MAHIGIT 49 milyon o halos 74 porsiyento ng mahigit 67 milyong opisyal na balota ang naimprenta na sa National Printing Office (NPO) sa Quezon City, iniulat ng Commission on Elections (Comelec) nitong Martes.
Mula sa 13 rehiyon, nakapag-imprenta na ng 73.7 percent kasama ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) at Cordillera Administrative Region (CAR),
“Out of the 13 regions, including Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) and Cordillera Administrative Region (CAR), we already printed 73.7 percent. Almost all are already 100 percent printed except for National Capital Region (NCR),” ayon kay Commissioner Marlon Casquejo, head ng poll body’s printing committee, sa press briefing.
Samantala, sinabi ni Casquejo na nakapag-imprenta sila ng 4,755,360 mula sa kabuuang 7,289,791 na balota para sa Central Luzon.
Nakatakdang mag-print ang poll body ng kabuuang 7,322,361 na balota para sa NCR.
Iniulat din nito na ang manual ballots para sa local absentee voting (LAV) na kabuuang 60,000 ay nakumpleto na rin.
Ang manual ballots para sa Office of Overseas Voting (OFOV) na may bilang na 79,800 at ang karagdagang 145 OFOV manual ballots para sa Philippine Embassy sa Rabat sa Morocco ay tapos na.
Samantala, kabuuang 86,280 balota para sa 63 barangays sa North Cotabato na bahagi ng BARMM ang tapos na ring ma-imprenta.
Enero nang simulan ng Comelec ang opisyal na balota. (GENE ADSUARA)