MATATAPOS na ang feasibility study na ginagawa ng Light Rail Transit Authority (LRTA) para sa pagdadagdag ng 3 istasyon sa Light Rail Transit Line 2 East Extension.
Ginawa ang pag-aaral upang maraming pasahero ang mabigyan ng serbisyo at nang mabawasan ang passenger volume na dumarami sa final stop ng Masinag, Antipolo.
“This Cogeo Extension Project is a project presently undergoing a feasibility study. This is an additional extension to the east, extended to Cogeo in Antipolo City. The Metro Manila Development Authority and the local government units of Pasig, Marikina and Antipolo are all concerned with the traffic congestions in the first east extension. There is then an understanding for the need to further extend the project,” wika ni Paul Chua ng LRTA.
Kapag natapos na ang ginagawang feasibility study maitutuloy na ng LRTA ang implementasyon ng nasabing proyekto lalo na ang gagawing alignment at kung saan kukuha ng pondo para sa nasabing 3 istasyon.
“We are waiting for the feasibility study to be completed so that additional plans can be made on how to proceed with this project,” dagdag ni Chua.
Maliban dito, ang LRTA ay isusulong din ang 3.2 kilometer extension ng LRT 2 west ng istasyon sa Recto. Ayon kay Chua, ang pamahalaan ay nagdesisyon na maghanap ng financing para sa P10.2 billion na proyekto mula sa national budget. Dati pa ang LRTA ay sinubukan na ibinigay sa pribadong sektor ang proyekto sa ilalim ng public-private partnership para sa infrastructure funding.
Sa ngayon, ang alignment ay nasa final stage na at ang pondo ay inihahanda na habang ang plano ay ginagawa na rin. Ang kabuuang gagamitin pondo ay nagkakahalaga ng P10 billion at ang pondo ay magmumula sa General Appropriations Act.
“As of now, we are waiting for our final stage before we go into public bidding for the West Extension Project,” saadni Chua.
Ang LRT 2 – West Extension Project ay naglalayon na magdagdag ng 3 istasyon kung saan itatayo ang Tutuban, Divisoria at Pier 4. Bibili rin ng karagdagan 5 trains na may four-car set ups. LASACMAR