• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 19th, 2022

“SMILE” ANNOUNCED AS THE OPENING NIGHT FILM AT FANTASTIC FEST 2022

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PARAMOUNT Pictures’ terrifying new horror feature “Smile” is set to make its world premiere as the Opening Night Film at the Fantastic Fest 2022, running from September 22nd – 29th in Austin, Texas.

To mark the announcement, Paramount has unveiled the main poster art for Smile.

Smile has been described as the intensely creepy debut feature from Parker Finn that’ll have even the seasoned Fantastic Fest crowd gripping their armrests in genuine fright.

[Watch the film’s trailer at https://youtu.be/zHR9-8WOISA]

About Fantastic Fest

Held every September in Austin, TX, Fantastic Fest is the largest genre film festival in the U.S. specializing in horror, fantasy, sci-fi, action and just plain fantastic movies from all around the world. The festival is dedicated to championing challenging and thought-provoking cinema, celebrating new voices and new stories from around the world and supporting new filmmakers.

 

About Smile 

 

After witnessing a bizarre, traumatic incident involving a patient, Dr. Rose Cotter (Sosie Bacon) starts experiencing frightening occurrences that she can’t explain. As an overwhelming terror begins taking over her life, Rose must confront her troubling past in order to survive and escape her horrifying new reality.

Written and directed by Parker Finn, the film stars Sosie Bacon, Jessie T. Usher, Kyle Gallner, Robin Weigert, Caitlin Stasey with Kal Penn and Rob Morgan.

Paramount Pictures Presents In Association with Paramount Players A Temple Hill Production “Smile”

In cinemas across the Philippines September 28, Smile is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures.

Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/  and YouTube at  https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw. Connect with #SmileMovie and tag @paramountpicsph

 

(ROHN ROMULO)

PBBM, ikakasa ang malawakang balasahan sa SRA sa gitna ng sugar import mess, ipinaubaya na sa Kongreso ang imbestigasyon

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAGSASAGAWA si Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ng malawakang balasahan sa  Sugar Regulatory Administration (SRA) kasunod ng pagbibitiw sa tungkulin ng mga  key officials nito dahil sa kontrobersiyal na sugar import resolution.

 

 

Sinabi ni Pangulong Marcos, pinuno ng  Department of Agriculture, na ang nakaambang na  reorganisasyon sa ahensiya, may layong i-promote ang paglago ng sugar industry ng bansa ay maaaring matapos ngayong linggo.

 

 

Layon din ng nasabing hakbang na malaman kung Ilan ang suplay ng asukal sa bansa at kung kinakailangan pa na mag-angkat nito sa panahon ngayon.

 

 

“We’ll reorganize the SRA and then we will come to an arrangement with the industrial consumers, with the planters, the millers, suppliers of the sugar to coordinate para talaga kung ano ’yung mayroon, kung ano ’yung available, mailabas na sa merkado,” ani Pangulong Marcos.

 

 

” ’Yung kulang, eh kunin na natin, kunin na natin. Mag-import na tayo. Mapipilitan talaga tayo, ” dagdag na pahayag nito. (Daris Jose)

P200K ang isang set na may personalized message: First-ever handpainted toy collectibles ni HEART, inaasahang magso-sold out

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA talagang tigil ang Kapuso star and fashion icon na si Heart Evangelista sa kanyang pasabog na artworks.

 

Infairness, pinangangatawan na talaga ni Heart ang pagiging ‘artist’ at talaga namang inaabangan ng mga art lovers and collectors ang kanyang latest creations.

 

Sa kanyang Instagram post, pinasilip nga ni Heart ang kanyang first-ever handpainted toy collectibles na tiyak na pag-aagawan ng mga collectors.

 

Caption niya, “LoveMarie x @secretfreshgallery “My first ever Art Toy release, a collectible set of 12 figures – each hand painted – will be released in a limited run of only 50 sets. 🫀💌🤍 Each set comes with a personalized message for me (a surprise actually) 28 August 2022 Secret Fresh Gallery

 

“For pre order please contact Raymond Lapurga at 0917 682 9440 or dm @secretfreshgallery

 

“My Other stories/works will also be displayed 🙂 (thank you already for the love).”

 

Ang naturang hand-painted resin figures ay ire-release in a limited run of 50 sets sa August 28, na kung saan makikita rin ang kanyang mga paintings sa naturang gallery.

 

Ayon sa owner ng Secret Fresh Gallery na si Bigboy Cheng, ini-expect nilang maso-sold out ang toy collectibles ni Heart after na i-announce ito last Sunday.

 

Ang bawat set may kasamang wooden box at yun one-of-a-kind personal message ni Heart, nagkakahalaga lang naman ito ng P200,000.

 

Kaya kung mabenta lahat ang 50 sets, katumbas ito ng ten million pesos.

 

Bali-balitang higit na sa kalahati ang nabebenta at marami pang nag-i-inquire dito at sa ibang bansa.

 

Kaya comment ng mga netizens at followers ni Heart na hangang-hanga at talagang napa-wow na naman:

“Those art pieces, so unique and so beautiful!🔥❤️👏 Congratulations @iamhearte”

“Congrats!! May art toy na!!”

“Omg! Would love to have one of your painting.”

“Omg how can i purchase?? Im in USA.”

“OMG Heart, this is incredible – i want one of your paintings tho

“Congrats Heart! Love your toy art collection! ❤️ Hanggang tingin at hangad na lang ako.”

“You’re so good in your artworks!…Congratulations to your new collections….”

“Super nakaka proud ✨🥂 Congratulations! All the best to you, SweetHEART.”

“Tama ang kasabihan “Ang mayaman lalong Yumayaman” coz they never stop on what they’re doing…”

Suggestion pa nila, “@iamhearte can you do Toy Art with all your outfits mga Fashion Week in Europe that would be fantastic!”

“If ever she’ll come out with that, I’ll sure get the one she’s wearing the famous “binalatang suman” by Cheetah Rivera.. kidding aside, that black and green skirt. She looked amazing in that outfit.”

“Kahit dressing dolls from local or international designers I bet she can! she has a lot of sources, bibili talaga ako.”

“Ms Heart you are such a talent hope you consider doing another series of painting at the Ayala Museum.”

At para sa mga marites na nagpakalat ng tsismis kina Heart at Sen. Chiz Escudero, say ng netizen, “Mga marites o ito na ang sagot sa mga tanong chismis nyo… now we know y Ongpauco and Escudero have been removed from Ms. Heart’s profile name.. Goodluck ms. Heart sa bagong venture mo…”

Makikita nga sa pasilip na video sa kanyang toy collectibles ang isa-isang pagsusulat ni Heart ng personal message na kasama at bawat set. Nandun din ang mag-asawang Julius at Christine Babao, na isa sa unang bumili ng limited artwork ng aktres…

Comment ni Christine, “So Exciting!! 💜❤️ congratulations Hearty! Proud to be one of the 50 owners of your limited series. And thankyou, for personalizing the special dedication for me and @juliusbabao 😘💋👩‍❤️‍💋‍👨”

Matatandaan na ang presyo ng mga paintings ni Heart mula sa 200K hanggang 600K.

At nang tanungin si Heart kung how much na ang price ng ‘three-panel painting of women’, sagot niya, “This would be about PhP6 million.”

 

Kung ibebenta naman niya ang paintings sa NFT digital art, ni-reveal ni Heart sa isang interview ang nakakalulang presyo nito, “It can go up to three million dollars, actually, or higher. It depends.”

 

Infairness kay Heart, ang hobby at galing niya sa pagpi-paint ay nagbibigay sa kanya ngayon ng malaking kita na pwede niyang pagkunan para ibili ng mga expensive things and at the same time dagdag din sa kanyang savings.

 

(ROHN ROMULO)

Magwo-world premiere na ngayong September: First teaser ng ‘Start-Up PH’ nina ALDEN at BEA, umani agad ng maraming views

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMANI agad ng maraming views ang first teaser ng “Start-Up PH” after ipalabas ito sa Chika Minute ng “24 Oras” last Wednesday, August 17.

 

 

Ang bagong serye ay first-ever adaptation of a breakthrough K-drama sa Philippine television, na magtatampok sa Asia’s Multimedia Star, Alden Richards, and multi-awarded actress and box office icon na si Bea Alonzo.

 

 

Ang “Start-Up PH” ay isang unique story about dreaming and loving. Starring sina Ms. Gina Alajar, Yasmien Kurdi, Jeric Gonzales, Boy 2 Quizon, Royce Cabrera, Kim Domingo, Ayen Munji-Laurel, Nino Muhlach, Lovely Rivero, Jackie Lou Blanco.

 

 

Sa direksyon nina Jerry Sineneng at Dominic Zapata, this September na ang world premiere sa GMA Telebabad.

 

 

***

 

 

SA halip na i-bash ng mga netizens si Lianne Valentin, nang mag-post ng birthday greetings ang GMA Afternoon Prime series niyang “Apoy sa Langit,” last August 15, binati siya ng mga viewers.

 

 

Comment nila, “Happiest Birthday to the woman who makes afternoon much more exciting, our Stella! May this day be good to you Lianne! Hindi ka muna naming aawayin ngayong araw!”

 

 

Totoo naman kung kinaiinisan sa serye ang kamalditahan ni Stella, marami ring humahanga sa husay niya sa pagganap bilang other woman ni Cesar (Zoren Legaspi) at ang mga tinitiis niyang hindi pagpapahalaga sa kanya nito bukod pa sa galit na tinitiis niya sa mag-inang Ning (Mikee Quintos) at Gemma (Maricel Laxa),

 

 

At buntis pa ito sa anak nila, pero hindi siya sumusuko, dahil ganoon niya kamahal si Cesar. Hanggang kailan kaya magtitiis si Stella?

 

 

Napapanood ang “Apoy sa Langit,” 2:30 PM after “Eat Bulaga.”

 

 

***

 

 

FEEL-GOOD series ang first project together ng Sparkle stars na sina Miguel Tanfelix at Ysabel Ortega sa GMA, ang “What We Could Be,”

 

 

Kaya na-excite na ang mga viewers ngayong ipinapakita na ang ilang eksena ng serye.

 

 

Comment nga ng isang fan: “Lumevel na ang GMA sa romcom tapos, mahusay pa ang director nila, si Jeffrey Jeturian. Aabangan ko ito. In fairness, ang ganda rin ng OST, dagdag kilig!”

 

 

Ang “What We Could Be” ay first collaboration ng GMA Network at ng Quatum Films ni Atty. Joji Alonso.

 

 

Makakasama rin nina Miguel at Ysabel sa cast si Yasser Mata at si Ms. Celeste Legaspi. Handa na ngang magpakilig sina Miguel at Ysabel, at mapapanood na sila sa world premiere nito simula sa August 29, 8:50 PM, after “Lolong.”

 

 

Papalitan nila ang “Bolera” nina Kylie Padilla at Rayver Cruz na magwawakas na sa August 26.

 

 

***

 

NAGSIMULA na ang online audition sa “The Clash Season 5” para sa mga Filipinos, na 16 years old pataas, na may talent sa pagkanta.

 

 

Sa mga interesadong sumali, mag-upload lang kayo ng video with accompanying self-introduction, one Tagalog song and one English song. Maaaring kumanta lang ng acapella, or may kasamang live instruments. Iwasan lamang gumamit ng voice effect or enhancements sa inyong video.

 

 

Tumutok lamang sa official social media account ng “The Clash” para sa mga susunod pang detalye ng audition.

 

 

Panel judges ng “The Clash 5” sina Comedy Queen Ai Ai delas Alas, Asia’s Nightingale Lani Misalucha at Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista. Hosts sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz.

 

 

Sino kaya ang magiging co-journey host ni Ken Chan?

 

 

***

 

 

PATULOY pa rin ang blockbuster showing, here and abroad, ng “Maid in Malacanang” ni Director Darryl Yap for Viva Films, na tampok sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Ms. Elizabeth Oropesa, Karla Estrada at Beverly Salviejo.

 

 

Nag-sign up ng movie contract si Ruffa sa Viva Films. Mayroon pa kasing part two and three ang movie, na kasama pa rin si Ruffa bilang Madame Imelda Marcos, kaya pumirma na siya ng contract.

 

 

Labis naman ang pasasalamat ni Ruffa kay Direk Darryl at sa Viva Films na siya ang kinuhang gumanap ng role. May mga nagsasabi ngang baka raw gawin din ng Viva Films ang life story ni Madame Imelda.

 

 

 

(NORA V. CALDERON)

WHO kinumpirma ang unang kaso ng ‘human-to-animal monkeypox transmission’

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAYUHAN  ng World Health Organization (WHO) ang mga dinapuan ng monkeypox na iwasang ma-expose sa mga hayop.

 

 

Kasunod ito sa napaulat ng pagkakahawa ng isang aso ng madapuan ng monkeypox ang amo nito sa Paris.

 

 

Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis na ang unang kaso ng human-to-animal transmission ay siyang kauna-unahang insidente ng pagkakahawa.

 

 

Mula noon pa man ay ipinapayo ng WHO na ang mga nagpositibo sa monkeypox virus ay dapat naka-isolate.

 

 

Paglilinaw naman nito na malayong makahawa naman ang nasabing virus sa mga hayop NA nakatira sa labas ng isang bahay.

Pinas, pag-aaralan ang pagbili ng bagong bakuna laban sa Covid variants

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAG-AARALAN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang pangangailangan na bumili ng bagong uri ng  coronavirus disease 2019 (Covid-19) vaccines laban sa  Omicron coronavirus subvariants.

 

 

Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay dahil na rin sa ulat na nananatili pa ring problema ang presensiya ng  Omicron subvariants na kailangan na tugunan.

 

 

Sa idinaos na “PinasLakas” vaccine campaign sa SM City Manila, sinabi ni Pangulong Marcos na sinabi sa kanya ni Department of Health (DOH) Officer-in-Charge (OIC) Undersecretary Maria Rosario Vergeire ang tungkol sa bagong klase ng  Covid-19 vaccines laban sa Omicron.

 

 

“Now, I was just told by Usec. Vergerie, mukha namang merong ilalabas na vaccine para dito sa mga bagong variant ng Omicron. Kaya’t pagaaralan natin  and if it’s going to be helpful,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

Giit ng Chief Executive na gagawin ng kanyang administrasyon ang lahat ng makakaya nito para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino mula sa Covid-19.

 

 

“Gagawin natin ang lahat para madala dito sa Pilipinas para mabigay natin sa lahat ng kailangang magkaroon ng booster shot,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, mahalaga ani Pangulong  Marcos na tumanggap ng booster shot upang napanatili ang lahat na “fully immunized” laban sa Covid-19 at subvariant nito kabilang na ang Omicron.

 

 

“So, that is why it is very important and it’s very clear the benefits of having a booster shot now to combat the problem with the new variants of Omicron,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Ads August 19, 2022

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

De Lima binanatan ‘wasak’ na katarungan sa bansa sa ika-2,000 araw sa selda

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

UMABOT  na sa 2,000 araw sa pagkakabilanggo si dating Sen. Leila de Lima matapos arestuhin sa patung-patong na drug charges sa kabila ng pagbaliktad ng mga tumestigo laban sa kanya — dahilan para tawagin niyang “broken” ang sistema ng katarungan sa Pilipinas.

 

 

Kilalang kritiko ng extrajudicial killings at human rights violations sa ilalim ng madugong gera kontra-droga ni Pangulong Rodrigo Duterte, sari-saring grupo’t indibidwal na ang nananawagang mapalaya ang dating chairperson ng Commission on Human Rights (CHR).

 

 

“Today marks the 2000th day of my unjust detention. My continued detention on the basis of evidently and utterly false cases is yet another reminder to the world that the justice system in our country is broken,” wika niya, Martes.

 

 

“I was detained, and persecuted, because I dared to speak for those who were oppressed against a populist tyrant.”

 

 

Pebrero 2021 nang maabswelto si De Lima sa isa sa tatlong kaso kaugnay ng iligal na droga. Humaharap pa siya sa dalawa. Dati na kasi siyang itinuturong may kinalaman diumano sa kalakalan ng narcotics sa loob ng New Bilibid Prison.

 

 

Ngayong 2022 lang nang sunud-sunod bawiin ng self-confessed drug lord na sina Kerwin Espinosa, dating Bureau of Corrections officer-in-charge na si Rafael Ragos at dating karelasyon at aide ni De Lima na si Ronnie Dayan ang mga testimonya sa korte at Senado laban sa opposition figure.

 

 

Una nang itinanggi ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre na pinwersa lang nila si Ragos para idiin si De Lima sa kaso.

 

 

“And by fabricating spurious charges against me to deplatform and silence me, the former wannabe dictator only proved my point and solidified his status as an oppressor, demonstrating his vindictiveness,” dagdag pa niya.”

 

 

“I have lived my public life fighting for justice, especially for those who have no means to fight for themselves. Now, I also fight for my own deliverance from injustice and for vindication. And I will persist in doing so in spite of the futile attempts to break me.”

 

 

Mayo 2022 lang nang manawagan ang anim na senador mula sa Estados Unidos (mula sa magkaribal na Democratic at Republican parties) para palayain si De Lima sa dahilang bumaliktad ang maraming tumestigo sa kanya.

 

 

Pebrero 2019 pa nang manawagan ang United Nations Human Rights Council sa dating administrasyong Duterte na palayain na si De Lima.

 

 

Bagama’t dinismiss kamakailan ng Ombudsman ang reklamong panunuhol laban kay De Lima, nagmamagtigas ang Department of Justice na hindi nila babawiin ang drug charges laban sa dating senadora. Aniya, korte na raw ang dapat magdesisyon sa kaso. (Daris Jose)

‘State of public health emergency, ‘di pa aalisin hanggang sa katapusan ng 2022’

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAPALAWIGIN pa ang umiiral na state of public health emergency sa Pilipinas na inisyal na idineklara dahil sa COVID-19 outbreak hanggang sa katapusan ng taong 2022.

 

 

Sa isinagawang vaccination campaign ng Department of Health na dinaluhan ng Pangulong Bongbong Marcos sa lungsod ng Maynila, sinabi ng Pangulo na kung ititigil ang state of emergency, matitigil din ang mga assistance na ibinibigay mual sa international medical community kabilang na ang World Health Organization.

 

 

Kung kaya’t tinitignan aniya na amyendahan ang batas pagdating sa procurement sa ilalim ng state of emergency na matatagalan pa kayat malamang papalawigin pa ito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.

 

 

Una ng idineklara ang public health emergency ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong March 8, 2020 upang matugunan ang banta dulot ng covid-19 sa pamamagitan ng mandatory na pag-ulat sa bagong cases, pagpapaigting ng government response, pagpapatupad ng quarantine at disease control measures. (Daris Jose)

Panukala sa Kamara nais ihimlay mga ‘sports heroes’ sa Libingan ng mga Bayani

Posted on: August 19th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG  Libingan ng mga Bayani ang maging huling hantungan ng mga atletang nagbibigay ng karangalan sa Pilipinas.

 

 

Ito’y matapos ihain ng isang kinatawan sa Kamara ang panukalang magbibigay pugay sa mga nabanggit.

 

 

Huwebes nang ihain ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang House Bill 3716, sa dahilang nagbibigay sila nang matinding inspirasyon sa publiko na magkamit ng mga kahalintulad na tagumpay sa buhay.

 

 

“Sports stars become heroes when they are admired for their  athletic accomplishments. As a society, we yearn to feel a connection to them, bask in their success, and pattern our lives after them,” sabi ni Barbers habang kino-quote si Joseph Hastings.

 

 

“Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani.”

 

 

Ang mga “sports heroes,” ayon sa HB 3716, bilang mga distinguished Filipino athletes na merong “character and integrity” na nakapagrepresenta at nagdala ng dangal sa Pilipinas sa:

 

pagkapanalo ng gintong medalya sa Southeast Asian Games

hindi bababa sa silver medal sa anumang Asian Games o Asian Cup

hindi bababa sa bronze medal sa Olympic o World Games

kampeon mula sa anumang professional sports competition

Sa ngayon kasi, pwede lang ilibing ang mga sumusunod sa naturang lugar:

medal of valor awardees

presidente o mga commanders-in-chief ng Armed Forces of the Philippines

mga bise presidente

mga kalihim ng Department of National Defense

chief of staff ng AFP

mga general o flag officers

mga aktibo at retiradong militar

mga mahistrado ng Korte Suprema (chief o associate justice)

mga mahistrado ng Court of Appeals

mga senador at senate president

dating AFP members na suli sa Philippine National Police at Philippine Coast Guard

government dignitaries, statesmen, national artists atbp. namatay na inaprubahan ng commander-in-chief, Konggreso o Secretary of National Defense

dating presidente, bise presidente, secretaries ng National Defense, biyuda/biyudo ng mga dating presidente at chiefs of staff

national artists at national scientists

 

 

“I hope that it is not too late to honor our sports heroes like Lydia de Vega. This measure is but a token of gratitude that we all enormously owe her and our other unsung sports heroes,” panapos ni Barbers.