Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
IKINADISMAYA ng isang Obispo ang panibagong pagtataas ng singil sa kuryente ng mga konsyumer sa National Capital Region (NCR) at iba pang karatig lalawigan.
Ayon Cubao Bishop Honesto Ongtioco na hindi makatarungan na sisingilin sa mga consumer ang generation cost ng Manila Electric Company (MERALCO) noon taong 2013.
“How can they operate & pay their own people kung ang pautang ay napakalaki? Malaki siguro ang kita ng MERALCO pati na ang mga supplier nito, how can both operate with a huge amount of pautang? And for many years? Hindi pa pumapasok dito mga consumers,” ayon sa ipinadalang mensahe ni Bishop Ongtioco sa Radio Veritas.
Ipinapanalangin din ng Obispo na magkaroon pa rin ng pamaaraaan ang may mga pananagutan na malutas ang panibagong pasanin ng mamamayan na dumaranas ng kahirapan dahil sa napakataas na presyo ng mga bilihin.
Patuloy naman ang pagsasagawa ng National Association of Electricity Consumer for Reform (NASECORE) ng mga hakbang na pipigilan ang nakatakdang pagtataas sa singil ng MERALCO.
“We’ll file Motion for Reconsideration today with the SC, Di tayo dapat mabahala dahil sa mas malaki ang Energy Regulatory Commission (ERC) order para sa Meralco refund na halos P50B,”mensahe ni Pete Ilagan – Pangulo ng NASECORE sa Radio Veritas. (Gene Adsuara)
FROM the director of Deadpool 2 comes the new action-thriller Bullet Train which brings together seven characters, all with connected, conflicting, and at times, confusing objectives.
[Watch the film’s newest trailer at https://youtu.be/Eku2gerbnMc]
Brad Pitt stars as Ladybug, an unlucky assassin determined to do his job peacefully after one too many gigs gone off the rails. Fate, however, may have other plans, as Ladybug’s latest mission puts him on a collision course with lethal adversaries from around the globe—all with connected, yet conflicting, objectives—on the world’s fastest train. The end of the line is just the beginning in this non-stop thrill-ride through modern-day Japan.
For director David Leitch, the chance to direct a movie that was unlike any other presented an unmissable opportunity.
“I was attracted to how bold and original it is, and that’s the kind of movie I like to make,” he says.
“It has a tone of relentless fun and snappy dialogue. But the most important thing to me was that it had well-defined characters that gave the actors a lot to chew on. It’s a fun action-thriller with crazy, bombastic characters – and it’s a meditation on fate. Really.”
“All of these characters show their humanity,” adds Leitch. “Ladybug wants to be a better person. But you also see it in the characters played by Brian Tyree Henry and Aaron Taylor-Johnson in their brotherhood – they clearly care for each other. Joey King’s character is a sociopath, but she has a dynamic with her father that we can all connect with. You can go on this journey with these remorseless killers and still feel for them, have fun, laugh at the jokes.”
That makes it a movie that fits squarely into Leitch’s vision as a director. “It’s hard these days to strike out and make an original movie – not a sequel or a superhero story – but we’re up for the challenge,” Leitch continues.
Through his company 87North, Leitch is seeking to bring his own personal stamp to action movies and the way action is portrayed. Having entered the business as a stuntman, and rising to become a stunts supervisor and choreographer before staking a groundbreaking directorial style with the films Deadpool 2, Atomic Blonde, Fast & Furious Presents: Hobbs & Shaw, and John Wick, Leitch says that there are boundless opportunities to stretch the action genre.
“There’s action in comedy, there’s action in thrillers, there’s action in horror,” he says. “My entire adult life has been action on film. Action is in my DNA. So I’m excited by the idea of taking big, provocative swings and making bold choices, as we keep it action-adjacent.”
Leitch had gained Pitt’s trust by serving as his stunt double on several of the actor’s classics – Fight Club, Mr. & Mrs. Smith, Troy, and more – before making his mark as a director. Pitt knew he’d be in safe hands.
“It was a little funny to me, watching Brad play a stuntman in Once Upon a Time… in Hollywood. I can tell you that the relationship between actor and stuntman that was part of that movie is real,” says Leitch. “You develop a close and collaborative relationship. We went in different directions for a while, but fate wasn’t done with us, and I’m so glad it’s brought us back together.”
In Philippine cinemas August 03, Bullet Train is distributed by Columbia Pictures, local office of Sony Pictures Releasing International. Connect with the hashtag #BulletTrainMovie
(ROHN ROMULO)
NAKATUON na ngayon ang atensiyon ng Gilas Pilpinas sa laban nila sa Japan sa knockout playoffs ng 2022 FIBA Asia Cup.
Bilang nasa Group D ang Gilas Pilipinas na mayroong isang panalo at dalawang talo ay makakaharap nila ang Japan na na nasa Group C na mayroong dalawang panalo at isang talo.
Sinabi ni Gilas Pilipinas coach Chot Reyes na nakapagpahinga na ang kaniyang mga manlalaro matapos ang pagkatalo sa New Zealand nitong Linggo 92-75 sa laro na ginanap sa Jakarta, Indonesia.
Dagdag pa ni Reyes na kinalimutan na nila ang pagkatalo sa New Zealand nakatutok na sila sa susunod na laro.
Gaganapin ang laban ng Gilas Pilipinas at Japan mamayang alas-10 ng gabi oras sa Pilipinas.
SA latest Q & A vlog ng actress na si Ciara Sotto, sinagot nga niya ang mga tanong tungkol sa status ng kanyang pakikipag-relasyon.
Naitanong kay Ciara kung may boyfriend na ba siya, pagkatapos ng paghihiwalay ng asawang businessman na si Joe Oconer noong 2016.
Nakaaaliw naman ang naging reaction ng anak nila na si Vicenzo Xose na kilala rin bilang Crixus. Maririnig kasi sa background ang matinding pagtutol ng 7 years old na anak sa pagkakaroon niya ng boyfriend o bagong karelasyon.
Isang matinding, “NEVER!” ang sabi ni Crixus.
Kaya naman tawang-tawa si Ciara sabay sabing, “Grabe ‘yung anak ko! Doon ka nga. Grabe ayaw akong magka-bf,”
Pang-aasar pa niya sa anak, “Paano kung meron na?” Napa-“Eeeeew!!!” na lang ang anak niya.
Tanong naman ng kanyang follower, “How are you and Crixus’ dad?”
“We’re good friends, okay? I think we’re co-parenting well,” sagot ni Ciara.
Never naman silang naging enemies. Constant pa rin ang pag-uusap nila ng dating asawa at ‘yun gusto niyang makita ang kanilang anak, kaya okay na sila sa ganung situasyon.
Tungkol naman sa pakikipag-deal niya sa cheating…
“I can’t deal with cheating,” mabilis niyang sagot.
“So if the guy cheats, goodbye! Bigay niyo na sa kanila kung ayaw na nila sa iyo. Bye!” dagdag pa ni Ciara.
Samantala, pinost naman ni Ciara sa kanyang Instagram ang series of photos ni Crixus na suot nito ang football uniform, may caption na, “Ready for his 2nd tournament ⚽️ #Crixiano #Football #MyLittleRonaldo.”
Pinusuan naman ito ng mga followers at celebrity friends, na halos lahat ay tuwang-tuwa at parang gulat na gulat na ganun na pala kalaki ang anak niya na moreno at lumalabas na talaga ang kaguwapuhan.
(ROHN ROMULO)
LUMALABAS umano sa isinagawang survey ng Pulse Asia na nasa 44% ng mga Pilipino ang hindi kuntento sa K-12 education system sa bansa.
Batay sa survey na isinagawa mula June 24 hanggang June 27, 25% bagay sa 1,200 respondents ay nagsabi ang mga ito na “somewhat dissatisfied” o bahagyang hindi satisfied sa kasalukuyang education system habang nasa 19% naman ang nagsabi na “truly dissatisfied” o talagang hindi satisfied.
Nangangahulugan na nasa kabuuang 44% ang makokonsiderang hindi kuntento sa K-12 program, ito ay 16 percentage points na mas mataas kumapara sa resulta ng survey na isinagawa noong September 2019 kung saan nasa 28% lamang ng mga respondents ang hindi satisfied sa K-12 system.
Kung kaya’t ayon kay Senator Sherwin Gatchalian na siyang magiging chair ng Senate committee on basic education, arts at culture sa 19th Congress na dapat na ma-review ang K-12 program.
Malinaw aniya ang boses ng ating mga kababayan na hindi sila kuntento sa programang ito dahil hindi naipapatupad ang mga pangako sa ilalim ng K-12 system, at naging dagdag pasanin lamang aniya sa mga magulang at mag-aaral.
Rekomendasyon ng senador na dapat suriin ng husto ang K-12 system upang matiyak na natutupad ang layunin nito na makapaghatid ng dekalidad na edukasyon at maisulong ang pagiging competitive ng mga estudyante.
SINANG-AYUNAN ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na manatili ang COVID-19 Alert Level System, sa ngayon lang habang naghahanap at pinag-aaralan na i-reclassify ang restrictions na komportable sa kasalukuyang milder strains na nakahahawa sa pasyente.
Ito’y matapos na ihayag ng mga health authorities na makapagpapalabas sila ng bagong alert level classification sa kalagitnaan ng Agosto.
Sinabi ni Pangulong Marcos na ang alert level ay maaaring i-adjust o i- improved kung ang mga tao ay magpapa-booster shots.
“To avoid confusion, we will retain the alert level system for now. We are however thinking, we are studying very closely, and we’ll come to a decision very soon as to decoupling the restrictions from the alert levels,” ang pahayag ni Pangulong Marcos sa pulong kay Department of Health Officer-In-Charge Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na ang DOH ay maaaring makapagpalabas ng bagong classifications sa ikalawang linggo ng Agosto.
‘Mid-August is a suitable period to loosen up to allay fears of the medical community and give them time to make COVID-19 cases more manageable,” ayon Kay Vergeire.
Aniya, ang bansa ay nahaharap sa “uptick” sa COVID-19 cases dahil sa mataas na nakahahawang Omicron BA.5 variant.
Base sa kasalukuyang pagtataya, “more relaxed compliance to minimum public health standards (MPHS) would result in a higher number of COVID-19 cases,” ayon kay Vergeire.
“With the emergence of new COVID-19 variants, the virus’ immune-escaping mechanism also increased. Experts project that if eligible individuals do not take the jabs, the country will witness increased hospitalizations by September,” aniya pa rin.
“So that’s why we really wanted to capture all of this eligible population bago dumating ‘yung time na projection na sinasabing September,” lahad nito. (Daris Jose)
MASAYA ang singer na si Mark Bautista dahil 98% na raw tapos ang kanyang pinapagawang bahay.
Hindi na raw siya makapaghintay na lumipat sa kanyang bagong bahay na bunga ng “disiplina at focus.”
Noong 2021 sinimulan ang construction ng kanyang dream home at lahat daw ng ginamit at ilalagay sa kanyang bahay ay siya mismo ang namili.
Sa mga hindi nakakaalam, tapos ng kursong architecture si Mark at siya mismo ang nag-design ng kanyang matagal nang pangarap na bahay.
Sa tulong na rin ng kanyang show sa GMA na All-Out Sundays, kahit na nagkaroon ng pandemya ay nakapag-ipon si Mark na siyang malaking tulong sa kanyang house project.
Kulay puti ang dominant color sa stylish house ni Mark. Pinaka-paborito raw niya ay ang terrace kunsaan may magandang view ng nature. Magandang tambayan daw ito para sa kanyang pamilya at mga kaibigan.
***
MARAMING netizens ang kinilig sa heartwarming message ng aktor na si Jason Abalos sa kanyang fiancée na si Vickie Rushton at sa kanilang magiging mga anak.
Pinost ni Jason ang naturang mensahe sa kanyang Instagram account sabay sa pag-upload niya ng pre-nuptial photo shoot nila ni Vicki sa Farm Ridge sa Pantabangan, Nueva Ecija.
Mensahe ni Jason: “Sa aming magiging mga anak. Sa lugar na ito kami nangangarap na magpatayo ng bahay para sa inyong paglaki at dito rin kayo matututo sa buhay, maglalaro kasabay ng mga alagang hayop.
“Madalas uupo lang tayo at magku-kwentuhan habang kami ng mommy n’yo ay nagkakape at patuloy na magpapasalamat sa ating Panginoon sa buhay na kanyang ibinigay sa atin. ‘Yong Vespa mahaba-habang usapan pero malamang isa sa inyo ang magmamana :)”
Mas mapapadalas na ngayon si Jason sa Nueva Ecija dahil nanalo siya bilang board member noong nakaraang eleksyon. Kaya mukhang mas bibigyan muna niya ng priority ang pagiging public servant kesa sa showbiz career niya.
***
PERSONAL na tinutulungan ngayon ni Iron Man star Robert Downey Jr. ang aktor na si Armie Hammer pagkatapos na masangkot ito sa matinding kontrobersya na ikinabagsak ng career nito.
Pinasok ni Downey si Hammer sa Guest House treatment center in Silver Springs, Florida na isang rehab facility para sa mga clients with high-stress or high-visibility lifestyles such as business executives, politicians and entertainment professionals.
Binayaran ng Marvel actor ang six-month stay ni Hammer sa naturang facility.
Nasangkot sa isang sex scandal si Hammer na ikinasira ng kanyang pamilya. Nakipaghiwalay sa kanya ang misis na si Elizabeth Chambers at dinala nito ang kanilang mga anak.
Sinundan ni Hammer ang kanyang estranged wife sa Cayman Islands kunsaan nagtrabaho siya bilang timeshare salesman sa isang resort.
Nung masangkot ang aktor sa isang rape scandal noong March 2021, nawala lahat ng mga projects nito for film and television.
Bukod sa sex scandal, naging alcoholic si Hammer kaya pinasok siya sa rehab ni Downey. Na-bankrupt din daw ang aktor kaya nagtrabaho ito bilang salesman.
Ayon sa Variety: “He is working at a cubicle. The reality is he’s totally broke, and is trying to fill the days and earn money to support his family.”
Ngayon ay pati pamilya ni Hammer ay tinutulungan ni Downey. Pinatira niya ang misis at mga anak ni Hammer sa isang bahay niya sa Los Angeles. Doon daw muna sila habang gumagawa ng paraan si Elizabeth na maayos ang buhay niya at ng mga anak nila ni Hammer na sina Harper Grace (7) and Ford Douglas (5).
Huling napanood si Hammer sa pelikulang Death On The Nile, pero di siya pinag-promote ng movie dahil sa naging iskadalo sa kanya.
(RUEL J. MENDOZA)
KALABOSO ang 57-anyos na lalaki na nagpakilalang miyembro ng media matapos manghingi ng pera sa isang barangay opisyal kapalit umano ng magandang write up sa mga aktibidad ng kanilang barangay sa Valenzuela City.
Nahaharap sa kasong Estafa at paglabag sa BP.6 (Illegal Possession of Deadly Weapon) ang suspek na kinilala bilang si Edwin Reyes Sarmiento, ng No. 34 Kalayaan B St., Batasan Hills, Quezon City.
Sa report ni PMSg Regor Germedia kay Valenzuela police chief Col. Salvador Destura Jr, dakong alas-2:45 ng hapon nang magtungo ang suspek sa Malanday 3S sa M.H Del Pilar St., Brgy. Malanday saka nagpakilalang na miyembro ng media at kaanib umano ng Bulgar Tabloid Newspaper.
Si Kagawad Marco Antonio Dalag, 41, ng Brgy. Malanday ang nakausap ng suspek kung saan nanghingi umano ito ng P3,000 kay kagawad kapalit ng magandang write up para sa mga aktibidad ng kanilang barangay.
Matapos makumbinse, nagbigay umano ng paunang P1,000 ang complainant subalit, nang kanilang alamin kung totoong miyembro ang suspek ng Bulgar ay natuklasan nila kalaunan na hindi ito legitimate miyembro ng nasabing pahayagan.
Humingi si Kagawad Dalag ng tulong kay PSMS Roberto Santillan ng Valenzuela Police Sub-Station 6 sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Armando De Lima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at narekober sa kanya ang P1,000 bill, isang patalim (balisong), Bulgar Tabloid Newspaper, Brochures at assorted ID’S. (Richard Mesa)
LAST Sunday, July 17, isinagawa na ng Viva Films ang mediacon ng Maid in Malacanang” na dinirek ng controversial young director na si Darryl Yap sa Manila Hotel.
Dinaluhan ito ng cast ng movie na sina Cesar Montano as President Ferdinand Edralin Marcos, Ruffa Gutierrez as Mrs. Imelda Romualdez-Marcos, Cristine Reyes as Imee Marcos, Diego Loyzaga as Bong Bong Marcos at Ella Cruz as Irene Marcos.
Kasama rin ang mga nagsiganap na mga helpers ng mga Marcoses nang panahong iyon, played by Karla Estrada, Beverly Salviejo and Elizabeth Oropesa.
Ang story ng “Maid in Malacanang” ay magpapakita ng last 72 hours ng pamilya sa Malacanang during the People’s Power Revolution in 1986. Ayon kay Direk Darryl, magpapakita movie ng buong katotohanan sa mga nangyari nang panahong iyon at wala silang binago sa kasaysayan.
Kaya naman mabilis na kumalat sa social media ang official trailer ng movie, idinaraos pa lamang ang mediacon, mabilis itong nag-trending at millions agad ang views nito.
Sa August 3 na ang nationwide showing in cinemas at magkakaroon din ito ng streamline screening para sa mga Filipinos abroad. Magkakaroon ito ng red carpet premiere night on July 29, sa SM The Block.
***
DURING the mediacon, inamin ni Cesar Montano na na-challenge siya nang tanggapin ang role ni former President Ferdinand Marcos.
“Konting panahon lamang kasi ang ibinigay nila sa akin para pag-aralan ang kanyang role, Naalaala ko nang ipagawa sa akin ang role ni Jose Rizal, seven months ang ibinigay nila sa akin, but here, seven hours lamang ako para maghanda at gampanan ang role niya.
“Pero kahit limited ang preparation ko, hindi ko sinayang ang oras para matutunan ko ang kanyang role. Kaya labis-labis ang pasasalamat ko kay direk Darryl sa pagsubaybay niya sa akin habang nagsu-shoot kami.”
Hindi naman nasayang ang pagsisikap ni Cesar dahil pinuri siya ni Direk Darryl dahil lagi raw ‘take 1’ ang mga eksena niya.
***
PURING-PURI naman, hindi lamang ni Direk Darryl Yap, kundi ni Senator Imee Marcos, si Cristine Reyes dahil kuhang-kuha raw ng actress ang pagkilos niya, pananalita at kahit ang pananamit at ayos ng buhok niya ng time na iyon.
Para nga malaman ni Cristine ang tunay na Imee Marcos, nag-request siyang makausap ang Senadora.
“Pero hinayaan ko lamang siyang magkuwento at sa paghaharap naming iyon, naramdaman ko ang pain at memories ng nakaraan sa kanya. Kaya nang ako na ang nasa harap ng kamera, may hugot din ako, sa malungkot kong childhood at nagamit ko ito sa mga eksena ko.
“Makikita rito ang naiibang pagmamahal at pagtatanggol ni Imee sa kanyang pamilya. Kaya, wish ko sana, ay mapanood ng mga tao ang version ng truth mula sa mga Marcoses, sa pamamagitan ng “Maid in Malacanang,” pagtatapos ni Cristine.
***
BEFORE the end of July, magsi-celebrate na ng kanilang 44th year anniversary ang longest running-noontime variety show na “Eat Bulaga.”
Last Saturday, July 16, sinabayan na sila ng “Tropang LOL” at “It’s Showtime” na napapanood sa TV5, A2Z, Kapamilya Channel at Jeepney TV. Samantalang ang EB ay napapanood lamang sa GMA-7, 12nn to 2:30pm on weekdays at 11:30am to 2:30pm tuwing Saturdays.
Ayon sa AGB Nielsen NUTAM, naka 5.3 percent ang EB, 2.9 percent ang “Tropang LOL” at 3.2 percent ang nakuha ng “It’s Showtime”, samantalang ang katapat nitong afternoon prime series na “Apoy sa Langit” ay nakakuha ng 6.2 percent.
(NORA V. CALDERON)