• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for November 15th, 2022

Gilas tutok na sa Saudi

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments
SESENTRO  na ang a­ten­siyon ng Gilas Pilipinas sa pagsagupa sa Saudi Arabia ngayong gabi sa FIBA World Cup Asian Qualifiers sa King Abdullah Sports City sa Jeddah, Saudi Arabia.
Maghaharap ang Pilipinas at Saudi Arabia sa alas-7 ng gabi (alas-12 ng madaling-araw sa Maynila) kung saan target ng Gilas Pilipinas na walisin ang dalawang misyon nito sa Middle East.
Una na nitong pinataob ang Jordan sa pamamagitan ng 74-66 panalo noong Biyernes para umangat ang rekord ng Pilipinas sa 4-3 marka.
Umaasa ang Gilas na muli itong maglalatag ng solidong laro gaya ng ginawa nito sa Jordan.
Pangunahing naging armas ng Pinoy cagers ang solidong depensa na siyang naging daan para masawata ang Jordan partikular na ang main player nitong si naturalized Dar Tucker.
Kaya naman masa­yang tumulak patungong Saudi Arabia ang Gilas.
“We just had fun. It was just selfless basketball. No one really cared who scored,” ani Kai Sotto na siyang naging top scorer ng GiIas kontra sa Jordan.
Umaasa ang Pinoy squad na mauulit nito ang 84-46 demolisyon nito sa Saudi Arabia noong Agosto 29 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“Malaking bagay sa amin ‘tong panalo na ito coming to Saudi, at least yung confidence namin mataas. Syempre home court nila, so sana mas mahigitan pa namin yung energy namin sa Saudi kasi malaking bagay din yun for us,” ani reigning PBA MVP Scottie Thompson.
Subalit mataas din ang moral ng Saudi na galing sa impresibong 85-54 pagbomba sa India noon ding Biyernes.

Valenzuela, DSWD namahagi ng livelihood grants sa mga biktima ng sunog

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKATANGGAP ng Livelihood Settlement Grant (LSG) ang mga biktima ng sunog sa barangay Arkong Bato at Malinta mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela sa pamumuno ni Mayor WES Gatchalian.

 

 

Ang LSG ay bahagi ng Sustainable Livelihood Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at naglalayong suportahan sa financial ang mga biktima ng iba’t ibang kalamidad sa buong bansa.

 

 

Kabuuang Php1,998,000 ang inilabas ng DSWD para sa nasabing livelihood grant alinsunod sa Memorandum Circular No. 02, Series of 2021 ng DSWD na naglalayong panindigan ang papel ng departamento sa pagbibigay ng Technical Assistance Resource Augmentation (TARA) sa iba’t ibang Local Government Units (LGUs) sa panahon ng kalamidad.

 

 

Umabot sa 107 biktima ng Arkong Bato Fire, at 12 biktima ng Malinta Fire ang nabigyan ng livelihood grant na nagkakahalaga ng Php 15,000 hanggang Php 20,000 depende sa pinsalang kanilang naranasan. Layunin ng grant na magsilbing start-up capital para matulungan silang makabangon sa epekto ng nasabing mga insidente ng sunog.

 

 

Ang mga benepisyaryo ng programa ay pinipili batay sa pamantayan na mayroon silang umiiral na negosyo o kabuhayan bago ang kalamidad. Sinusuri din kung mayroon silang kapasidad na magsimula at mapanatili ang isang kumikitang kabuhayan sa hinaharap, at hindi dapat tumanggap ng anumang iba pang livelihood grants mula sa ibang mga ahensya tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) o Department of Labor and Employment (DOLE). (Richard Mesa)

PBBM, nanawagan sa China na sundin ang UNCLOS, international law sa South China Sea

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng China na itaguyod  ang  international law at sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kaugnay sa  lugar ng South China Sea (SCS).

 

 

Sa isang panayam, winika ng Pangulo na sinabihan niya ang mga  Chinese officials ukol sa kahalagahan ng  international law,  epekto sa kalakal na dumadaan sa nasabing lugar.

 

 

“Well, sinabi ko nga na kailangan ay sundan natin ang batas, kailangan sundan natin ang international law, sundan natin ang UNCLOS para naman… dahil napakahalaga ng trade na dumadaan diyan sa South China Sea, hindi lamang para sa Asia kundi para sa buong mundo,” ayon sa Pangulo sa sidelines ng ASEAN Summit sa Cambodia.

 

 

Ayon sa  Office of the Press Secretary (OPS) sinagot  lang ni Pangulong Marcos  ang tanong sa kanya hinggil sa naging pag-uusap nila ng China ukol sa usapin ng pinag-aagawang  SCS, isang araw matapos siyang makipagpulong kay  Chinese Premier Li Keqiang nang magkaroon sila ng maiksing  pag-uusap  kaugnay sa pagtutulungan  ng dalawang bansa,

 

 

Magugunitang, bago ang naging byahe ng Pangulo sa Cambodia, ipinahayag ng Pangulo noong nakaraang linggo na umaasa siya na mapag-uusapan ang mga  usapin hinggil sa  West Philippine Sea kasama si  Chinese President Xi Jinping, sabay sabing imposible aniya na kausapin niya ang China na hindi mababanggit ang anuman ukol sa SCS.

 

 

Taong 2013, nagsampa ng reklamo sa international tribunal ang Pilipinas laban sa China kaugnay ng pagsakop nito sa bahagi ng WPS.

 

 

Nagtagumpay ang Pilipinas sa nasabing kaso matapos magdesisyon ang United Nations (UN) Permanent Court of Arbitration na mayroong exclusive sovereign rights ang bansa sa pinag-aagawang karagatan at sinabing “invalid” ang ipinagmamalaking “nine-dash line” ng China.

 

 

Gayunman, hindi tinatanggap ng China ang ruling ng korte at nananatili pa rin ang mga Chinese vessel sa lugar at hinarang pa ang resupply mission ng bansa sa Ayungin Shoal noong Hunyo.

 

 

Pinagbabawal din ng China ang mga mangingisdang Pinoy na magtungo sa WPS.

 

 

Samantala, nanawagan naman si Pangulong Marcos sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na makialam na sa  nagpapatuloy na girian sa pagitan ng Russia at Ukraine, patuloy kasi ang epekto nito sa  global supply chains.

 

 

“Sabi ko na kailangan talaga ay matigil ang giyera at mag-usap na sila sa lalong madaling panahon at dapat ang ASEAN ay gawin ang lahat ng kayang gawin para tulungan ‘yung prosesong ‘yan,” ang pahayag ng Chief Executive. (Daris Jose)

Nominado silang tatlo sa ‘5th EDDYS’… JANINE, minana talaga ang galing sa pag-arte kina CHRISTOPHER at LOTLOT

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILILINYA na ngayon si Andrea Torres sa mga mahuhusay na aktres sa telebisyon lalo pa nga at buong-husay niyang naitatawid ang karakter niya bilang si Sisa sa ‘Maria Clara At Ibarra’.

 

 

Iisa ang naging reaksyon sa naturang performance ni Andrea, puro papuri at paghanga sa kahusayan niya bilang isang aktres.

 

 

“Hindi ko po alam actually kung paano ko best ide-describe ang nararamdaman ko.

 

 

“Bilang isang artista sobrang sarap po sa pakiramdam nung nangyari… na marinig at mabasa ang naging epekto sa kanila. Nagulat po ako! Hindi ko po akalain.

 

 

“Overwhelming po talaga. Malaking bagay po sa akin nung sabihin nilang mas naunawaan nila si Sisa at naa-appreciate nila siya ngayon bilang isang mapagmahal na ina.

 

 

“Mas iyon po kasi yung gusto ko talaga ma-highlight. More than yung naging baliw po siya, yung puso niya na ang nilalaman talaga ay ang kanyang mga anak,” ang sagot sa amin ng Sparkle actress nang hingan namin ng reaksyon sa mga positive reviews sa kanyang acting bilang Sisa.

 

 

Malapit na rin nga palang mapanood si Andrea sa international movie na ‘Pasional’.

 

 

***

 

 

SPEAKING of papuri, maraming pumupuri sa mga choices ng The EDDYS para sa kanilang nalalapit na awards night para sa mga mahuhusay na pelikula, artista at mga kategoryang teknikal.

 

 

Pero para sa amin, napaka-espesyal ng tatlong kategorya nila kung saan nominado ang tatlong artistang espesyal sa puso namin, at ito ay walang iba kundi sina Mr. Christopher de Leon, ang anak niyang aktres na si Lotlot de Leon, at ang anak na aktres na si Janine Gutierrez.

 

 

Ang Drama King of the Philippines ay nominee bilang Best Supporting Actor para sa pelikulang ‘On The Job: The Missing 8’; samantalang si Lotlot naman ay kasama sa listahan ng mga nominado para naman sa Best Supporting Actress para rin sa ‘On The Job: The Missing 8′.

 

 

Samantala, si Janine ay Best Actress nominee para naman sa pelikulang “Dito At Doon’.

 

 

Kapwa malapit sa amin ang mga nabanggit; si Lotlot ay matagal na naming kaibigan at inaanak pa sa kasal (ng mister niyang si Fadi El-Soury) kaya kumpare namin si Christopher, “apo” naman ang turing namin kay Janine na noong wala pa sa showbiz ay isa kami sa mga nangungulit na mag-artista siya.

 

 

Na siya namang nangyari at ngayon ay itinuturing na isa sa pinakamahuhusay na batang aktres sa kanyang henerasyon.

 

 

Three members from a family of showbiz royalty in one awards night, ang bongga, di ba?

 

 

Gaganapin ang The EDDYS (na mula sa samahan ng mga entertainment editors na SPEEd o Society of Philippine Entertainment Editors) sa November 27 sa Metropolitan Theater (MET).

(ROMMEL L. GONZALES)

Pinas, handang makatrabaho ang mga ASEAN partners para sa food security

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HANDA  ang gobyerno ng Pilipinas na makatrabaho ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) upang tiyakin ang food security sa bansa at sa rehiyon.

 

Nakiisa si Pangulong Marcos sa kanyang mga kapwa lider sa  idinaos na 25th ASEAN Plus Three (China, Japan, Korea) Summit sa Phnom Penh, Cambodia.

 

 

“Attaining food self-sufficiency and security by seeking innovative solutions through adoption of new technologies and enhanced connectivity to national, regional, and global value supply chains … must be one of our utmost priorities in the region,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“The Philippines reaffirms our commitment to actively engage in the ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve or APTERR, [which] is extremely beneficial to our countries. We are vulnerable to many hazards and natural calamities due to topography and geographic location,” dagdag na wika nito.

 

 

Gayundin, sinabi ng Chief Executive na handa ang Pilipinas na makipag- collaborate sa ASEAN Plus Three (APT) partners  sa  New Work Plan 2023-2027, na magsisilbing gabay sa susunod na limang taon.

 

 

Tatalakayin sa plano ang iba’t ibang  aspeto gaya ng “public health, food security, financial cooperation, and digital economy particularly as the region moves towards the post-pandemic recovery.”

 

 

Ipinanukala naman ni Pangulong Marcos ang pag-iba-iba ng  APTERR sa pamamagitan ng pagdaragdag  sa iba pang  commodities at staple food  na reserba sa  pinahusay na food security.

 

 

Gayundin, ipinanukala ni Pangulong Marcos ang eskplorasyon ng  smart agriculture at pagsasagawa ng  capacity-building programs para sa  ASEAN members at maging ang pagsasagawa ng forums  na magsisilbing plataporma  para pa-usapan ang regional concerns sa agriculture at food security.

 

 

“In as much as our region is primarily maritime in character and concerns, we must put a premium in strengthening the multi-faceted nature of our maritime cooperation. Let us continue to work with our APT partners through activities such as safety and freedom of navigation, with the end view of promoting peace, stability, security and prosperity in accordance with the relevant international and regional treaties and agreements including the 1982 United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS),” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)

PBBM, hiningi ang kooperasyon ng South Korea sa renewable energy

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HININGI ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr. ang kooperasyon ng Republic of Korea (ROK) sa renewable energy sources.

 

 

Sa kanyang naging interbensyon sa   23rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN)-Republic of Korea Summit, sinabi ni Pangulong Marcos Jr. sa kanyang kapwa lider na bahagi ng  paglunas sa kapaligiran  “is lessening the dependence on fossil fuels.”

 

 

“Given the ROK’s expertise in harnessing renewable energies, let us explore opportunities for technological cooperation aimed at securing reliable electricity supply sourced from renewable sources,” ayon sa Pangulo.

 

 

Kailangan din ani Pangulong Marcos na ituon ang pansin sa  territorial biodiversity, Idagdag pa na ang  ASEAN Centre for Biodiversity in the Philippines ang mangunguna sa ASEAN Green Initiative para magtanim  ng   10 milyong  native trees sa loob ng 10 taon, sa lahat ng  ten member-states ng regional bloc.

 

 

“Let us be close partners in this project,” aniya pa rin

 

 

Binanggit din ng Pangulo ang  ASEAN-ROK Plan of Action for 2021-2025 sa kanyang interbensyon o pagtutulungan sa “safety and security, search and rescue, freedom of navigation and overflight, the exercise of self-restraint, non-use of force and peaceful resolution of disputes, unimpeded lawful commerce, the protection and conservation of the marine environment and sustainability of oceans.”

 

 

Aniya pa rin, ang marine resources ay dapat na payagan na umunlad at i- replenish ang kanilang mga sarili bilang bahagi ng “sustainable oceans at fisheries management.”

 

 

Looking forward naman si Pangulong Marcos sa magiging partisipasyon ng Pilipinas bilang  ministers at senior officials na magkapit-bisig at magtulungan na labanan ang  illegal, unreported at unregulated fishing, upang matiyak ang mahalagang ocean resources ay mananatiling available para sa susunod na henerasyon. (Daris Jose)

‘John Wick: Chapter 4’ Trailer Teases A Fight Between Keanu Reeves And Donnie Yen!

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

THE official trailer for the upcoming action flick John Wick: Chapter 4 is here!

 

 

Keanu Reeves is back in action as the feared assassin John Wick, who has found a way to freedom and must defeat all sorts of enemies from around the globe in his mission to take down the High Table.

 

 

Watch the trailer for John Wick: Chapter 4 below:

 

 

In his latest crusade, John Wick must challenge Bill Skarsgård’s Marquis de Gramont in single combat for him to finally earn his freedom.

 

 

The trailer also gives us a glimpse of Reeves’ fight scene with Donnie Yen, and of course, John Wick’s brutal scenes as he takes down his enemies with nunchucks, an axe, guns, and more!

 

 

Directed by Chad Stahelski, John Wick: Chapter 4 also stars Laurence Fishburne, Hiroyuki Sanada, Shamier Anderson, Lance Reddick, Rina Sawayama, Scott Adkins, and Ian McShane.

 

 

It is set for a US release on March 24, 2023.

 

(ROHN ROMULO)

Jobless rate nitong Setyembre 2022, bumaba kasabay ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong may trabaho

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NAKAPAGTALA ng pagbaba sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho ang Philippine Statistics Authority (PSA) nitong buwan ng Setyembre, ngunit kasabay nito ay nagkaroon din ng pagbaba ang bilang ng mga indibidwal na mayroong trabaho sa bansa batay sa preliminary result ng kanilang isinagawang Labor Force Survey.

 

 

Sa ulat ni PSA chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, nitong buwan ng Setyembre ay nasa 2.50 million unemployed persons o 5% unemployment rate ang naitala ng kagawaran, mas mababa ito kumpara sa 2.68 million na bilang ng mga indibidwal na walang trabaho o 5.3% na unemployment rate na kanilang naitala noong buwan ng Agosto, at mas mababa pa rin ito sa 4.28 million jobless Filipinos na naitala noong September 2021.

 

 

Ngunit sa kabila ng pagbabang ito sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa bansa, ay iniulat din ni Mapa na nakapagtala rin sila ng pagbaba sa bilang ng mga indibidwal na mayroong trabaho.

 

 

Sa datos, nitong Setyembre ay nakapagtala ng 47.58 million employed Filipinos ang kagawaran, mas mababa sa 47.87 million na naitala noong buwan ng Agosto.

 

 

Paliwanag ni Mapa, nakaapekto sa naturang datos ang pagkonti ng labor force participation sa bansa.

 

 

Aniya, nitong Setyembre kasi ay bumaba sa halos 500,000 ang labor force participation rate dahil ilan sa ating mga kababayan ang bumalik na rin sa pag-aaral.

 

 

Ngunit nilinaw niya na hindi naman daw ito ganoon ka-significant dahil sa ngayon ay nasa 50.08 million pa rin naman ang naitalang bilang ng labor force sa bansa nitong buwan ng Setyembre.

 

 

Samantala, sinabi naman ng PSA na kabilang ang manufacturing, wholesale and retail trade, agriculture and forestry, lodging and food services, at transportation and storage ang nakitaan ng biggest gains pagdating sa employment.

Ads November 15, 2022

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Wala si Vice Ganda kaya iniintriga ng mga netizens: SHARON, pinangunahan ang star-studded ‘2022 ABS-CBN Christmas Station ID’

Posted on: November 15th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

INILABAS na nga ang 2022 Christmas Station ID ng Kapamilya network na after two days may higit 1.5 views na kanilang Youtube channel.

 

“Tayo Ang Ligaya Ng Isa’t Isa” ang title ng Christmas song na isinulat ng creative director ng ABS-CBN Music na si Jonathan Manalo.

 

 

Napapanood na nga ang lyric video ng kanta na kung saan makikita ang star-studded cast.

 

 

Pambungad sa 2022 Christmas Station ID ng ABS-CBN ang ‘Darna’ stars na sina Jane de Leon, Joshua Garcia at Janella Salvador.

 

 

Kasunod nito ay isa-isa nang naglabasan ang mga naglalakihang Kapamilya stars na pinangunahan nina Megastar Sharon Cuneta at Piolo Pascual.

 

 

Umeksena sa first part ang mga sikat na loveteams ng ABS-CBN na KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla), DonBelle (Donny Pangilinan at Belle Mariano), FranSeth (Seth Fedelin at Francine Diaz), at KDLes (KD Estrada at Alexa Ilacad).

 

 

Sumunod na nakikanta sina Ogie Alcasid, Anne Curtis at Kim Chiu para sa ‘It’s Showtime’, Sinamahan ni Regine Velasquez, ang mga co-hosts niya na ‘Magandang Buhay’ na sina Jolina Magdangal at Melai Cantiveros,

 

 

Next naman ang pagbirit ng world-class singers na sina Zsa Zsa Padilla, Sarah Geronimo, Martin Nievera at Gary Valenciano. Kasama rin sina Jed Madela, Klarisse de Guzman, Morissette Amon, Angeline Quinto, Erik Santos, KZ Tandingan, Moira dela Torre at Chito Miranda.

 

 

Hindi naman nagpahuli sa pagbirit si Darren Espanto, kasama rin sina Ella Nympha, Andrea Brillantes, Kyle Echarri, AC Bonifacio, Khimo Gumatay, Anji Salvacion at Bailey May.

 

 

Sa bandang huli rin lumabas si Piolo, na pinakasikat na Kapamilya aktor. At tama lang naman kay Sharon ibigay ang last spot or end frame ng CSID dahil deserved na deserved niya yun bilang Megastar.

 

 

Pero ‘di nga pinalampas ng mga netizens at kapansin-pansin talaga na wala si Phenomenal Box-Office Star Vice Ganda.

 

 

Naiintriga tuloy sila kung ano ang nangyari at hindi nakaabot si Vice sa taping ng Kapamilya CSID na posibleng hindi napayagang umalis sa shooting ng MMFF 2022 entry nila ni Ivana Alawi, na kailangan na ngang tapusin.

 

 

Wala pang opisyal na pahayag si Vice Ganda sa kanyang social media accounts, kaya abangers na ang mga netizens sa kanyang pasabog na post.

 

 

For sure, hindi lang naman si Vice ang hindi nakaabot, marami pang iba ang naka-miss ng taping at malay natin, meron pang ibang version na lumabas.

 

 

Ang going back sa taunang ABS-CBN Christmas Station ID, marami ang natuwa lalo na ang solid Kapamilya at tumindig ang balahibo sa mensahe ng awitin. May mga Muslim pa ngang nag-comment na super love at nag-enjoy sila sa video.

 

 

Maraming nagpapasalamat sa ABS-CBN dahil ramdam na ramdam nila ang Paskong Pinoy at isa ito kukumpleto sa kanilang pagdiriwang.

 

 

At pasok na pasok nga ang titulo ng awitin na, ‘tayo ang ligaya ng isa’t-isa’, maging kapamilya, kapuso at kapatid, saan panig ka man ng mundo sa pagsapit ng Pasko.

 

(ROHN ROMULO)