Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan
SA nakalipas na 35 taon ay nasubaybayan ng buong bansa ang buhay ni Aiza Seguerra na kilala ngayong Ice Seguerra na isang icon ng pelikula at telebisyon, child star wonder, certified OPM hitmaker, at ngayon ay live events at TV director na rin.
Ang kanyang paglalakbay ang nagdala sa kanya sa pagdiskubre hindi lamang ng ins and outs ng industriya ngunit ng kanyang sarili na rin.
Sa Oktubre 15 (8:00 p.m.), dadalhin tayo ni Ice sa isang musical at visual journey ng kanyang ebolusyon. Magaganap ang Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert sa The Theater at Solaire from 8:00 p.m. onwards. Sinusundan ng milestone event na ito ang 10-year hiatus ni Ice sa major concert stage matapos ipagdiwang ni Ice ang kanyang ika-25 na anibersaryo.
Ang Fire and Ice Media and Productions, Inc., na production company ni Ice kasama ang kanyang misis na si Liza Diño ang prodyuser ng show sa pakikipagtulungan sa Nathan Studios. Siya rin ang stage director kasama ang musical director na si Ivan Lee Espinosa.
“Sobra akong excited na mag-major solo concert ulit after ten years. Miss na miss ko ang energy, ang emotions, and ang mga tao na nakaka-appreciate sa experience ng isang live event.
“‘Becoming Ice’ is very personal to me because this is the first time that I’m going to do a major concert as Ice Seguerra. At masaya ako na maibabahagi ko ang 35 years journey ko sa aking mga fans,” sabi ni mahusay na mang-aawit.
Love letter ni Seguerra ang concert na ito sa kanyang mga tagahangga at mga taga-suporta na talaga namang nanatiling loyal sa kanya sa kabila ng maraming pagsubok na pinagdaanan sa kanyang karera.
Aawitin niya soundtrack ng ating mga buhay sa kanyang mga phenomenal hits gaya ng “Pagdating ng Panahon,” “Anong Nangyari sa Ating Dalawa,” at madami pang iba. Ipinapangako din ng multi-platinum artist ang isang gabi ng reminiscence, nostalgia, at feel-good vibes.
Ang mga tiket sa Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ay mabibili sa TicketWorld. Ang mga presyo nito ay Php7,200.00 para sa SSVIP; Php6,100.00 para sa SVIP; Php5,000.00 para sa VIP; Php4,650.00 para sa Gold; Php3,350.00 para sa Lower Box; at Php2,250.00 para sa Upper Box seats.
Ang “Meet and Greet Package” para sa SSVIP tickets ay may eksklusibong meet and greet kasama si Seguerra na may kasamang personal na selfie at eksklusibong Becoming Ice merchandise item, habang ang SVIP at VIP tickets naman ay mayroong eksklusibong Becoming Ice merchandise item.
Samahan natin si Ice Seguerra habang binabahagi ang kanyang 35 na taong paglalakbay – ang highs at ang lows at everything in between – at diskubrihin kung paano niya nakamit ang kanyang tunay na pagkatao.
(ROHN ROMULO)
NABISTO ang dalang illegal na droga ng isang kelot nang tangkain takasan ang mga pulis na sumita sa kanya dahil sa hindi pagsuot ng facemask sa Caloocan City, kamakalawa ng madaling araw.
Kinilala ni Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr ang naarestong suspek bilang si Dante Avila, 29 ng Barangay 150, Bagong Barrio.
Ayon kay Col. Mina, habang nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga tauhan ng Sub-Station 5 sa Moises St., Barangay 150 dakong alas-4:00 ng madaling araw nang mapansin nila ang suspek na naroon sa naturang at walang suot na facemask.
Nilapitan siya ng mga pulis para alamin ang kanyang pagkakilanlan subalit, sa halip na sumunod ay nagtangka umanong tumakas suspek ngunit kaagad din naman siyang napigilan.
Nang kapkapan, nakuha sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng humigi’t kumulang 4.7 gramo ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana na nasa P564.00 ang halaga.
Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa City Ordinance No. 0862 (Mandatory Wearing of Facemask), Art. 151 (Disobedience of a Person in Authority or his Agent) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II, R.A 9165. (Richard Mesa)
INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system.
Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines cards at sasaklawin ang mas maraming public utility vehicle (PUV) units at ruta.
Nauna nang sinabi ni Batan na ang Automated Fare Collection System Euro-Mastercard-Visa Pilot Production Testing Project (AFCS EMV PPT) ay naglalayong magtatag ng cashless payment sa mga modernong PUV.
Ayon sa kanya, maaari pa ring magbayad ng cash ang mga pasahero kung wala silang payment card.
— Sa kasalukuyan, ang Land Bank prepaid at credit contactless card lamang ang tinatanggap sa 150 kalahok na PUVs sa bansa sa ilalim ng pilot run.
Kapag naibigay na ang mga kinakailangang regulasyon o patakaran, ang solusyon sa Land Bank AFCS ay maaari ding tanggapin at iproseso ang mga EMV contactless card na inisyu ng ibang mga lokal na bangko.
PINAYUHAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito.
Sa isang kalatas, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa noong 2012 at nakatulong para maiwasan ang insidente ng pagkakaroon ng dengue.
“Dengue remains to be a public health threat and with the escalating cases in the country today, LGUs must take a proactive stance and implement strategies to protect our people in the communities from this deadly disease,” aniya pa rin.
“Barangay captains are tasked to lead clean-up drives and mobilize volunteers, residents, and barangay health teams such as the Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) and barangay health workers,” ang pahayag ng DILG.
Inaasahan naman na imo-monitor ng mga Alkalde ang health situation sa kanilang lugar, magbigay ng dengue data sa mga ahensiya at tiyakin na ang pasyente ay mabibigyan ng medical attention.
Dahil dito, hinikayat ni Abalos ang publiko na i-exercise ang ‘Enhanced 4S’ o ang “search and destroy breeding sites, seek early consultation, self-protection, and say ‘yes’ to fogging only in hotspot areas where an increase is registered for two consecutive weeks.”(Daris Jose)
PATULOY ang pagpapaabot ng mga world leaders ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng namayapang si Queen Elizabeth II.
Inalala ni US President Joe Biden si Queen Elizabeth noong una niya itong makita ng personal, sa taong 1982 at ang huli ay noong 2021 ng magtungo ito sa United Kingdom.
“Queen Elizabeth II was a stateswoman of unmatched dignity and constancy who deppened the bedrock Alliance between the United Kingdom and the United States, She helped make our relationship special,” bahagi ng statement ni Biden. “All told she met 14 American presidents.”
Tinawag naman ni French President Emmanuel Macron na kaibigan ng France ang 96-anyos na si Queen Elizabeth II.
Habang ayon naman kay German Chancellor Olaf Scholz na ang reyna ay naging role model at inspirasyon sa milyong katao sa buong mundo.
Hindi rin niya makakalimutan ang mapagbiro na Queen at ang commitment nito sa German-British reconciliation matapos ang World War Two.
Itinuturing naman ni Canadian Prime Minister Justin Trudeau na isa sa mga paborito niyang tao ito sa mundo.
“It was with the heaviest of hearts that we learned of the passing of Canada’s longest-reigning Sovereign, Her Majesty Queen Elizabeth II. She was a constant presence in our lives – and her service to Canadians will forever remain an important part of our country’s history.”
Nauna ng sinabi ni British Prime Minster Liz Truss na ang pagpanaw ni Queen Elizabeth ay isang malaking kawalan ng Britanya at buong mundo.
Nagbigay pugay naman si Sweden King Carl XVI Gustaf na isang malayong kaanak sa pagsasabing, “she has always been dear to my family and a precious link in our shared family history.”
Tinawag naman ni Belgium King Philippe at Queen Mathilde si Elizabeth bilang “an extraordinary personality.”
Nagbalik tanaw naman si Indian Prime Minister Narendra Modi sa hindi makakalimutang pagbisita niya ng dalawang beses sa UK.
“I will never forget her warmth and kindness,” pahayag pa ni Modi sa kanyang tweet. “During one of the meetings, she showed me the handkerchief Mahatma Gandhi gifted her on her wedding. I will always cherish that gesture.”
Nagmistula namang sagisag daw ng kapayaan si Queen Elizabeth sa nakalipas na matagal na dekada ayon naman kay António Guterres, ang UN secretary-general.
ISA pa rin loyal Kapuso ang isa sa most well-loved actor na si Gabby Concepcion, as he renews his ties with the country’s leading broadcast company, ang GMA Network matapos niya muling mag-sign ng contract last Thursday, September 8.
Kasama ni Gabby nang mag-renew ng contract, ang manager niyang si Popoy Caritativo.
“I feel very special. Ako ang dapat magpasalamat, ang sarap talagang maging part ng GMA. Thank you sa inyong lahat for the trust,” sabi ni Gabby.
“Wala akong pinipiling project dahil magandang gumawa ng istorya ang GMA.”
Six years nang Kapuso si Gabby at hindi malilimutan ang romantic-drama series na ginawa niya as President Glenn Acosta sa “First Lady” at later naging “First Lady,” nang mapangasawa niya si Yaya Melody, played by Sanya Lopez kaya ngayon excited na ang mga Kapuso viewers kung ano ang susunod na project na gagawin ni Gabby.
***
NATATANDAAN pa ba ninyo si former ‘90s beauty queen-actress na si Michelle Aldana?
Nagbabalik-showbiz ngayon si Michelle at kabilang siya sa cast ng upcoming GMA Afternoon Prime Drama series na “Nakarehas na Puso.”
Hindi pala first time na nag-offer ang GMA kay Michelle na balikan ang showbiz. Nauna siyang kinuha para gumanap sa “Love You Stranger,” drama series nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, pero hindi siya natuloy.
Almost a decade na palang nasa South Africa si Michelle.
“Ang buhay ko roon, mostly, I ran an agency for actors and models. So I do workshops, and I’m the director of operations. We do a lot of international films and international TV commercials. So, HBO projects, Cinemax projects. Currently, ‘yung mga talents namin are shooting “American Monster” and “Warrior.”
Bakit kaya napapayag si Michelle na muling tumanggap ng project dito sa bansa?
“Yung character na ibinigay nila sa akin is such a big role na isang kontrabida, na-challenged ako dahil I’ve never done kontrabida roles before. So, I said to myself, this is a big opportunity and a learning phase for me. Anything, any kind of project where I learn things is quite good to me.”
Tuluy-tuloy na ba ang pagbabalik niya sa showbiz? “Let’s see what happens after this, and then we’ll see from there.”
Makakasama ni Michelle sa “Nakarehas na Puso,” sina Jean Garcia, Leandro Baldemor, Vanessa del Moral, EA Guzman, Claire Castro, Ashley Sarmiento at Bryce Eusebio.
Ang “Nakarehas na Puso” ay mapapanood na simula sa September 26, after “Return to Paradise,” papalitan nila ang “The Fake Life” nina Ariel Rivera at Beauty Gonzalez, sa GMA-7.
***
NANG magsimula ang pilot week ng bagong GMA Telebabad drama series na “What We Could Be,” na first team-up nina “Kapuso Ultimate Hearthrob” Miguel Tanfelix at Sparkler GMA Artist Ysabel Ortega.
Pinuri agad ng mga netizens ang acting ni Miguel, na ibang-iba sa mga nauna na niyang roles na nagampanan.
“Ilang taon na po naming pinapanood si Miguel, pero first time po niyang gumanap ngayon ng isang maangas na character, pero kapag kaharap niya si Cynthia (Ysabel), para siyang maamong tupa, malayo sa character niyang si Franco Luciano,” comment ng isang netizen.
“Pero sigurado po kaming magagampanan nang buong husay ni Miguel ang character niya ngayon. Salamat po at muli naming napapanood si Miguel sa primetime block ng GMA.”
May mababago ba sa character ni Franco ngayong na-meet na niya si Cynthia?
Kasama nina Miguel at Ysabel si Yasser Marta as Lucas, magpinsan sila ni Franco. Dito na ba magbabago ng ugali si Franco o itutuloy pa rin niya ang evil plan na ipinangako niya sa kanyang ina, si Helen (Joyce Anne Burton).
Napapanood gabi-gabi ang “What We Could Be” na collaboration ng Quantum Films at GMA Network, 8:50PM, sa GMA-7, after “Lolong.”
(NORA V. CALDERON)
EVIL has a brand new face in Paramount Pictures’ upcoming horror-thriller Smile. Go behind-the-scenes with writer-director Parker Finn, star Sosie Bacon and the cast of Smile as they discuss the creation of the psychological terror in the newly released featurette “It’s Smiling at Me” which may viewed below:
YouTube: https://youtu.be/NaBbuNtm29w
About Smile
After witnessing a bizarre, traumatic incident involving a patient, Dr. Rose Cotter (Sosie Bacon) starts experiencing frightening occurrences that she can’t explain. As an overwhelming terror begins taking over her life, Rose must confront her troubling past in order to survive and escape her horrifying new reality.
Written and directed by Parker Finn, the film stars Sosie Bacon, Jessie T. Usher, Kyle Gallner, Robin Weigert, Caitlin Stasey with Kal Penn and Rob Morgan.
Paramount Pictures Presents In Association with Paramount Players A Temple Hill Production “Smile”
In cinemas across the Philippines September 28, Smile is distributed in the Philippines by Paramount Pictures through Columbia Pictures. Follow us on Twitter at www.twitter.com/paramountpicsph/; Instagram at www.instagram.com/paramountpicsph/ and YouTube at https://www.youtube.com/channel/UCsZ7igjHZB-5k8DDM7ilVJw.
Connect with #SmileMovie and tag @paramountpicsph
(ROHN ROMULO)
KINUMPIRMA ng Philippine Airlines na mayroong monkeypox ang isa sa kanilang mga pasahero, na siyang nagtungo sa Hong Kong at naging unang kaso roon.
Martes lang nang mai-record ang unang kaso ng monkeypox sa naturang Chinese territory, na siyang nakita sa isang 30-anyos na lalaking nagpakita ng sintomas habang naka-hotel quarantine.
“We were advised that one of our passengers on our PR300 flight last 05 Sept 2022 from Manila to Hong Kong was reported to have a case of monkeypox,” ani Cielo Villaluna, tagapagsalita ng PAL, Miyerkules.
“In line with international health protocols, we have coordinated with the health authorities in Hong Kong and sharing relevant manifest information. We have communicated to the Philippine Department of Health about the said case.”
Ilang araw nang hinihingian ng pahayag ng reporters ang DOH patungkol sa naturang kaso, ngunit hindi pa rin tumutugon sa ngayon.
Inabisuhan na raw ng airline ang kanilang mga pasaherong nakaupo malapit sa nasabing traveler na nahawaan ng monkeypox.
“Despite the relatively low risk of getting infected, passengers on this flight are advised to monitor their health condition and requested to seek medical attention if they are experiencing symptoms,” sabi pa ni Villaluna.
“They can contact the Centre for Health Protection (CHP) of the HK Department of Health (DH).”
Sa ulat ng AFP, sinabing dumating ng Hong Kong ang naturang kaso at agad na dinala sa ospital matapos sumama ang pakiramdam, ayon sa health official na si Edwin Tsui.
Aniya, malaking panahon ang ginugol ng naturang pasyente sa Estados Unidos bago pumunta sa Canada ng isang linggo.
Nagtungo naman siya sa Pilipinas bago tuluyang lumapag sa Hong Kong.
Itinuturing siya ngaying imported case at hindi nagkaroon ng contact sa komunidad, dahilan para sabihing “very low” ang tiyansang maipasa ito sa mga lokal. Wala pa namang natutukoy close contacts sa ngayon.
Ilan sa mga sintomas na kanyang ipinakita ay skin rashes, namamagang kulani at pananakit ng lalamunan bago maospital.
Matatandaang umabot na sa apat ang kaso ng monkeypox sa Pilipinas, ang ikaapat sa kanila ay sinasabing walang travel history sa mga bansang nakakitaan ng nakamamatay na sakit. Ang ilan sa mga naunang monkeypox case ng Pilipinas ay gumaling na.
Hindi ito tulad ng COVID-19 na kumakalat sa hangin. Dagdag pa nila, kadalasa’y “mild” ang sintomas ng monkeypox at bibihirang makamatay — pero nangyayari pa rin. (Daris Jose)