NABUHUYAN ng pag-asa ang mga nagmamahal kay Kris Aquino dahil muling naging aktibo ang TV host/actress sa social media, partikular na sa kanyang Instagram account.
Alam naman ng publiko na kasalukuyang nasa Amerika si Kris at hinahanapan ng lunas ang kanyang karamdamang may kinalaman sa kanyang autoimmune condition.
September huling nag-post si Kris at ngayong November, natuwa ang kanyang mga supporters at followers dahil sa bagong update sa kanyang IG account noong Huwebes, November 24.
Nagkuwento si Kris ng mga kaganapan tungkol sa kanyang kalagayan, tulad nang napipinto niyang pagkaka-confine ng labingwalong buwan sa ospital simula Enero next year para sa patuloy na pagpapagamot at hopefully ay tuluyan niyang paggaling.
Ibinahagi rin niya ang prosesong pinagdaanan nila ng kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby sa US immigration para makapamalagi pa sa Amerika ng mas mahabang panahon dahil nga sa pagpapaospital ni Kris.
Kalakip ang litrato nina Josh at Bimby, sinabi rin ni Kris sa kanyang IG post na ang mga ito ang dahilan kaya lumalaban siya, kaya hindi siya sumusuko at patuloy na lumalaban at nananalangin na gumaling at makapiling at maka-bonding pa ng mas mahabang panahon ang mga anak niya.
Siyempre hindi kinalimutan ni Kris na magpasalamat sa mga taong nagdarasal para sa kanya simula pa lamang ng kanyang pagkakasakit hanggang ngayon.
“It’s been a few months… i didn’t want to post until i had definite info as my update. 1st THANK YOU for praying for me, for us.
“Thank you Minister Joji & my INC friends for making the trip to anoint me w/ healing oil, sharing the Biblical healing verses that i now include in my daily prayers. “Thank you to my friends, the Carmelite sisters in Quezon who include me in their daily prayers. And a special “THANK YOU to Archbishop Soc.
“It’s step 1 on what will likely be more than 18 months of diagnosis & treatment. i’m signed up in a hospital’s Center for those with Rare & Undiagnosed illnesses. My last set of test results were conflicting; that’s why i chose to have my full diagnosis & treatment with a team of multidisciplinary doctors.
“Iba ang process dito. My 1st step was submitting all my medical records from 2018 when my autoimmune was 1st diagnosed in Singapore; i had a teleconsult w/ the assigned doctor-coordinator for me, then we’ll do a video consult in 2 weeks. i’ll be admitted early 2023 to undergo every imaginable test they’ll deem necessary.
“After my results, the team shall decide what treatment will be best because the coordinator admitted I’m a “challenge” since i’m allergic to so many types of medicine including all steroids. Pang case study daw ako- 1 person with multiple autoimmune conditions & over 100 known allergic or adverse reactions to medication.
“We already filed our papers with US immigration to extend our stay. Bawal umalis ng 🇺🇸 until the extension is granted. We miss our family & so many of you.
i posted a picture of kuya & bimb- they are my REASONS kung bakit TULOY ANG LABAN, BAWAL SUMUKO: tinitiis yung matinding sakit (sagad sa buto) while allergic to all pain relievers; the constant fatigue, awful sense of balance, nonstop dry cough & shortness of breath; yung sobrang pag-iingat (i’m so immunocompromised- since June i’ve NEVER been to a restaurant, NEVER entered a store, supermarket, or a mall).
“i pray for the blessing to be healthy enough to still be their mama-the one who would cook, travels for fun, goes to Church, and watches movies w/ them. All in God’s perfect time…
“Happy Thanksgiving.”
***
IDINAAN ni Sanya Lopez sa tawa ang “wardrobe malfunction” niya sa 44th Catholic Mass Media Awards.
Pinarangalan kasi ang ‘First Lady’ bilang Best Drama Series/Program sa naturang award-giving body at dahil siya ang bida sa show bilang si Melody Acosta, siya ang dumalo sa Gabi ng Parangal.
Iyon nga lang, aksidenteng naputol ang strap ng stiletto heels ni Sanya bago pa man siya makarating sa entablado to accept the trophy!
Pero hindi nawalan ng poise ang Sparkle actress, she is not the “First Lady” for nothing, kaya grace under pressure, kahit hirap ay pinilit niyang lumakad paakyat sa stage, sa tulong na rin ng dalawang male ushers sa event na alertong naalalayan agad si Sanya.
Ironically, may similar situation noon si Melody Acosta sa ‘First Lady’ kung saan natapilok siya sa kanyang high heels sa isang event hosted by her husband Philippine President Glenn Acosta portrayed by Gabby Concepcion.
By the way, si Sanya ang bida sa 20th anniversary presentation mamaya ng ‘Magpakailanman’, sa Listen To My Heart: The Maegan Aguilar Story sa GMA, 8:15 ng gabi.
(ROMMEL L. GONZALES)