HANDA na ang Commission on Elections na iproklama ang mga nagwaging mga senador sa katatapos lamang na May 9 elections matapos matukoy na ang Certificates of Canvass (COCs) mula sa mga lugar na nagsagawa ng special election o hindi pa nagsasagawa ng halalan ay hindi na makakaapekto sa pangkalahatang senatorial rankings.
Ayon kay acting Comelec spokesperson Atty John Rex Laudiangco, nais nilang isagawa ang proklamasyon sa lalong madaling panahon
“By immediate, we mean that the canvass had practically covered and most of the COCs and those remaining votes perhaps referring to a special election will not anymore affect the canvass,” saad ni Laudiangco sa press conference.
“If we reach that point, the Comelec will not delay the proclamation. I think we want this to be over and done with. The earlier we could proclaim the better… it will be a big savings to the government… we will not delay. For as long as we had canvassed and the remaining votes will not affect anymore (the results), I know for sure the NBOC (National Board of Canvasser) will schedule the proclamation,” dagdag niya.
Kabilang sa mga magdadaos ng special election ang 14 barangay sa Lanao del Sur.
Ang Beijing , China naman ang overseas na hindi pa rin nagsasagawa ng eleksyon dahil nasa ilalim pa rin ito sa lockdown bunsod ng mga kaso ng COVID-19 .
Ang mga botante sa munisipalidad ng Butig, Binidayan at Tubaran sa nasabing probinsya ay nasa 10,000 habang ang mga Pilipino saBeijing ay nasa 1,991 lamang .
Samantala,pinaalalahanan ni Laudiangco ang 12 nanalong senador na limitahan ang kanilang kasama sa panahon ng proklamasyon.
“We have to remind our potential senators-elect, this time, we will be limiting their companion like what we did during the filing of the Certificate of Candidacy (COC),” sabi ng opisyal.
Paalala pa niya na dunaranas pa rin ang bansa Ng pandemic at nasa alert level 1 pa kaya kailangang sundin ang ipinatutupad na minimum health protocol. (GENE ADSUARA)