MAY kanya-kanyang dahilan kung bakit nagsusumikap na magtrabaho sa showbiz ang ilang artista.
Karamihan ay may kinalaman sa kanilang pamilya at ang pagiging breadwinner nila.
Tulad na lang ng Sparkle stars na sina Lexi Gonzales at Zonia Mejia na ang dahilan kung bakit sila nasa showbiz ay para makatulong sa gastusin ng kanilang family member na maysakit.
Si Lexi ay hindi naman tinatago ang dahilan kung bakit siya nag-artista ay para magtuluy-tuloy ang therapy ng kanyang kapatid na lalake na may autism. Malaking halaga raw ang kailangan nila parati para sa kanyang kapatid kaya kahit anong role daw ibigay sa kanya sa anumang TV project sa GMA ay tinatanggap niya. Gusto rin daw ni Lexi na maging advocacy niya ang pagtulong sa maraming tao na may autism.
Si Zonia naman ay nasa showbiz dahil na-diagnose ang kanyang ama na may Parkinson’s Disease. Marami naman daw silang magkakapatid at tulung-tulong sila sa pag-provide sa kakailanganing pagpapagamot ng kanilang ama. Malaking bagay daw na may regular show si Zonia dahil bukod sa medication ng kanyang ama, pang-gastos sa araw-araw nilang pangangailangan sa bahay napupunta ang kinikita niya.
Kapwa may show ngayon sa GMA sina Lexi at Zonia. Si Lexi ay mapapanood sa teleserye na Love You, Stranger at sa Running Man Philippines. Si Zonia naman ay nasa weekly sitcom na Jose and Maria’s Bonggang Villa.
***
SA pilot episode pa lang ng Bolera, marami na ang inis sa character ni Gardo Versoza as Kobrador na kontrabida sa buhay ni Al Tantay bilang si Joma.
‘Yun daw ang gusto ni Gardo na maging impression sa kanya ng mga televiewers. Kailangan daw kasi na tumatak sa marami ang role niya bilang kontrabida.
“Tinandaan ko kasi nu’ng panahon ng Seiko Films, ’di ba, parang ’yong mga sermon nga, ’di ba, na tatawagin kang ham actor. Lagi nilang sinasabi noon, ’Wala namang feelings ’yan. Alam lang n’yan maghubad sa screen. Ano ba namang klaseng artista ’yan.’ Kumbaga, nakatanim ’yon lahat sa isip, ’di ba?”
“Hindi mo ko yon tini-take negatively. ’Di ba, parang noong unang panahon ganito, ang alam ko lang daw maghubad sa pelikula, magpakita ng puwet. ‘Pag natandaan mo lahat ’yan as you go along, marami kang magiging experiences, which is the best teacher, ’di ba?
“So doon ka makakahugot ng emosyon and ‘wag mo nang i-stop ang learning process. Kasi s’yempre, kahit naman anong bagay, hindi naman tumitigil ’yan, e. Patuloy ’yan,” sey ni Gardo.
Nagbigay din ng sekreto si Gardo kung bakit siya nagiging effective sa mga roles na ginagampanan niya.
“Sa akin kasi, kahit ano pang ibigay sa iyo, importante nae-enjoy mo siya. Otherwise, magiging mabigat sa ‘yo para gawin ’yong karakter na ’yon. And then kung gusto mong mag-excel ang inner self mo, hindi ’yon mangyayari.
“Para lang yang TikTok. Pag ’yong TikTok mo na ginagawa at hindi mo siya personally na nae-enjoy, hindi rin mae-enjoy ng mga nanonood sa’yo ’yon. Kahit ano pang role ’yong ginagampanan mo, be it mabait ka, salbahe ka, bakla or kung ano man gagawing character o ibibigay sa’yo, pinakaimportante para sa akin, dapat ma-enjoy mo siya.”
***
NATSUGI sa kanyang trabaho bilang isa sa judges ng US dance contest na So You Think You Can Dance ang Glee star na si Matthew Morrison dahil sa pakikipag-flirt nito sa isang female contestant.
Ayon sa People magazine: “Matthew Morrison was fired after he had an inappropriate relationship with a female contestant. They didn’t have sex, but he reached out to her through flirty direct messages on social media.
“She felt uncomfortable with his line of comments and went to producers, who then got Fox involved. He was fired after they did their own investigation. Morrison and the contestant reportedly never met up off-set… it was just messages that crossed the line.”
Nag-premiere noong May 18 ang season 17 ng SYTYCD, pero after two weeks ay nagsabi ito sa show na siya ay mag-exit na. Isa pa naman siya sa bagong panel of judges kasama sina JoJo Siwa at Stephen “tWitch” Boss.
Ito ang naging statement niya: “After filming the audition rounds for the show and completing the selection of the 12 finalists, I did not follow competition production protocols, preventing me from being able to judge the competition fairly. I cannot apologize enough to all involved, and I will be watching alongside you all on what I know will be one of the best seasons yet.”
(RUEL J. MENDOZA)