MAGSASANIB-PUWERSA ang Department of Transportation (DOTr) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na paigtingin ang security measures sa lahat ng lansangan at public transportation kapag bumoto na ang mga Filipino sa darating na Lunes, Mayo 9, araw ng halalan sa bansa.
Inanunsyo ng DOTr ang muling pagbuhay sa “Oplan Byaheng Ayos: Implementation of Heightened Alert Status sa panahon ng National at Local Elections 2022” upang matiyak ang “health, safety, security, reliability, and comfort” ng mga pasahero sa araw ng eleksyon.
“With “Oplan Biyaheng Ayos”, all DOTr units guarantee the riding public safe, reliable, and comfortable transportation, whether by land, sea, or air, as they proceed to their respective towns, cities, or provinces to cast their votes on Monday,” ang pinost ng DOTr sa social media.
Ang DOTr sectoral offices at attached agencies ay “24/7 coordination, monitoring, and real-time reporting of activities and incidents” mula Huwebes, Mayo 5 hanggang araw ng Martes, Mayo 10.
“Desks, booths, counters, and centers serving passengers shall also be properly manned during operating hours to prevent long queues,” ayon sa DOTr.
Ang mga advisories at iba pang informational materials ay ipo-post naman sa iba’t ibang transport hubs upang ipabatid sa publiko ang iskedyul ng iba’t ibang “modes of transport, safety, and security precautions.”
“The task force also required the dissemination of safety tips, common types of violations, and safety/security regulations at airports, seaports, and other transportation hubs,” ayon sa DOTr.
Ang programa ay naging epektibo sa pamamagitan ng memorandum na nilagdaan ni DOTr Assistant Secretary for Maritime at Officer-in-Charge for Special Concerns, Vice Admiral Narciso Vingson Jr., na nagbigay direktiba sa lahat ng “sectoral offices and attached agencies” ng DOTr na maging heightened alert.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni MMDA Chair Romando Artes na may 90 personnel ang ide-deploy mula Mayo 8 hanggang 21 upang bantayan ang trapiko sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City, kung saan ang National Board of Canvassers (NBOC) ay magsasagawa ng pagka-canvass ng mga boto para sa national posts.
“Traffic congestion in the area is expected as it will coincide with some graduation rites at PICC Plenary Hall. Hence, we will deploy personnel to ensure the smooth flow of traffic,” ayon kay Artes.
Makikipagtulungan naman ang MMDA sa Commission on Elections, Southern Police District, Armed Forces of the Philippines, Bureau of Fire Protection, at Pasay local government para sa “other administrative and operational activities in the area”.
Isasara naman sa mga behikulo o sasakyan ang Magdalena Jalandoni Street sa loob ng PICC Complex mula Gil Puyat Avenue papuntang Vicente Sotto Street sa kahalintulad na petsa.
Ang mga traffic road signages ay ilalagay ng MMDA Traffic Engineering Center sa northbound portions ng Macapagal at Diokno Boulevards para gabayan ang mga motorista.
Pinayuhan naman ni Artes ang mga motorista na gamitin ang alternate routes at umiwas sa mga apektadong lugar.
Upang matiyak ang availability ng transport options sa panahon ng halalan, sinuspinde ng MMDA ang modified unified vehicular volume reduction program, o mas kilala bilang number coding, sa araw ng Lunes.
Ang lahat ng mga behikulo kabilang na iyong may plate numbers na nagtatapos sa 1 at 2, ay papayagan na makadaan sa mga pangunahing lansangan ng Kalakhang Maynila sa panahon ng coding hours na alas-5 ng hapon hanggang alas-8 ng gabi. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)