• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for April 20th, 2022

After na lait-laitin ang anak nilang si Malia: POKWANG, pinagbantaan ang basher na magkita na lang sa korte sa ginawang pambu-bully

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAY mga bastos talagang netizens, na pati ang super cute at tisay na anak nina Pokwang at Lee O’Brien na si Malia ay pinagdiskitahan.

 

 

Sa IG post ng Kapuso comedianne na caption na, “Ayan mula kay tisay @malia_obrian
pang palakas ng loob at hahhahaha.”

 

 

Marami ang natuwang netizens sa kakyutan ni Malia habang nagsasalita sa 10-second video ng, “I’m beautiful and smart.”

 

 

Pero nilait-lait nga ito ng isang basher, ang banat nito, napapansin daw niya na habang lumalaki ang anak nina Pokwang ay “pumapangit” ito tulad daw ng kanyang nanay.

 

 

Matapang na comment ng basher na may username na @roxet08, “Habang lumalaki pumapanget gaya ng nanay… sana wag mamana ugali ng nanay na panget din.”

 

 

Bilang isang ina, hindi ito pinalampas ni Pokwang at pinagbantaan ang basher na magkita na lang sila sa korte dahil sa ginawa nitong pambu-bully sa kanilang anak.

 

 

Say ni Mamang, “OK, nurse ka pala? Noted this see you in court bullying innocent child ok.”

 

 

Sa Twitter page naman ni Pokwang, nirepost niya ito na may caption na, “Ganon talaga aatakihin tayo ng mga palamunin na trolls nayan haha.

 

 

“Ayaw nila magwagi ang katotohanan at kahit batang paslit idadamay waaaa pangit daw si Malia???? Haaa?? E, ano pa kaya itsura nila??? Bwahaha mga langib sa sugat ng bayan! O pang pelikula deba?? Magandang title.”

 

 

Reaction naman ng netizens sa basher:

 

 

“oi ang cute nga ‘no. that is the cutest girl! inggit si basher kasi never siyang magkaanak ng beautiful girl :-P”

 

“Yahoo. Sana nga totohanin para masampolan yang basher na yan. Nurse pa pala, di na nahiya.”

 

“Sana hindi na pumatol si pokie, derecho kaso na lang. May insults din sha binato, she is no different from the basher.”

 

“Yan, para mabawasan salbahe online.”

 

“Omg grabe talaga mga pinoy nowadays, keyboard warrior, mapanlait ng kapwa kala naman perfect ang pagmumukha at life. Sana nga magkita in court. Goodluck sayo teh.”

 

“Wag na patulan if alam mo naman na di pangit anak mo sayang oras mo, ang cute kaya ni Malia kaka good vibes.”

 

“Hindi pinalampas kahit bata jusko tong mga basher na ‘to.”

 

“No no no! Ang ganda ng anak ni Pokwang no! Even her eldest na pinay japanese so pretty.”

 

“Am sure yung basher ang panget, panget na ang histura, panget pa ang ugali! Go Pokie! sampulan mo ng mahimasmasan!”

 

“Ang cute nga ng anak nya. Nakakaloka nman yung basher.”

 

“Una sa anak ni melai, ngayon naman kay pokwang. No to negative campaigning daw eh ganyan sila tumira, pailalim. wow. Ngayon pag dumaan sa legal ang sumbong nila balik ang sisi sakanila? E kayo never lumaban ng patas. Kandidato nyo nga ang dami padin kaso.”

 

“Masampulan sana. May friend akong gyne, ayun troll ang galawan sa fb. Karesperespeto sana propesyon, pero wiiiit kahiya!”

 

Pero mukha namang nawala ang tapang ng basher dahil hindi na raw makita ang account na tiyak na ipahahanap ni Pokwang para masampulan.

 

Dahil nga sa pagiging open and vocal ni Pokwang sa pagsuporta sa kandidatura ni VP Leni Robredo bilang Pangulo, marami na nga ang nag-unfollow sa kanya at sinagot naman niya na hindi siya takot mawalan ng followers.

 

 

Sabi pa ni Pokwang na napapanood sa Mano Po Legacy: Her Big Boss, “Takot akong mawalan ng dangal at karapatan lumaban para sa bayan at para sa ‘king mga anak at magiging apo,”

 

 

“Bakit kapag kaming mga #Kakampink na artista nag post ng suporta kay #LeniKiko sa IG, FB at Twitter ang daming mga nag-mamaasim na suporter ng kabila?”

 

 

Samantala nag-post din ng pasasalamat si Pokwang kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.

 

 

Comment pa ng komedyana na may cooking show sa BuKo Channel na Kusina ni Mamang, “Queen @PiaWurtzbach is Kakampink!! thank you tunay kang maganda at may puso para sa bayan at hindi pang sarili lamang.”

 

 

Bukas naman magaganap ang CEBOOM! Cebu Grand People Rally 2.0 na kung saan isa si Pokwang sa guest artist, caption niya sa IG post, “See you my favorite CEBU!!!! #ubantanglenikiko April 21 2022 2PM.

 

 

“Open lot across Parkmall Mandaue #lenikiko2022 #lenikikoalltheway.”

 

 

Tiyak na aabangan kung gaano karami ang pupunta sa rally at sa ika-ilang puwesto papasok naman sa “OlymPinks”.

(ROHN ROMULO)

Delivery boy kinuyog, sinaksak ng 3 magkakapatid sa Malabon

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 38-anyos na water delivery boy ang sugatan matapos pagtulungan kuyugin at saksakin ng tatlong magkakapatid na kapitbahay niya sa Malabon City, kamakalawa ng madaling araw.

 

 

Ginagamot sa Tondo Medical Center sanhi ng tinamong saksak sa mukha at hiwa sa likod na bahagi ng leeg ang biktimang si Joel Parola alyas “Negro”, ng 300 Sitio 6, Brgy. Catmon.

 

 

Sa report nina PSSg Ernie Baroy at PSSg Mardelio Osting kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-12:30 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa 290 Sitio 6, Brgy. Catmon matapos akusahan ng mga suspek na sina Jhon Michael Nabelon, 22, Marlon Nabelon, 28 at Martin Nabelon, 29, pawang residente sa Sitio 6, ang biktima na nambato sa kanilang bahay.

 

 

Lumabas ang biktima sa kanyang bahay upang itanggi ang akusasyon subalit, pinagtulungan siyang kuyugin ng mga suspek na armado ng basag na bote.

 

 

Matapos ang insidente, isinugod ang biktima ng kanyang kaanak sa nasabing pagamutan habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Sub Station 4 si Jhon Michael at narekober ang ginamit na basag na bote.

 

 

Patuloy naman ang follow-up operation ng pulisya laban sa dalawa pang nakatakas na mga suspek. (Richard Mesa)

Davao Archbishop Romulo Valles, muling itinalaga ni Pope Francis bilang miyembro ng Vatican office

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING itinalaga ni Pope Francis si Davao Archbishop Romulo Valles bilang miyembro ng Congregation for Divine Worship and the Discipline of the Sacraments (CDW) ng Vatican.

 

 

Dahil dito ay nakatakdang magpatuloy pa rin ang arsobispo sa kanyang pagsisilbi sa loob ng limang taon.

 

 

Sa inilabas na statement ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), natanggap daw ng dating CBCP president ang kanyang reappointment noong Marso 29 na isinapubliiko lamang ng archdiocese noong Abril 18.

 

 

Sinabi nito na ang muling pagtatalaga ay ipinarating ng Secretariat of State ng Vatican kay Archbishop Arthur Roche noong Marso 18.

 

 

Kung maaalala, Oktubre 2016 nang italaga ni Pope Francis si Valles at 26 pang mga bishops bilang miyembro ng CDW.

 

 

Bukod dito ay nagsilbi rin bilang chairman ng CBCP Episcopal Commission on Liturgy mula 2001 hanggang 2009 si Valles.

Reyes suportado si Leni Robredo bilang pangulo

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAKUHA  ng suporta si Vice President Leni Robredo sa isa pang coach ng Philippine Basketball Association sa katauhan ni Gilas Pilipinas mentor at five-time PBA Coach of the Year Chot Reyes.

 

 

Kilala sa paggamit ng terminong “Puso” sa kampanya ng national team sa iba’t ibang international tournament, iginiit ni Reyes sa isang pahayag na ang dapat na susunod na pa­ngulo ay may puso para sa bansa at taumbayan gaya ni Robredo.

 

 

Si Reyes ang ikalawang PBA coach na nagpahayag ng suporta kay Robredo, kasunod ni NLEX mentor at dating Pampanga congressman Yeng Guiao.

 

 

“Puso ay ang pagmamahal sa bayan na nakikita sa mga gawaing nakakaangat ng buhay ng ating mga kababayan,” wika ni Reyes, na nagsabing patuloy ang Bise Presidente sa pagtugon sa mga problema ng bansa sa kabila ng mga hamon.

 

 

“Puso means not giving up no matter the odds are. Pabagsakin, at pilit mang siniraan, nagpatuloy pa rin sa pagtugon sa mga suliranin ng bansa. Mapa bagyo, lindol, sakuna, pandemic, anuman ang problema, nariyan siya, agad ang pagtulong,” dugtong pa niya.

 

 

Dahil sa malinis na track record ni Robredo, sinabi pa ni Reyes na nakatitiyak ang mga Pilipino ng mahusay, malinis at tapat na pamumuno sa ilalim ng isang lider na palaging handang maglingkod.

 

 

Ayon kay Reyes, buong pagmamalaki niyang kakatawanin ang bansa sa mga torneo kapag nanalo si Robredo bilang pangulo sa halalan sa Mayo.

 

 

“Ako si Chot Reyes, buong pusong lalaban at tataya para kay Leni Robredo,” pagtatapos ni Reyes.

Ikalawang yugto ng digmaan sa Ukraine, nagsimula na

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INIHAYAG  ni Ukraine Office of the President head Andriy Yermak na nagsimula na sa rehiyon ng Donbas ang “ikalawang yugto ng digmaan”.

 

 

Sa nasabing aktibidad, mas pinalakas pa ng Russia ang kanilang opensiba.

 

 

Ngunit, hinimok ni Yermak ang mamamayan ng Ukraine na magtiwala sa kanilang Armed Forces.

 

 

Nauna nang sinabi ng mga opisyal ng Ukrainian na ang pambobomba ng Russia sa ilang lungsod ng buong bansa ay pumatay ng hindi bababa sa 17 katao.

 

 

Napag-alaman na nagka-interes si Russian President Vladimir Putin na sakupin ang Donbas dahil dito matatagpuan ang Ukraine’s old coal at steel-producing area.

 

 

Inaasahan din ng Nato na susubukan ng mga pwersang Ruso na lumikha ng isang land bridge, na tumatakbo sa kahabaan ng timog baybayin sa kanluran ng Donetsk hanggang Crimea.

DOT sa mga awtoridad, tugunan ang “excess tourist arrivals” sa Boracay

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPASAKLOLO na ang Department of Tourism (DOT) sa government authorities matapos na mabigo ang Boracay local government na kontrolin ang bilang ng mga turista.

 

 

Lumampas na kasi ang bilang sa kapasidad na dapat lamang sa itinakda sa Boracay sa panahon ng Semana Santa.

 

 

Sa isang kalatas, sinabi ng DOT na ipinagbigay-alam nito kapuwa sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang nasabing paglabag ng lokal na pamahalaan ng Boracay.

 

 

“We continue our coordination with them, especially the DILG which has jurisdiction over the LGU (local government unit), to address this concern and prevent similar incidents from happening in the future,” ayon sa DOT.

 

 

Sinasabing, ang bilang ng mga turista na dumating sa Boracay ay umabot sa 21,252 noong Abril 14 at 22,519 naman noong Abril 15— lagpas-lagpas sa 19,215 carrying capacity ng Boracay.

 

 

Hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon ang lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan—may hurisdiksyon sa Boracay ukol sa naturang alegasyon.

 

 

Ang lalawigan ng Aklan ay nananatiling nasa ilalim ng Alert Level 1 dahil sa Covid-19 pandemic. (Daris Jose)

PNP susuriin ang alegasyon na ‘election sabotage’

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUSURIIN umano ng Philippine National Police (PNP) ang mga umano’y ulat na sasabotahe sa pagsasagawa ng halalan sa Mayo 9 gaya ng iginiit ng apat na kandidato sa pagkapangulo.

 

 

Sinabi ni PNP chief General Dionardo Carlos na wala pa silang na-encounter na ganoong ulat sa ngayon, ngunit nangakong kukunin ang mga detalye mula kay Senator Panfilo Lacson, isa sa mga kandidato sa pagkapangulo na nagpahayag ng diumano’y pakana.

 

 

Magugunitang si Lacson kasama ang mga kapwa mga kandidato sa pagka-presidente na si Manila Mayor Isko Moreno at dating National Security Adviser Norberto Gonzales ay nagbabala sa posibleng pagtatangka na gagawing i-destabilize ang halalan sa Mayo 9 sa ginanap na joint press conference nitong nakalipas na Linggo.

 

 

Gayunman, inamin ni Lacson na hindi pa nila na-validate ang mga ulat.

 

 

Sa magkasanib na pahayag na nilagdaan ng tatlong kandidato at isa pang presidential bet na si Senator Manny Pacquiao, nangako sila na “lalabanan ang anumang pagtatangka na sirain ang tunay na kalooban ng mga tao sa pamamagitan ng preemptive maneuvers o kung hindi man ay limitahan ang kanilang mga pagpipilian.” (DARIS JOSE)

DOTr lumagda sa kontrata para sa pagbili ng 304 railway train cars ng NSCR project

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUMAGDA  sa isang kontrata ang Department of Transportation (DOTr) upang bumili ng 304 railway train cars na gagamitin sa North-South Commuter Railway (NSCR) project.

 

 

Ayon sa DOTr, ang NSCR project ay malayo na ang narating para sa development nito dahil nauna ng kumuha ang ahensya ng eight-car Electric Multiple Unit na gagamitin naman sa PNR Clark Phase 1 mula Tutuban hanggang Malolos kasama na ang paglagda sa kontrata ng 304 railway train cars.

 

 

Ang nasabing eight-car train set naman ay may habang 160 meters at may operational speed na 120 kph kung kayat ito ay inaasahang makapagsasakay ng 2,229 na pasahero kada train set.

 

 

“To the Philippines and Filipino people, now you see the project – pray that it is completed, be happy that it has started, and I tell you, President Duterte and his Build, Build, Build team will go all the way to make sure that the projects are completed for the comfort and convenience of the people,” wika ni DOTr Secretary Arthur Tugade.

 

 

Dagdag pa ni Tugade na dahil ang proyekto ay pinayagan ng gawin at may pondo ng nakalaan habang ang kontrata naman ay nagawa na kung saan ang pagtatayo at deliveries ay patuloy ng ginagawa, kung kayat hindi lamang on track ang proyekto kung hindi ito ay “full steam ahead” upang maging totoo ang pangako ni President Duterte na kanyang ibibigay ang isang “Golden Age of Infrastructure” para sa mga magandang buhay ng mga Filipino.

 

 

Ang NSCR ay may tatlong (3) bahagi:  PNR Clark Phase 1 na mula sa Tutuban hanggang Malolos sa Bulacan at may habang 38 kilometro. Ang travel time ay mababawasan mula sa dating isang (3) oras at 30 minuto kung saan magiging 30 minuto na lamang ito.

 

 

Samantalang ang PNR Clark Phase 2 ay magmumula sa Malolos, Bulacan papuntang Clark sa Pampanga kung saan ang travel time ay makukuha lamang ng mula 30 hanggang 35 minuto na lamang. Magkakaron rin ito ng kauna-unahang Airport Railway Express Service na magdudugtong sa Makati City at Clark International Airport (CIA). Magiging 55 minuto na lamang ang travel time sa bahaging ito mula sa dating dalawa (3) hanggang tatlong (3) oras ng paglalakbay.

 

 

Ang ikatlong (3) bahagi ay ang PNR Calamba na may habang 56 na kilometro kung saan ang train ay magmumula sa Solis Street sa Tondo, Manila papuntang Calamba sa Laguna. Tinatayang ang travel time ay magiging isang (1) oras na lamang mula sa dating apat (4) na oras.

 

 

Nagkakahalaga ng P777.55 billion ang kabuohang proyekto. Itatayo ang NSCR na may habang 147 kilometer sa double-track fully elevated railway system na siyang magdudugtong sa Region III (Central Luzon), National Capital Region (NCR), at Region IV-A (CALABARZON). Magkakaron din ito ng seamless transfer stations mula sa LRT 1, LRT 2, at MRT 3 kasama rin ang gagawing Metro Manila Subway.

 

 

Babagtas ito sa 28 lungsod at bayan sa rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila at CALABARZON at magkakaron ng 37 na estasyon. Inaasahang milyon na pasahero ang makakasakay dito. LASACMAR

China, nag-donate ng $200,000 sa Agaton relief operations

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAG-DONATE ang China ng $200,000, o P10.2 million, sa Pilipinas bilang suporta sa Tropical Storm Agaton relief operations ng bansa.

 

 

“Our hearts go out to all the Filipino families who were devastated by TropicalSstorm Agaton,” ayon kay Ambassador Huang Xilian sa Facebook.

 

 

“Chinese President Xi Jinping, State Councilor and Foreign Minister Wang Yi sent respectively messages of sympathy and solidarity to President [Rodrigo] Duterte and Foreign Secretary [Teodoro] Locsin today,” anito.

 

 

Idinagdag pa ng envoy na umaasa ang Chinese government na makakayanan ng mga apektadong pamilya na malampasan ang paghihirap at muling maitayo ang kanilang tirahan sa lalong madaling panahon.

 

 

Nauna rito, iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nananatiling pumalo sa 172 “as of Monday morning” ang namatay dahil kay “Agaton”.

 

 

Sinasabing 156 ang namatay mula sa Eastern Visayas, 11 mula sa Western Visayas, tatlo mula sa Davao, at dalawa mula sa Central Visayas.

 

 

Nananatili naman sa 110 ang bilang ng mga nawawalang indibidwal.

 

 

Samantala, tiniyak naman ng mga awtoridad na nagpapatuloy ang search and rescue operations kasabay nang pagpapahayag na umaasa sila na mas maraming survivors ang maililigtas. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

‘House-to-house’ na kampanya ng Robredo volunteers, tunay na mukha ng pagkakaisa

Posted on: April 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ANG  “house-to-house/person-to-person” na pa­ngangampanya ng mga taga-suporta ng tamba­lang Robredo-Pangilinan ay ang “tunay na mukha ng pagkakaisa,” ayon kay dating senador Antonio Trillanes.

 

 

Aniya, ang umaarangkadang “Pink movement” ay lalong pinatindi ng libu-libong taga-suporta mula sa iba’t ibang antas ng lipunan na boluntaryong lumabas sa kalsada at pumunta sa mga komunidad.

 

 

“Ano pa ang mas inspi­ring na larawan kaysa sa mga tao na may iba’t ibang social background pero sabay-sabay nagbabahay-bahay at ‘di alintana ang init at ulan para ikampanya lamang si VP Leni?” ani ni Trillanes, na tumatakbo sa pagka-senador.

 

 

Ayon kay Trillanes ang “class divisions” ay natunaw sa lakas ng mensahe ni Robredo ng “love and unity.”

 

 

Sinabi niya na ito ay patunay ng abilidad ni Robredo na ilabas ang pinakamabuti at pinakamagaling sa mga Filipino.

 

 

Aniya, ang mga taga-kampanya ni Robredo sa ibaba ay may kanais-nais na “aura” at may masa­yang disposisyon.

 

 

Aniya, isang patunay sa inspirasyon na bigay ni Robredo ang mga artista at singer na gumagawa ng mga libreng kon­syerto. Ito ay hamon, ayon kay Trillanes, para sa mabu­buting “influencers” na lumabas sa kanilang “comfort zones.”

 

 

“Hindi nga pumupunta sa grocery, pero para kay VP Leni, tinatagos mga palengke,” dagdag niya. (Daris Jose)