NAKIPAGPULONG si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa agriculture group Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at tinalakay ang posibilidad na itaas ang produksyon ng local agricultural goods at ibaba ang presyo.
Nakipagkita si Pangulong Marcos sa SINAG sa idinaos na pang-apat na Cabinet meeting.
“Dapat mag-produce ng mas marami sa local natin and affordable price sa ating mga consumer,” ayon kay Rosendo So ng Sinag.
Idinagdag pa ang pagbaba ng presyo ng baboy at pinag-aaralan ang posibilidad ng pagpapalaki ng malalaking baboy.
“They previously used to sell 95-kilo hogs. But if they raise pigs that are at least 120 to 130 kilos, this will lead to an increase in local production and make pork prices more affordable,” ayon sa SINAG.
Sa nakalipas na mga araw, ang presyo ng manok ay umabot na sa P185, umaasa si Sinag na babalik na sa normal ang produksyon nito.
“They previously used to sell 95-kilo hogs. But if they raise pigs that are at least 120 to 130 kilos, this will lead to an increase in local production and make pork prices more affordable,” ayon kay Sinag.
“Ang bigas, eh so far naman, nag-stabilize ang presyo dahil ang miller nasa P33 per kilo, ang deliver nasa P35 so more or less P38 ang range ng retail price,” aniya pa rin.
Sinabi ni So na kailangan na dapat na may koordinasyon sa pagitan ng private sector at Department of Agriculture (DA) upang sa gayon ay maging malinaw kung anong produkto ang kinakailangan na iangkat.
“Yun ang malaking bagay na gagawin para at least eh pakinggan ‘yung local industry, kung ilan bang mapo-produce and ‘yung kulang lang ang ipasok,” ayon kay So. (Daris Jose)