SA podcast ni Wil Dasovich noong June 11 ay ininterbyu niya si Raymond Gutierrez at napunta sa topic ng lovelife ang usapan nila.
Inamin ni Raymond na mayroon siyang boyfriend.
“What is there to hide? There is nothing to hide. If the pandemic taught us one thing, it’s to live your life right now.”
Sino pa kaya sa mga gay celebrities ang lalantad at aaminin they are in a relationship?
***
NAGKAROON ng contract signing ang AQ Entertainment and Prime Stream, Inc. kasama ang representatives ng SBT Entertainment at MBC Plus.
Pumirma sa panig ng A&Q ang CEO nitong si Atty. Aldwin Alegre at COO na si Atty. Honey Quiño. Naka-Barong Tagalog namang pumirma ang mga Koreanong sina Danny Seo at Lee Kwang Rok para sa SBT at MBC.
Inaaasahan ng dalawang panig ang tagumpay ng pinakabagong streaming platform sa Pilipinas na magagamit din sa ibang bansa gaya ng Korea.
Ginanap ang grand launch ng AQ Prime Stream sa Conrad Manila nitong June 4 at dinaluhan ng mga VIP, celebrities, at cast and crew ng mga pelikulang magiging unang pasabog ng AQ Prime at Director’s Cut by AQ simula ngayong Hunyo.
Kasama sa mga VIP mula Korea si Dr. David Shim, isa sa mga co-producer ng mga award-winning at critically-acclaimed na pelikulang “Parasite” at “Gladiator” starring Russell Crowe. Siya rin ang may-ari ng high-end Korean restaurant na Kiwa na matatagpuan sa Solaire. Si Dr. Shim ang president and owner of Solaire Korea.
Para sa iba pang detalye, bisitahin ang social media accounts ng AQ Prime Stream at Director’s Cut by AQ.
Star-studded ang event at karamihan sa mga dumalo ay mga artistang may upcoming movies na ipalalabas sa AQ Prime. Kabilang sa mga artistang namataan namin ay sina Raymond Bagatsing, Andrew Gan, Richard Quan, Marlo Mortel, at Shido Roxas, Max Collins at marami pang iba.
Dumalo rin ang mga director na sina Joel Lamangan, Joven Tan, Rosswill Hilario, Neal “Buboy” Tan and others.
***
NAKAUSAP namin si Shido Roxas sa launching ng AQ Prime and Director’s Cut.
Very excited si Shido sa kanyang bagong movie titled Anatomiya. First time niya kasi na gaganap na kontrabida. Matagal na raw niyang dream na makagawa ng isang kakaibang role.
Dahil siya ay mestizo, sabi ni Shido karamihan sa roles na ino-offer sa kanya ay pang-rich kid. Kaya naman very thankful at na-challenge siya sa role na ginagampanan.
“I was challenged by the role and I welcome the change,” sabi pa ni Shido.
Umaasa ang guwapitong actor na masusundan pa ang Anatomiya nang mas maraming offbeat roles.
***
FOUR down, two to go na ang BL series na Papa What Is Love?
Pero very encouraging ang feedback ng mga netizens na nakapanood nito:
“I love this drama. Nakakakilig.”
“Sa lahat ng BL na napanood ko ito ang pinakagusto ko. Lahat perfect.”
Pero may nagrereklamo rin na masyado raw maigsi ang episode 4 na halos 10 minutes lang ang length.
Siyempre yung ibang viewers ay excited na kung ano ang mangyayari sa episode 5 kasi naiwan sa bahay sina Tupe (Rex Lantano) at Greg (Anthony Flores) habang nasa business trip for four days si Rich (Arnold Reyes).
Ano kaya ang mangyayari sa episode 5? Abangan na lang this Saturday.
(RICKY CALDERON)