INI-RELEASE na ang official teaser ng horror film na ‘Bahay Na Pula’ na pinagbibidahan ni Julia Barreto, kasama sina Xian Lim, at Marco Gumabao na mula sa Viva Films at Center Stage Productions.
Mula ito sa award-winning director na si Brillante Mendoza at sa teaser ay marami na ang nagandahan at ‘yun iba ay natakot, kaya pinagpabukas na ang pagpanood dahil baka raw may tumabi sa kanila.
Say ng isang netizen, “para maging nakakatakot ang movies ngayon, dark vintage effect tapos gulatan like ‘insidious’.”
Inaasahan naman ng mga viewers na magiging maganda ang bagong obra ni Direk Brillante na kung saan magpapakita ng pagiging seductive ni Julia sa pagsabak sa mas mature na role, bukod pa sa kanyang ipapakitang pag-arte.
Pansin din ng netizens, na hataw talaga sa projects si Julia sa Viva, kahit na ano pang paninira o pamba-bash sa kanya.
After na ipalabas ang Bahay Na Pula via streaming next month, may mga naka-line up pang movie na gagawin si Julia.
Kasama sa aabangan ang team-up nila ni Carlo Aquino sa Expensive Candy na written and directed by Jason Paul Laxamana at The Certifieds kasama sina Ella Cruz, Andrea Babierra, at Awra Briguela.
Sa magagandang proyekto na binibigay kay Julia ng kanyang mother studio, mukhang desidido ang Viva Films na patunayan na deserving siya sa titulong “Drama Princess Royalty of the Century”.
Una nga itong ginamit last year sa pag-introduce sa kanya sa virtual mediacon ng serye na Di Na Muli na pinalabas sa TV5, na napapanood na ngayong sa Vivamax, na kung saan hiyang-hiya ang young actress dahil alam niyang malaking pressure ‘yun para sa kanya at kailangang galingan sa bawat roles na kanyang gagampanan.
***
UNANG buwan pa lang ng taon pero may dala na naman ang Vivamax na isang kontrobersyal na Vivamax Original Movie, ang Silip sa Apoy, isang erotic-drama na pinagbibidahan ng Vivamax K-Crush na si Angeli Khang.
Kwento ito ni Emma (Angeli Khang), isang babae na pagod ng pakisamahan ang lasinggero nitong asawa na si Ben (Sid Lucero), dahil nagiging baloyente ito tuwing makakainom. Isang lalaki na magbabago ng lahat, si Alfred, isang kapitbahay sa tabi nila Emma na sumisilip sa mga butas ng pader at makakakita ng pang-aabuso ni Ben kay Emma.
Maging malapit ang loob ni Alfred at Emma sa isa’t-isa at magkakaroon ng sikretong relasyon, ipapangako rin ni Alfred na itatakas niya si Emma para tuluyan ng malayuan ang kalupitan ni Ben.
Isang pangako na magbibigay kay Emma ng pag-asa na sa wakas ay makamit ang kalayaang matagal na niyang inaasam.
Mula sa mga successful Vivamax Originals niya noong 2021 (Taya, Mahjong Nights, Eva), muli na namang papainitin ni Angeli Khang ang ating 2022 gamit ang kanyang maamomg mukha, magandang hubog ng katawan at palaban na acting.
Mula sa Viva Films, ang pelikulang ito ay mula sa dalawang pinaka respetado at kilalang manunulat at direktor ng bansa.
Ang Silip sa Apoy ay mula sa direksyon ng FAMAS nominee na si McArthur C. Alejandre, na naghatid ng iba’t-ibang pelikulang Pilipino tulad ng In Your Eyes at ang 2021 movie na My Husband, My Lover.
Ang pelikulang ito ay sinulat rin ng award-winning writer na si Ricky Lee.
Sumilip na at maakit sa mapusok at kapana-panabik na kwento ng Silip sa Apoy, napapanood na ngayon sa Vivamax na available din sa iba’t-ibang panig ng mundo.
Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan.
Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store.
(ROHN ROMULO)