• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for July 28th, 2022

Sexton, Anthony, Griffin, Rondo, kabilang sa higit 20 pang players na nasa NBA free agency

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMAABOT pa sa mahigit 20 mga players kasama na ang ilang magagaling na mga veterans ang wala pa ring koponan matapos magpaso ang kanilang kontrata, habang ang iba naman ay tumanggi nang magkaroon ng extension.

 

 

Kabilang sa mga nakabitin pa ang mga career at nasa free agency ay ang 23-year-anyos na scoring guard mula sa Cleveland Cavaliers na si Collin Sexton na nasa restricted free agent market.

 

 

Ang mga veteran players naman na sina Carmelo Anthony ng Lakers, Blake Griffin ng Brooklyn at Dwight Howard ng Lakers ay nag-aantay din na kunin ng ibang mga teams.

 

 

Ang iba pang players na nasa balag din ng alanganin ang mga career ay ang center na si Hassan Whiteside ng Utah Jazz, Tristan Thompson ng Chicago Bulls, LaMarcus Aldridge ng Brooklyn Nets, Demarcus Cousins ng Denver Nuggets, Rajon Rondo ng Cavs, point guard ng Charlotte Hornets na si Isaiah Thomas, at iba pa.

Pingris handang tulungan ang FEU

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA si Marc Pingris na tulungan ang Far E­astern University (FEU) Tamaraws sa kampanya nito sa UAAP men’s basketball tournament.

 

 

Inimbitahan ng pamu­nuan ng unibersidad si Pingris na maging bahagi ng coaching staff upang mas lalong mapalakas ang Tamaraws sa mga susunod na edisyon ng UAAP.

 

 

“Handa naman ako pero pag-uusapan pa. Yun talaga ang gusto ko yung maibahagi yung mga natutunan ko sa mga batang players,” ani Pingris.

 

 

Naniniwala ang FEU na malaki ang maitutulong ni Pingris para matutukan ng husto ang mga miyembro ng kanilang koponan.

 

 

Malalim ang karanasan ni Pingris hindi lamang sa collegiate basketball maging sa professional level at mga international competitions.

 

 

Sa kanilang collegiate career, naging bahagi si Pingris ng Philippine School of Business Administration at FEU.

 

 

Noong 2004, nakuha itong third pick overall sa PBA Annual Rookie Draft ng FedEx Express.

 

 

Maliban sa FedEx, nag­laro rin si Pingris para sa Purefoods franchise mula 2005 hanggang 2019 bago magpasyang magretiro.

 

 

Siyam na beses itong nakatikim ng kampeonato sa PBA at dalawang beses naging Finals MVP.

 

 

Naging miyembro ito ng national team na nakasungkit ng gintong medalya sa 2003 Vietnam Southeast Asian Games.

 

 

Bahagi ito ng Gilas Pilipinas na nakapilak sa FIBA Asia Championship noong 2013 sa Maynila at 2015 sa China.

Ads July 28, 2022

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Hirit ng netizen, ‘anak’ na lang ang hinihintay nila: MATTEO, super sweet talaga sa heartfelt birthday message kay SARAH

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WINNER at super sweet talaga si Matteo Guidicelli lalo na pagdating sa asawa niya na si Sarah Geronimo-Guidicelli.

 

Pinusuan at talaga naman kinakiligan ng mga netizens at celebrity friends ang kanyang pinost na heartfelt birthday message kalakip ng sweet photo nila ni Sarah.

 

Caption ng actor/singer/host, “Happy birthday my love!

 

“I hope you enjoyed your special day today. You deserve all the love and happiness in the world!!

 

“Seeing you bloom into a lady has been an incredible experience. Proud husband right here! Keep that fire burning!

 

“We love you. I love you very much.”

 

Say nga ng ilang netizens tuwang-tuwa nga sa kasweetan ni Matteo:

“Sweet! Napaka consistent ni Matteo. Sana ganyan hanggang dulo.”

 

“Ang cute cute talaga ng magjosawa na toh. Haha! Never ko pa din sila nakita magKiss sa lips, paka-wholesome!!!

 

“Love Worth fighting for. Happy birthday Queen SG!”

 

 

“I love Sarah’s simplicity in spite of having all the means.”

 

 

“Happy birthday my favorite SGG. And to my super favorite couple.. Stay safe.. Yes, keep your love burning.”

 

 

“Happy birthday sars @justsarahgph u deserve all the love and happiness.”

 

 

Comment pa ng isang follower, “Anak na lang hinahantay ko dito sa dalawang eto. Take your time. Enjoy married life together. Sulitin na kayo dalawa lang muna.”

 

***

 

 

NAG-TRENDING sa Twitter ang Fearless Diva of the Philippines na si Jona, na kilala na rin bilang isa sa mga jukebosses ng OG videoke game show ng bansa, ang ‘Sing Galing’ at ‘Sing Galing Kids.’

 

 

Noong Huwebes, July 21 ay nagkaroon siya ng “Jona Fearless Day” kung saan nagpa-interview siya sa iba’t-ibang radio and TV programs at nagpasaya ng mga listeners and viewers.

 

 

Sulit na sulit ang #JonaFearlessDay Media Tour dahil nag-simula ito ng 9:00am ng umaga at nagpatuloy hanggang 7:00 pm ng gabi.

 

 

Ipinakilala si Jona bilang pinakabagong jukeboss sa ‘Sing Galing Year 2’ noong idinaos ang grand finals ng show noong Marso 2022. Bukod sa pagiging jukeboss sa regular edition ng ‘Sing Galing’, isa jukeboss din siya sa kiddie edition na ‘Sing Galing Kids’, na nagsimula nang umere sa TV5 tuwing Sabado ng gabi.

 

 

“Hindi pumasok yan sa mind ko before na someday I’ll be mentoring these kids. Pero along the way, I started dreaming to someday be able to give back to aspiring singers who are going through the same path na pinagdaanan ko rin before,” pahayag ni Jona na tututukan sa kanyang challenging role bilang jukeboss.

 

 

Makisaya at makitawa sa bawat funny at emotional episode highlights ng Sing Galing! I-follow ang @singgalingtayo sa Twitter, Instagram, Facebook at @SingGaling sa Youtube.

 

(ROHN ROMULO)

Aftershocks asahan pa kasunod ng magnitude 7.0 quake sa Abra – Phivolcs

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGBABALA ang Phivolcs sa mga lugar sa lalawigan ng Abra at iba pang kalapit na lugar na asahan pa ang serye ng aftershocks matapos na tumama kanina ang 7.0 magnitude na lindol.

 

 

Una rito, nairehistro sa mga instrumento ng Phivolcs ang sentro ng malakas na lindol sa tatlong kilometro ang layo mula sa Tayum, Abra dakong alas-8:43 ng umaga na may lalim na 17 kilometers.

 

 

Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang Phivolcs na maaaring magdulot ng pinsala ang naturang pagyanig.

 

 

Ilang mga pinsala na rin ang iniulat ng mga otoridad sa imprastraktura at patuloy pa ang assessment sa mga lugar na nakaramdam ng may kalakasang pag-uga ng lupa.

 

 

Sa lakas ng lindol naramdaman ito hanggang sa Metro Manila kung saan may ilang mga residente ang naglabasan sa kanilang mga tahanan at ilang matataas na gusali.

 

 

Samantala, Pres. Marcos, nagkansela ng aktibidad para asikasuhin ang epekto ng lindol.

 

 

Pinatitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabibigyan ng tulong ang mga apektado ng magnitude 7.0 na lindol sa malaking bahagi ng Luzon.

 

 

Ayon kay Press Sec. Trixie Cruz-Angeles, may mga aktibidad sanang nakahanay ang pangulo, ngunit minabuti nitong tutukan na lang muna ang pagtugon sa mga nasalanta ng kalamidad.

 

 

Maging sa Malacanang ay naramdaman din ang pagyanig, pati na sa iba pang parte ng Metro Manila.

 

 

Kaya naman, agad nagsagawa ng inspeksyon ang engineering team ng palasyo upang matiyak na walang pinsala ang mga gusali sa complex, bago payagan ang mga tauhan na makabalik sa kanilang tanggapan. (Daris Jose)

Pope Francis emosyunal na humingi nang tawad sa mga katutubo sa Canada

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

BUONG pusong humingi ng kapatawaran si Pope Francis sa mga katutubo ng Canada na naging biktima ng pagmamaltrato at pangmomolestiya umano ng ilang opisyal ng simbahan na nagpapatakbo noon sa kanilang paaralan.

 

 

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga katutubo, sinabi nito na labis siyang nahihiya sa ginawa ng kapwa niya Kristiyano sa mga katutubo.

 

 

“I humbly beg forgiveness for the evil committed by so many Christians against the Indigenous peoples.”

 

 

Magugunitang sa pagitan ng 1991 at 1996 ay mayroong mahigit 150,000 na mga katutubong kabataan na nahiwalay sa kanilang mga pamilya na dinala sa mga residential schools ay nakaranas umano ng pagmamaltrato mula sa mga pari na nagpapatakbo ng nasabing paaralan.

 

 

Nagtungo ang Santo Papa sa Canada para humingi ng kapatawaran sa mga biktima ng pagmamaltrato.

 

 

“I am here because the first step of my penitential pilgrimage among you is that of again asking forgiveness of telling you once more that I am deeply sorry,” ani Pope Francis. “What our Christian faith tells us is that this was a disastrous error incompatible with the gospel of Jesus Christ.”

Pagtatayo ng mga tulay sa NCR, kasama sa plano ng DPWH

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PLANO ni DPWH Secretary Manuel Bonoan  na gumawa ng tulay na mag- uugnay sa North at Southern part ng Kalakhang Maynila.

 

 

Bunsod ito nang patuloy pa ring nararanasang matinding trapiko sa National Capital Region.

 

 

Sa Post SONA Economic briefing,  tinuran  ni Bonoan na balak nilang  itayo ang mga tulay mula sa Marikina at Pasig river at mula doon ay mapabilis ang mobility ng mga taga Kalakhang Maynila mula North  hanggang South.

 

 

Aniya, kaunti lamang ang connectors dito sa NCR kayat kailangang maipagpatuloy ang construction development.

 

 

Tinatayang lima hanggang anim na tulay ang target ni Bonoan na maipatayo patawid halimbawa ng Pasig river.

 

 

Sinabi pa nito na  patuloy ding magpapagawa ang gobyerno ng mga  expressway papasok sa iba pang bahagi ng NCR region.

 

 

Isa na rito aniya ang entry sa Eastern part na kung saan, ang tumbok  ay mga lugar ng Pasig at Canta mula Bulacan. (Daris Jose)

Paghigpit sa pagkuha ng gun license, nonstop crackdown sa loose firearms inirerekomenda ng mambabatas

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAIS ni Quezon City Rep. Marvin Rillo na mahigpit na screening ang gawin ng Philippine National Police sa mga aplikante ng gun license kasunod na rin sa naganap na pamamaril sa isang dating mayor at dalawa pang katao sa Ateneo de Manila University.

 

 

“We have to reinforce the vetting of individuals applying for licenses to own and possess guns, while cracking down on unregistered or loose firearms,” pahayag ni Rillo sa isang statement.

 

 

Giit pa ng mambabatas na iwasan sana ng Camp Crame na magbigay ng multiple gun licenses, lalo na sa mga first-time applicants, maliban lamang kung may nakaambang panganib sa kanilang buhay dala ng kanilang propesy

 

 

Ang suspek sa pamamaril noong Linggo na si Dr. Chao Tiao Yumol, 38 anyos, ay nahulihan ng dalawang baril: isang Ruger at isang Llama na may kasamang silencer, ayon sa Quezon City police.

 

 

Habang may lisensiya ang Ruger, hinahanap pa ng pulisya kung rehistrado ang ikalawang baril.

 

 

Binaril at napatay ni Yumol si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, kanyang aide na si Victor Capistrano, at ang Ateneo security guard na si Jeneven Bandiala, ayon pa sa pulisya.

 

 

Ang anak ni Furigay na si Hannah, na isang graduating Ateneo law student ay nasugatan din sa insidente.

 

 

“We are praying for the victims, and our hearts go out to their families at this difficult time. We also share the pain of the Ateneo community,” pahayag ni  Rillo.

 

 

Isa pa aniyang halimbawa kung bakit dapat maghigpit ay yaong lumabas sa viral video ng isang lalaki na ipinagyayabang ang kanyang baril at binabantaan ang mga dumadaang motorist matapos magkaroon ng alitan sa trapiko sa Meycauayan City.

 

 

Nabatid na ang lalaki ay may 10 rehistradong baril ngunit hindi naman nabigyan ng permit to carry para mailabas ang anumang armas sa labas ng tahanan.

 

 

Kinasuhan naman ng kasong criminal ng National Bureau Investigation nitong nakalipas na linggo laban sa nasabing lalaki.

 

 

Hiniling pa ng mambabatas na magsagawa ng “nonstop crackdown” sa mga unregistered firearms na nagagamit sa paggawa ng krimen.

 

 

Sa pagtataya ng London-based International Alert (IA), isang organization na ang adbokasiya ay resolbahin ang problema o isyyu ng walang halong bayolenteng aksyon, ang Pilipinas ay mayroong 3.9 million firearms, na mahigit sa kalahati o 2.1 million ay unlicensed o illegally owned. (Ara Romero)

Unang araw ng enrollment nakapagtala ng 2.8-M nakapagrehistro – DepEd

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

KINUMPIRMA ng Department of Education (DepEd) na mahigit sa 2.8-million na mga estudyante mula sa iba’t ibang parte ng bansa ang nakapagrehistro na sa unang araw ng enrollment para sa nalalapit na bagong school year.

 

 

Ayon sa DepEd nasa kabuang 2,808,779 ang mga nakapag-enroll hanggang kagabi, na mas mataas sa 1,443,666 na mga learners kahapon ng hapon.

 

 

Samantala wala namang naiulat ang DepEd na mga major issues o mga untoward incidents sa ginaganap na nationwide enrollment process.

 

 

Pinasalamatan din ng education department ang mga personnel nito, mga volunteers, at mga stakeholders dahil sa maayos na proseso ng enrollment.

 

 

Ang pagsisimula ng registration process ay batay na rin sa DepEd Order Number 35, na nagtatakda sa timeline para sa enrollment ng School Year 2022-2023 mula nitong July 25, hanggang August 22, 2022.

 

 

Ipinaalala ng DepEd na ang enrollment ay maaring gawin in-person, sa pamamagitan din ng remote, o kaya sa mga drop box forms.

 

 

Ang mga Alternative Learning System (ALS) learners naman ay pinapayagan na mag-enroll physically o online.

 

 

Ang School Year 2022-2023 ay magsisimula na sa August 22, 2022 at magtatapos sa July 7, 2023.

 

 

Batay pa sa patakaran ang blended learning schedule at full-distance learning ay papayagan naman hanggang October 31.

 

 

Gayunman ayon sa DepEd simula sa November 2, lahat ng mga public at private schools sa bansa ay magta-transition na sa limang araw na in-person classes. (Daris Jose)

Ex-Senate Pres. Enrile, nanumpa na bilang chief presidential legal counsel

Posted on: July 28th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

OPISYAL nang nanumpa sa pwesto si Chief Presidential Legal Counsel (CPLC) Juan Ponce Enrile sa Malacañang ngayong araw.

 

 

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang panunumpa ng dating Senate President.

 

 

Ayon sa pangulo, buo ang kanyang tiwala sa kakayahan at karanasan ng opisyal bilang lingkod-bayan.

 

 

Dahil dito, umaasa ang Pangulong Marcos na lalong mapabubuti ang pagbibigay ng legal assistance tungkol sa mga magiging aksyon ng kanyang administrasyon.

 

 

Si Enrile ay dati na ring nanilbihan bilang Minister of National Defense noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr., na ama ni President Bongbong Marcos. (Daris Jose)