TULUY-TULOY ang ginawang konstruksyon sa Metro Manila Subway project kung saan ang Department of Transportation (DOTr) ay lumagda sa isang “right-of-way usage agreement” sa apat (4) na malalaking kumpanya para sa pagtatayo ng dalawang (2) estasyon nito.
“We inked right-of-way usage agreement with Megaworld Corp., Robinsons Land Corp., Ortigas & Co. Ltd Parnership and Blemp Commercials of the Philippines Inc. upang maging mabilis ang konstruksyon ng Japan-funded Metro Manila Subway Project,” wika ng DOTr.
Pumayag ang mga nasabing kumpanya na gamitin ang kanilang lupa para sa subway project ng walang bayad ang pamahalaan.
Ang Megaworld ay magbibigay ng 8,200 square-meter property para sa permanenting structure ng Kalayaan at Lawton na estasyon at may karagdagan pa na 14,400 square-meter na lupa para sa temporary facilities habang may konstruksyon.
Samantalang ang Robinsons Land ay magbibigay din ng 1,700 square-meter property para naman sa pagtatayo ng estasyon sa Tandang Sora.
Habang ang Ortigas & Co.ay maglalaan naman ng 5,200 square-meter lot sa Shaw Boulevard at mula naman sa Blemp Commercials ang 6,700 square-meter na lupa para sa pagtatayo ng estasyon sa Ortigas.
“Filipino taxpayers will save approximately P7.5 billion for not having to purchase 21,800 square meter of land for permanent stations and structures and will further save P770 million per year for up to five years for not having to lease 26,900 square meters of land for temporary facilities during construction,” saad ni DOTr undersecretary Timothy Batan.
Nag award din ang DOTr Contract Package 104 para sa Metro Manila Subway Project sa Megawide Construction Corp. at ang joint venture partners nitong Japan, Tokyu Construction and Tobishima Corp.
Sa nasabing kontrata, ang kasama ay ang pagtatayo ng underground na mga estasyon sa Ortigas North at South at ang connecting tunnels sa mga nasabing lokasyon.
“Megawide and our partners Tokyu and Tobishima represent expertise, innovation and commitment in our respective fields and nations, which we believe will be critical to the success of this pioneering venture,” sabi naman ni Megawide chairman at chief CEO Edgar Saavedra.
Ang partial na operasyon ng Metro Manila Subway ay targeted sa darating na 2025. Ang nasabing proyekto ay binigyan ng pondo ng Japanese government na nagkakahalaga ng P488 billion. Ito ay magsisimula sa lungsod ng Valenzuela hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa lungsod ng Pasay.
Kung ito ay operasyonal na, ang travel time ay mababawasan mula sa lungsod ng Quezon papuntang NAIA kung saan ito ay magiging 35 minuto na lamang mula sa dating 1 oras at 10 minuto. Makapagsasakay ang Metro Manila Subway ng 370,000 na pasahero kada araw sa unang taon ng operasyon nito. LASACMAR