• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for June 20th, 2022

Marunong ang Diyos- PDU30

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nakagawa siya ng magandang impresyon sa Diyos  kaya’t hinayaan siyang matapos ang anim na taon ng kanyang pagkapangulo.

 

 

“I walk with a limp, due to small fractures from riding motorcycle. Marunong ang Diyos, binigay sa akin ang presidency, katandaan ko [na]…last year, naglabasan na lahat ng sakit. Ang term ko matatapos na rin kaya timing lang, binigay ng Panginoong Diyos,” ayon kay Pangulong Duterte sa groundbreaking ceremony ng Philippine Sports Training Center (PSTC) sa Bagac, Bataan.

 

 

Mahigit isang linggo na lang kasi ay matatapos na ang termino ni Pangulong Duterte.

 

 

“Ewan ko kung anong nagawa ko sa buhay na ito. Maybe I have done something good, na impress ko si Jesus,” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte.

 

 

Matatandaang, sa isa sa naging talumpati ng Pangulo, tinawag na ‘stupid’ ni Pangulong Duterte ang Diyos.

 

 

Bilang Pangulo ng bansa, naging tapat siya sa kanyang tungkulin at ang sweldo niya ay sapat na para sa kanyang pamilya.

 

 

“Sweldo ko, P196,000. Hatiin ko pa iyan sa dalawang pamilya. Wala na akong bisyo, di na ako umiinom. Sa kama na lang ako,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.

 

 

Muling inulit ni Pangulong Duterte ang kanyang mga naunang pahayag na nakipag-kaibigan siya sa mga komunista para makakuha ng boto, subalit tinugis niya ang mga ito bilang kanyang tungkulin para protektahan ang bansa.

 

 

“Pulitiko ka eh, boto lang ‘yan eh. The police and military should give a bigger window to politicians…aakyat ng bundok, magbabayad…boto eh. But when I became President, sinabi ko, tapos na ang pagkakaibigan natin,” ayon sa Chief Executive.

 

 

“Ako, naging Presidente, I swore to defend the territory of the Republic of the Philippines. Trabaho sagrado ‘yan. Kaaway na tayo. There is a time to be a friend, time to be enemies, time for killing, time to be at peace, time to be a shining star in the sky,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na sa pagdating ng Hunyo 30 ay tapos na ang kanyang  pagiging “star of the show.”

 

 

“After June 30, I will not be a shining star anymore. I will be an ordinary citizen…ganoon na lang kaliit,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

Bukod sa tuluy-tuloy na ang pagti-taping nila ni Bea: ALDEN, happy na maraming makapapanood ng serye nila at tuloy ang US concert tour

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

TULUY-TULOY na si Asia’s Multimedia Star Alden Richards sa pagti-taping ng first teleserye nila ni Bea Alonzo sa GMA Network, ang Philippine adaptation ng Korean drama series na Start-Up na malapit-lapit na ring mapanood.

 

 

Happy rin ngayon si Alden na nagsimula nang mapanood sa Netflix ang The World Between Us, ang drama series kasama sina Jasmine Curtis-Smith at Tom Rodriguez.

 

 

Magiging available din ito for streaming on Amazon Freevee starting on June 22, 2022. Ang Amazon Freevee ay dating IMDb TV, a streaming video service with thousands of premium movies and TV shows, including originals and FAST channels, na available anytime. At for its premiere offering nga, GMA International will launch the romance drama series.

 

 

Looking forward din si Alden na after ng taping ng Start-Up Philippines, ay tuloy na rin ang kanyang “Forward Alden Richards US Tour,” coming this August to September with special guest. The concert will be produced by Alden’s AR Productions, for his AR Foundations, Inc.

 

 

Excited na si Alden, dahil this will be his first live concert after almost three years due to the pandemic na pinagdaanan natin.

 

 

***

 

 

STARTING today, June 20, last two weeks na lamang mapapanood ang pinag-uusapang romantic-drama series na First Lady nina Gabby Concepcion at Sanya Lopez.

 

 

Kaya mas kaabang-abang ang mga susunod na eksena; Ngayong nakaligtas na ang first family ni President Glenn Acosta (Gabby), sa assassination attempt ni Sen. Allegra (Isabel Rivas), marami pa ring mga katanungan na dapat masagot.

 

 

Malaman kaya ni PGA kung sino ang nagtangka sa buhay nila? Si Ingrid (Alice Dixson) ay makapagsalita pa kaya, dahil siya ang nakakaalam ng plano ni Allegra?

 

 

At isa pang aabangan ay kung sinu-sino ang mga special guests na papasok sa serye, ayon na rin kay Gabby, na ikinuwentong natuwa siya nang makita niyang nagti-taping na sila. Ano kaya ang magiging kaugnayan nilang tatlo sa buhay ng first family?

 

 

Don’t miss First Lady sa natitirang 10 nights nito simula ngayong gabi after 24 Oras sa GMA-7.

 

 

***

 

 

PAPALIT naman sa First Lady ay ang matitinding action scenes sa upcoming dambuhalang adventure serye sa Philippine primetime, ang Lolong.

 

 

Gaganaap dito bilang Lolong si Kapuso Action-Drama Prince Ruru Madrid. Isang mahabang teaser ng serye ang ipinakita, kaya maraming tanong ang mga netizens.

 

 

Ilang tanong ay ano ba ang mga Atubaw at bakit sila gustong ubusin ng mga armadong lalaki? Dito ay nakipalabang si Lolong sa mga Atubaw, na tanong ay bakit berde ang kulay ng mga mata niya at bakit nawala kaagad ang mga sugat niya? Ano ang sikreto ni Lolong na kahit siya ay tinatanong ang sarili niya?

 

 

Si Lolong ay isa lamang pangkaraniwang magniniyog, na matutuklasan ang hindi pangkaraniwang kakayahan niyang makipag-usap sa dambuhalang buwaya na si Dakila.

 

 

More on Lolong na magsisimula nang mapanood sa July 4.

 

 

(NORA V. CALDERON)

Malaya na dahil final na ang ‘divorce decree’: TOM, hangad na ma-grant birthday wish ni CARLA na maging masaya

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SA official statement ni Tom Rodriguez na inilabas sa Facebook account ng manager niyang si Popoy Caritativo noong June 17, nag-wish ito na sana’y ma-grant ang birthday wish ng dating asawa na si Carla Abellana na maging masaya.

 

 

Pahayag ni Tom, “Now that the divorce decree is final, I truly wish Carla’s birthday wish be granted and that she finds the happiness she is searching for.”

 

 

Marso pa pala nang bumalik ng Amerika si Tom para makasama ang kanyang pamilya after na palayasin daw ito ni Carla sa condo na tinutuluyan.

 

 

“I left the Philippines for the US last March 13, with the realization that despite all my efforts, Carla had already given up on our marriage,” say ng aktor.

 

 

“A lot has been said against me but in the end, Carla and I are the only two people who know the truth. I refuse to allow anyone, only wants to use us in our brokenness, for news.”

 

 

Inamin ni Tom na hindi talaga perpekto ang pagsasama nila ni Carla kahit mahal na mahal nila ang isa’t-isa, na ilang buwan pa lang naikakasal at hindi man umabot sa unang anibersaryo.

 

 

At sa kabila ng hindi nila pagkakaunawaan ay never daw niyang nasaktan ang dating asawang Kapuso aktres.

 

 

“It was not a perfect relationship, but we both know how much we loved each other. I will no longer dwell on the reasons why our marriage fell apart. So many lies have been said of me which are completely untrue and utterly unfair.

 

 

“I may have fallen short as a partner, especially when I lost all my money to someone who preyed on my gullibility, but it must be stressed that at no time did I ever lay a hand on Carla.”

 

 

Tanggap na ni Tom ang naging desisyon ni Carla, “I have accepted her decision that it is time to move forward, independent from each other. I have to teach myself how to fall out of love from her. This will be a lonely, painful path that I shall take, but together with my family here in the US.

 

 

“I have the strongest support system. I am with people who will never judge and who will only love me unconditionally.”

 

 

Ito na raw ang huli niyang pagsasalita para hindi ma-violate ang gag order na inisyu sa kanya at ganun na lang pasasalamat sa GMA Network, “This will be the last you will hear from me on the matter. I have no desire to violate the gag order issued on us and our lawyers.

 

 

“I remain grateful to GMA for its patience and understanding and for giving me time to heal, and to my manager and friend Popoy and to Tita Joji, for never giving up on me.”

(ROHN ROMULO)

Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SUPORTADO ng Estados Unidos ang  serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa  West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa  resupply missions nito at pagpapadala ng  200  militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas.

 

 

“We share the Philippines’ concerns regarding the (People’s Republic of China) PRC’s provocative actions interfering with Philippine sovereign rights within the Philippine exclusive economic zone near Second Thomas Shoal and massing vessels near Whitsun Reef,” ayon kay US State Department spokesperson Ned Price sa isang kalatas na may petsang Hunyo 17.

 

 

“The United States supports the Philippines in calling on the PRC to end its provocative actions and to respect international law in the South China Sea,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Noong nakaraang linggo, inakusahan ng  Department of Foreign Affairs ang China  ng illegal fishing at pagpigil sa Philippine vessels sa  resupply mission sa Ayungin Shoal (Second Thomas Shoal) sa pamamagitan ng paggamit ng fishing nets at buoys.

 

 

“A Philippine Naval vessel – the BRP Sierra Madre – has been grounded at Ayungin Shoal since 1999. The ship manned by more than a dozen Marines and sailors has become a symbol of Philippine sovereignty in the offshore territory. It is 105.77 nautical miles from the nearest Philippine province of Palawan and constitutes part of the country’s 200-nautical mile continental shelf as provided under the United Nations Convention on the Law of the Sea,” ayon sa ulat.

 

 

Sa isa pang reef, may 200 Chinese militia vessels ang namataan sa  paligid ng Julian Felipe, mas kilala bilang  Whitsun Reef, na nasa loob ng exclusive econonic zone (EEC) ng Pilipinas.

 

 

Sinabi ni Price na ang kamakailan lamang na naging aksyon ng China ay  “are part of a broader trend of PRC provocations against South China Sea claimants and other states lawfully operating in the region.”

 

 

Sa ulat, tinatayang umabot na sa 90% ng  South China Sea ang kinokonsidera ng China na pag-aari nito kabilang na ang mga lugar na nasa loob ng  West Philippine Sea (WPS),  bilang bahagi ng teritoryo nito, subalit itinanggi ng China na may mali itong nagawa.

 

 

Bagama’t ang Washington ay hindi partido na kasama sa nagtatalo sa WPS, idineklara naman nito na  bahagi ng kanilang  national interest ay tiyakin  ang freedom of navigation at overflight  ng pinagtatalunang katubigan ng  Vietnam, Malaysia, Brunei at Taiwan na mayroon ding  overlapping claims sa WPS.

 

 

Ang Pilipinas ay mayroong Mutual Defense Treaty sa United States,  na nagbibigkis sa dalawang alyansa na magtulungan kontra agresyon at tulungan na ipagtanggol ang ibang partido.

 

 

“The United States stands with our ally, the Philippines, in upholding the rules-based international order and freedom of navigation in the South China Sea, as guaranteed under international law,” ayon kay Price. (Daris Jose)

NGCP, binawi na ang red alert sa Luzon power grid; yellow alert , nananatiling nakataas

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI  na ng  National Grid Corporation of the Philippines (NGCP)  ang red alert status na inilagay nito sa  Luzon power grid , araw ng Sabado.

 

 

Ang pagbawi sa  red alert ay nangyari ng alas- 5:30 ng kamakalawa.

 

 

Sa isang kalatas na ipinalabas ng  Department of Energy (DOE),  itinaas ng NGCP ang red alert status dahil sa “generation deficiency” sa  Luzon power grid.

 

 

Ang alert ay inilagay sa ilalim sa  grid area nang ang  power supply ay  insufficient o hindi sapat para-meet ang demand.

 

 

“The Luzon power grid, however, is still under yellow alert status until 11 p.m., ” ayon sa NGCP.

 

 

“The  raise to yellow alert status means power reserves fall below ideal levels,” anito pa rin.

 

 

Sinabi ng national grid operator na “a tripping in the transmission lines in Hermosa, Bataan caused the power interruptions in areas in Luzon and Metro Manila on Saturday.”

 

 

Ang insidente ay nagresulta ng automatic load dropping na isinagawa ng  Manila Electric Company, kung saan ang suplay ng kuryente ay oinutol sa ilang lugar dahil sa mababang suplay.

 

 

“The  Hermosa-Limay 230kV Lines 1 and 2 were restored before 3 p.m., ” ang nakasaad sa pinakabagong report ng NGCP. (Daris Jose)

PATULOY na pinupunan at dinadagdagan ang listahan ng mga soon-to-be cabinet officials ng administrasyong Marcos.

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Sa katunayan, kasama na sina dating Senate President Juan Ponce Enrile, outgoing Justice Secretary Menardo Guevarra at retired General Jose Faustino Jr. sa mga magiging miyembro ng gabinete ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos.

 

 

Sinabi ni incoming Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, itinalaga ni Marcos Jr. si Enrile bilang presidential legal counsel, si Guevarra bilang susunod na Solicitor-General habang kalihim ng Department of National Defense (DND) si Faustino.

 

 

Si Guevarra ay 30 taon nang abogado at nag-graduate na magna cum laude major sa Political Science sa Ateneo de Manila University noong 1974.

 

 

Nakakuha rin si Guevarra ng Masters in Economics sa University of the Philippines at nagtrabaho sa National Economic and Development Authority (NEDA) noong 1977 hanggang 1983.

 

 

Nakakuha si Guevarra ng Bachelor of Laws degree sa Ateneo at pumangalawa sa 1985 bar exams.

 

 

Bago naging kalihim ng DOJ, nagsilbi muna si Guevarra bilang Deputy Executive Secretary ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

 

Samantala, nilinaw naman ni Angeles, magsisilbi munang senior undersecretary at officer-in-charge ng DND si Faustino bago umupong kalihim ng ahensya sa November 13, 2022 bilang pagtalima sa one-year ban ng pagtatalaga sa mga retired military officer sa ilalim ng RA 6975. (Daris Jose)

Dagdag-singil sa PhilHealth contribution, hiniling ng ACT Teachers partylist na suspindihin muna

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN ngayon ang grupong ACT Teachers partylist sa mga kinauukulan na suspindihin muna ang pagpapatupad ng dagdag-singil sa PhilHealth contribution.

 

 

Ito ay dahil pa rin sa bigat ng pasanin ngayon ng mga Pilipino sa gitna ng tuluy-tuloy na pagtaas sa presyo ng pangunahing mga bilihin, commodities, at services sa bansa.

 

 

Ayon kay ACT Teachers partylist Rep. France Castro, dahil sa mga ito ay bigong makapagbayad ngayon ng kanilang mga pagkakautang ang mga guro.

 

 

Hindi rin aniya sapat pa para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan ang kakaramput na sweldo na kanilang kinikita kasunod ng pagpapatupad ng premium hike noong Hunyo 15.

 

 

Samantala, sinabi naman ni PhilHealth spokesperson Dr. Shirley Domingo na ang dagdag-singil na ito sa PhilHealth contribution ay alinsunod sa naging direktiba mula sa Palasyo ng Malakanyang.

 

 

Layunin din aniya nito na palawigin pa ang mga benefits na makukuha mula sa PhilHealth kabilang na ang dagdag na coverage ng dialysis sessions at gayundin ang dagdag na primary healthcare package tulad ng check-up, labolatory, at medisina.

 

 

Matatandaan na una nang naglabas ng abiso ang PhilHealth hinggil sa kanilang ipapatupad na 4% increase sa monthly premium contribution sa ilalim ng Universal Health Care Law na naging epektibo naman ngayong buwan ng Hunyo.

Malakanyang, hinikayat ang mga Pinoy na suportahan si VP Elect Sara Duterte

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINIKAYAT ng Malakanyang ang mga Filipino na suportahan si Vice President-elect Sara Duterte na nanumpa bilang pang-15 bise-presidente ng bansa, araw ng Linggo, Hunyo 19.

 

 

“We once again express our deep gratitude to the Filipino people for the trust and support they have given to the Vice President-elect,” ayon kay acting presidential spokesperson Martin Andanar.

 

 

“Let us stand behind Vice President-elect Duterte and all other newly elected leaders as they embark on the responsibilities and challenges of their offices and fulfill their mandate of delivering genuine change to our beloved country,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Nauna rito, sinabi ni Duterte na magiging maiksi lamang ang kanyang inauguration speech dahil na rin sa “unpredictability” na panahon.

 

 

Aniya, ang kanyang magiging talumpati ay “just be [about] rallying the entire country to what we should do and focus on.”

 

 

Ang inagurasyon ni Duterte ay naganap gawin sa balwarte ng kanyang pamilya, sa Davao City.

 

 

Nanumpa si Duterte bilang pang-15 bise-presidente ng bansa sa harap ni Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando.

 

 

Ang inagurasyon ay idinaos sa San Pedro Square simula alas-3 ng hapon at nagtapos ng alas-11 ng gabi.

 

 

Dumalo ang kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte, at running mate na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Ang event ay nagsimula sa pamamagitan ng thanksgiving Mass ng alas- 3 ng hapon sa San Pedro Cathedral na dadaluhan ni Archbishop Romulo Valles.

 

 

Sinundan ito ng inaugural ceremony ng alas- 4:30 ng hapon sa stage area.

 

 

Isang musical concert naman ang nagpuno sa event. (Daris Jose)

SWS survey na nagsasabing bumuti ang lagay ng 32% adult Filipino, pruweba na epektibo ang hakbang ng gobyerno kontra Covid response–Malakanyang

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LABIS na ikinatuwa ng Malakanyang  ang pinakahuling survey ng SWS na nagsasabing 32% ng  adult Filipino ang nagpahayag na mas maayos ang kanilang buhay nitong April 2022 kumpara sa  24% noong December 2021. 

 

 

Sinabi ni Presidential Communications Secretary at Acting Presidential Spokesperson Sec. Martin M. Andanar, isa lamang itong patunay na epektibo ang kasalukuyang pandemic response ng pamahalaan.

 

 

Aniya, nagawa ng gobyernong Duterte na mabalanse ang pagtugon kapwa sa aspetong pangkalusugan at pang- ekonomiya.

 

 

Malinaw aniya na lumabas sa survey na tuloy-tuloy na ang pagtakbo ng ekonomiya ng bansa at pagbangon nito.

 

 

Ito’y sa gitna ng dapat pa ring ipagpatuloy na pagmamatyag at pagbabantay sa mga bagong COVID-19 variants.

 

 

“We note the latest Social Weather Stations (SWS) Survey showing 32% of adult Filipino respondents thought their lives had gotten better off in April 2022 compared to 24% who had the same sentiment in December 2021,” ayon kay Andanar.

 

 

“We view this improvement an incontrovertible proof that the current government’s pandemic response is working, where we put premium on both health and the economy.  It is likewise a reaffirmation that we are now on our way to full economic recovery while maintaining our vigilance with the new COVID-19 variants,” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

‘Thor: Love and Thunder’ Confirms How Long the God of Thunder Can Stay in the MCU

Posted on: June 20th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THOR: Love and Thunder confirms how long Thor (Chris Hemsworth) can still be in the MCU.

 

 

After the Infinity Saga, only three of the original Avengers remain active in the franchise. That includes the God of Thunder, who is set to continue his personal arc in Thor: Love and Thunder.

 

 

Set after the events of Avengers: Endgame, Taika Waititi’s second Marvel Studios film will see the God of Thunder on a healing journey after suffering years of consecutive trauma.

 

 

The trailers for Thor: Love and Thunder show the Asgardian Prince working on his physical and mental health. Part of this journey is figuring out who he really wants to be after turning down being the King of Asgard and passing the mantle to Valkyrie (Tessa Thompson). Throughout this, Thor: Love and Thunder has also inadvertently revealed more or less how long Thor can remain as an active player in the MCU.

 

 

Plot specifics for the film, especially with regard to the God of Thunder’s personal arc, are being kept under wraps. This is understandable since the blockbuster will also see the return of Jane Foster (Natalie Portman) who will become Mighty Thor.

 

 

Waititi previously revealed, however, that Thor will be going through “a midlife crisis” in the story of Thor: Love and Thunder. The director didn’t go into specifics about what this entails, but it indicates that Marvel Studios can keep him in the MCU for as long as possible, considering the Asgardian’s long life span.

 

 

For context, the God of Thunder is roughly 1,500 years old in the franchise. So he could stay for a long while — unless, of course, the God of Thunder is unexpectedly killed in battle or sacrificed himself for the greater good, like what happened with Iron Man (Robert Downey Jr.) and Black Widow (Scarlett Johansson) in Avengers: Endgame.

 

 

For what it’s worth, there’s really no rush to write out Thor from the MCU at this time. Among all the remaining founding heroes, it feels like the Thor’s MCU arc is really just beginning in many ways, following Waititi’s overhaul of the character in Thor: Ragnarok.

 

 

As the franchise evolves and more characters get introduced, it’s best to age out Thor in the franchise instead of finding a way to send him off. Killing him in a battle that isn’t as big as Avengers: Endgame might feel unearned and cheap, especially since he is one of the strongest Avengers in the franchise.

 

 

He could remain in the MCU and function as an elder statesman. Thor doesn’t even need to be the center of focus all the time. This way, Hemsworth can maintain his place in the franchise as an original Avenger while also getting some time to pursue other projects outside of Marvel Studios.

 

 

Taking all of this into consideration, it’s safe to say that Hemsworth isn’t going anywhere after hisThor: Love and Thunder. It might even be the start of a new trilogy for the character, although there is no official word yet from Marvel Studios about his future.

 

 

The important thing is that this almost guarantees that an original Avenger will remain in the MCU for the foreseeable future. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)