• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 10th, 2022

Pinas may silver na

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TUMIYAK ng silver me­dal ang Philippine national beach handball team matapos magposte ng 3-1 record sa 31st Southeast Asian Games kahapon sa Tuan Chau Island sa Quang Ninh Province, Vietnam.

 

 

Muling tinalo ng mga Pinoy bets ang Thailand, 2-1, sa ikalawa nilang pagtutuos matapos kunin ang 2-0 panalo noong Biyernes.

 

 

Ang Thailand ang ku­muha ng silver medal no­ong 2019 Manila edition na pinagharian ng Vietnam habang bronze ang nakamit ng Pinas.

 

 

“Di man kami nakaboto, naipanalo po namin ang laban ngayong araw kontra Thailand,” sabi ni national coach Jana Franquelli. “Sigurado na po tayo sa Silver Medal. Para sa bansa natin ang panalong ito. Maraming salamat sa inyong suporta! Mabuhay ang Pilipinas!”

 

 

Kung kumbinsidong tatalunin ang 2019 SEA Games gold medalist na Vietnam (4-0) ngayong alas-6 ng gabi ay ganap nang masisikwat ng mga Pinoy ang gintong medalya.

 

 

Nauna nang yumukod ang Nationals sa mga Vietnamese, 0-2, noong Sabado.

 

 

Ang top three teams matapos ang double-round robin ang magiging mga podium finishers.

 

 

Ang mga miyembro ng national team ay sina Daryoush Zandi, Dhane Miguelle Varela, Josef Maximillan Valdez, Rey Joshua Tabuzo, John Michael Pasco, Jamael Pangandaman, Manuel Lasangue, Jr., Andrew Michael Harris, Mark Vincent Dubouzet at Van Jacob Baccay.

 

 

Biniktima rin ng tropa ang Singapore, 2-0, noong Linggo.

Huwag agad maniwala sa ‘fake news’ – Comelec

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MULING  nagbabala ang Commission on Elections (Comelec) sa publiko na huwag agad-agad maniniwala sa mga kumakalat na ‘fake news’ lalo na sa social media.

 

 

Kasunod ito nang pagkalat umano ng mga video na may ilang mga guro mula sa Sultan Kudarat ang nilalagyan na ng shade ang mga balota kahit na ipinagbabawal ito sa batas.

 

 

Ayon kay Garcia, sa ngayon ay wala pa silang natatanggap na pormal na ulat hinggil sa mga nasabing masamang gawain.

 

 

Bagama’t may ilang video at larawan nga na kumakalat hinggil dito ay sinabi ng commissioner na kinakailangan muna itong sumailalim sa verification ng komisyon.

 

 

Aniya, mas mabuti kung sa pagboto na lamang itutuon ng mga botante ang kanilang pansin sa halip na magpaniwala pa ang mga ito sa mga kumakalat na fake news.

 

 

Samantala, tiniyak naman ni Comelec Commissioner Rey Bulay sa publiko na mahigpit na babantayan ng komisyon ang magiging resulta ng halalan ngayong taon.

Canelo Alvarez humirit ng rematch kay Dmitry Bivol

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMIRIT  agad ng rematch si Mexican boxer Canelo Alvarez matapos na talunin siya ni Dmitry Bivol ng Russia.

 

 

Nakuha kasi ni Bivol ang unanimous decision sa kanilang light heavyweight title figh ni Alvarez na ginanap sa Las Vegas.

 

 

Sa simula ng laban ay determinado ang 31-anyos na Russian boxer na manalo sa mas matangkad na apat na pulgadang si Alvarez.

 

 

Ito na ang pangalawang pagkatalo ni Alvarez na ang una ay noong 2013 ng talunin siya ni Floyd Mayweather.

 

 

Dahil sa panalo ay napalawig ni Bivol ang 20-0 record niya na mayroong 11 knockouts habang si Alvarez ay mayroong 57 panalo, dalawang talo, dalawang draw at 39 KO.

 

 

Labis naman ang kasiyahan ni Bivol dahil sa tinalo niya ang isang boxing champion kung saan malaki ang respeto nito sa kaniya.

 

 

Si Alvarez ay kasalukuyang super middleweight champion at umakyat sa light heavyweight.

Mga Pinoy, ‘sick and tired’ na sa pagkahati-hati- analyst

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAPANATILI ni Presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang malaking kalamangan sa presidential race polls dahil sa kanyang “simpleng” nilalayon na itindig ang pagkakaisa.

 

 

Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Dr. Froilan Calilung, nagtuturo ng political science sa University of Santo Tomas (UST), na mas pinalalim ng halalan ngayon taon ang pagkakahati-hati ng bansa.

 

 

“Right now, our countrymen are sick and tired already of the divisiveness that has played Philippine politics for a very, very long time already. In the midst of this, pumasok naman ‘yung mensahe nung kabilang kampo na pagkakaisa ,” ani Calilung.

 

 

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Calilung na bagama’t nabigo ang tinatawag na motherhood statements na i-spell out ang malinaw na plataporma ni Marcos, madali namang nahikayat ang mga Filipino ng motherhood statements na tumutukoy sa “unification” dahil madali aniya itong intindihin.

 

 

“Maaaring hindi nga po klaro sa atin ano ba talaga ‘yung mga plataporma, agenda ng ating frontrunner pero napakadali ho kasing intindihin yung konsepto ng unity. Very plain, very simple kaya maaring ito yung dahilan kaya sila ay talagang nahikayat ,” dagdag na pahayag ni Calilung.

 

 

Ang desisyon aniya ni Marcos na huwag dumalo sa mga debate at tumanggi na masangkot sa mga negative campaigning ay “a really good decision” dahil ang mga Filipino aniya ay palaging tumitingin at pumapanig sa “underdog.”

 

 

“Dito nga pinapakita ni BBM na instead na sumagot, instead na makipagsabyan sa mga alegasyon, they just chose to be focused on their own campaign, mobilize resources,” aniya pa rin.

 

 

Sinabi pa niya na ang mga Filipino, sa pangkalahatan ay posibleng hindi kuntento sa mga nangyari matapos ang Edsa regime.

 

 

“Maaaring hindi na nagustuhan ‘yung mga nangyari after EDSA. So they’re actually looking for something else, something different,” aniya pa rin.

 

 

Sa kabilang dako, ang kampanya naman ni Vice President Leni Robredo ay “did not resonate well with the public” dahil sa deklarasyon nito na huwag pabalikin si Marcos.

 

 

“Maliwanag from the get-go yung kampanya ni Vice President Robredo medyo nandoon po siya talaga sa pagbato sa kung anu-anong alegasyon sa personality, sa pamilya, sa political background ng ating frontrunner, si BBM,” aniya pa rin.

 

 

Naniniwala si Calilung na malaki sana ang magiging laban pa ni Robredo para pataubin si Marcos kung mas napaaga ang pag-endorso sa kanya ng iba’t ibang sektor.

 

 

“They showed ‘yung kanilang puwersa mga bandang Marso na. I think if it could have come in a bit earlier, I think mas nakatulong talaga doon sa kampanya,” aniya pa rin.

 

 

Habang kahanga-hanga ang ginawang house-to-house campaign ni Marcos, masasabing huli na itong nagawa.

 

 

“Ang naging tingin nga dito ng marami sa ating mga kababayan is a move of desperation na lang nga e,” ani Calilung.

 

 

Maging anuman ang resulta ng eleksyon, ang “movement of volunteerism” ni Robrero ay patunay na siya ay nananatiling “most powerful opposition figure” ng bansa.

 

 

“Nung patapos ang 2016 kasi, hindi natin nakita kung sino ba talaga yung ulo ng opposition, hindi naging maliwanag. Pero, By the end of 2016, we could not identify who headed the opposition, it was not clear. But right now it could gravitate talaga within or around the persona of the Vice President and we could mobilize this force,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Pasasalamat ni Marcos Jr., hindi na makapaghintay

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos Jr., Lunes ng gabi, Mayo 9, na hindi na makapaghintay ang kanyang pasasalamat sa taumbayan sa kabila ng batid niyang hindi pa kumpleto ang bilangan ng boto.

 

 

Nagbigay ng kanyang pahayag si Marcos matapos na patuloy siyang manguna sa partial at unofficial tallies ng Commission on Elections transparency server.

 

 

Hinikayat din ni Marcos ang mga Filipino na manatiling bigilante sa pagbabantay ng kanilang boto.

 

 

“Ngunit kahit hindi pa tapos nga ang pagbibilang, hindi makapaghintay ang aking pasasalamat sa inyong lahat, ang aking pasasalamat sa lahat ng tumulong, sa lahat ng sumapi sa aming ipinaglaban,” ayon kay Marcos.

 

 

“Any endeavor as large as this, does not involve one person. It involves very very many people, working in very very many different ways,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Pinasalamatan din ni Marcos ang maraming grupo, volunteers, at political leaders na tumulong sa kanyang kandidatura.

 

 

Aniya, ang mga indibiduwal at grupong ito ay naniniwala sa kanilang “message of unity”, centerpiece ng kampanya ng BBM-Sara UniTeam.

 

 

“I want to thank you for all that you have done for us, there are thousands of you out there, volunteers, parallel groups, political leaders that have, that cast their lot with us, because of their belief in our message of unity,” ayon kay Marcos.

 

 

Samantala, “As of 6:41a.m.” , araw ng Martes, Mayo 10, pumalo na sa 30,303,899 ang botong nakuha ni Marcos habang ang kanyang closest rival Vice President Leni Robredo had 14,431, 591.

 

 

Sa vice presidential race, ang running mate ni Marcos na si Sara Duterte ay mayroong 30,629,541 habang si Senator Francis Pangilinan ay 8,993,072. (Daris Jose)

Eleksiyon 2022, mapayapa sa pangkalahatan

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGING mapayapa sa pangkalahatan ang pagdaraos ng 2022 national and local elections (NLE) sa bansa.

 

 

Ayon kay Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, ‘gene­rally peaceful’ ang kanilang assessment sa May poll situation, sa simula pa lang ng election period noong Enero 9 hanggang aktuwal na araw ng halalan kahapon, dahil kakaunti lang ang napaulat na ‘election-related incidents’.

 

 

“Siguro if I’m not mistaken more or less mga 16 incidents lang ano ‘yung election related incidents. If you will compare this with previous elections, mababang-mababa ito and hopefully ay matapos ‘yung eleksyon ngayong araw (Mayo 9), wala na sanang mga violence na magaganap,” sabi ni Año, sa isang panayam.

 

 

Kabilang sa mga insidente ng karahasan na kanilang natanggap ay ang naganap sa Buluan, Maguindanao, kung saan isang miyembro ng Barangay Peace Action Keeping Team (BPAT) ang patay habang sugatan ang kasamahan nito nang pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa kasagsagan ng araw ng halalan.

 

 

Samantala, sa Surigao del Norte, nahuli aniya ng lokal na pulisya ang may 12 armadong lalaki na pinaniniwalaang taga-suporta ng isang kandidato.

 

 

Nilinaw din niya na hindi maaaring basta-basta papasok sa mga polling precinct ang mga unipormadong tauhan hangga’t hindi nagre-request ang Comelec para sa kanilang interbensyon.

 

 

Tiniyak ng DILG chief na magsasampa ang Philippine National Police (PNP) ng mga kasong kriminal sa Comelec at naghahain din ng mga kaso ng disqualification laban sa mga political bet na gumawa ng mga paglabag na may kaugnayan sa halalan.

 

 

Magpapatuloy pa rin aniya ang mga kasong isinampa laban sa mga rogue political bets sa May 2022 polls kahit pagkatapos ng national at local elections. (Daris Jose)

Ads May 10, 2022

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Possible paralysis kung ‘di naagapan ng doktor… KC, nakaranas ng matinding ‘neurological effect’ dahil sa COVID-19

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA Instagram Story ni KC Concepion noong Friday, May 6, ibinahagi na nakaranas siya ng matinding neurological effect dahil sa pagkakaroon ng COVID-19.

 

 

Kaya naman ganun na lang pasasalamat sa kanyang doktor dahil naagapan ang kanyang sakit.

 

 

“I have my dearest doctor, the brilliant Dr. Albert Recio @harvardhopkinsmd to thank, for acting urgently, and arresting a possible paralysis the other day due to a neurological effect covid had on me,” panimula ni KC.

 

 

“What I thought was a mild bout turned into something much more serious overnight. I felt a change in my my motor skills and also knew it was hitting my brain. it’s like nothing id ever experienced before.”

 

 

 

Say pa ng aktres, “Doc urgently prescribed me the exact meds i needed at exactly the right time- and by anticipating the progress of covid in my body, he put me on the road to recovery.

 

 

 

“It’s my 6th day today since first onset of symptoms and i am still weak but regaining strength slowly but surely! I am forever indebted to you doc for saving my life.”

 

 

 

Sa IG post pa ni KC, kasama ang isang selfie photo, nag-update ito tungkol sa  kanyang kalagayan.

 

 

“This is me. Unfiltered. I appreciate LIFE even more now… You don’t know how scared I was on Wednesday morning,” say ni KC.

 

 

 

“I couldn’t handle it without the meds… It’s 5 am and I am up to drink my morning dose, and will go back to sleep so I can get better… and get this movie finished!!!”

 

 

 

Nasa New York City nga si KC at tinatapos ang kanyang first international movie, kaya dagdag pa niya, “I have 3 more shooting days to go for Asian Persuasion and I need a negative swab test and 10 more days before I am allowed my SAG to work again.”

 

 

 

Panghuling message niya, “Stay SAFE everyone. This is not like the flu. It’s a whole different animal. I evaded it for 3 years!!! But just like that it got me. From an asymptomatic person who unknowingly passed it on.

 

 

 

“Try your best to live your healthiest lives. And let’s ENJOY WHAT LIFE HAS TO OFFER. MAHAL KO KAYO!”

 

 

Last Sunday, May 9, hindi naman nakalimutan ni KC na batiin ang mommy na si Megastar Sharon Cuneta, kasama ng isang throwback photo.

 

 

 

“Mama, happy Mother’s Day! Your voice is all I needed to jumpstart my recovery and win this battle against covid. You are the salt to my pepper, you spice up my life in ways no one else can. I loved you the moment you made me, and I will love you forever and ever. Enjoy your special day today @reallysharoncuneta ✨xoxo, Tutti.”

(ROHN ROMULO)

QC RTC Branch 223 pinayagan ng gumamit ang mga buses ng private terminals kahit anong oras

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG order ang binaba ng korte sa Quezon City na pinapayagan ang mga kumpanya ng mga buses na gumamit ng kanilang private terminals kahit na anong oras.

 

 

 

Ang Quezon City Regional Trial Court Branch 223 ang nagbigay ng order na pinapayagan ang mga provincial buses na magsakay ng mga pasahero sa private terminals kahit na anong oras.

 

 

 

“An order was released last April 27 by the Quezon City Regional Court Branch 223 that allows provincial buses to ferry passengers to private terminals any time” wika ni Alex Yague ng Nagkakaisang Samahan ng Nangangasiwa ng Panlalawigang Bus sa Pilipinas.

 

 

 

Dahil sa desiyon ng korte, ang mga buses ay hindi na kailangan na gumamit ng integrated terminals tulad ng PITX, NLET at Sta Rosa Integrated Terminal.

 

 

 

“The court affirmed Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases Resolution 164, which invalidates the previous order that provincial buses are required to use integrated terminals in areas under Alert Level 1,” dagdag ni Yague.

 

 

 

Ang nasabing desiyon ay magdudulot ng pagkabalam sa pinatutupad na window hour scheme ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

 

 

 

Sa window hour scheme ng MMDA, ang mga provincial buses ay maaaring gumamit ng kanilang private terminals mula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Kapag lumipas na ang window hour, ang mga provincial buses ay kinakailangan ng gumamit ng Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX), North Luzon Express Terminal (NLET) at Sta. Rosa Integrated Terminal.

 

 

 

Kung kaya’t ang mga pasaherong pupuntang mga probinsiya na hindi na window hours ay kinkailangan na sumakay muna sa mga city buses na papunta sa mga sinasabing terminals.

 

 

 

“Beyond the window hours, their origin and destination must be at the designated integrated terminal, where there are city buses that will ferry the passengers,” saad ng MMDA.

 

 

 

Umaasa si Yague na ang MMDA at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay nakatangap ng nasabing order upang kanilang ipatupad na. Hiningan ng kuminto ang LTFRB subalit wala pa itong sinasabi.

 

 

 

Noong nakaraang linggo, ang Department of Transportation (DOTr), LTFRB at MMDA ay nagkasundo na ipagpatuloy ang pagpapatupad ng window hour scheme na ayon sa kanila ay patuloy na hindi tinutupad ng mga provincial bus operators.

 

 

 

Nagbigay din noong nakaraang buwan ang LTFRB ng show-cause order sa mga provincial bus companies na hindi nagpadala ng mga fleets ng buses upang magsakay ng mga pasahero mula at palabas ng Metro Manila outside ng window hours na pinatutupad ng MMDA. LASACMAR 

Wala silang problema at nagrerespetuhan… DEREK, maayos ang co-parenting setup nila JOHN LLOYD for ELIAS

Posted on: May 10th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

A few hours after magsara ang mga voting precints noong election day last Monday, May 9, hindi nagtagal at nakapagpadala na ng mga unofficial election returns ng mga candidates ang GMA Network, na 24 hours non-stop na nag-cover ng “Election 2022.” 

 

 

Kaya nagkaroon ng chance ang mga anchors para maka-usap ang mga nananalong candidates. Unang na-interview, via zoom, si senatorial candidate, incumbent Sorsogon Governor Chiz Escudero.  Isa nga sa tanong kay Gov. Chiz, kung alam na ng wife niya, si Kapuso actress Heart Evangelista, na number 6 siya among the top-12 candidates?

 

 

        “Sabay nga kaming bumoto dito sa Sorsogon ni Heart and we are staying here now, kaya lamang hindi ko pa siya nakakausap, nagpapa-massage kasi siya,” natatawang sagot ni Gov. Chiz.      “Nagpapasalamat po ako sa lahat ng nagkaloob ng boto at pagtitiwala nila sa akin sa eleksyong ito.” Dagdag pa ni Gov. Chiz.

 

 

Siguradong ilalabas ni Heart sa kanyang vlog titled “Adulting With Chiz” ang magandang balitang ito na tiyak na makakabilang na sa 12 new senators ang husband niya sa susunod na tatlong taon, after ng proclamation nila sa June 30, 2022.

 

 

***

 

 

SA interview ng pilot episode ng “Updated with Nelson Canlas,” kinumusta ni Nelson si Derek Ramsay tungkol sa relasyon nito at ni John Lloyd Cruz, na ex-boyfriend ng wife niyang si Ellen Adarna at father ng anak nitong si Elias.

 

 

“All’s well and good,” sagot ni Derek.  “We communicate, we’ve had our man to man talk and he knows how much I respect him that he’s the father of Elias and I told him that myself.  Nakikita din daw naman niya how much I love Elias like he’s my own, so there’s respect there.  Wala kaming problema on that side.”

 

 

Maayos daw ang co-parenting setup nila for Elias, at nag-uusap sila ni John Lloyd kapag nagkikita sila, or kung sinusundo nito ang anak.  Lumalabas daw siya kapag sinundo si Elias or kung inihahatid nito ang anak, “we always greet back at one another.”

 

 

Nabanggit din ni Derek sa interview  na hindi pa pala nakikita o nakakausap ni Ellen ang former wife niya at mother ng anak na si Austin dahil sa ibang bansa ito nakatira.

 

 

***

 

 

AFTER ng first leg of taping nina Bea Alonzo at Alden Richards ng Philippine adaptation ng top-rating Korean drama na Start-Up, kasama sina Jeric Gonzales, Yasmien Kurdi at Ms. Gina Alajar, last Sunday, May 8, naka-taping break pala sila ngayon.          Kaya sinamantala ni Bea na mag-stay sa kanyang Beati Farm sa Iba, Zambales.

 

 

Magri-resume daw sila ng second leg ng taping next week, lock-in taping na, dahil somewhere in Pampanga na ang location nila, na tatagal ng two weeks, bago sila bumalik muli sa Metro Manila para tapusin ang iba pang eksena ng soap.

 

 

Very soon, mapapanood na sa GMA Telebabad ang Start-Up, directed by Jerry Sineneng and Dominic Zapata.

(NORA CALDERON)