• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August 23rd, 2022

DSWD ‘nag-sorry,’ magsasagawa ng ‘recalibration’ sa ‘payout system’

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HUMINGI nang paumanhin si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Erwin Tulfo matapos na magdulot ng kaguluhan sa ilang tanggapan nila ang programa sa Educational Assistance Payout sa mga student-in-crisis.

 

 

Layon ng naturang programa sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ay makatulong sa pagbili nila ng mga estudyante ng kanilang school supplies at iba pang kagamitan at pangangailangan sa pag-aaral.

 

 

Paliwanag naman ni Tulfo ang naturang programa ay hindi umano nababanggit ng dating administrasyon ng DSWD at marami umano sa mga bumuhos sa mga tanggapan nila ay ngayon lamang nalaman na meron pa lang ganitong uri ng proyekto.

 

 

Sa panayam  kay DSWD spokesperson at Asec. Rommel Lopez, inamin nito na “na-overwhelm” sila at hindi inaasahan ang response ng napakaraming nangangailangan ng tulong.

 

 

Marami sa mga pumila sa ilang tanggapan ng DSWD ay madaling araw pa lamang ay pumila na habang ang ilan naman ay nagpalipas pa ng magdamag.

 

 

Sa central office ng DSWD sa Quezon City ay inanunsiyo na magbubukas ang gate ng alas-7:00 ng umaga pero pagsapit ng naturang oras ay agad nang nagpatupad ng cut-off dahil sa hindi na makayanan sa dami ng nag-aagawang makapasok sa gate ng kagawaran.

 

 

Ang iba namang DSWD field office o SWAD satellite offices sa mga rehiyon ay itinakda ang payout ng alas-8:00 ng umaga, pero dinagsa rin ang mga ito kahit madilim pa.

 

 

Liban sa walk-in ay tumatanggap din ng aplikasyon ang DSWD sa pamamagitan ng email basta may maipakita lamang na certificate of registration sa enrollment o anumang dokumento na magpapatunay na enrolled na ang bata.

 

 

Kabilang pa sa requirement ay valid ID ng mga magulang o guardian at mga estudyante na nasa college/vocational na tatanggap ng educational assistance.

 

 

Batay sa educational assistance ng DSWD ang ayuda sa elementarya ay may P1,000; habang sa mga high school ay P2,000; samantalang sa senior high school ay P3,000, at sa mga nasa kolehiyo o nag-aaral na sa vocational ay makakatanggap ng P4,000.

 

 

Sa panayam kay Henry Nopia na matagal ding pumila sa DSWD NCR office, sinabi nito na “dapat sana ang ginawa ng DSWD ay sa unang Sabado ay elementarya lamang muna, at sa susunod naman ang high school.”

 

 

Nagdulot din ng napakahabang pila ang sitwasyon sa Loyola Street sa Legarda, Maynila kung saan inilipat muna doon ang pagproseso para sa DSWD NCR.

 

 

Sa head office ng DSWD ay halos magka-stampede na.

 

 

Marami sa mga pumila ay hindi lamang mga estudyante kundi maging ang mga benipisaryo ng 4Ps na nagpadagdag lalo sa buhos ng mga tao.

 

 

Ang maraming hindi nakaabot sa cut-off ay pinaiwan na lang muna ang kanilang mga requirements at tatawagan na lamang ng DSWD para sa convernient na schedule nila.

 

 

Kaugnay nito, tiniyak ni Asec. Lopez na magpapatupad na sila nang pagbabago sa mga susunod na payout para hindi na maulit ang nangyaring kaguluhan sa ilan nilang mga tanggapan. Kabilang sa umano’y pagbabago ay makakatuwang na nila ang DILG.

 

 

“Doon sa labas, we will admit humihingi kami ng pang-unawa at dispensa doon sa ating mga kababayan na kahit kami ay na-overwhelm. Kaya sa 7AM cut-off na kami para naman hindi naman namin ma-break ang COVID protocols,” ani Asec. Lopez .

‘Ligtas, payapa sa ngayon’: DepEd positibo sa unang araw ng face-to-face classes matapos ang 2 taon

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang mga major na insidenteng nangyari sa mga eskwelahan sa pagbubukas ng libu-libong harapang mga klase ngayong araw — ito matapos maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

“Sa ngayong umaga, wala pa po kaming natatanggap na major incidents or challenges,” wika ni Department of Education spokesperson Michael Poa.

 

 

Patuloy naman daw minamanmanan ng regional directors ng DepEd ang sitwasyon sa mga eskwelahan sa buong Pilipinas sa ngayon.

 

 

Biyernes nang sabihin ni Poa na aabot sa 24,765 o 46% ng mga pribado at pampublikong paaralan ang magpapatupad ng in-person classes ng limang araw habang 29,721 eskwelahan naman o 51.8% ang magpapatuloy sa blended learning modality.

 

 

Batay sa datos ng DepEd, umabot sa mahigit 27.6 milyon ang nag-enroll sa mg paaralan ngayong school year 2022-2023.

 

 

Kapansin-pansing mas mataas ang nagparehistro sa mga eskwelahan ngayong taon kumpara sa 23.9 milyon noong nakaraang taon. Sa kabila nito, mas mababa pa rin ito kaysa sa 28.6 milyon na target ng DepEd.

 

 

Makikitang nakasuot ng face masks ang mga bata sa mga larawang ipinaskil ng kagawaran sa social media ngayong araw.

 

 

Kabilang na rito ang ilang paaralan sa Calapan, Dinalupihan sa probinsya ng Bataan, Caloocan City at Muntinlupa City. (Daris Jose)

Unang paglipad ni ‘Darna’, pinag-usapan at nag-trending: Costume ni JANE, nilait-lait dahil pansin na mas pinaghandaan ang suot ni IZA

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PAGKATAPOS na lumipad ni Jane de Leon bilang Darna last Friday na pinag-usapan dahil nag-trending ang eksena, inilabas na ang poster ng ‘Darna’ at cover ng Metro online magazine.

 

May mga pumuri naman pero may nanglalait pa rin, na parang hindi pa rin maka-move on at heto nga’t nilunok ni Narda ang bato at lumipad na si Jane bilang Darna.

 

Tulad ng inaasahan, maraming mga marites ang magre-react lalo na sa Darna costume ni Jane na hindi talaga pinalampas ang bawat detalye.

 

Comment ng mga netizens:

“Like, my ‘it’ factor din pala as Darna”

 

“Bland acting siya at first glance but may depth naman sa emotional scenes, in fairness.

 

“Yung away scene nila ni Zaijan was acted and executed well.”

“Like. I thought magiging similar kay Wonder Woman ang costume niya na hindi labas ang abs, but ok naman tignan sa kanya. Red and gold ala-Iron Man.”

“Ganda nya, infair. 🫥”

“Ang ganda ni Jane, makikita na lang talaga sa execution niya bilang Darna. Dun na magkakatalo if deserve ba niya talaga. kasi okay naman siya as Narda.”

“Face body pak na pak naman. Yung bra design masyado malaki at matigas tignan ang awkward sana mejo soft ang itsura at ginamit jan pwede naman na lang yan na parang kina Marian at Angel.”

“Super nice, bagay naman sa kanya!”

“She’s so pretty talaga! Bahala kayong mga bashers, basta sure akong mas maganda at sexy sya kaysa sa inyo lol.”

 

“Maganda sya pero malamya dating. Hindi believable as darna. Dapat astig.”

 

“Daming nega. She looks stunning.”

 

“Ibigay naten toh kay vokla. She’s nailing her Darna role!”

 

Say naman ng mga bashers ni Jane:

 

“Jusko ang boots at ano ba yang bra na design? Que Horror. Maganda na sana eh. Also, ang laki tingnan ng helmet.”
“Bakit may parang guhit yung sikmura nya?”

“Yung bahag umigsi bat kasi may bahag style pa nakakasira ng costume.”

“Yan yung costume na higit 2 yrs pinaghandaan? Hahahahahahah! Iba talaga hahaha
“She has the best costume for me. Ano bang ine-expect mong maging costume nya? Ang standard naman talaga 2-piece top and bottom.”

 

“Mas mukang napag-isipan un custome ni Iza.”

 

“She actually looks good sa costume. Kaso nakikita ko sa kanya is si sofia andres (yung dati nyang itsura) . And they really need to do something bout the cgi / effects … ang chaka!”

 

“Yes, Jane is beautiful but the CGI is so awful… Halatang-halata dun sa paglipad nya.”

 

“Compare mo kaya yung effects sa mga naunang Darna.”

 

“17 years ago pa Darna ni Angel. 13 years ago pa ang Darna ni Marian. Last decade nag-explode ang advancement in technology so it should improve. Take note pilot week yan. Compare mo sa pilot week ng pinagtatawanan na Victor Magtanggol. Mas solid ang CGI ng first few weeks ng Victor.

 

“Wow she looks like Sarah Lahbati here. May dating naman. Medyo weird yung bra. Yung boots lang ang ‘di maganda.”

 

“For me ok naman sya distracting lang tlga yung panels sa gilid ng costume. Kaya naman nya dalin without eh.”

 

“Di ko talaga bet yung design ng bra. Ang gulo. Di rin fit sa kanya yung helmet, parang maluwag.”

 

“Natawa ako sa nabasa ko sa twitter, yan daw ba yung batong isusubo. 😅”

 

“That bra similar to yummy Cinnabon rolls! coffee please! hahaha.”

 

“How can Darna run in those platform boots? Bothered talaga ako sa kapal ng boots, ang chaka.”

 

“That is why it is a fantaserye not reality tv accla!”

 

“Ay wow, from heels, ginawang wedges ang boots.”

 

“She’s very pretty… but that costume is a fail. Sorry.”

 

“Mukhang majorette.”

 

“Hindi ko talaga masyadong bet ang costume. Masyadong maraming ganap na details. Mas ok pa yung classic cut. But Jane is beautiful.”

“The chest part and that ugly gold thing hanging on her belt look awful. Who on Earth gave someone an opportunity to ruin that costume? The girl is gorgeous though, but Iza Calzado looks way much better as Darna. This is the only Darna I gave up watching coz I got bored after Iza’s character died.”

 

Dagdag panglalait pa ng netizens:

 

“Halatang hindi immersed sa character nya, halatang umaacting sa mga episodes, hindi natural. Gave up watching, super OA ng directing.

 

“Sya yung Darna na hindi mare-recall ng viewers pagtapos na yung show, kulang sa charisma. Mas matatandaan pa ng viewers yung kay Iza kaysa sa kanya.”

 

Nasa second week pa lang ang ‘Darna’ at paparating na nga ang mga kalaban and soon magkakatapat na sila ng mortal na kaaway na si Valentina (played by Janella Salvador), na ipinakikita na rin ang hitsura nito sa teaser.

 

Kaya marami pang aabangan ang mga marites at maghahanap ng ibubutas sa pagganap ni Jane bilang pinakabagong Darna na nagbalik na nga sa telebisyon pagkaraan ng maraming taon.

(ROHN ROMULO)

Ads August 23, 2022

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MMDA ISUSUSPINDE ang NCAP sa PUBLIC TRANSPORT, LGUs DAPAT SUMUNOD NA RIN

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng DOTr at LTFRB sa Metro Manila Commission na kung maaari ay suspendihin muna ang NCAP apprehension sa mga public transport  upang matugunan ng mga operator ang pangangailangan ng mga pasahero sa pagbabalik ng face-to-face classes.

 

 

Pumayag agad ang MMDA. Pero ang limang NCAP mayors ay walang say dito.

 

 

Nauna na kasi ang pahayag nila na wala silang balak ipasuspinde ang kanilang panghuhuli kahit isang katutak na ang reklamo sa pagpapatupad ng kanilang NCAP.

 

 

Malaking tulong ang ginawa ng LTFRB, DOTr at MMDA.  Dama nila ang kalbaryo ng public trsnsport at mga pasahero. Sana ay sumunod ang limang NCAP mayors sa MMDA.

 

 

Marahil ay mainam na rin na pumasok ang DILG sa usapin at kumbinsihin ang mga NCAP mayors na tularan ang ginawa ng MMDA.   Kailangan ng ganitong klaseng suporta ang public trsnsport sa panahong ito na balik eskwela na ang libu-libong mag-aaral.  Aabangan natin ang mga NCAP mayors sa kanilang tugon dito.

 

 

Sa ngayon ay nagpapasalamat ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) sa pamunuan ng DOTr, LTFRB at MMDA sa kanilang desisyon.

(Atty. Ariel Inton Jr.)

Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAHIGIT  53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20.

 

 

Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan ng agarang tulong upang madagdagan ang pagbili ng mga school supplies at iba pang materyales sa oras para sa pagpapatuloy ng mga klase.

 

 

Ang tulong na pang-edukasyon sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng DSWD ay naglalayong tulungan ang mga estudyanteng nasa krisis o emergency na sitwasyon.

 

 

Ang mga isinasaalang-alang sa mga student crisis ay ang mga :

 

breadwinner

working student,

orphan/abandoned and living with relatives,

child of a single parent,

child whose parents are unemployed,

child of an overseas Filipino worker,

victim of child abuse,

have a parent with human immunodeficiency virus or HIV, and

victim of calamity or disaster.

 

 

Ang bawat estudyante ay maaaring makatanggap ng P1,000 para sa elementarya, P2,000 para sa high school, P3,000 para sa senior high school, at P4,000 para sa kolehiyo/vocational school.

 

 

Magsasagawa ang DSWD ng payouts tuwing Sabado hanggang Setyembre 24. (Daris Jose)

Presyo ng tinapay posibleng tumaas sa mga susunod na linggo

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

POSIBLENG sa mga susunod na mga linggo magkakaroon na ng mga paggalaw sa presyo ng mga tinapay.

 

 

Ayon kay Luisito Chavez ang director ng Assosasyon ng Panaderong Pilipino, na ito ay dahil sa ilang paggalaw din sa presyo ng mga sangkap na paggawa ng mga tinapay.

 

 

Isa sa tinukoy nito ay ang cakes and pastries na ang pangunahing sangkap ay mga asukal.

 

 

Bagama’t nabawasan ang presyo ng asukal ay hindi pa rin ito sapat para makahabol sa ilan pang pagtaas ng sangkap gaya ng harina.

 

 

Ilan sa mga ginagawa nila ngayon ay ang pagbabawas na ng gamit na harina mula sa dating anim na kilo ay magiging apat na kilo na lamang ito.

Alert Level 1, itinaas sa Mayon volcano

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ITINAAS ngayon ang alert level sa Mayon volcano dahil daw sa hindi nito pagiging normal.

 

 

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), mula sa dating Alert Level 0 o normal ay itinaas ito sa Alert Level 1 o low-level unrest.

 

 

“The public is reminded that entry into the 6-km Permanent Danger Zone or PDZ must be strictly avoided due to an increase in the chances of sudden steam-driven or phreatic eruption, as well as the perennial hazards of rockfalls, avalanches and ash bursts at the summit area, that may occur without warning,” ayon sa Phivolcs.

 

 

Inabisuhan naman ng Phivolcs ang mga taong nakatira malapit sa bulkan na maging alerto.

 

 

Inalerto rin nila ang malapit sa active river channels malapit sa bulkan na maging mapagmatiyag dahil sa sediment-laden streamflows at lahar kapag nagkaroon ng malakas na pag-ulan.

 

 

Huling nag-alburuto at sumabog ang naturang bulkan noong 2018. (Ara Romero)

Final 12 ng Gilas Pilipinas players iaanunsiyo ngayong araw ng SBP bago ang biyahe nila sa Lebanon

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATAKDANG  bumiyahe na ngayong araw ang Gilas Pilipinas patungong Beirut, Lebanon para sa pagsabak sa fourth window ng FIBA World Cup Asian Qualifiers.

 

 

Makakaharap kasi nila ang Lebanon sa Agosto 25 habang babalik sila sa bansa 29 para makaharap ang Saudi Arabia.

 

 

Sa ginawang ensayo ng national basketball team nitong Linggo sa Meralco Gym, ay kumpleto na sila matapos na nakasama si Barangay Ginebra forward Japeth Aguilar.

 

 

Si Aguilar kasi ay nagpositibo sa COVID-19 noong nakaraang linggo at ito ay gumaling na.

 

 

Inaasahan din ngayong araw ay iaanunsiyo ng Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) ang mga manlalaro na sasabak sa nasabing torneo.

Ex-NBA star Dennis Rodman handang kausapin si Putin para mapalaya si WNBA star Griner

Posted on: August 23rd, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDANG  tumulong si dating NBA star Dennis Rodman para mapalaya si WNBA star Brittney Griner na nakakulong sa Russia.

 

 

Sinabi ng beteranong NBA player na handa itong kausapin si Russian President Vladimir Putin para magkaroon ng prison swap na nakulong WNBA star.

 

 

Naging susi kasi si Rodman sa pagpapalaya sa American prisoner na si Kenneth Bae noong ito ay nagtungo sa North Korea.

 

 

Nagkaroon din ito ng magandang pakikipagkaibigan kay North Korean lider Kim Jong Un.

 

 

Sa isang panayam ipinagmalaki ni Rodman na kakilala niya personal si Putin at handa nitong kausapin.

 

 

Magugunitang nakakulong si Griner sa Russia noong Pebrero matapos na makuhanan ng isang pinagbabawal na substance mula sa kaniyang vape cartridge.