IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa mga botanteng filipino ang pagpili ng napupusuan ng mga ito party-list group in the May 2022 polls.
“The public has the freedom to choose and elect leaders whom they believe will serve national interest and public welfare,” ayon kay acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar.
Inulit lamang ni Andanar ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Roa Roa Duterte na ang progresibong party-list groups ay umaakto bilang “legal fronts” ng Communist Party of the Philippines (CPP).
“It is common knowledge that some organizations or individuals allied with communist groups have long wanted to enter the government through party-list groups or by supporting certain candidates,” ang pahayag pa rin ni Andanar.
Sa kabila nito, naniniwala naman si Andanar na ang mga botante ay may karapatan na maghalal ng gusto nilang kandidato at party-lists.
“While their intentions may be suspect, we leave it to the citizenry to decide on this matter,” dagdag na pahayag ni Andanar.
Ang Republic Act No. 7941 o Party-List System Act ay naglalayong “provides for the election of party-list representatives.”
Sa ilalim ng batas, ang party-lists ay tumutukoy sa “Filipino citizens belonging to the marginalized and underrepresented sectors, organizations and parties.”
Gayunman, ang naging kautusan ng Korte Suprema noong 2013 ay “that non-members of marginalized sectors may run as nominees of party-list groups.”
Ang kabuuang bilang ng party-list representatives ay kailangan na manatili sa 20% ng kabuuang “number of seats” sa Kongreso gaya ng nakasaad sa 1987 Constitution.
Hindi maiwasan ni Pangulong Duterte na mag-alala sa natatanggap nilang intelligence reports tungkol sa diumano’y posibleng alyansa sa pagitan ng mga miyembro ng oposisyon at mga komunistang rebelde sa darating na halalan.
Sinabi ni Duterte na kinakatakot niya ang kampihan sa pagitan ng ‘dilawan’ at mga ‘komunista’ na itinuturing na ngayong teroristang grupo.
“What I really am afraid of is the report of the intelligence community…There’s a parang grouping of the communists, itong mga dilawan, pati itong mga — may isa pa, mga… Well, of course itong komunista is already a terrorist organization,” ani Duterte.
“So mga dilawan, that’s a… I forgot the other one. Iyan ang ano namin, diyan ang ano ng gobyerno. They are watching for that kind of situation,” dagdag pa niya.
Dahil daw sa posibleng kampihan na ito ay maari daw gumamit ng dahas ang mga komunista upang makontrol ang eleksyon.
“They might be… Iyon ang sinabi ko na puwedeng manggulo kasi they have these working relations now with — with the dilawan and the election is the objective really,” sabi pa ng Pangulo.
‘Dilawan’ ang tawag sa mga miyembro ng oposisyon noon dahil sa kulay dilaw ang kanilang suot
Ngunit sa ngayon ay tila lumipat na ang ilang ‘dilawan’ sa kulay pink na ginagamit ngayon ni presidential candidate Leni Robredo.
Matatandaan na inilahad ni Cavite 7th District Boying Remulla na may ilang miyembro ng CPP-NPA-NDF na sumasama sa mga campaign rallies ni Robredo.
Ito rin ang ikinakabahala ni presidential candidate at Sen. Ping Lacson na nakatanggap din diumano ng kaparehong impormasyon mula sa kanyang mga sources. (Daris Jose)