reunion ang isa pang barkada nila na si Isabelle Daza kasama rin ang mister at anak.

 

 

High school friends sina Heart at Solenn sa Colegio de San Agustin. Si Anne naman ay naging close kay Heart nung magsama sila noon sa isang teleserye sa ABS-CBN.

 

 

***

 

 

NASA Pilipinas pala ngayon si Rachelle Ann Go at kasama nitong umuwi ng bansa ang kanyang 10-month old baby boy na si Lukas.

 

 

Post ni Rachelle sa Instagram: “Lukas is celebrating his 10 month in the Philippines! He is getting spoiled by everyone! Saya saya niya.

 

 

First time ding makauwi ng Pilipinas ni Rachelle after two years. Noong magkaroon ng pandemic noong 2020, na-lockdown siya at ang ng kanyang mister na si Martin Spies sa United Kingdom. Doon na nabuntis ang Pinay West End actress at sinilang niya si Lukas noong March 26, 2021.

 

 

Bakasyon ang plano ni Rachelle sa pag-uwi nito sa Pilipinas dahil sobra na raw niyang na-miss ang kanyang pamilya. Dahil mas mahirap daw na sila ang bumiyahe to UK, sila Rachelle na lang daw ang pumunta ng Pilipinas para naman daw makita rin ni Baby Lukas ang ganda ng ating bansa.

(RUEL J. MENDOZA)

Trabahante na kinuha sa DPWH projects, pumalo sa 1.6M

Posted on: January 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PUMALO sa mahigit 1.6 milyong Filipino ang naging trabahante o nagtrabaho para sa agresibong implementasyon ng infrastructure projects lalo na sa pamamagitan ng Build Build Build project.

 

 

Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Roger G. Mercado na mula sa buwan ng Enero hanggang Disyembre ng nakaraang taon, ay nagawa ng DPWH ang “construction, rehabilitation, and improvement” ng 4,097 kilometro ng mga lansangan at maging ang 510 na tulay at 1,593 flood control structures dahilan para mapabuti ang travel time, sinigurado ang kaligtasan ng mga motorista at protektahan ang buhay at ari-arian.

 

 

Minadali rin ng departamento ang pagkumpleto sa 4,244 classrooms, at 82 school workshop buildings, at iba pang school facilities, at maging ng 108 evacuation centers sa buong bansa.

 

 

“With the threat of the pandemic still looming, DPWH still managed to attain numerous achievements in our mission to provide quality infrastructure to the Filipino people,” ayon kay Mercado.

 

 

Simula nang magsimula ang administrasyong Duterte noong Hunyo ng 2016, nakita na sa bansa ang “construction, rehabilitation, and improvement” ng 34,291 kilometro ng lansangan ; 6,656 tulay ; at 13,224 flood control structures.

 

 

Sa paglaban naman ng bansa sa COVID-19, nakapagbigay naman ng malaking ambag ang departamento.

 

 

“By the end of 2021, the DPWH built 736 quarantine facilities with 28,195 beds for the treatment of infected individuals, 29 modular hospitals with 595 beds and 55 off-site dormitories for health workers with 1,444 beds,” ani Mercado.

 

 

Sinabi naman ni DPWH senior Undersecretary Rafael C. Yabut, in-charge of DPWH Regional Operations, na “DPWH looks forward to conquering Fiscal Year 2022 filled with challenges, opportunities and victories.”

 

 

“With the humble desire to be of service and to lend a helping hand even in trying times, DPWH men and women have proven in the aftermath of a disaster like the Typhoon “Odette” on December 2021 and Taal Volcano eruption on January 2020 the willingness to face any risk in the name of fulfilling duties and serving the public,” ayon pa rin kay Yabut.

DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 17) Story by Geraldine Monzon

Posted on: January 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA WAKAS ay nakuha na rin ni Bernard si Angela mula sa kamay ni Roden. Abot hanggang langit ang pasasalamat niya sa pagbabalik ni Angela sa kanyang buhay. Umaasa siyang hindi na ito muling mawawala pa sa kanya.

 

Habang si Cecilia ay umaasa sa pag-ibig na umuusbong sa puso niya para kay Bernard. Matiyaga niyang hinintay ang pagbabalik ni Bernard. Hanggang sa makatulugan na niya ito.

 

Umaga.

Habang nagluluto ng agahan si Lola Corazon ay nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto. Bumungad doon ang mag-asawang Bernard at Angela. Agad na sumilay ang luha sa mga mata ng matanda. Patakbo nitong nilapitan si Angela.

 

“ANGELA!”

 

Nang yakapin ni Lola Corazon ang babae ay unti-unti rin itong yumakap sa kanya. Ikinatuwa iyon ni Bernard. Ibig sabihin ay malaki ang pag-asa na makarecover at makabalik sa dati si Angela.

 

Agad ding kumalas si Angela mula sa yakap ng mga matanda. Ang paningin ay luminga sa paligid ng bahay.

 

“B-Bela…” naglandas sa mga mata ang luha ni Angela patungo sa kanyang pisngi nang makita ang imahe ng anak sa bawat sulok ng kanilang bahay.

 

Napansin naman iyon ni Bernard kaya’t niyakap nito ang asawa.

 

“Sweetheart, it’s okay. Makakasama rin natin si Bela, soon. Babalik din siya sa bahay na’to…” ani Bernard na bumigat ang damdamin sa nakitang reaksyon ni Angela.

 

“Bernard, paano mo nahanap si Angela, s-si Bela?” naguguluhan pang tanong ni Lola Corazon.

 

“Matatagpuan ko rin si Bela. Ikukuwento ko po sa inyo lahat lola. Pero gusto ko muna sanang makakain kami at makapagpahinga.”

 

“Tamang tama, halina kayo at ihahanda ko na ang almusal!”

 

Tinawag ni Lola Corazon si Cecilia na nagdidilig ng mga halaman sa hardin.

 

“Cecilia, pumarine ka at mag-aalmusal. Narito na si Angela, nagbalik na siya!” tuwang ibinalita ng matanda sa dalaga.

 

Parang malakas na tambol naman ang dating niyon sa teynga ni Cecilia. Natigilan siya at nabitawan ang hawak na hose.

 

“S-Si Ma’am Angela?”

 

Nilukuban agad siya ng matinding kalungkutan sa hindi inaasahang pagbabalik ni Angela sa tahanang iyon. Hindi pa man sila nagkakamabutihan ni Bernard ay magwawakas na ba agad ang pag-iilusyon niya?

 

Marahan ang mga hakbang na tinungo ni Cecilia ang mesa kung saan nag-aagahan ang pamilya.

 

“Cecilia, sumalo ka na sa amin.” aya ni Bernard.

 

Tumango ang dalaga bago nagsalita.

 

“W-Welcome back po Ma’am Angela…”

 

Nakatingin lang sa kanya si Angela.

 

“Pasensya ka na kung hindi ka niya masagot. Kailangan ko pa siyang ipagamot. But I’m sure, she will be okay, very soon. Ang mahalaga, buhay siya at narito na ulit sa piling ko.” sabay halik ni Bernard sa noo ng asawa.

 

Parang kinurot naman ang puso ni Cecilia sa tagpong iyon.

 

Matapos kumain ay inaya ni Bernard si Lola Corazon sa hardin at doon niya ikunuwento kung paano niya nabawi si Angela mula kay Roden. Sinabi na rin niya rito ang pagkawala ng baby nila ni Angela. Labis itong ikinalungkot ng matanda.

 

“Gayunpaman, masaya ako na nakabalik si Angela sa atin. Pero hindi pa rin maaalis ang bigat sa dibdib ko hangga’t hindi natin nakikita si Bela.” ani Lola Corazon.

 

“Ganoon din naman ako lola. Pero sa pagkatagpo ko kay Angela, lumaki ang pag-asa ko na matatagpuan din natin ang anak ko.”

 

“Tama. Huwag tayong mawawalan ng pag-asa. Ano naman ang plano mo kay Roden?”

 

“Sa ngayon, hindi na muna ako magdedemanda. Iniisip ko kasi ang ama niya at yung matandang babae na nag-alaga kay Angela sa isla. Kaya pag-iisipan ko munang mabuti. Pero sisiguraduhin ko na ni anino niya ay hindi na ulit makakalapit sa asawa ko.”

 

“Hayaan mo na lang na ang Diyos ang magparusa sa kanya, sa kanyang nagawa. Magfocus ka na lang muna sa asawa mo at sa paghahanap kay Bela.”

 

“Pakikinggan ko po kayo lola. Sana mag-stay pa kayo rito. Gusto ko po kasing ikaw na mismo ang mag-alaga kay Angela habang nasa trabaho ako. Paalagaan ko rin siya sa kaibigan kong psychologist hanggang sa bumalik na siya sa dati.”

 

“Oo naman Bernard. Paminsan minsan ay sisilipin ko lang ang sarili kong bahay. Narito naman si Cecilia. Sa tingin ko’y nagbago na talaga siya.”

 

“Sana nga po. Mainam din na may katuwang kayo.”

 

Urong sulong si Cecilia kung lalapitan ba niya si Angela na nakaupo sa sofa o hindi. Pero sa huli’y nagpasya rin siyang lapitan ito.

 

“Ma’am Angela…kumusta po kayo?”

 

Marahan ang paglipat ng tingin ni Angela mula sa pagtitig sa flowervase patungo sa mukha ni Cecilia.

Nagulat na lang ang dalaga nang bigla siyang hawakan ni Angela sa balikat at…

 

“Si Bela, nakita mo ba siya? Nakita mo ba ang anak ko?”

 

Umiling si Cecilia.

 

“Tulungan mo ako, parang awa mo na, hanapin natin si Bela!” umiiyak na sabi ni Angela.

 

“O-opo, opo ma’am!” natarantang sagot ni Cecilia.

 

Kasunod noon ay ang muling paghihisterical ng babae kaya’t agad silang nilapitan nina Bernard at Lola Corazon.

 

“Sweetheart, calm down, hahanapin natin si Bela at makikita natin siya!”

 

Pilit pinakalma ni Bernard si Angela. Inakay na niya ito patungo sa kanilang silid.

 

Sa pagdaan ng mga araw, nahihirapan man ay patuloy na inuunawa ni Bernard ang kalagayan ng asawa kasabay ng pagpapagamot niya rito, habang hindi naman maunawaan ni Cecilia kung bakit tila lumalalim pa yata ang nararamdaman niya kay Bernard gayong malinaw na malinaw naman kung gaano nito kamahal si Angela.

 

“Cecilia, okay ka lang ba?” tanong ni Madam Lucia sa apo nang umuwi ito para dalawin siya.

 

“Ayos lang po ako lola, ba’t nyo po naitanong?”

 

Ipinakita ni Madam Lucia sa apo ang cellphone nito at kung ano ang nakita niya rito.

 

“Puro stolen shot ni Bernard, aba’y stalker ka ba niya?”

 

Nabigla si Cecilia. Hindi niya akalain na pakikialaman ng lola niya ang cellphone niya.

 

(ITUTULOY)

Comelec commissioner ipinapa-disqualify si Marcos

Posted on: January 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINULGAR  agad ni Commissioner Rowena Guanzon ang kanyang boto para i-disqualify si dating Sen. Bongbong Marcos sa 2022 presidential elections kahit hindi pa binabasa ang pinal na hatol sa anak ng dating diktador — dahilan para hilingin ng isang partidong maparusahan ang nauna.

 

 

Huwebes kasi nang humarap sa GMA News si Guanzon para isapubliko ang kanyang opinyon pagdating sa mga petition laban kay Bongbong bago pa man magkaroon ng opisyal na promulgation, bagay na nakatakda sana noong ika-17 ng Enero.

 

 

“Comelec Commissioner Rowena Guanzon ILLEGALLY DISCLOSED AND LEAKED WITH UNDUE HASTE her vote to disqualify Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.  in the Comelec First Division disqualification cases,” galit na pahayag ni Partido Federal ng Pilipinas general counsel George Briones, Biyernes.

 

 

“BECAUSE OF HER PREMURE DISCLOSURE OR LEAKING of her UNPROMULGATED dissenting opinion, Commissioner Guanzon should be DISBARRED, WITH FORFEITURE OF HER RETIREMENT BENEFITS AND LIFETIME PENSION because she destroyed the reputation of the institution which these moneys come from.”

 

 

Ang PFP ang partidong kinapapalooban ni Marcos. Giit ni Briones, paglabag sa Rule 3.07 ng Code of Judicial Conduct ang paglalabas agad ni Briones ng opinyon:

 

 

A judge should abstain from making public comments on any pending or impending case and should require similar restraint on the part of court personnel.

 

 

Bukod pa rito, lumalabag din daw si Guanzon sa Rule 2.02 ng Code of Judicial Conduct dahil sa pagiging “narcissist” at palagiang pagpapaskil sa Twitter na “hindi” raw akma para sa isang hukom.

 

 

Ilan sa mga dahilan ni Guanzon sa paglalabas agad ng kanyang boto ay ang “unreasonable delay” ng Comelec First Division na maglabas ng desisyon. Hindi raw niya isisikreto sa publiko ang kanyang boto lalo na’t nakita niyang may “moral turpitude” talaga batay sa ebidensya na magdidiin kay Marcos.

 

 

Matatandaang naghain ng disqualification case laban kay Marcos ang Akbayan Citizens’ Action Party at Bonifacio Ilagan ng Campaign Against the Return of the Marcoses and Martial Law dahil sa conviction ni Marcos dahil sa kabiguang maghain ng income tax returns ng apat na taon.

 

 

Isa ang moral turptide sa mga grounds sa disqualification ayon sa Section 12 ng Omnibus Election Code:

 

 

Any person who has been declared by competent authority insane or incompetent, or has been sentenced by final judgment for subversion, insurrection, rebellion or for any offense for which he has been sentenced to a penalty of more than eighteen months or for a crime involving moral turpitude, shall be disqualified to be a candidate and to hold any office, unless he has been given plenary pardon or granted amnesty.

 

 

Dahil dito, iginigiit ng petitioners na perpetually disqualified na sa paghawak ng public office si Marcos.

 

 

“Kaya nga ito nangyayari lahat eh dahil ang boto ko is DQ (disqualified) si Marcos Jr. Sa tingin ko may moral turpitude talaga based on evidence and the law. I will not keep it a secret. That is the reason why this is happening,” paliwanag ni Guanzon kahapon.

 

 

“Parang unreasonable na yung delay. Ang kutob ko talaga may nakikialam na eh. May nakikialam na. Some people are trying to influence the commissioners. ‘Yun ang ayaw ko.”

 

 

Hindi pa rin lumalabas ang desisyon sa kaso ni Marcos kahit na limang araw na lang (ika-2 ng Pebrero) ay magreretiro na si Guanzon, dahilan para tanungin ng ilan kung bibilangin pa rin ang kanyang boto. (Daris Jose)