• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for August, 2022

MMDA, nag-deploy ng mga bus, military truck para sa ‘Libreng Sakay’

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PINAIGTING ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang kanilang  “Libreng Sakay”  sa kahabaan ng  Commonwealth Avenue sa  Quezon City upang ma- accommodate ang mas maraming mananakay lalo na ang mga estudyante matapos ang pagpapatuloy ng in-person classes.

 

 

Sa isinagawang  actual dispatch, sinabi ni MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga III na nag-deploy ang ahensiya ng 7  bus at dalawang  military truck para ibyahe ang mga mananakay mula Doña Carmen hanggang Welcome Rotonda.

 

 

“The ‘libreng sakay’ program in Commonwealth is expected to benefit 500 to 600 passengers per day and we are mulling to continue it until December this year,” ayon kay Dimayuga.

 

 

Ang libreng sakay na nagsimula ng alas-6:00 ng umaga hanggang 11 ng umaga at 1:00 ng hapon hanggang alas-6:00 ng gabi ay  available sa lahat ng mga mananakay sa lugar mula araw ng Lunes hanggang Biyernes.

 

 

Pinasalamatan naman ni City Mayor Joy Belmonte, ang MMDA para sa nasabing  program, na para sa kanya ay malaking tulong lalo na sa mga estudyante na bumi-byahe araw-araw.

 

 

“I am very happy that transportation agencies are working hand in hand with the local government in easing the burden of the commuting public,” ayon kay Belmonte.

 

 

“The MMDA has penalized the private contractor of the MRT-7 project construction westbound of Commonwealth Avenue, particularly in Commonwealth Market, after its girder launch caused gridlock in the area on Thursday,” ayon kay Dimayuga. (Daris Jose)

Bukod sa pagiging abala sa pagdidirek: XIAN, bibida uli sa teleserye at makatatambal si Ashley

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SI Xian Lim ang magdidirek ng bagong music video ni Glaiza de Castro.

 

Naging close ang dalawa pagkatapos nilang magtambal sa GMA teleserye na ‘False Positive’.

 

Sa kanyang Instagram, nag-share si Xian ng ilang photos sa unang araw niya ng shooting kasama ang OC Records sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bataan.

 

Makikita naman si Glaiza na binibigyan ng instructions ni Xian sa shoot ng music video.

 

“Nice working with you po direk,” comment ni Glaiza sa IG post ni Xian.

 

Si Xian din ang nagdirek ng isang upcoming episode para sa ‘Wish Ko Lang’. May dinidirek din siyang pelikula titled ‘Hello Universe’.

 

Bukod sa pagdidirek, may gagawin ulit na teleserye si Xian sa GMA titled ‘Frozen Love’ kunsaan leading lady niya si Ashley Ortega.

 

***

 

NAG-SHARE si Jackie Lou Blanco ng ilang photos sa social media ng birthday celebration ng mother niya, ang Asia’s Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

 

Nag-turn 85 si Mamita last August 22. Present din sa simpleng salu-salo ay ang kapatid niyang si Ramon Christopher Gutierrez.

 

Two years daw kasing hindi ito nakapag-celebrate ng kanyang birthay dahil sa pandemic. Hindi rin daw ito nakakalabas ng kanyang bahay. Dahil maluwag na ang lahat, naisipan ni Jackie na bigyan ng party si Mamita at ang iba pang members ng pamilya nila na matagal na niyang hindi nakita.

 

Post ni Jackie sa Instagram: “Family Time. Celebrated birthdays of My Mom, Tita Ting, Max, and Mon! Got to see other family members too after a long time. So happy we got to do this again! What a blessing!”

 

Thankful si Jackie na nasa magandang kalusugan si Mamita at ang iba pang miyembro ng kanilang pamilya. Naging busy rin si Jackie sa lock-in taping ng ‘Start-Up PH’ kunsaan kasama niya sina Alden Richards at Bea Alonzo.

 

Sa ‘Start-Up PH’, ginagampanan ni Jackie ang role na Sandra Yoon, ang CEO ng Sandbox and SH Venture Capital.

 

***

 

NAGKAROON ng mini-reunion ang ilang cast ng hit comedy series na ‘Modern Family’ sa wedding ng isang cast member na si Sarah Hyland last August 20 sa Sunstone Winery in Santa Barbara, California.

 

Ginampanan ni Sarah ang role na Hayley Dunphy sa ‘Modern Family’ na umere for 11 seasons. Kinasal siya sa kanyang longtime fiance na si Wells Adam, na dating contestant sa 12th season ng ‘The Bachelorette’.

 

Na-engage sila sa Fiji noong 2019, pero na-push back ang wedding plans nila for two years dahil sa global pandemic.

 

Present sa long-delayed wedding ay ang pamilya ni Sarah sa ‘Modern Family’ na sina Julie Bowen, Ariel Winter, Sofia Vergara, Nolan Gould, at Jesse Tyler Ferguson na siyang nag-officiate ng wedding.

 

Sey ni Sarah: “I’ve known Jesse since I was 18 years old. I remember his first date with his husband Justin (Mikita). So we’ve been through so much. Jesse and Justin and Wells and I have traveled together, just the four of us. So it was really special to have him up there. I had Vera Wang put pockets into my dress, so I was able to have my handkerchief and q-tips at the ready.”

 

Ilan sa cast members na hindi nakarating sa wedding ay sina Ed O’Neil, Eric Stonestreet, Ty Burrell, Rico Rodriguez, Audrey Anderson-Emmons, Jeremy Maguire, at Reid Ewing.

 

Umere ang 11th and final season ng ‘Modern Family’ noong April 2020.

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

DA, nagpaliwanag sa pagbaba ng suplay ng kamote sa PH; taas-presyo, pansamantala lamang

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAGPALIWANAG  ang Department of Agriculture sa kakulangan ng suplay ng kamote sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay DA Undersecretary Domingo Panganiban, talagang nagkukulang ang suplay ng kamote kapag panahon ng tag-ulan dahil hindi masyadong lalaki ang mga ito.

 

 

Subalit pagsapit naman aniya ng buwan ng Oktubre, Nobiyembre at Disyembre inaasahan na tataas na ang suplay at pansamantala lamang ang taas-presyo ng kamote sa mga merkado dahil inaasahang bababa rin ito kapag dumami na muli ang suplay.

 

 

Ayon kay Panganiban, nagmumula ang suplay ng sweet potatoes o kamote sa Central Luzon, Southern Tagalog at Northern Luzon na tinamaan ng severe tropical storm Florita.

 

 

Kaugnay nito, inatasan na rin aniya ang Bureau of Plant Industry para kolektahin ang mga data sa kung ilan ang nabawas sa suplay ng kamote ngayong taon.

 

 

Batay sa datos mula sa Philippine Statistics Authority , ang production ng kamote sa bansa ay tumaas ng 278,330 metric tons mula January hanggang June 2022 kumpara sa 273,090 MT ng kaparehong period noong nakalipas na taon.

 

 

Subalit sa datos mula 2020 at 2021 , nakitaan ng pagbaba sa suplay ng agricultural products mula July hanggang buwan ng Setyembre.

Matapos makisawsaw sa isyu ng ‘no label’ nina Ruru at Bianca: RR, ‘di pinalampas ang naging komento ng ama ng aktor kaya niresbakan

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANG makita ni RR Enriquez ang isang artcard tungkol sa dating relationship nina Ruru Madrid at Bianca Umali, pero walang label, nag-comment ito sa kanyang IG account ng, “Gusto ko ito sawsawan at gigil ako😩😂

 

“Four years and yet “No Label??

 

“Gurl if totoo man yan you should know your worth…

 

“Kaya ko pa iaccept if 6months lang yan because ganyan din kami dati nag start ni frog pero after 6months of dating Aba teka do you want it to be official or official na kita kakalimutan😂

 

“4 years is too long para hindi nyo pa din malagyan ng label yan…

 

“Buti pa yung t-back na nabili ko sa Tyangge Bangkok Thailand last week may label kahit chipangga…”

 

Kaya ‘di napigilang mag-react ng ama ni Ruru sa IG nito na kung saan pinost niya ang photo ni RR.

 

Caption nito, “Heto pala yung RR ENRIQUEZ. Artista ba to? Anong show. Nagpa # (hashtag) ng ‘prayforbianca’, gigil daw s’ya sa 4 years na walang label.

 

 

“Hindi n’ya yata alam ang salitang RESPECT at PRIVACY. Daming pwdeng pagkaabalahan buhay pa ng may buhay pinapakialaman. daming oras di sya busy. #PagInggitPikit.”

 

 

Bagay na ‘di pinalampas ni RR ang komento ng tatay ni Ruru at niresbakan niya.

 

 

“Ahahaha I love it na may isang lalaki na (ewan ko if lalaki ba talaga ito na pumatol sa pagiging sawsawera ko)

 

 

“Sir @bhongmadrid with all due respect. You are asking me if artista ba ako? Sa tanda mo na yan hindi mo ako kilala? Galing po ako sa Wowowee. Dahil sikat yung show na pinapasukan ko 13 years ago.

 

 

“So baka po somehow nabiyayaan po ako. Baka nga po isa ka pa sa bumili ng mga sexy cover magazines ko.”

 

 

Hirit pa niya, “And by looking at your pictures po sorry din ha ayaw ko po kayo idisrespect but since kayo po una nag post sa akin na nag ask if artista ba ako… Sasagutin ko po ulit kayo. Sure po ako sa ating dalawa mas mukha po akong artista.”

 

 

Dagdag pa niya, “Pasensya na din po pala kayo if sumawsaw ako sa issue ng anak nyo.. It was already published.. Sumawsaw lang ako. Bakit hindi po yung unang nag publish na @pikapikaph ang inaway nyo? dahil dun ko po sa kanila nakuha ang issue na about walang label… Why kasi takot ka na lalo maissue ang anak mo?✌️😝”

 

 

Payo pa niya sa ama ni Ruru, “And one more thing po if you want privacy huwag nyo po pag artistahin ang anak nyo para po may privacy sya.

 

“Lastly po sa sinasabi nyo na kapag inggit pikit. Sorry po I can’t pikit my eyes dahil hindi po kinakainggitan ang relasyon na walang label pasensya na po🤪🤪

 

“And if you like privacy huwag ka po sumawsaw sa issue ng anak mo😘😘😘”

 

Pang-aasar pa niya, “Pero ok lang naman atleast ayan napasikat din kita. Compared to your post na 7 comments lang aba gusto ko po sabihin na mas sikat ang pagiging Sawsawera ko kesa sa inyo😩😅

 

“PS. Magbasa ka po ng maayos at mukhang mahina ang reading comprehension nyo. I didn’t put any hashtag na pray for Bianca.

 

“No bad blood here.. Gusto ko lang po sawsawan yung post nyo bilang sawsawera ako CHAROT😅”

Ads August 29, 2022

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DTI: Mag-stock na ng pang-Noche Buena

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DAHIL simula na ng “ber” months sa susunod na linggo, pinayuhan ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga consumers na mag-stock na ng pang Noche Buena habang hindi pa gumagalaw ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, hindi naman agad nai-expire ang mga panghanda sa Pasko o Bagong Taon kaya puwede nang mamili.

 

 

“Ang advice natin sa consumers, marami pong mga Christmas products na hindi naman kaagad-agad nag-i-expire. So, sa panahon na ito kung kaya rin lang natin na mag-ipon na or mag-stock na ng mga ganitong produkto, puwede na tayong mamili habang hindi pa gumagalaw ang presyo,” ani Castelo sa Laging Handa press briefing.

 

 

Sinabi pa ni Castelo na tiyak na tataas ang presyo ng mga bilihin kaya mabuting mamili na ng maaga.

 

 

Pinayuhan din niya ang mga consumers na tingnan ang mga promo packs na naka-bundle dahil mas makakamura ang mga ito ng mula P20 hanggang P70.

 

 

Posibleng sa huling linggo ng Oktubre o sa unang bahagi pa ng Nobyembre maglalabas ng Noche Buena bulletin ang DTI bilang gabay sa mga mamimili kung magkano lang talaga ang dapat na presyo ng mga produkto na panghanda sa Noche Buena. (Daris Jose )

Matapos ang serye ng rollback, presyo ng langis nakaamba na namang tumaas

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

MAKALIPAS  ang halos dalawang buwan, nakatakda ang presyo ng langis para sa panibagong pagtaas, bago ang pagpapatuloy ng mga personal na klase at paghahanda para sa pagdagsa ng mga pasahero na inaasahan sa susunod na linggo.

 

 

Inaasahang tataas ang presyo ng diesel ng P2.50 hanggang P2.80 kada litro sa susunod na linggo, habang ang presyo ng kerosene ay nakatakdang P2.70 hanggang P2.80 na pagtaas.

 

 

Ang presyo ng gasolina ay magkakaroon ng bahagyang pagtaas na tinatayang nasa pagitan ng P0.40 hanggang P0.70.

 

 

Ayon sa mga pagtatantya ng industriya, ang pangangailangan para sa langis ay nagsisimula nang tumaas.

 

 

Mas kaunting demand, na ipinares sa mga pag-lockdown ng China at pag-uurong-sulong sa mga consumer dahil sa nagbabantang pag-urong sa ekonomiya na isinasama sa mga rollback sa nakalipas na ilang linggo.

 

 

Karamihan sa mga paaralan ay nakatakdang ipagpatuloy ang mga personal na klase pagkatapos ng dalawang taong pamamaraan ng distance learning dahil sa pandemya ng COVID-19.

 

 

Pinayagan kamakailan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang operasyon ng mas maraming rutang nasuspinde dahil sa pandemya.

 

 

Gayunpaman, itinuro ng mga grupo ng transportasyon na ang mga naturang ruta ay hindi sapat, bukod pa sa bilang ng mga tsuper na humihinto dahil sa pagtaas ng presyo ng gasolina na dulot ng sigalot sa pagitan ng Ukraine at Russia. (Daris Jose)

Jo Koy’s “Easter Sunday” With All-star Fil-Am Comedic Cast, Celebrates Pinoy Culture

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

STAND-UP comedy sensation Jo Koy (Jo Koy: In His Elements, Jo Koy: Comin’ in Hot) stars as a man returning home for an Easter celebration with his riotous, bickering, eating, drinking, laughing, loving family, in this love letter to his Filipino-American community.

 

 

Check out the hilarious trailer below: https://www.youtube.com/watch?v=ivv36l25jgU

 

 

Easter Sunday features an all-star Fil-Am comedic cast who have made a name for themselves globally including Lou Diamond Phillips (Courage Under Fire), Tony nominee Eva Noblezada (Broadway’s Hadestown), Tia Carrere (True Lies, Wayne’s World films), Lydia Gaston (Broadway’s The King and I), Eugene Cordero (The Good Place series), Rodney To (Parks and Recreation series), Brandon Wardell (Curb Your Enthusiasm series) and stand-up comedian Joey Guila.

 

 

World boxing icon and Philippines’ pride, Manny Pacquiao for his part has shown support for the film and uploaded a photo of the movie’s poster in his Instagram page, to quote, “Support tayo mga kababayan” using the hashtag #PinoyPride.

 

 

A showcase of Filipino excellence on the global stage and bringing the Filipino culture to worldwide audience, Easter Sunday, from DreamWorks Pictures, is directed by Jay Chandrasekhar (Super Troopers, The Dukes of Hazzard, I Love You, Man), from a script by Ken Cheng (Sin City Saints series) and Kate Angelo (Sex Tape) based on a story by Ken Cheng.

 

 

The film is produced by Rideback’s blockbuster producers Dan Lin (The Lego Movie franchise, It franchise) and Jonathan Eirich (Aladdin, The Two Popes), and is executive produced by Nick Reynolds, Joe Meloche, Jo Koy, Jessica Gao, Jimmy O. Yang, Ken Cheng and Seth William Meier.

 

 

From Universal Pictures International, catch Easter Sunday with your family and friends starting August 31 in cinemas nationwide.

 

(ROHN ROMULO)

Biyuda ni Kobe Bryant ‘wagi sa kaso vs LA police

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

GINAWARAN  ang naiwang asawa o biyuda ni Kobe Bryant na si Vanessa Marie Bryant ng $16 million bilang bahagi ng $31 million na hatol ng husgado laban sa Los Angeles County at mga bumbero na  nagpakalat ng mga larawan sa yumaong NBA star at sa 13-years old nilang anak pati na din sa ibang  nasawi  sa pag-crash ng sinasakyan nilang helicopter noong January 2020.

 

 

Siyam na hurado ang nagkaisa at sumang-ayon kay Vanessa at sa kanyang abogado na ang larawan na kumalat ay Llumabag sa kanyang privacy at nagdulot ng emotional distress.

 

 

Kung maalala umabot nga ng apat at kalahating oras bago naabot ang hatol sa araw na inaalala rin sa LA nitong Agosto 24 na nagkataong kinakatawan nito ang numero o jersey number 8 at 24 ni Kobe kung saan 44- years old na sana ang nasawing NBA legend.

 

 

Sa isang pahayag ni Vanessa na kung saan sa kanyang post na kasama ang asawang si Kobe at Gianna

 

 

Ayon sa caption ” All for you!” I love you! JUSTICE for Kobe and Gigi!”

 

 

Maluhaluhang nagsabi si Vanessa na ang mga larawan na kumalat noon ay nagpadagdag ng lungkot isang buwan matapos mawala ang kanyang anak na babae at asawa.

 

 

Nasabi rin niya na mayroon pa siyang panic attack at pangamba sa pag-iisip.

‘Sana okay siya’: CHED chair dumistansya sa naarestong kapatid na CPP-NPA member kuno

Posted on: August 29th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

DUMISTANSYA ang pamunuan ng Commission on Higher Education (CHED) sa pagkakahuli ng isang miyembro diumano ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA) na siyang kamag-anak ng isa sa kanilang opisyal.

 

 

Huwebes kasi nang ianunsyo ni PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr. na naaresto sa Metro Manila ang “officer ng CPP-NPA-NDFP” na si Adora Faye de Vera — isang Martial Law survivor na kapatid ni CHED chair Prospero de Vera III.

 

 

“As a sibling, I hope and pray for her safety and good health in detention as she faces the cases filed against her,” ani Popoy sa isang pahayag, Biyernes.

 

 

“I have not seen her and I have not spoken to her for more than 25 years since she decided to rejoin the underground movement.”

 

 

Paliwanag pa ng CHED chair, kaiba ang kanyang paniniwala sa babaeng kapatid at “hindi sinusuportahan ang kanyang mga nagawa.”

 

 

Matatandaang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Prospero bilang pinuno ng CHED. Sinasabing ni-rape noon si Adora sa gitna ng “tactical interrogations” noong kasagsagan ng Batas Militar ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., ayon sa Task Force Detainees of the Philippines.

 

 

“I fully support the administration of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. in its efforts to end the communist insurgency that has destroyed so many lived and property,” ani Prospero.

 

 

“I will let the law take its court in resolving the charges against her.”

 

 

Sa warrant of arrest na inilabas ng Iloilo City Regional Trial Court, sinasabing “multiple murder with the use of explosive with multiple frustrated murder” ang hinaharap ni Adora (alyas “Ka Arce”).

 

 

Walang pisyansang inirerekomenda para sa kanya. Ibinahagi ng state-run media ang kanyang mug shoot dito.

 

 

Una nang sinabi ni Azurin na “staff officer” ng general command ng CPP-NPA-NDFP at secretary ng central front ng CPP-NPA Regional Committee – Panay si Adora.

 

 

Siya’y asawa diumano ni CPP-NPA central committee member Jessie Licura (alyas “Ren”). Una nang dinesignate bilang “terorista” ng Anti-Terrorism Council ang CPP-NPA-NDFP. Sa kabila nito, hindi iligal maging miyembro ng CPP matapos i-repeal ang Anti-Subversion Law.

 

 

Gayunpaman, kinikilala ng mga rebeldeng komunista ang sarili bilang mga rebolusyonaryo na lumalaban sa kontrol ng mga dayuhan sa Pilipinas, kawalan ng lupa at pagpapatakbo sa gobyerno bilang negosyo.  (Daris Jose)