• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for February 21st, 2022

Ads February 21, 2022

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

‘It’s now or never’ ang drama ng dating Miss World PH: MICHELLE, kumpirmado na ang pagsali sa ‘2022 Miss Universe Philippines’

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

CONFIRMED na ang pagsali ng Kapuso actress na si Michelle Dee sa Miss Universe Philippines.

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Michelle, ang kanyang palabang larawan para sa pagsali sa 2022 Miss Universe Philippines.

 

 

“It’s now or never,” caption pa niya na may hashtag na #DEEpataposanglaban at #forDEEuniverse.

 

 

Sa application video ng former Miss World Philippines na ini-upload sa Kumu, sinabi ni Michelle na hindi magiging madali ang pagsali niya ulit sa isang national pageant. Pero handa raw siyang pagdaanan ulit ang mga ito.

 

 

“Tenacity, love for my country, and the willingness to do good with this platform is what I believe will be my greatest advantage on the Miss Universe Philippines stage.

 

 

I want to be able to inspire everyone to achieve their best self through example, innovation, and my burning passion to make country proud once more,” sey pa ni Michelle.

 

 

Ang current Miss Universe Philippines na si Beatrice Luigi Gomez ay ipapasa ang korona sa bagong reyna sa coronation night sa April 2022 na magiging representative ng Pilipinas sa 71st Miss Universe Pageant.

 

 

***

 

 

MAY mystery girl ang Brazilian model-actor na si Daniel Matsunaga.

 

 

Sa kanyang recent post sa Instagram, may kayayap siyang babae, pero pareho silang nakatalikod.

 

 

In black & white ang photo na kinunan noong nakaraang Valentine’s Day habang nagbabakasyon sila sa isang beach resort.

 

 

Inaabangan ng netizens ang latest sa lovelife ni Daniel. Nakarelasyon kasi niya ang mga aktres na sina Heart Evangelista at Erich Gonzales. Parehong hindi naging maganda ang pakikipaghiwalay niya sa dalawang aktres.

 

 

Huling girlfriend ni Daniel ay ang Polish model na si Karolina Pisarek noong 2017. Pero naghiwalay din sila after two years.

 

 

Pinagtataka ng netizens kung bakit walang babaeng nagtatagal kay Daniel? At bakit laging lumilitaw ang issue tungkol sa pera kapag hiwalay na siya sa kung sino ang girlfriend niya?

(RUEL J. MENDOZA)

JOHN, napakahusay ng pagganap bilang isang commentator-journalist kaya ‘di nakagugulat na nagkamit ng ‘Volpi Cup for Best Actor’

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MASAYA si Rex Lantano sa naging reception ng audience worldwide sa Love at the End of the World pero ang wish niya ay makapasok sila sa Netflix para mas marami pang makapanood sa pelikula.

 

 

Sa naganap na press preview ng last three episodes ng movie last Tuesday, hindi makatingin si Rex sa screen dahil maging siya ay nagulat sa mga eksenang napanood niya.

 

 

“Hindi ko alam na ganoon kalala pala ang mga eksena. There were some scenes in the movie na nalimutan ko na ganoon pala ang ginawa namin,” pahayag ni Rex. “Parang ayokong tignan. Kasi when we shot it, hindi naman ako nanonood ng playback.”

 

 

Happy si Rex sa kinalabasan ng trabaho niya sa Love at the End of the World.

 

 

“Happy ako naa-appreciate ng mga tao ang ginawa namin like pinuri nila ang acting, script, cinematography and direction as well. Masaya ako na yung movie earned praise from those who watched it,” sabi ng aktor.

 

 

Bago naman daw nila ginawa ni Kristoff Garcia ang mga “pasabog” na eksena sa movie ay ipinaliwanag naman sa kanila ni Direk Shandii Bacolod why those steamy sex scenes are necessary.

 

 

“So noong shoot na wala naman problema sa amin. We just did as we were told. Pero noong makita namin sa screen, nagulat kami kasi di naman expected na ganoon pala iyon,” dagdag pa ni Rex.

 

 

Given a chance to pick a role to play, gusto niya na gumanap na isang psycho killer. O kaya isang karakter may malubhang sakit.

 

 

“Pero ang isa sa dream role ko ay maging kapatid ni Carlo Aquino sa isang project. Tapos may drama moments kaming dalawa. Siya ang idol ko sa acting. Magaling siya. Very natural at parang hindi siya tumatanda. Bata pa rin ang itsura niya.”

 

 

One year na si Rex being managed by good friend Ricky Gallardo at masaya siya how his manager has handled his career so far.

 

 

Sabi pa ni Rex na he is hoping and praying na matupad na ang wish niya na maging bahagi ng isang major teleserye.

 

 

***

 

 

IT should not come as a surprise na si John Arcilla ang nagkamit ng Volpi Cup for Best Actor sa 78th Venice International Film Festival for On The Job: The Missing 8.

 

 

Aba, sobrang husay naman talaga ni John sa kanyang bilang isang commentator-journalist na inusig ng kanyang konsensiya after mapatay ang kanyang mga kasamahan.

 

 

Napanood namin ang obra ni Erik Matti sa CCP Main Theater last Friday bilang bahagi ng Wagi! Celebration of Filipino Excellence.

 

 

Napakaganda rin ng pelikula at hindi mo ito gustong iwan while watching at baka you might something that is important to the story.

 

 

John owned the movie from start to finish. Madadala ka sa performance niya bilang isang journalist na close to powers-that-be (represented by Dante Rivero as the Mayor of La Paz) until he discovered na ito pala ang nagpapatay sa kanyang mga kasamahan.

 

 

Very much deserving si John sa mga awards na nakamit niya for the film.

 

 

Mahusay din ang performances nina Dante, Dennis Trillo, at Lotlot de Leon.

 

 

Powerful ang script na sinulat ni Michiko Yamamoto.

 

 

Sana maipalabas ang On The Job: The Missing 8 sa mga sinehan dahil it deserves to be seen by the Filipino audience sa big screen.

(RICKY CALDERON)

Kinaiinisang character ni AIKO, kinailangan na palitan ni SHERYL dahil ‘di na puwedeng mapanood sa serye

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGULAT ang netizens na sumusubaybay sa top-rating GMA afternoon prime drama na Prima Donnas nang sa last scene noong Friday ay pinalitan na ni Sheryl Cruz ang character ni Aiko Melendez bilang si Kendra.  

 

 

Last series na ginawa rin ni Sheryl last year sa GMA ay ang Magkaagaw na isa rin siyang kontrabida, but this time, doble ang kasamaan ni Kendra.  Mabubuhay si Kendra sa katauhan ni Bethany, na kapatid niya.

 

 

Ginawa niya ito para hindi siya mahuli sa mga kasalanan niya at maituloy niya ang pagkamkam sa yaman ng mga Claveria at makapaghiganti sa buong pamilya, at sa mga donnas na sina Mayi, Belle at Lenlen,

 

 

Why the change?  Next month kasi, March, ay magsisimula nang mangampanya si Aiko  as Councilor sa 5th District of Quezon City para sa coming May 9, 2022 elections.

 

 

Kahit tapos na ang lock-in taping ni Aiko ng Prima Donnas, bawal naman siyang mapanood sa TV sa kanyang trabaho bilang isang artista.

 

 

***

 

 

START na ng finale week ngayong gabi, February 21, ng Mano Po Legacy: The Family Fortune na co-production venture ng GMA Network at Regal Films Entertainment.

 

 

Mami-miss ng netizens ang gabi-gabing tarayan sa eksena sa acting ng apat na mahuhusay na actress na sina Ms. Boots Anson Roa-Rodrigo, Maricel Laxa, Almira Muhlach at Sunshine Cruz, at ng Kapuso Drama Princess na si Barbie Forteza na nakikipagsabayan din sa acting ng apat.

 

 

Isa-isa nang nabubunyag ang kasamaan ni Valerie (Maricel) na gustong maangkin ang Chan fortune kahit isa siyang outsider sa pamilya, malusutan kaya niya ito?

 

 

Paano ipagtatanggol ni Elizabeth (Almira) ang dalawang anak niyang mga legal heir ng Chan family?  Papayag na ba si Consuelo (Boots) na mabulgar ang Chan secrets para sa kanyang mga anak at apo?  Liligaya na ba si Cristine (Sunshine) na takbuhan ng mga pamangkin niya sa mga problema nila, at maging CEO na ng Gold Quest, ang Chan family business?

 

 

At si Steffy (Barbie), sino ang magiging mapalad sa puso niya, ang Chan heir na si Anton (David Licaoco) o ang half-brother niyang si Joseph (Rob Gomez)?

 

 

Napapanood gabi-gabi ang serye after ng First Lady sa GMA-7.

 

 

***

 

 

MARAMI-RAMI na ring projects na nagawa si Kapuso actress Ashley Ortega since pumasok siya sa GMA Network when she’s only 15.

 

 

Last serye na ginawa niya last year ay ang Legal Wives na isa siyang kontrabida.  Kaya naman nang ibigay sa kanya ang next project niya, ang GMA’s first suspense-mystery series na Widows Web, hindi maalis na maging emotional siya.

 

 

“Ito po kasi ang first mature role kong gagampanan, kaya talagang kailangan kong paghandaaan at pag-aralan ang character ni Jackie,” kuwento ni Ashley sa virtual presscon.

 

 

“One of the lead stars ako ng serye at nakasama ko ang tatlo pang mahuhusay na actress, sina Carmina Villarroel, Vaness del Moral at Pauline Mendoza.

 

 

Naiyak ako dahil totoo po matagal ko nang gustong makaganap na leading lady, kaya nagpapasalamat po ako sa opportunity na ibinigay nila sa akin.  After reading the script, na-excite po ako, there’s a lot of thrill on the show, kaya mas ginanahan akong magtrabaho.    “Marami po akong preparations na ginawa rito, physically, emotionally and mentally, dahil may three character transition si Jackie sa story.  Kinailangan ko ring mag-lose ng weight to look mature, to act mature at need ko ring mag-modulate ng voice para magmukhang mature ang boses ko.  

 

 

Ito na po ang pinakama-effort na paghahanda ko ng isang character, kaya maraming-maraming salamat po.”

 

 

May world premiere ang Widows Web sa Februaary 28, after First Lady sa GMA-7.

(NORA V. CALDERON)

Legarda mainit na tinanggap sa Ilocos Sur

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMULAK patungong Ilocos Sur kahapon si House Deputy Speaker at UniTeam senatorial bet Loren Legarda upang muling hingin ang basbas ng lalawigan kung saan tatlong ulit siyang naging number one senator sa mga nagdaang halalan.

 

 

Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, nangako si Legarda na ipagpapatuloy ang mga programang magbibigay ng trabaho, livelihood assistance at skills training na kanyang nakagawian sa loob ng mahabang panahon. Sa gitna ng pandemya, sinabi niyang itutuloy niya ang emergency employment at livelihood assistance sa mga nawalan ng trabaho at maging underemployed at seasonal workers sa Ilocos Sur.

 

 

Gagawin niya ito sa pamamagitan ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers Department (TUPAD) at Government Internship Program (GIP) ng Department of Labor and Employment’s (DOLE). Aniya, ang mga programang ito’y naging matagumpay upang maibsan ang kawalan ng trabaho sa lalawigan.

 

 

Kapag muling nahalal sa Senado, nangako rin si Legarda na dadagdagan ang pondo ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa mga programang tulad ng Bara-ngay Kabuhayan Skills Training Program (BKSTP), Training for Work Scholarship Program (TWSP), at Special Training for Employment Program (STEP).

 

 

Sa kanyang talumpati, naging emosyonal si Legarda habang inaalala si “Nanay Fely”, ang kanyang yayang Ilocana, na nag-alaga sa kanya mula pagkabata.

CHR, iniimbestigahan ang posibleng paglabag ng PNP sa pag-aresto sa red-tagged doctor

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ng Commission on Human Rights (CHR) na iniimbestigahan nito ang posibeng paglabag ng Philippine National Police (PNP) sa pag-aresto sa isang doktor na inakusahang miyembro ng Communist Party of the Philippines.

 

 

“CHR has dispatched a quick response team in NCR (National Capital Region) and Caraga, and is undertaking a motu proprio investigation on the reports received that indicate possible violations of the Philippine National Police rules of procedure, among other issues,” ang nakasaad sa kalatas ng Komisyon.

 

 

Tinukoy ng CHR ang pag-aresto ng pulisya kay  Dr. Maria Natividad Castro, araw ng Biyernes sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court ng Bayugan City, Agusan del Sur noong Enero 30, 2020 dahil sa umano’y kidnapping at serious illegal detention.

 

 

Nababahala naman ngayon ang grupong Free Legal Assistance Group (FLAG) kaugnay sa kinaroroonan ni Castro.

 

 

Ayon sa grupo humingi sila ng access para makita sI Dr. Maria Natividad Castro sa Intelligence Group ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame kung saan iniulat na dito ito dinala at ikinulong.

 

 

Sinabi ng FLAG na hangang ngayon ang kapatid ng doktor at ang isa pang abogado ay hindi pinayagang makita at makausap si Castro.

 

 

Nakikipag-ugnayan naman na ang CHR sa mga local authorities at may close contact sa pamilya Castro para tulungan ang mga ito.

 

 

Nabahala rin ang CHR sa paraan ng pag-aresto kay Castro.

 

 

Ayon sa CHR, si Castro “had been red tagged for her work as a human rights and development worker.”

 

 

“Before the pandemic hit the country in 2020, Castro initiated several health programs in Mindanao. She also brought members of the Lumad community before the United Nations in Geneva to seek help against harassment in their areas. She also once served as secretary general of rights group Karapatan in Caraga region,” ayon sa CHR.

 

 

Samantala, nanindigan naman ang grupong Karapatan na si Castro ay isang health worker na tumulong sa pagtatayo ng mga community center at programa sa Mindanao. (Daris Jose)

‘One-time, big-time’ tigil pasada ikinakasa!

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBANTA ang isang transport group na magtitigil-pasada at magsasagawa ng ‘one-time, big-time’ na transport strike, kung hindi pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang hiling na ibalik muna ang hiling na pisong provisional increase sa pasahe.

 

 

Binigyan lamang ng grupong Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas (LTOP) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng hanggang katapusan ng Pebrero para pagbigyan ang kanilang hiling na ibalik muna ang pisong provisional increase habang dinidinig pa ang mga petisyon nila para sa taas-pasahe.

 

 

Ayon kay LTOP president Ka Lando Marquez, nagpulong na ang lahat ng mga lider ng transportasyon sa National Capital Region (NCR), CALABARZON at Central Luzon para sa ‘one-time, big-time’ transport strike.

 

 

Nagpahayag din si Marquez ng labis na pagkadismaya sa LTFRB dahil sa kawalan nito ng aksyon sa gitna ng sunud-sunod na taas-presyo sa mga produktong petrolyo.

 

 

Nabatid na umabot na sa P10 ang itinaas sa presyo ng kada litro ng diesel simula noong Enero, kasunod ng ikapitong oil price hike.

 

 

Bukod dito, muli na namang nagbabadya ang dagdag presyo sa mga produktong petrolyo sa Martes, Pebrero 22.

SUSPEK TODAS SA GULPI NG GRUPO NG BYSTANDER SA CALOOCAN

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PATAY ang isang hindi pa kilalang lalaki na bumaril sa isang tricycle driver matapos pagtulungan kuyugin ng grupo ng bystander sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Sa ulat ni PCpl Mark Julius Pajaron kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, habang naglalaro ng table pool games sa P. Halili Street, Barangay 128 ang biktimang si Lester Tenedero, tricycle driver at residente sa lugar dakong alas-8:40 ng gabi nang biglang lapitan ng suspek na nakasuot ng grey t-shirt, grey short at belt bag color lime na armado ng cal. 45 pistol saka binaril siya ulo.

 

 

Matapos ang insidente, tinangkang tumakas ng suspek sakay ng isang motorsiklo subalit, nagawa siyang mahawakan ng grupo ng bystander at pinagtulungan gulpihin na nagresulta ng kanyang kamatayan.

 

 

Isinugod naman ang biktima ng kanyang kapatid na si Leslie Tenedero sa Caloocan City Medical Center kung saan ito sumailalim sa surgical operation sanhi ng tinamong tama ng bala sa ulo.

 

 

Narekober ng pulisya sa crime scene ang isang Yamaha NMAX na kulay black gray for registration, dalawang .45 caliber pistols na walang serial number at tatlong magazines na kargado ng mga bala. (Richard Mesa)

DEL ROSARIO BIDA NG FLORIDA GOLF

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAKPAN ni Pauline Beatriz Del Rosario ng apat na birdie ang isang double bogey at apat ding bogey para pamayagpagan ng isang palo ang 2022 East Coast Women’s Pro Golf Tour Leg 4 $60K Mayfair Country Club Women’s Championship sa MCC sa Sanford, Florida nitong Huwebes.

 

 

Kinasahan ng 23-taong-gulang at tubong Las Piña sang napakalakas na upang maisalba sa front nine ang even-par 35 at two-over 38 pa-73 at 210 aggregate sa one-stroke win kay local entry Jimin Jung (74-211) at isubi ang gantimpalang  $10K (P513K).

 

 

Bago ang tagumpay,  sumalo sa tersera si Del Rosario sa Leg 1 Dare The Bear Women’s Championship sa Colorado noong  Enero 17-19, pumang- 13 sa Rio Pinar Orlando WC sa Florida nu’ng January 26-28 at pumanlima sa Red Tail WC sa Florida pa rin nitong Pebrero 7-9.

 

 

“My swing and feel are getting to where I want it to be,” lahad ng Pinay golfer, sa panalong pampalakas loob para sa sasabakang 42nd Epson Tour 2022 (dating Symetra Tour) sa susunod na buwan. “I wanted to win but I didn’t really expect it.”

 

 

Ito na rin ang pangalawang korona niya sa United States makalipas ang sa 3rd Women’s All-Pro Tour 2021 Leg 5 WLN Central Arkansas Open sa noong Mayo. (REC)

Vietnamese national na baon sa utang, nagkamatay sa Malabon

Posted on: February 21st, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG Vietnamese national ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pag-inum ng silver cleaner dahil sa problema dala ng isinampang kaso laban sa kanya nang mabaon sa utang dahil umano sa “Online Sabong” sa Malabon city.

 

 

Sa report ni investigator on case PSSg Mark Alcris Caco kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-10 ng umaga ng February 16, 2022 nang madiskubre ni Romeo Castillo, Jr, 24, waiter ng No.113 Adante Street ang wala ng buhay na katawan ng biktimang si Nguyen Minh Luan alyas Jomar Torres Chua, 35, businessman sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa No. 113 Adante St. Brgy. Tañong.

 

 

Kaagad ni-report ni Castillo ang pangyayari sa Malabon Police Sub-Station 6 na rumesponde sa naturang lugar kung saan narekober ng mga ito sa pinangyarihan ng insidente ang isang madilaw na likido sa plastic cup na naglalaman ng umano’y silver cleaner.

 

 

Bandang alas-8 ng umaga ng nasabi ring petsa nang huling nakitang buhay ang biktima sa kanyang apartment ng saksing si Daisylyn Samonte, 29, vendor.

 

 

Sa panayam sa kanya ni PSSg Caco, sinabi naman ng isa pang saksi na si Gee Kay Legaspi, 42, teller ng Pitmaster On line Sabong na nagkaroon ng maraming utang ang biktima sa iba’t-ibang personalidad dahil sa “Online Sabong” at problemado din aniya ito dahil sa kasong kriminal na isinampa laban sa kanya na nakabinbin sa Office of City Prosecutor ng Malabon. (Richard Mesa)