• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 15th, 2022

Cignal, Choco Mucho unahan sa 2-0

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG-AAGAWAN ng Cignal HD at Choco Mucho ang maagang liderato sa pagpapatuloy ng Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference nga­yong araw sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Asahan ang matinding paluan sa pagitan ng HD Spikers at Flying Titans sa alas-2:30 ng hapon na susundan ng bakbakan ng PetroGazz at Philippine Army sa alas-5:30 ng hapon.

 

 

Parehong galing sa panalo ang HD Spikers at Flying Titans para matali sa four-way tie sa tuktok ng standings tangan ang 1-0 marka kasama ang PLDT Home Fibr at reig­ning Open Conference champion Creamline.

 

 

Nanaig ang Flying Titans sa Chery Tiggo sa bendisyon ng 25-21, 25-21, 25-21 panalo sa opening day ng liga noong Sabado kung saan nanguna si national mainstay Kat Tolentino na nagpasabog ng 22 puntos.

 

Subalit hindi lamang si Tolentino ang aasahan ng Flying Titans dahil nariyan pa sina middle blockers Bea de Leon at Aduke Ogunsanya, at outside hitters Isa Molde at Desiree Cheng na maaasahan din sa opensa.

 

 

Mamamanduhan naman ni setter Deanna Wong ang playmaking kasama si libero Denden Lazaro.

 

 

Mataas din ang moral ng HD Spikers na nagrehistro ng 25-17, 21-25, 25-20, 25-20 panalo kontra sa Lady Troopers.

 

 

Magsisilbing lider ng Cignal si veteran wing spi­ker Rachel Anne Daquis kasama si Ces Molina, Ria Meneses, Roselyn Doria, Gen Layug, Angeli Araneta at setter Gel Cayuna.

Libreng sakay ng mga estudyante limited na lamang sa LRT 2

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BINAWI ng Department of Transportation (DOTr) ang naunang pahayag ang pagbibigay ng libreng sakay sa mga estudyente sa lahat ng rail lines maliban sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) matapos ang pamahalaan ay nagsabing hindi na makakayanan ang revenue losses na kanilang nararanasan.

 

 

 

“The DOTr has received an order from the President to offer free rides for students on LRT 2 only. The President removed MRT 3 and PNR from the program because the government will incur losses that can be used instead for rail maintenance,” wika ni DOTr undersecretary Cesar Chavez.

 

 

 

Ayon kay Chavez nag desisyon si Marcos na sa LRT 2 na lamang magbigay ng libreng sakay matapos makitang ang pamahalaan ay nalugi ng P515.9 million mula sa tatlong rail lines na nagbigay ng libreng sakay.

 

 

 

Sa naitalang datus, lumalabas na may 1,400 na estudyante lamang ang gumagamit ng MRT3 kumpara sa 4,500 na sumasakay sa LRT 2 na mga estudyante noong walang pa ang pandemya. Dahil dito minabuti ni Marcos na mag focus na lamang sa libreng sakay sa LRT 2 sapagkat ito ay dumadaan sa university belt.

 

 

 

Sinabi rin ni Chavez na ang pamahalaan ay nagbibigay ng subsidize na 80 porsiento para sa pamasahe sa PNR ng isang pasahero.

 

 

 

“It costs the PNR up to P362 to transport a commuter from Tutuban to Calamba, but it only charges P60 for the route that spans nearly 60 kilometers. The daily passenger count at the PNR reaches as high as 80,000 before the pandemic. Right now, the rail line just services more or less 25,000 per day. Given this, we want to allow PNR to recover the revenues it lost to the pandemic,” dagdag ni Chavez.

 

 

 

Ang isang alternatibong paraan ayon kay Marcos ay mabigyan ang mga estudyante ng automatic na 20 porsiento na discount sa kanilang pamasahe kung kayat binigyan niya ang DOTr na pag-aralan ang nasabing mungkahi. Binigyan ng instruction ni Marcos ang DOTr na pag-aralan kung paano ang mga turnstiles sa mga estasyon ay ma identify ang Beep cards ng mga estudyante upang mabigyan sila ng discount na 20 porsiento na siyang mandated ng batas.

 

 

 

Kung kaya’t nagbigay din ng instruction si Marcos na dahan-dahan ng alisin ang libreng sakay sa lahat ng rail lines kapalit ay ang pagbibigay na lamang ng 20 porsiento discount sa mga estudyante.

 

May mahigit na 29 million na mga pasahero ng tatlong rail lines ang nabigyan ng benipisyo ng libreng sakay mula noong March 28 hanggang June 30.

 

 

 

Samantala, isisusulong naman ni Congressman LRay Villafuerte ang pagbibigay ng libreng sakay kung saan hinihikayat niya ang DOTr at Department of Budget and Management (DBM) na magtulungan upang makahanap ng pondo para sa programa ng libreng sakay.

 

 

 

Ayon kay Villafuerte na ang pagpapatuloy ng programa ay mahalaga sa mga pasahero sa gitna ng tumataas ng presyon ng mga pangunahing bilihin at serbisyo kasama na ang transportasyon.

 

 

 

Sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) naman ay pinag-aaralan ang mungkahi na magdagdag ng mas madaming ruta para sa mga pampublikong transportasyon lalo na ang mga public utility jeepneys (PUJs) at buses para sa darating na pagbubukas ng face-to-face klase ngayon August.

 

 

 

Nangako naman si LTFRB chairman Cheloy Garafil na pagagandahin pa nila ang serbisyo ng EDSA Carousel na ipagpapatuloy hanggang December. Nangako rin si Garafil na madadaliin nila ang mga payouts sa mga concerned operators ng EDSA Carousel na naaantala ang bayad sa mga partner operators at drivers. LASACMAR

Full Trailer For ‘Rob Zombie’s The Munsters’ Reboot Was Recently Released

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE trailer for Rob Zombie’s The Munsters was recently released, and fans of the classic TV series are extremely divided.

 

 

Set to release in September 2022, the film serves as a prequel and reboot of the original ’60s television show of the same name, which ran for two seasons. Zombie’s prequel follows the origins of Herman and Lily Munster and the love story that unfolds. The reboot stars Sheri Moon Zombie as Lily, Jeff Daniel Phillips as Herman, and Daniel Roebuck as Grandpa.

 

 

Rob Zombie is best known for his work within the horror genre, notably the Firefly trilogy and 2007’s Halloween reboot. Despite Zombie and his wife Sheri Moon Zombie being huge fans of The Munsters television series, fans were immediately concerned when it was announced he was helming a reboot, given his previous gruesome horror movies.

 

 

The director has continuously kept fans in the loop on the film’s progress, most recently in the form of The Munsters official trailer, which offered new plot details and a fresh look at Zombie’s surprisingly colorful take on The Munsters.

 

 

When the official trailer for The Munsters was released, fan reactions were split over Zombie’s take on the franchise. Fans of the original show and critics of Zombie alike voiced concerns over the style and direction of The Munsters reboot, stating that the film appears cheaply made and even a parody of the source material.

 

 

Others defended the trailer, noting that the 1964 series was always campy and over-acted, and the film is a love letter to the original.

 

 

Zombie has long said The Munsters is a passion project for him and that he wanted to make it as authentic to the original series as possible. Previous teases of the movie certainly seemed like he was fulfilling that promise, so it’s a shame this latest update is receiving such mixed responses.

 

 

It’s possible the trailer doesn’t do The Munsters justice, but it is clearly not what fans were expecting from the reboot. The Munsters is completely different than anything Zombie has done in the past and it doesn’t look like fans are quite sold on him taking on a PG property.

 

 

Universal will continue to ramp up the marketing for The Munsters with September quickly approaching. Unfortunately, it is too late to make any significant changes since The Munsters has officially wrapped filming.

 

 

It’s possible the film can be visually changed with the colors being toned down, but even that won’t correct the major problems fans seem to be having with the movie. Some are hesitant to cast judgment on the film until they see it, yet the mixed reactions to the full-length trailer is a troubling development for Zombie’s The Munsters. (source: screenrant.com)

 

(ROHN ROMULO)

Fuel subsidy program handang ipagpatuloy ng pamahalaan sakaling manatiling mataas ang presyo ng langis sa PH

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGPAPATULOY  ang pamamahagi ng tulong pinansyal ng pamahalaan para sa mga sektor ng transportasyon at agrikultura ayon kay Finance Secretary Benjamin Diokno.

 

 

Ipinahayag ito ni Diokno matapos ang isinagawang kauna-unahang pagpupulong ng economic team ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

 

Aniya, handa ang gobyerno na ipagpatuloy ang pamamahagi ng nasabing ayuda para sa mga kababayan nating lubhang apektado ng sunud-sunod na mataas na singil sa produktong petrolyo bansa.

 

 

Ngunit sinabi niya na sa mga susunod na taon ay inaasahan nang magiging stable ang presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado matapos na ibalita ni Department of Budhet and Management Secretary Amenah Pangandaman na posibleng pumalo na lamang sa USD70 hanggang USD90 ang kada bariles ng Dubai crude oil pagsapit ng taong 2024-2028 dahil inaasahan aniyang magiging stable na ang supply nito sa mga panahon na iyon.

 

 

Samantala, sa kabilang banda naman ay sinabi rin ni Pangandaman na bagama’t sinabi ng pamahalaan na handa itong ipagpatuloy ang fuel subsidy program ay wala pa aniya silang natatanggap na kahilingan mula sa Department of Transportation (DOTr) na ipagpatuloy ang pagpopondo para dito.

Gilas Pilipinas tinalo ng Lebanon 95-80

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NABIGO ang Gilas Pilipinas sa kamay ng Lebanon 95-80 sa pagsisimula ng 2022 FIBA Asia Cup sa Jakarta, Indonesia.

 

Umabot pa sa 21 points ang naging kalamangan ng Lebanon hanggang nagtulungan ang Gilas squad sa pamamagitan nina SJ Belangel, Rhenz Abando at Carl Tamayo para mapababa sa siyam ang kalamangan ng Lebanon 74-83.

 

 

Subalit nagpatuloy pa rin ang Lebanon sa kanilang pagdomina ng laro.

 

 

Dahil sa talo ay tabla na ang Gilas sa India sa Group D na wala pang panalo at isang talo habang ang Lebanon at New Zealand ay kapwa mayroong isang panalo at walang talo.

 

 

Nasayang naman ang ginawang 17 points ni Belangel habang mayroon tig- 15 points sina Ray Parks at Tamayo.

 

 

Susunod na makakaharap ng Gilas ang India sa July 15 dakong alas-4 ng hapon.

‘Mass layoffs’ ibinabala ng gov’t workers sa planong streamlining ng DBM

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINALAGAN ng isang grupo ng mga empleyado ng gobyerno ang planong “streamlining” ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bagay na magdudulot daw ng malawakang kawalang trabaho.

 

 

Miyerkules nang sabihin ni Budget Secretary Amenah Pangandaman na makakatipid ang gobyerno ng P14.8 bilyon kada taon kung magtatanggal ng 5% ng workforce nito sa ngalan ng “rightsizing” ng burukrasya. Tinatayang 2 milyong empleyado ang maaapektuhan.

 

 

“Every new administration always plans to reorganize and streamline the bureaucracy. The Marcos Jr. administration is not exempt from this,” wika ng grupong Confederation for Unity Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE), Huwebes.

 

 

“And in every reorganization undertaken by every administration, rank-and-file government employees are the first to be affected through mass layoffs.”

 

 

Una nang sinabi ng Department of Budget and Management (DBM) na ang pondong matitipid ay maaari pa sana kasing magamit para sa infrastructure projects at sa social services gaya ng kalusugan, agrikultura, atbp.

 

 

Bukod pa riyan, ginagawa raw ito upang maayos ang mga ahensya ng gobyerno na may “repetitive” at “overlapping functions.”

 

 

Ika-30 lang ng Hunyo nang lagdaan ni Marcos Jr. ang Executive Order 1 na siyang bumubuwag sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) habang nire-reorganize ng pangulo ang mga ahensyang may duplicated at overlapping official functions. Ito’y kahit na sangkot sa nakaw na yaman ang kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

 

 

“Plans to streamline the government, which would result in mass layoffs and dislocation of government workers, are part of neoliberal policies to ensure that foreign and local elite interests come first before the needs of the people,” dagdag pa ng Courage kanina.

 

 

Kabalintunaan daw ito lalo na’t 2/3 diumano ng buwis na nakokolekta ng gobyerno taun-taon ay napupunta naman daw talaga sa pambayad utang, korapsyon, “pork barrel atbp. kaysa infrstructure at serbisyo publiko. Maya’t maya lang din daw kumukuha ng government workers ang bawat bagong administrasyon sa tuwing nagsisante na tanda diumano ng patronage system.

 

 

Aminado ang kaalyado ng Courage na Kabataan party-list na may mga redundant institutions gaya ng PACC, ngunit problematiko raw ito dahil ililipat kay Executive Secretary Victor Rodriguez — dating tagapagsalita ni Marcos Jr. — ang kapangyarihan ng ahensya.

 

 

“In the end, efforts streamlining and reorganizing the Office of the President to combat corruption will be futile if no investigation of all alleged corruption reports linked to the Rodrigo Duterte administration will be made, and if the ill-gotten wealth and unpaid taxes of the Marcoses will be left unrecovered,” sabi naman ng Kabataan.

 

 

Imbis na malawakang tanggalan sa trabaho, nananawagan ang Courage sa administrasyon ng mas episiyenteng pagkolekta ng buwis, paglaban sa korapsyon at pagsasayang ng pera ng gobyerno at pagbawi sa ill-gotten wealth ng mga opisyal para mas lumaki ang kaban ng bayan kaysa isangkalan ang mga government workers. (Daris Jose)

Ginebra nakuryente sa Meralco

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINALAKAS ng Meralco ang kanilang pag-asa sa quarterfinals matapos basagin ang Barangay Ginebra, 90-73, sa 2022 PBA Philippine Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

 

 

Kumolekta si Chris Newsome ng 18 points, 7 rebounds, 4 assists at 2 steals para sa 5-3 record ng Bolts tampok ang dalawang sunod na panalo.

 

 

Nag-ambag si Chris Banchero ng 17 markers at may 14 at 10 markers sina Cliff Hodge at Bong Quinto, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“It was nice to see guys chip in for a win,” sabi ni assistant coach Luigi Trillo na pansamantalang humalili kay coach Norman Black. “We’re trying to get multiple guys to contribute.”

 

 

Ito ang ikalawang dikit na kamalasan ng Gin Kings na nagbaba sa kanilang kartada sa 6-3.

 

 

Pinalobo ng Meralco ang kanilang kalamangan sa pagtatapos ng third period, 72-50, mula sa 51-33 halftime lead.

 

 

Sinubukan ng Ginebra na makabalik sa laro makaraang makalapit sa 71-84 agwat mula sa basket ni Scottie Thompson sa huling 2:06 minuto ng fourth quarter.

 

 

Ngunit umiskor si Newsome para ilayong muli ang Bolts sa 86-71 para pigilan ang Gin Kings sa natitirang 1:44 minuto ng laban.

 

 

Samantala, diniskaril ng Rain or Shine ang pag-usad ng Blackwater sa quarterfinals matapos kunin ang 107-90 panalo.

 

 

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng Elasto Painters matapos ang six-game losing skid para sa kanilang 3-6 marka at makasilip ng tsansa sa quarterfinals.

 

 

Nagtala si Rey Nambatac ng 26 points, 7 re­bounds, 4 assists at 2 steals habang may 20, 12 at 10 markers sina rookie Gian Mamuyac, Beau Belga at Gabe Norwood, ayon sa pagkakasunod.

 

 

Nalaglag ang Bossing sa kanilang ikalawang dikit na pagkatalo para sa 5-3 marka matapos humataw ng four-game winning streak.

Higit 300 Bulakenyong mangingisda at kooperatibang pangsaka, tumanggap ng ayuda mula sa DA, BFAR

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

LUNGSOD NG MALOLOS – May kabuuang 300 Bulakenyong mangingisda at 85 Farmers Cooperatives and Associations (FCAs) ang tumanggap ng ayuda mula sa Department of Agriculture (DA) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) katuwang ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa ginanap na “Distribution of Agricultural and Fisheries Interventions to Farmers and Fisherfolks” sa Bulacan Sports Complex, Brgy. Sta Isabel sa lungsod na ito noong Martes, Hulyo 12, 2022.

 

 

Ayon sa Provincial Agriculture Office (PAO), umabot sa P35,963,322.48 milyong halaga ng mga kagamitang pangsaka at pangingisda ang ipinagkaloob sa mga benepisyaryo na nagmula sa mga bayan at lungsod sa Bulacan.

 

 

Pinangunahan nina DA Regional Technical Director Dr. Eduardo L. Lapuz, Jr., BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, Gob. Daniel R. Fernando at Bise Gob. Alexis C. Castro ang pamamahagi ng ayuda kabilang na ang tulong para sa Agricultural and Biosystems Engineering na 14 shallow tube well; apat na warehouse with mobile mechanical dryer; tatlong four-wheel drive tractor; tatlong rice combine harvester at tatlong Solar Powered Fertigation Systems (SPFS-8) para sa may 27 FCAs.

 

 

Para naman sa programa ng High Value Commercial Crops, nakapagkaloob ng 100 knapsack sprayers para sa 50 FCAs at 180 kgs na assorted vegetable seeds para sa apat na FCAs.

 

 

Gayundin, nagpamahagi para sa Fisheries Program ng 170 rolls ng gillnets with accessories sa 170 na mangingisda; 120 rolls ng multifilament PE net (black net) sa 120 mangingisda; limang marine engine para sa limang mangingisda; limang fish vending equipment (tri-bike) para sa limang mangingisda; tatlong smokehouse package para sa tatlong FCAs; at isang smokehouse para sa isang FCA.

 

 

“Kaisa po ang inyong lingkod sa adhikaing mapalakas ang sektor ng agrikultura sa ating lalawigan at patunay po nito ang tuluy-tuloy na pamamahagi natin ng makabagong farming technology at agricultural machineries upang mapanatili natin ang sapat na supply ng pagkain sa ating lalawigan at bansa. Tungo rito, nais ko ring pasalamatan ang PAO, DA RFO 3, at DA-BFAR Region 3 para sa makabuluhang programa. Malaki po ang papel ng mga magsasaka at mangingisda sa paglalatag ng pundasyon ng matatag na ekonomiya. Sila po ay maituturing na mga bayaning sumisiguro na mayroong sapat na pagkain sa ating pamayanan,” ani Fernando.

 

 

Ibinida rin ni Fernando ang ilan pang programa para sa mga magsasaka at mangingisda kabilang ang malapit ng matapos na Bulacan Farmers Training Center, pagkakaloob ng mga organikong pataba at pagpaparami ng mga alagang hayop.

 

 

Samantala, tumanggap din ng sertipiko ng pagkilala ang Lalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Fernando mula sa DA Regional Field Office 3 dahil sa mahusay na pagpapatupad ng mga programa at proyekto ukol sa high value crops production. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)

PBBM, pinangalanan sina Vergeire at Robles bilang DOH OIC at PCSO GM

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINANGALANAN na ni Pangulong  Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.  si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire bilang officer-in-charge (OIC) ng Department of Health (DOH) at hinirang naman si  dating Light Rail Transit Authority administrator Mel Robles bilang general manager ng  Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

 

 

Inanunsyo ito ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles sa isang press briefing, kahapon Huwebes.

 

 

“Ngayong araw po ay itinilaga po si Dr. Rosario Vergeire bilang OIC ng Department of Health,” ayon kay Cruz-Angeles.

 

 

Bago pa ang kanyang bagong appointment, nagsilbi si Vergeire bilang  DOH Undersecretary for Public Health Services Team.

 

 

Buwan ng Hunyo nang ipagkatiwala kay Vergeire na pamunuan ang  National Vaccination Operations Center (NVOC),  ang “body”  na inatasan na tiyakin ang tamang “storage, inventory and delivery of coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines” at  i-develop tamang  guidelines para sa national vaccination program against the coronavirus.

 

 

Samantala,  sinabi pa ni Cruz-Angeles na “Sa Philippine Charity Sweepstakes Office naman, nominado si Mr. Mel Robles, dating Light Rail Transit Authority administrator, bilang general manager.”

 

 

Si Robles,  ani Cruz-Angeles ay kinilala sa kanyang naging mahalagang gampanin na gawin ang LRTA na “profitable” sa ilalim ng kanyang liderato.

 

 

Si Robles ay dating board member ng  Intercontinental Broadcasting Corporation.

 

 

Sa kabilang dako, hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nakapagpapalabas ang Malakanyang ng appointment papers nina Vergeire at Robles.

 

 

Welcome naman sa  DOH ang pagtatalaga kay Vergeire bilang DoH OIC. Looking forward ang  departamento sa pagpapatuloy ng pagbangon at pagbawi ng bansa mula sa pandemya.

 

 

“[The] DOH appreciates the President’s confidence in one of its career executives, including the immense responsibility such trust brings,” ayon sa DoH  sabay sabing “Each and every member of the DOH family shall work together to continue the gains instituted by previous administrations.”

 

 

Tiniyak din ng departamento sa publiko na ginagawa na nito ang lahat ng kanilang makakaya tungo sa universal health care para sa mga  Filipino. (Daris Jose)

Guidelines sa paggamit ng Dengvaxia, kailangang isapubliko – Dr. Solante

Posted on: July 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SINABI ni Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante na mahalagang magkaroon ng guidelines sa sandaling muling mapahintulutang magamit ang Dengvaxia vaccine.

 

 

Ito’y sa harap ito ng nakikitang pagtaas sa kaso ng dengue sa bansa.

 

 

Aniya, sa pamamagitan  ng guidelines ay mailalahad sa publiko ang benepisyo at kahalagahan ng bakuna lalo na para sa populasyon na nasa kategoryang high risk na tamaan ng sakit at high -risk na madala sa pagamutan.

 

 

Bukod  dito, mailalahad din  ng guidelines ang kahalagahan sa pagsugpo ng Dengue virus infection.

 

 

Nauna rito, sinabi ng eksperto na panahon nang muling irekonsidera ng pamahalaan ang pagpapatuloy at paggamit ng dengvaxia lalo na’t ang ibang mga bansa naman gaya Singapore, Malaysia, Thailand at Indonesia ay gumagamit ng naturang bakuna na pangontra sa dengue. (Daris Jose)