• November 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for May 11th, 2022

Ads May 11, 2022

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PDu30, siniguro na matutupad ang itinatakda ng batas hinggil sa pormal na pagpapalit ng bagong liderato ng bansa sa June 30

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINIGURO ni Pangulong Rodrigo Duterte na pormal na makakaupo ang idedeklarang susunod na Pangulo ng Republika sa Hunyo a- trenta.

 

 

Sinabi ng Punong Ehekutibo,  isang Constitutional requirement na dapat nang makapanumpa ang mananalo sa isinagawang Presidential election ngayong taon.

 

 

Paniniguro nito, kanyang isasalin ang liderato ng bansa sa sinumang kanyang magiging successor sa gitna ng paninindigang dapat na masunod kung ano ang itinatakda ng batas.

 

 

“Base sa umiiral na konstitusyon, alas dose ng tanghali ng Hunyo a- trenta pormal na magsisimula ng kanyang panunungkulan ang ika-labing pitong Pangulo ng Republika,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa.

 

 

Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May 9, 2022 national and local elections na ang huling beses na gagamitin nila ang mga nasabing makina. Mga luma na rin naman umano ang mga naturang VCM na unang ginamit noon pang 2010 elections pa.

 

 

Kabilang sa mga naturang problema ay pagkakaroon ng paper jam na may 940 kaso, pag-reject ng mga balota na nasa 606 kaso, problema sa VCM scanner na nasa 158 kaso, ayaw mag-imprentang VCM printer na nasa 87 kaso, at VCM na hindi maayos na nag-iimprenta na nasa 76 kaso naman. Una ring kinumpirma ng Comelec na nakatanggap sila ng ulat na 1,867 VCMs ang nagkaproblema sa pagdaraos ng halalan nitong Lunes.

 

 

Bukod sa mga problema sa VCM, may mga ulat din ng kawalan ng kuryente sa mga ‘polling centers’. Kabilang dito ang nangyari sa Sangonsongan, Marawi kung saan boboto ang mga nawalan ng tirahan dahil sa 2017 Marawi Seige.  Naantala ang botohan sa naturang lugar at nag-umpisa lamang matapos ang isang oras na paghihintay.

 

 

Sinabi ni Casquejo na hihilingin nila sa Kongreso na mabigyan ang poll body ng karagdagang pondo para sa pagbili ng mga bagong makina para sa susunod na eleksiyon sa bansa.

Lady Gaga’s Music Video of “Hold My Hand,” for “Top Gun: Maverick” Now Online

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE music video of “Hold My Hand,” Lady Gaga’s new original song for Paramount Pictures’ Top Gun: Maverick is now online.  

 

 

Check it out below and watch the film on May 25 in theaters and IMAX across the Philippines.

 

 

https://www.youtube.com/watch?v=O2CIAKVTOrc

 

 

 

The song is written and produced by Lady Gaga and BloodPop, with additional production from Benjamin Rice.

 

 

About Top Gun: Maverick

 

 

After more than thirty years of service as one of the Navy’s top aviators, Pete “Maverick” Mitchell (Tom Cruise) is where he belongs, pushing the envelope as a courageous test pilot and dodging the advancement in rank that would ground him. When he finds himself training a detachment of Top Gun graduates for a specialized mission the likes of which no living pilot has ever seen, Maverick encounters Lt. Bradley Bradshaw (Miles Teller), call sign: “Rooster,” the son of Maverick’s late friend and Radar Intercept Officer Lt. Nick Bradshaw, aka “Goose”.

Facing an uncertain future and confronting the ghosts of his past, Maverick is drawn into a confrontation with his own deepest fears, culminating in a mission that demands the ultimate sacrifice from those who will be chosen to fly it.

Directed by Joseph Kosinski, Top Gun: Maverick stars Tom Cruise, Miles Teller, Jennifer Connelly, Jon Hamm, Glen Powell, Lewis Pullman, Charles Parnell, Bashir Salahuddin, Monica Barbaro, Jay Ellis, Danny Ramirez, Greg Tarzan Davis with Ed Harris.

 

The film is written by Ehren Kruger and Eric Warren Singer and Christopher McQuarrie, based the characters created by Jim Cash & Jack Epps, Jr.  Produced by Jerry Bruckheimer, Tom Cruise, Christopher McQuarrie and David Ellison.

 

Top Gun: Maverick is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.  Follow Paramount Pictures on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #TopGunMaverick and tag paramountpicsph

(ROHN ROMULO)

Dahil na-witness ang kakaibang passion ng mga volunteers: ANGEL, walang panghihinayang at nagpasalamat kay VP Leni sa inspirasyon

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARA kay Angel Locsin, wala raw dapat panghinayangan kung sa unofficial result ng election ay halos kalahati na ang percentage ng lamang ni Bongbong Marcos kay VP Leni Robredo.

 

 

Isa si Angel sa passionately at nangampanya para kay VP Leni.  At kahit na hindi ang inaasahang turn-out sana ng election ang nagaganap, para sa actress, wala raw dapat panghinayangan dahil na-witness niya ang kakaibang passion ng mga volunteers. 

 

 

Sey ni Angel, “To my fellow Leni volunteers, na-witness ko ang kakaibang passion na ibinigay natin sa eleksyong ito.  I am proud to have fought with you to the very end.

 

 

“Huwag kang manghina dahil binigay natin ang lahat ng walang pag-aalinlangan.  Hindi tayo naging madamot. Itinaya ang pangalan at oras. Lumaban kahit mahirap para sa ating paniniwala at sa kapwa.  

 

 

“Kahit imposible, lumaban tayo hindi para sa isang tao, kundi para sa bayan. Kaya kahit matatapos na ang bilangan, piliin pa rin natin ang bayan. Piliin pa rin natin ang Pilipinas.  Patuloy tayong magpakita ng malasakit at kumilos para sa kapwa. Ipinagdarasal ko na darating rin ang araw na makikita natin ang Pilipinas na minimithi. Taas noo.”

 

 

At saka niya sinabi na, “Salamat Mam Leni sa inspirasyon.”

 

 

Nagpasalamat naman kay Angel ang maraming netizens, kabilang na ang mga ibang mga celebrities na nakakasama niya sa bawat campaign rally. 

 

 

Si Jerald Napoles ay tinawag pang superhero si Angel.  Aniya, “Ikaw ang superhero ng Pilipinas. Hindi kailangan nang botohan dun.”

 

 

***

 

 

IBANG level na si Ejay Falcon.

 

 

Unang attempt niya na tumakbo sa pulitika at bilang Bise Gobernador ng Oriental Mindoro, aba, panalo agad.

 

 

Isa nga si Ejay na tulad din ni Arjo Atayde at Angelu de Leon na mga first time pasukin ang pulitika, pero mga winner na agad.

 

 

Nagpasalamat na si Ejay at nag-post sa kanyang Facebook account.

 

 

Sey ni Ejay, “Sa lahat po ng nanindigan, nagpakita ng suporta, nagtiwala, nagmahal at bukas palad na tumanggap sa isang Ejay Falcon, hindi bilang artista kundi bilang isang kababayan nyo na nag nanais maglingkod ng buong puso, MARAMING MARAMING SALAMAT PO. 

 

 

“Hindi naging madali ang laban pero bawat isa po sa inyo ang dahilan kung bakit po tayo nagtagumpay. Ilang beses po tayong ibinaba, minaliit at hinusgahan pero kayo po ang nag angat at nag panalo sa isang Ejay Falcon. 

 

 

 

Utang ko po sa inyo ito at hayaan nyo pong bayaran ko kayo ng tapat at malinis na paglilingkod. 

 

 

“Ang mga ngiti, palakpak at hiyaw nyo po ang nagbigay sa akin ng lakas na kaya natin ito. Hindi ko po maipaliwanag sa mga salita ang saya at galak na nararamdaman ko ngayon dahil gustong gusto ko na pong magsimulang maglingkod sa inyo. 

 


“Sa lahat ng mga kabataan, ito na si Ejay Falcon ang Kuya nyo sa Sangguniang Panlalawigan. Umasa po kayo mga kababayan ko na may action star po kayo na magtatanggol at tutulong para sa kapakanan at interes ng lalawigan at magbibigay ng dobleng aksyon para sa mga mamamayan. 

 

 

Ito po ang bagong Bise Gobernador ng Oriental Mindoro, ready to serve you.”

(ROSE GARCIA)

Laban ng Azkals at Vietnam nagtapos sa draw

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAHIYA ng Philippine Azkals U23 ang host nation at defending champion Vietnam sa ikalawang beses nilang paghaharap sa pagsisimula ng 31st Southeast Asian Games sa Hanoi.

 

 

Nagtapos kasi ang laban ng dalawa sa goalless draw.

 

 

Dahil sa panalo ay umangat ng apat na puntos ang Azkals mula sa dalawang matches sa Group A.

 

 

Kahit na makailang beses na sinubukan ng Vietnam na maipasok ang goal ay bantay sarado ito ng Azkals.

 

 

Magugunitang noong Biyernes ay tinalo ng Azkals ang Timor Leste 4-0 habang nagwagi rin ang Vietnam 3-0 laban sa Indonesia.

 

 

Susunod na makakaharap ng Azkals ang 2019 SEA Games bronze medalist na Myanmar.

 

 

Ang dalawang top teams sa bawat grupo ay abanse na sa semifinals.

Aminadong welcome na welcome sa kanyang pamilya: JULIE ANNE, hindi pangungunahan si RAYVER sa pagsasabi ng kanilang status

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MABILIS na “yeah” ang sagot ng tinaguriang Asia’s Limitless Star na si Julie Anne San Jose nang sabihin namin sa kanya na feeling namin, very welcome si Rayver Cruz sa pamilya niya, especially sa kanyang mga magulang.

 

Madalas kasing makita na nasa bahay niya ang Kapuso actor sa mga social media posting nila.

 

“Opo, welcome naman po siya sa bahay at nakikita rin naman po ng mga magulang ko, family ko. Okay naman po sa kanila.”

 

May blessing nila?

 

“Yes, opo,” nakangiting sabi niya.

 

Pero mas tawa ng tawa si Julie Anne nang tanungin namin na mukhang proud na proud sa kanya si Rayver sa pasabog niyang two-piece sa kanyang Instagram account.

 

Nang mag-taping kasi para sa “Happy ToGether” sa Boracay ay nag-post si Julie ng kanyang kaseksihan.

 

“So far naman, wala naman pong violent reaction. And he’s always so supportive since day 1,” ang halatang masayang sabi ni Julie.

 

Sa ngayon, ayaw raw niyang sa kanya manggaling ang sagot sa totoong status nila, hahayaan na lang daw niyang si Rayver ang sumagot.

 

Pero, hindi maikakaila na masaya si Julie ngayon sa lahat ng aspeto ng buhay niya. Lovelife and career. Heto nga’t may bago pa siyang endorsement, ang Aqua Skin Ph na ang mga produkto ay gawang Japan.

(ROSE GARCIA)

30% dagdag sa sahod ng mga papasok sa trabaho sa May 9 – DOLE

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKAKATANGGAP ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho sa araw ng halalan.

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nag­dedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) Holiday.

 

 

“We highly encourage our workers who are re­gistered voters to exercise their rights to suffrage, and if they will report to work on May 9 after casting their votes, they must receive an additional 30 percent in their daily pay,” ayon kay Bello.

 

 

Makakatanggap ng dagdag na 30% sa suweldo ang mga empleyadong pumasok at nag-duty sa trabaho ngayong araw ng halalan.

 

 

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ito ay makaraang ilabas ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation No. 1357 na nag­dedeklara sa Mayo 9, 2022 national and local elections bilang isang ‘Special (Non-Working) Holiday.

 

 

“We highly encourage our workers who are re­gistered voters to exercise their rights to suffrage, and if they will report to work on May 9 after casting their votes, they must receive an additional 30 percent in their daily pay,” ayon kay Bello.

 

 

Sa ilalim ng Chapter III, Article 94 ng Labor Code, kung hindi papasok ang isang empleyado, ia-aplay sa kaniya ang prinsipyo ng ‘no work, no pay’ maliban na lang kung may espes­yal na polisiya ang kum­panya tulad ng nakapaloob sa ‘collective bargaining agreement (CBA)’.

 

 

Para sa mga pumasok sa trabaho, babayaran sila ng dagdag na 30 por­syento ng kanilang ‘basic pay’ sa unang walong oras [(basic wage x 130%) + COLA].

 

 

Para naman sa mga lalagpas ng walong oras o mag-o-overtime, babayaran sila ng dagdag pa na 30 porsyento ng ‘hourly rate.

 

 

Sa mga magtatrabaho naman na babagsak sa kanilang ‘day off’, babayaran sila ng dagdag na 50% ng kanilang basic pay.

Pinuno ng PNP sa susunod na Administrasyon, kailangang masigurong hindi corrupt at dapat katakutan -PDu30

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KAILANGANG matiyak ng susunod na liderato ng bansa na makapagtatalaga ito ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) na hindi kurakot.

 

 

Ang pahayag ng Pangulo, kapag tiwali aniya kasi ang maipupuwesto sa itaas, siguradong hanggang sa ibaba ay magiging corrupt.

 

 

Sigurado aniya na magkakanya- kanya na ang mga ito para gumawa ng iligal na gawain at mangyayari aniya ito kung ang nasa itaas ay dawit din sa mga anomalya.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na mabuti na rin na may takot sa magiging hepe PNP ng susunod na Administrasyon ang mga tauhan nito sa gitna ng ipatutupad nitong mga panuntunan na may kinalaman sa anti- criminality. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

3 disqualification case at 1 petisyon para sa kanselasyon ng CoC ni Marcos, ibinasura ng Comelec

Posted on: May 11th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

IBINASURA ng Commission on Elections (Comelec) en banc ang mga petisyon ng mga petitioner para baligtarin ang pagbasura sa mga kaso laban sa kandidatura sa pagkapangulo ni Presidential aspirant Bongbong Marcos.

 

 

Sa botong 6-0-1 ay pinagtibay ng komisyon ang pagbasura sa apat na disqualification cases laban sa dating senador.

 

 

Kabilang sa mga bumoto para ibasura ang petisyon ay sina Commisioners Aimee Neri, Aimee Ferolino, Socorro Inting, Rey Bulay at Chairman Saidamen Pangarungan.

 

 

Nag-inhibit naman dito si Commissioner George Garcia na dating counsel ni Marcos sa kanyang poll protest sa pagka-bise presidente noong 2016 elections.

 

 

Ipinaliwanag ng komisyon na nabasura ang mga motions for reconsideration ng mga petitioners dahil bigo umano ang mga itong maglahad ng bagong argumento para kumbinsihin ang poll body na baliktarin ang naunang desisyon para na baliktarin ang petisyon laban kay Marcos. (Daris Jose)