• November 9, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 19th, 2022

Sa muling pagsasanib-pwersa nila ni Direk JOEL: SEAN, susubukan nang tumawid sa pagiging dramatic actor

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING magsasanib-pwersa sa pelikula sina Sean De Guzman at Direk Joel Lamangan sa social media crime drama movie na may working title na Fall Guy.

 

 

Ang Fall Guy ay istorya ay tungkol sa isang social media influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay isinulat ni Troy Espiritu. Siya ang writer ng Ma’ Rosa which won for Jaclyn Jose the Best Actress Award sa Cannes Film Festival.

 

 

Ang pelikula ay ipo-prodyus nina Len Carillo of 3:16 Media Network at John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

 

 

Si Direk Joel ang director ni Sean sa launching movie niyang Anak ng Macho Dancer na ipinalabas noong January 2021. Nasundan pa ito ng mga movies na Lockdown, Bekis on the Run, Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa (‘di pa naipapalabas) at Island of Desire. Ang Fall Guy ang 6th movie nila na magkasama sila.

 

 

Ayon kay Sean, malaking karangalan para sa isang baguhang aktor tulad niya ang muling maidirek ng isang multi-awarded na director sa isang kakaibang project.

 

 

“Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayung-malayo siya. Hindi na sex ang ‘yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” excited na pahayag ng binata.

 

 

Malaki naman ang tiwala ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa kanya sa bagong movie.

 

 

“Noon pa naman, nu’ng nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Alam kong he will deliver,” papuri ng award-winning director sa aktor.

 

 

Hindi pa naman daw graduate si Sean sa paggawa ng sexy movie. Gusto lang daw niya na mag-explore ng iba’t-ibang roles at mag-improve as an actor. Gusto rin niya subukan na gumawa ng isang action movie.

 

 

“Ayoko lang i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan,” dagdag pa niya.

 

 

Confident din ang mga producer ng pelikula na panahon para subukan naman ni Sean ang ibang genre.

 

 

Makakasama ni Sean sa Fall Guy sina Glydel Mercado, Shamaine Buencamino, Vance Larena, Cloe Barreto, Quinn Carrillo, Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco, Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Ortiz, Hershie de Leon at Itan Magnaye.

 

 

Nakilala rin si Sean sa mga pelikula ng Vivamax na Nerisa, Taya, Mahjong Night, Hugas at sa Vivamax original series na Iskandalo.

 

 

***

 

 

NAGSILBING inspirasyon ng singer na si Moira dela Torre si Vice President Leni Robredo sa ginawa niyang bagong kanta na pinamagatang “Ipanalo Natin ‘To”.

 

 

Sinorpresa ni Moira ang mga dumalo sa grand rally ni VP Leni sa Dagupan, Pangasinan nang awitin niya ang nasabing kanta.

 

 

Noong nakaraang buwan, pormal na inihayag ni Moira ang suporta sa kandidatura ni VP Leni bilang pangulo.

 

 

Ayon kay Moira, nais niya sanang lumayo sa pulitika nguni’t nag-iba ang kanyang pananaw nang ipakilala siya ng singer-songwriter Lolito Go kay VP Leni.

 

 

Pagkatapos, nagsimulang magsaliksik ang singer ukol sa mga nagawang proyekto at programa ni VP Leni para sa bansa at doon na siya humanga nang husto sa Bise Presidente.

 

 

Tumibay pa ang kanyang paghanga kay Robredo nang makasama siya sa grand rally nito sa Zamboanga.

 

 

Aniya, nang matapos ang speech ni VP Leni, doon niya nasiguro na tama ang sinusuportahan niyang kandidato.

 

 

Pag-uwi niya galing Zamboanga, sinimulan niyang isulat ang “Ipanalo Natin ‘To”.

 

 

Umaasa si Moira na magsisilbi ang kanta inspirasyon at paghuhugutan ng lakas ng mga tao para ipaglaban ang kinabukasan ng bansa sa pamamagitan ng pagboto nang tama.

 

 

***

 

 

NAKABIBILIB ang mga artista, lalo na ‘yung mga bata na marunong humawak ng pera na kanilang kinikita.

 

 

At least, aware sila na a career in showbiz may not be forever kaya dapat marunong silang mag-ipon ng kanilang hard-earned money at ipasok ito sa magandang investment.

 

 

Nakatutuwa na nagbukas na si Daniel Padilla ng branch ng chicken brand na kanyang ini-endorse sa Tacloban. He is now a proud owner of a franchise ng sikat na fastfood chicken.

 

 

Probably, Daniel was advised by his mom Karla Estrada na mag-invest sa negosyo kaya naisipan ng Kapamilya star na mag-invest sa popular chicken house na “finger linkin’ good” ang slogan.

(RICKY CALDERON)

PDu30, tikom pa rin ang bibig ukol sa term extension ni Carlos- DILG chief

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANGGANG ngayon ay wala pa ring sinasabi si Pangulong Rodrigo Roa Duterte hinggil sa posibleng term extension ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Dionardo Carlos na nakatakdang magretiro sa Mayo 8.

 

 

“There is no guidance from PRRD (President Rodrigo Roa Duterte). So far, Gen. Carlos will retire as scheduled,” ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.

 

 

Si Carlos, pumalit kay Senate aspirant at dating PNP chief Gen. Guillermo Eleazar noong Nobyembre ay nakatakdang magretiro sa Mayo 8, kapag naabot na nito ang mandatory age ng retirement na 56.

 

 

Ang petsa ng retirement age ay araw bago idaos ang national at local elections.

 

 

At sa tanong kung irerekomenda nito ang ekstensyon ng panunungkulan ni Carlos, sinabi ni Año na ia-assess niya at hihintayin ang magiging kautusan ng Pangulo.

 

 

“He has two options. PRRD can say ‘okay I’ll extend you (Carlos) up to June 30. Or he can appoint an OIC (officer-in-charge) up to June 30 so that the new president will be the one to appoint (bagong PNP chief),” dagdag na pahayag nito.

 

 

“But more likely, the President does not want any extension ( termino ng PNP chief ) to avoid any issue,” ayon sa Kalihim.

 

 

Kung nais ni Pangulong Duterte na i-extend ang termino ni Carlos, sinabi ni Año na isusumite niya ngayong linggo sa Pangulo ang listahan ng police officials na papalit kay Carlos.

 

 

Kabilang sa mga opisyal na papalit kay Carlos ay sina Lt. Gen. Rhodel Sermonia, PNP’s No. 2 man bilang deputy chief for administration; at Lt. Gen. Vicente Danao, PNP’s No. 4 man bilang hepe ng PNP Directorial Staff.

 

 

Ang PNP’s No. 3 man, PNP deputy chief for operations Lt. Gen. Ferdinand Divina, ay nakatakda namang magretiro sa Mayo 2 o anim na araw bago ang scheduled retirement ni Carlos.  (Daris Jose)

Easter message ni PDu30: Magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa, tumayong nagkakaisa

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINAWAGAN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang sambayanang Filipino ngayong Easter Sunday na magkaroon ng pananampalataya sa isa’t isa at maging matatag at nagkakaisa sa journey o paglalakbay bilang tao.

 

 

Sa kanyang Easter Sunday message, sinabi ng Pangulong Duterte na ang mga mamamayang Filipino ay nananatiling “strong and resilient” sa mga hamon na kinahaharap ng mga ito sa nakalipas na taon dahil “we hold firm to the promise of salvation as professed by Jesus Christ.”

 

 

“The fulfillment of the Resurrection of the Lord therefore gives us hope and courage to never falter no matter how overwhelming the odds seemingly are,” ayon sa Pangulo.

 

 

Dahil dito, hinikayat niya ang sambayanang Filipino na maging “hopeful of better days” at ipagpatuloy na magtrabaho para sa masigla at maaliwalas na kinabukasan.

 

 

Ang Pasko ng Pagkabuhay o Linggo ng Pagkabuhay o Easter Sunday, ayon sa Kristiyanismo ay ang araw ng pagbangon ni Hesus mula sa kaniyang kamatayan.

 

 

Ipinagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay ang muling pagkabuhay ni Hesukristo sa ikatlong araw pagkatapos na ipako sa krus, gaya ng isinalaysay sa Bagong Tipan ng Bibliya. … Ang Pasko ng Pagkabuhay ay kilala rin bilang Easter Day, Easter Sunday, Resurrection Sunday, Glory Sunday o Holy Sunday. (Daris Jose)

Tila may patama rin sa isang presidentiable: VICE GANDA, trending dahil sa ‘pink outfit’ na ikinatuwa ng ‘Kakampinks’

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGTI-TRENDING ang Unkabogable Phenomenal Star na si Vice Ganda sa Twitter noong April 18, isang araw pagkatapos ng controversial press conference sa Manila Peninsula nina Isko Moreno at Ping Lacson.

 

 

Trending si Vice dahil kahit na hindi nagsasalita and unlike other celebrities na out and vocal sa kung sinong kandidato ang sinusuportahan nila sa pagka-Pangulo sa darating na election, si Vice ay tahimik lang.

 

 

Pero hindi nakalagpas sa pansin ng mga netizens ang suot ni Vice sa It’s Showtime. Trending ang Vice Ganda na hashtag dahil sa pa-shade raw nito.

 

 

Una, sa suot na prominente ang kulay na pink at sa white shoes niya na ang lace ay pink at socks sa may mga print na rosas.  Given naman na kasi kung kanino ito mga campaign symbols. Binasa namin ang mga comments at halos karamihan ay masaya na Leni Robredo supporter rin daw si Vice. ‘Yung iba naman, parang ine-expect na.

 

 

Trending din si Vice dahil iba raw ang energy sa It’s Showtime noong Lunes at tila may pa-shade pa sa isa pang presidentiable na si Bongbong Marcos dahil sa hirit nito sa isang contestant na, “Pekein na lang natin yung diploma mo. May gumagawa niyan. Kilala niyo.”

 

 

At saka humirit na lang na, “Sa Recto.”

 

 

***

 

 

KINAINGGITAN si Marlo Mortel ngayon, lalo na ang mga Army na fans ng BTS dahil sa kasuwertehan niya.

 

 

Isa lang naman si Marlo sa mga personal na nakapanood ng “BTS Permission to Dance on Stage” sa Las Vegas. Nanalo siya sa Kumu campaign ng concert ticket, plane ticket to Las Vegas at alam namin, may kasama pang pocket money.

 

 

Nang huli naming makausap si Marlo, inamin niyang talagang trinabaho raw siya ng husto ang naturang Kumu campaign para nga manalo siya at personal na mapanood ang bonggang concert na ito ng pinakasikat na Korean boy group.

 

 

Ang swerte ni Marlo dahil talagang ang lapit lang niya stage. Nagkita rin sila sa concert ng isa pang diehard Army na si Arci Muñoz.

 

 

Sabi ni Marlo sa kanyang mga IG stories, “BTS is something else! It was a beautiful experience.”

 

 

***

 

 

HULING Linggo na pala ng Little Princess ngayon na pinagbibidahan ni Jo Berry.

 

 

At hindi pa man nagtatapos, may mga request na mula sa mga Kapuso viewers ng serye na sana raw, may part 2 pa.

 

 

Ni-repost din ni Jo ang mga natatanggap na request.

 

 

Alam namin, ang serye na ito ni Jo Berry ang isa sa pinaka-special serye para sa kanya. Ginawa niya ito habang ang dami niyang pinagdadaanan personally, kabilang ang pagpanaw ng kanyang ama na palagi niyang kasa-kasama.

 

 

Anyway, iba rin talaga si Jo. Aminin na ang pagiging consistent niya bilang rater talaga. Aba, simula nang magbida siya sa mga serye ng Kapuso network, laging toprater.  At ngayon sa Little Princess, kinikilalang isa sa mga toprater ng network ang magtatapos na ngang serye niya.

 

 

(ROSE GARCIA)

Ads April 19, 2022

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BBM: MURANG BIGAS SA BAWAT HAPAG-KAINAN NG PAMILYANG PINOY

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TINIYAK ni Partido Federal ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na magkakaroon ng murang bigas na hanggang P20 kada kilo sa kanyang administrasyon matapos siyang manalo sa darating na halalan sa Mayo 9.

 

 

Ayon kay Marcos, isa sa pangunahing layunin niya ay magkaroon ng subsidiya ang presyo ng bigas sa loob ng isang taong panunungkulan nito sa Malakanyang.

 

 

Aniya, sisiguraduhin niyang  hindi na aabot sa P40 kada kilo pataas ang presyo ng bigas sa bansa, kundi pipilitin niyang ibaba ito mula P20 o hanggang P30 kada kilo.

 

 

Para mangyari ito ay ipag-uutos niya na magkaroon ng imbentaryo ng ani ng palay sa Pilipinas.

 

 

Kasunod nito ay maglalabas siya ng executive order para atasan ang Department of Agriculture at National Food Authority na bilhin ng pamahalaan ang lahat ng aning bigas ng mga magsasaka.

 

 

Naniniwala si Marcos na isa ang paraang ito upang matuldukan ang pagsasamantala ng rice cartel sa Pilipinas kung saan ay may ilang abusadong grupo ang nagkokontrol sa presyo ng bigas sa merkado.

 

 

Ipapa-amyenda ni Marcos ang Rice Tariffication Law at hanggat maaari ay hindi na tatangkilikin ang pag-angkat ng bigas sa labas ng bansa.

 

 

“Hindi natin kailangang mag-import ng bigas kung sapat naman ang supply ng ating magsasaka dahil ang dapat mas pinapalakas pa natin ang pagtanim at pag-ani ng ating mga bigas,” ani Marcos.

 

 

“Kapag nangyari, matitiyak na ang hanapbuhay ng ating magsasaka,” wika pa niya.

 

 

Nilinaw nito na kikilalanin ng Marcos administration  ang mga pandaigdigang kasunduan pangkalakalan na pinasok ng bansa, ngunit prayoridad muna dapat ang mga produkto ng magsasakang Pinoy.

Padaragdagan din ni Marcos ang pondo ng Department of Agriculture at isusulong din niya nang husto ang Free Irrigation Law.

“Masyado nang kawawa ang ating magsasaka dahil hindi pa nga sila sinasamantala ng bagyo at kalamidad ay may delubyo nang dumarating sa kanila dahil ultimo patubig ay sinisingil pa sa kanila,” sabi pa ni Marcos.

 

 

Idinagdag nitong magkakaroon din ng maramihan, malakihan at government-owned na ‘storage facilities’ sa Pilipinas para hindi na basta-basta nalulugi ang mga maliliit na magsasaka sa oras ng anihan.

 

 

“Walang problema sa privately owned na bodega, ‘wag lang sanang abusuhin ang mga magsasaka sa mahal na pagsingil sa kanilang pagbobodega,” sabi pa niya.

 

 

Pakikilusin ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan barangay hanggang local government unit upang sila mismo ang maging ‘middle man’ sa pagbili ng national government sa lahat ani ng bigas na siyang magiging daan para ibenta ito ng pabalik sa merkado.

 

 

Pati presyo ng fertilizer ay dapat ibaba kasabay ng pagbibigay katiyakan na mismong ang gobyerno ang magpapautang nito sa murang halaga para sa mga magsasaka.

 

 

Higit sa lahat, ang research and development patungkol sa pagsasaka ay patuloy na palalawakin sa buong bansa upang magamit ang makabagong kaalaman at teknolohiya sa larangan ng pagsasaka.

‘Di nakaligtas sa intimate love scenes sa ‘Habangbuhay’… ELISSE, aminadong selosa kaya ia-approve muna ang tatanggapin ni MCCOY

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MATAPOS ang halos tatlong taon, muling magsasama ang real life couple na sina McCoy de Leon at Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang Habangbuhay.

 

 

Handog ito ng Vivamax at available for streaming sa April 22,2022.

 

 

Gumaganap si Elisse bilang Bea. Dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksyon ng kanyang katawan laban sa iba’t-ibang impeksyon, kaya naging taong-bahay na lamang si Bea.

 

 

Kahit maraming ipinagbabawal ang kanyang ina na si Lily (Yayo Aguila), nananatiling masayahin at may positibong pananaw si Bea. Nag-e-enjoy siya sa kanyang sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon.

 

 

Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao. Sa kabila ng lahat, masasabing maayos pa rin ang lagay ni Bea.

 

 

At dahil kay JR (McCoy), mas lalo pa siyang sumasaya. Si  JR, ang houseboy ng kanilang pamilya. Noong bata pa lang ito ay kinupkop siya ng yaya ni Bea nang makitang palabuy-laboy sa lansangan na parang wala sa sarili.   Lumaking seryoso si JR. “Sad boy” ang pagsasalarawan niya sa kanyang sarili. Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”.

 

 

Pero bigla na lang tila lumalayo si JR. Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?

 

 

Alamin kung ano kaya ang rason ng minamahal niyang lalaki para hindi ibigay sa kanya ang hiling na, “ipaglaban mo naman ako”?

 

 

Samantala, hindi nakaligtas ang McLisse sa ilang intimate scenes sa movie at aminado naman ang aktres na awkward ‘yun para sa kanya kahit na couple sila ni McCoy.

 

 

Sabi pa niya, “it really helped that we had a very comfortable set and environment, the people that we were with. Pero masaya at nag-enjoy ako.”

 

 

Tungkol naman sa pakikipag-love scene o kissing scene sa ibang partner, napag-usapan na raw nila.

 

 

Ang pagpayag daw ay depende sa lalim ng istorya at worth it ba talagang gawin.

 

 

Inamin din ni Elisse na selosa siya, kaya baka hindi niya kayanin na may kahalikang ibang aktres si McCoy.

 

 

“Pero yon nga, depende sa kung ano yung material na ibibigay kay McCoy,” pahayag ni Elisse na siya raw ang mag-a-approve ng roles na tanggapin ng partner in real life.

 

 

Ang Habangbuhay ay mula sa direksyon ng award-winning na si Real Florido. Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa Canada International Film Festival para sa pelikulang 1st Ko Si 3rd.

 

 

Nakatanggap rin ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival.

 

 

Ito ang pagbabalik-pelikula ng McLisse love team matapos ang 2019 movie na Sakaling Maging Tayo. Simula 2021 ay napapanood na si McCoy sa Vivamax dahil bida rin ito sa comedy series na Puto at sa musical film na Yorme – The Isko Moreno Domagoso Story.

 

 

Bago matapos ang 2021, inilabas nina McCoy at Elisse sa madla ang kanilang baby daughter. Marami ang nagdiwang sa balitang ito at pina-trend ng kanilang fans ang #McLisse. Mag-subscribe na sa Vivamax na hindi hihinto para ma-entertain ang buong mundo, sa web.vivamax.net at saksihan ang kakaibang chemistry ng McLisse sa Habangbuhay.

 

 

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo. Vivamax, atin ‘to!

(ROHN ROMULO)

DepEd: Walang pasok mula May 2-13 sa public schools ‘dahil sa halalan’

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSPENDIDO ang mga klase mula Kinder hanggang Grade 12 sa buong Pilipinas sa halos kalahati ng buwan ng Mayo kaugnay ng ikakasang pambansang eleksyon 2022, ayon sa Department of Education (DepEd).

 

 

“Walang pasok ang mga mag-aaral sa lahat ng antas sa mga pampublikong paaralan mula May 2-13, 2022,” paalala ng Kagawaran sa publiko, Lunes.

 

 

“Ayon ito sa DepEd Order No. 29, s. 2021, na naglalaan sa mga nasabing araw para sa National Election-related Activities ng mga guro at kawani ng DepEd.”

 

 

Ito ay kahit na sa ika-9 ng Mayo lang ang aktwal na botohan para sa local at national positions, na karaniwang gumagamit ng mga silid-aralan ng mga paaralan bilang voting precinct.

 

 

Sa kabila nito, kailangan pa ring pumasok sa eskwelahan ang mga teacher sa mga naturang petsa kahit sa mga araw na wala silang gawain kaugnay ng botohan.

 

 

“Ang mga guro ay inaasahan pa ring mag-report sa kanilang paaralan sa mga araw na walang election-related duties o activities,” banggit pa ng kagawaran ngayong umaga.

 

 

Hindi naman natuwa ang Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa naturang kautusang ito ng DepEd. Tinawag pa nga nilang “ridiculous” ang pwersahang on-site work.

 

 

“Even DepEd’s own school calendar marked the period from May 2–13 as non-school days, and therefore should also not be considered as workdays for teachers,” sambit ng mga progresibong teacher kanina.

 

 

“Should DepEd proceed to mandate non-BEIs to report to school for the exigency of service, the department must guarantee them 1.25 service credits and include a provision for such in the official memorandum for said extra days of work. ”

 

 

Aniya, dagdag lang daw ang pagpapapasok sa mga guro on-site kahit suspendido ang mga klase sa mga “walang katuturan” at hindi kinakailangang pasaning ipinasa ng DepEd sa nakaraang dalawang taon ng COVID-19 pandemic.

 

 

Ngayong araw nga lang daw ay ni-require ang mga teacher sa Metro Manila na mag-report on-site kahit na iilang paaralan pa lang ang pinapayagang sumali sa face-to-face classes, bagay na nagpapahirap daw sa online teaching dahil sa kakulangan ng imprastruktura,

 

 

“Of course, we can’t forget how teachers were made to render services months before classes were allowed to resume in 2020, then denied up to this day due compensation for the extended 77 work days for that particular school year,” sabi pa ng ACT.

 

 

“We urge DepEd to review the nature of teachers’ jobs and heed the many issues being raised before them, instead of hashing out senseless orders that serve no clear and justifiable purpose.”

LIBRENG ACCESS SA TALUMPATI NI SANTO PAPA

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pope Francis noong Linggo ng libreng pag-access sa mga banal na lugar sa Jerusalem habang naghahatid siya ng kanyang taunang talumpati sa Pasko ng Pagkabuhay sa gitna ng  karahasan sa pagitan ng mga Israelita at Palestinian sa  Holy City.

 

 

“May there be peace for the Middle East, racked by years of conflict and division. On this glorious day, let us ask for peace upon Jerusalem and peace upon all those who love her, Christians, Jews and Muslims alike. May Israelis, Palestinians and all who dwell in the Holy City, together with the pilgrims, experience the beauty of peace, dwell in fraternity and enjoy free access to the Holy Places in mutual respect for the rights of each,” pahayag ng Santo Papa.

 

 

Ang mga sagupaan sa pagitan ng mga demonstrador ng Palestinian at pulisya ng Israel ay nagresulta ng pagkasugat sa sampung nagprotesta noong Linggo ng umaga sa loob at paligid ng flashpoint ng Al-Aqsa Mosque compound ng Jerusalem, ang lugar ng malalaking sagupaan dalawang araw bago ito, sinabi ng pulisya.

 

 

Ang pinakabagong mga tensyon sa Jerusalem ay dumating habang ang tatlong Abrahamic faith ay nagsasagawa ng  pangunahing kapistahan: ang  Jewish Passover, Christian Easter at ang buwan ng pag-aayuno ng Ramadan ng mga Muslim .

 

 

Ilang linggong mataas na tensyon ang nakita sa dalawang pag-atake  ng mga Palestinian sa o malapit sa Israeli coastal city ng Tel Aviv noong huling bahagi ng Marso at unang bahagi ng Abril, kasabay ng malawakang pag-aresto ng mga pwersang Israeli sa sinasakop na West Bank. (GENE ADSUARA )

ZIA, naging personal photographer: DINGDONG at MARIAN, nagbigay ng mapusong mensahe nila para kay SIXTO

Posted on: April 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WOW, naman!

 

 

May sarili nang personal photographer ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera, walang iba kundi ang panganay nilang si Zia na nagpakita ng kanyang photography skills sa kuha niya during their vacation noon Holy Week.

 

 

Nagpunta ng Pangulasian Island Resort sa El Nido, Palawan, ang Dantes family para doon i-celebrate ang 3rd birthday ng bunso nilang si Sixto IV or si Ziggy, na nag-birthday last Saturday, April 16.

 

 

Si Zia ang kumuha ng photos nina Dingdong at Marian, being cozy by the beach, at ipinakita naman ni Marian sa kanyang Instagram si Zia while seen taking their photos ni Dingdong, with a caption na “Jose and Maria.”

 

 

Nagbigay naman ng message si Marian para kay Ziggy: “Happy, happy birthday to my sweetest boy, Sixto! I’m so happy to see you grow and learn everyday. You bring so much joy into our lives. Please don’t grow up too fast! Love you anak!”

 

 

Nagbigay din ng message si Dingdong about dreams on his Instagram: “Take it all in, my son.  These will all help you turn your wonderful dreams into reality – dreams that will be more powerful than challenges that would lie ahead.  Happy (third) Sixto!”

 

 

Very soon, mapapanood na sina Dingdong at Marian sa first sitcom nila sa GMA Network.

 

 

***

 

 

NANG mapanood ang first na pagtatambal nina Kapuso actress Andrea Torres at John Lloyd Cruz last Sunday sa Happy ToGetHer, maraming nagtanong kung tuloy na bang magiging regular na katambal ni JLC si Andrea, tulad nang matagal na hinihintay ng mga fans nila?

 

 

Pero mukhang hindi pa rin pwedeng magtuluy-tuloy si Andrea na mag-taping, dahil before Holy Week dumating na sa bansa ang Argentinian cast and crew ng movie na Pasional, headed by Andrea’s leading man na si Marcelo Melingo.

 

 

Nauna nang nag-shooting si Andrea ng movie nila sa Argentina, at ngayon para sa second leg of filming ng international film nila, dito naman kukunan ang mga eksena sa Pilipinas.

 

 

Tiyak na lock-in ang shooting nila dahil out of town ang location , at tiyak na susunod sila sa health protocols na required ng government natin, para sa safety ng lahat na involved sa shoot, dahil pa rin sa Covid-19.

 

 

Sa Pasional, gagampanan ni Andrea ang role ng isang tango dancer, si Mahalia, na magiging jury member for the international Tango Dance Festival.  Marcelo will play a biologist named Norberto.

 

 

Ang movie is a co-production among movie and television studio Malevo Films, GMA Network, producer Ferdinand Dimadura, and associate producer Agustin Margas Clerico.

 

 

***

 

 

PARA kay Kapuso actor Ken Chan, dream come true sa kanya na makatrabaho si Kapuso actress Bianca Umali sa isang serye.

 

 

Inamin ni Ken na matagal na niya itong dream, kaya nang i-offer sa kanya ang second episode ng Mano Po Legacy na ‘Her Big Boss’ tinanggap niya agad.

 

 

Kahit naman pala si Bianca, sa isang interview na tinanong siya kung sino ang actor na gusto niyang makatrabaho, si Ken din ang sagot niya.

 

 

“Alam ko po kung gaano kahusay na actress si Bianca, at nagkataon pa na lahat ng mga ginawa naming serye, may mga advocacies ang tema ng projects namin.  

 

 

Kaya nakakatuwa po na binigyan naman kami ng ibang tema na malayo sa mga seryosong projects na nagawa na naming dalawa.  Kaya very light ng mga eksena namin sa taping, plus mga bago rin ang mga kasama namin sa cast.”

 

 

Napapanood ang Mano Po Legagy: Her Big Boss gabi-gabi after Widows’ Web sa GMA-7.

 

 

Meanwhile, naghahanda na si Ken para sa bago niyang song na ilalalabas under GMA Music.

(NORA V. CALDERON)