INIHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na magbibigay ng libreng sakay sa mga pasahero ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT) simula March 28 hanggang April 30 dahil tapos na ang ginawang rehabilitation ng buong MRT3.
Nagkaroon ng inagurasyon noong nakaraang Martes ang rehabilitated na MRT 3 matapos ang nakalipas na dalawang (2) taon kung kaya’t inaasahan na ang mga unloading na pangyayari sa MRT 3 ay hindi na magaganap na muli.
Kasama si President Duterte sa inagurasyon kung saan siya ang nagpahayag na magkakaron ng libreng sakay sa MRT 3.
“The train’s system would not have returned to its original high-grade design without the technical competences and professional aid of service providers from Sumitomo Corp., Mitsubishi Heavy Industries and Test Philippines Inc. I also lauded the DOTr under Secretary Tugade for its efforts to improve the MRT 3 services to the public. The MRT is proof that we are keeping our momentum in improving our national road system, which aims to deliver quality service to the Filipinos and respond to the emergency of a new normal,” wika ni Duterte.
Ayon kay Tugade makakatulong rin ang pagbibigay ng libreng sakay upang mabawasan ang financial burden ng mga mamamayan dahil na rin sa mataas na presyo ng krudo at gasoline sa gitna rin ng tumataas na inflation rate sa ating ekonomiya.
Ang rehabilitation ay binigyan ng pondo mula sa Japan International Cooperation Agency na sinimulan noong 2019.
Sumailalim ang MRT 3 sa comprehensive upgrade kasama na dito ang restoration ng 72 light rail vehicles, replacement ng rail tracks at rehabilitation ng power supply, overhead catenary system, communications at signaling system, at ang rehabilitation din ng mga estasyon at pasilidad ng depot.
Tumaas na rin ang operating speed ng MRT3 mula sa dating 25 kph at ngayon ay 60 kilometers per hour na. Sa ngayon ay may 23 ng operational trains mula sa dating 13 trains.
Ang headway o waiting time sa pagitan ng mga trains ay nabawasan din mula 10 minutes at ngayon ay 3.5 minutes na lamang. Umikli na rin ang travel time mula sa estasyon ng North Avenue papuntang estasyon ng Taft kung saan ito ay 45 minutes na lamang kumpara sa dating 1 hour at 15 minutes.
Sa ngayon ay umaabot na sa 280,000 pasahero ang naitalang sumakay sa MRT 3 kumpara sa dating 260,000 na pasahero bago pa ang pandemya. May 600,000 kada araw naman ang target ng DOTr na sasakay ng MRT 3 sa darating na panahon. LASACMAR