• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for December 6th, 2022

Gugulatin ang mga fans sa ginawa sa ‘Broken Blooms’: ROYCE, hinangaan sa makatotohanang pagganap sa nakapag-iinit na eksena

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINDI matapus-tapos ang mga achievements ni Dingdong Dantes.

 

 

Panibagong karagdagan sa listahan ng mga accomplishments ng GMA’s Primetime King at ‘Family Feud’ host ang pagiging honorary member niya sa Philippine Military Academy.

 

 

Base sa post ni Dingdong sa kanyang Instagram account, siya ay isa na ngayong honorary member ng PMA Sanghaya Class 2000.

 

 

Pinost ni Dingdong ang kanyang certificate of membership kasama ang caption na nagpapahayag ng kanyang kasiyahan at kung ano ang halaga ng karangalang ito para sa kanya.

 

 

“Courage. Integrity. Loyalty.
Growing up in a family of service men; it had always been the goal for me to enter military school after high school. God had different plans for me back then, but still led me to espouse these values, regardless of destination. Values which i hold sacred and now share with no less than the PMA Class 2000 “SANGHAYA”.
I am humbled to be accepted as its honorary member.
Hooorah!”

 

 

***

 

 

KUNG ano ang pagiging wholesome at kuwela ni Royce Cabrera bilang si Jefferson sa ‘Start-Up PH’, tiyak na gugulatin ang mga fans niya na manonood ng pelikulang ‘Broken Blooms’.

 

 

Hindi lang pala gugulatin kundi pag-iinitin rin ni Royce ang moviegoers dahil sa eksena niya sa naturang pelikula ni direk Louie Ignacio kung saan todo-halinghing si Royce habang bini-BJ ng bakla.

 

 

Macho dancer kasi si Royce, as Romy, sa pelikula na dahil sa pandemya ay napagsaraduhan ng pinagsasayawang club, kaya bilang kapit sa patalim, hindi man makasayaw ay ibinenta ni Romy ang katawan niya sa mga bakla para magkapera.

 

 

Hinangaan si Royce ng mga nakapanood ng special screening dahil parang tunay na tunay ang nakapag-iinit na eksena!

 

 

Siya na ba ang Halinghing King?

 

 

Mapapanood na sa mga sinehan sa December 14 ang ‘Broken Blooms’ kung saan bida si Jeric Gonzales at kasama sina Therese Malvar, Norman “Boobay” Balbuena, Lou Veloso, Mimi Juareza at Jaclyn Jose. Hatid ito ng BenTria Productions ni Engineer Benjamin Austria with Dennis Evangelista as line producer.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Ads December 6, 2022

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Bicam ibinalik P10-B NTF-ELCAC budget, P150-M DepEd confidential funds

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISINAOLI  ng mga mambabatas ang bilyun-bilyon at milyun-milyong kontrobersyal funds sa 2023 proposed budget para sa National Task Force to End Local Communist Armed Conflict at Department of Education, bagay na una nang tinapyasan.

 

 

Ito ang ibinahagi nina Sen. Sonny Angara at Rep. Zaldy Co (Ako Bicol party-list), Lunes, matapos aprubahan ng bicameral conference committee ang reconciled version ng proposed P5.26 trilyong national budget para sa susunod na taon.

 

 

“We restored the budget [of NTF-ELCAC], everything. That’s almost 10 billion,” ani Co, na siyang nangunguna sa House appropriations panel.

 

 

Oktubre lang nang i-realign ng Kamara ang P5 bilyon mula sa NTF-ELCAC, na kilala sa pagre-redtag ng mga ligal na aktibista at mga progresibo, ngunit nangako sina Co na makikipagtulungan sa mga counterparts nila sa Senado na maibalik ito nang buo.

 

 

Una nang naisiwalat na tanging 2% lang sa 2022 projects ng NTF-ELCAC ang nakumpleto o nagpapatuloy. Wala pa rin sa kalahati (48%) ang naisakatuparan sa ilalim ng Support for Barangay Development Program noong 2021.

 

 

Sa kabila nito, malaki ang itinalon ng pondo ng ahensya: P19.2 bilyon ngayong 2022 mula sa P1.7 bilyon noong 2020. Una na ring ibinalita ng Commission on Audit na nabigo ang NTF-ELCAC na i-liquidate ang nasa P33.4 milyon mula sa pondo nito noong 2021.

 

 

“Kaysa i-restore ang badyet ng ahensya, mas mapaglilingkuran ang publiko kung lulusawin na ang NTF-ELCAC at ilipat ang pondo nito sa mga batayang serbisyong panlipunan,” wika ni Karapatan secretary general Cristina Palabay sa Ingles.

 

 

“It is especially objectionable that after all the plenary debates and interpellations done in the open to scrutinize the NTF-ELCAC’s budget, the bicameral conference committee suddenly backpedalled just on the say-so of House Speaker Martin Romualdez and Senior Deputy Majority Leader Sandro Marcos.”

 

 

“An agency that has been running roughshod on the people’s civil and political rights and does not address the real roots of the armed conflict does not deserve a single centavo from the public coffers.”

 

 

Matapos tapyasan ng Senado sa P30 milyon ang mungkahing confidential funds ng DepEd, nanumbambalik ito sa P150 milyon, bagay na binabatikos nang husto.

 

 

“Sa DepEd naibalik iyon. Sa ibang agencies na tinapyas ng Senado di na naibalik,” paliwanag naman ni Angara.

 

 

Una nang ibinabala ng human rights groups na maaaring magamit lang sa katiwalian ang naturang pondo, lalo na’t mahirap i-audit ang confidential funds. Bukod pa ‘yan sa posibilidad na magamit lang daw ito para sa “paniniktik” at pag-uugnay sa youth organizations sa mga rebelde.

 

 

Sa kabila nito, dinepensahan ito ni Bise Presidente Sara Duterte, na kalihim din ng DepEd, at sinabing gagamitin nila ito laban sa sexual abuses sa loob ng mga paaralan.

 

 

Ang pondong ito sa ilalim ni Duterte ay hiwalay pa sa mungkahing P500 milyong confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President, bagay na wala naman noon.

 

 

Bago magtapos ang Nobyembre ay hinamon pa lang ng ACT Teachers party-list sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at VP Duterte na kusang ilipat na lang ang nasa P5 bilyong halaga ng kanilang proposed confidential at intelligence funds patungo sa pagbibigay ng P10,000 ayuda. (Daris Jose)

Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko – DA

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

SAPAT ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko.

 

 

Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez.

 

 

Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply nang maramihan.

 

 

Gayunman, pagtiyak niya, walang kakulangan o shortage ng baboy sa bansa.

 

 

“Ayun nga lang, kung may frozen at mababa, depende sa inyo kung tangkilikin niyo ‘yun. Kung bagong katay, sa inyo naman ang preference. Pero, wala tayong kakulangan sa karneng baboy lalong lalo na nalalapit ang Pasko,” pahayag pa ni Estoperez, sa panayam sa radyo.

 

 

Ganito rin naman ang pahayag ng mga magsasaka na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG).

 

 

Anang SINAG, may sapat na suplay ng baboy para sa holidays kahit tumaas ang presyo sa ilang wet market sa Metro Manila.

 

 

Sinabi pa ng grupo na ang farmgate prices ng live hogs ay nasa P155 hanggang P175 kada kilo, pero tumaas ito ng P300 bawat  kilo sa ilang wet market sa Metro Manila.

 

 

Ayon naman sa DA, nakapokus ngayon ang gobyerno sa pagpapalakas ng produksyon ng live hog matapos na tamaan ng African Swine Fever (ASF) ang anim na rehiyon sa bansa.

Christmas party sa mga paaralan gawing simple – DepEd

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

HINILING ng Department of Education (DepEd) sa mga pampublikong paaralan na gawing simple pero makabuluhan ang gagawing Christmas party kaugnay ng pagdiriwang ng Kapaskuhan.

 

 

Sa naipalabas na DepEd Order No. 052-2022, na nilagdaan ni Vice President at Education secretary Sara Duterte, nakasaad dito na kailangang magtipid dahil sa kasalukuyang kundisyon ng ekonomiya ng bansa.

 

 

“The whole Department of Education (DepEd) community is urged to strive for a genuine celebration of hope, unity and service for others,” sabi ni  Duterte.

 

 

Nakasaad din sa kautusan na kailangang boluntaryo at hindi magastos ang gagawing Christmas party themes, costumes, decorations, at exchange gifts ng mga estudyante upang hindi masaktan masyado ang bulsa ng mga magulang ng mga mag-aaral.

 

 

Dapat din umanong boluntaryo ang kontribusyon sa pagdiriwang ng Pasko sa mga paaralan at opisina maging cash man ito o in-kind.

 

 

Walang mag-aaral at tauhan ng DepEd ang pipiliting mag-contribute, makiisa o gumastos ng kanilang pera para sa selebrasyon. Dapat din isama sa selebrasyon ang mga mag-aaral at tauhan kahit wala silang maibigay na kontribusyon o dalang regalo.

 

 

Inatasan din ng DepEd ang mga schools at officials na mag-recycle ng lumang Christmas decors at huwag bibili ng bagong dekorasyon. Walang mag-aaral at DepEd personnel ang aatasang gumawa ng dekorasyon para sa Christmas party.

 

 

Niliwanag din sa kautusan na ang Christmas party sa mga paaralan ay maaaring gawin sa class hours bastat hindi nakakaapekto sa scheduled lesson plans.

 

 

Hindi rin pinapayagan ang solicitations kahit cash o in-kind para sa Christmas parties o holiday celebrations.

 

 

Samantala, ang mga private schools, community learning centers gayundin ang mga state/local universities and colleges (SUCs/LUCs) ay maaaring mag-adopt sa naturang kautusan ng DepEd bilang batayan ng kanilang pagdiriwang ng Christmas party. (Daris Jose)

Rosegie Ramos, Lovely Inan itataas bandila ng Pilipinas sa World lifting

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

PILIT na pagliliyabin nina 32nd Hanoi Southeast Asian Games bronze medalist Rosegie Ramos at papangaangat na lifter na si Lovely Inan ang kampanya ng siyam-kataong Team Pilipinas sa International Weightlifting Federation (IWF) World Championships na itinakda simula Disyembre 5 hanggang 16 sa Bogota, Columbia.

 

 

Ang 19-anyos na si Ramos ay produkto ng weightlifting hotbed na Zamboanga City at huling nagtala ng total lift na 179kgs sa una nitong pagsabak sa SEA Games.

 

 

Iniangat nito ang 81kgs sa ikatlong tangka sa snatch bago itinala ang personal best nito na 98kgs sa ikalawang buhat sa clean and jerk.

 

 

Nagawa naman makasama ni Inan sa delegasyon matapos nitong talunin ang Asian junior champion na si Ramos sa women’s 49kgs category ng ginanap na SWP National Open Championships sa Tagbiliran, Bohol.

 

 

Ang 18-anyos mula Angono, Rizal at produkto ng PEP Project ni coach Richard Agosto ay kinapos ng isang kilo para manalo sa snatch bago dinomina ang clean and jerk sa 98kgs lift para sa total lift na 176kgs upang biguin si Ramos.

 

 

Asam ng dalawang Pilipinong lifter makapagtala ng kasaysayan sa kanilang unang pagsabak sa torneo na isa sa mga kinakailangang salihan para makasabak sa 2024 Paris Olympics.

 

 

Matatandaan na nagwagi si Ramos ng tatlong gintong medalya sa nasabing weight class sa Asian Youth and Junior Weightlifting Championships sa Tashkent, Uzbekistan.

 

 

Si Ramos, na kasama ang kapatid na si Rose Jean, na kasalukyang World Youth record holder sa women’s 40kgs category, ay tumulong sa Team Pilipnias na magwagi ng record na kabuuang 15 gintong medalya sa Tashkent. (CARD)

Residential building sa Malabon gumuho, 3 sugatan

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

ISANG 22-anyos na dalaga ang na-trap habang dalawa ang sugatan matapos gumuho ang isang apat na palapag na residential building sa Malabon City, Linggo ng umaga.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Amante Daro, si Ronalyn Tumbokon ay na-rescue bandang alas-11:25 ng umaga nang ma-trap ng higit apat na oras matapos gumuho ang residential building sa 74 Orchids St., Brgy. Longos, dakong alas-7 ng umaga at dinala sa Ospital ng Malabon.

 

 

Kinilala naman ang dalawa pang sugatan na sina Rhodora Tumbukon at Francisco Catindoy na unang na-rescue ng mga tauhan ng Malabon Disaster Risk Reduction Management Office (MDDRMO) at Malabon Bureau of Fire Protection (BFP).

 

 

Sa tinanggap na report ni Col. Daro, ang bahay kung saan nakatira ang mga biktima ay nadamay lamang ng gumuhong istraktura na katabi ng kanilang bahay.

 

 

Ang mga pamilyang nakatira sa gumuhong residential building ay binubuo ng lima mula sa Esilio family at apat mula sa Morada family na hindi naman nasaktan matapos agad makatakas bago gumuho ang istraktura.

 

 

Personal namang binisita ni Malabon City Mayor Jeannie Sandoval ang pinangyarihan ng insidente para alamin ang kalagayan ng mga biktima at pinayuhan ang mga residenteng nakatira malapit sa gumuhong gusali na pansamantalang iwanan ang kanilang mga bahay hanggang matapos ang imbestigasyon at assessment na isinasagawa ng Malabon BFP at City Engineering Office.

 

 

Bumisita din sa nasabing lugar si Cong. Jaye Lacson-Noel para kamustahin ang mga biktima habang patuloy naman imbestigasyon sa insidente subalit, naniniwala ang mga awtoridad na mahinang pundasyon ng gusali ang posibleng dahilan ng pagguho. (Richard Mesa)

Halos 2.5-M katao nanood sa mga group stages ng FIFA World Cup

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.

 

 

Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages.

 

 

Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group matches ay naitala ang maraming nanood sa laban ng Argentina at Mexico sa Lusail Stadium na dinaluhan ng 88,996 katao.

 

 

Sa kasalukuyan ay nanguna ang Saudi Arabia sa listahan ng may pinakamaraming bisita na aabot sa 77,000 na sinundan ito ng India na mayroong mahigit 56,000.

 

 

Magugunitang bago ang pagsisimula ng torneo ay inihayag na ng Qatar na inaasahan na nila na ilang milyong katao ang dadalo para makapanood ng live sa mga laro. (CARD)

Housing turnover ceremony, pinangunahan ni PBBM

Posted on: December 6th, 2022 by @peoplesbalita No Comments

NANGAKO si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan  nito ang ‘housing gaps’ sa Pilipinas.

 

 

Si Pangulong Marcos ay nasa Naic, Cavite kung saan pinangunahan ang ‘awarding of certificates’ ng house and lot sa mga benepisaryo ng housing project ng National Housing Authority (NHA).

 

 

Tinatayang nasa 30,000 housing units na ang naipamahagi sa  buong bansa.

 

 

“Ito ay isang kongkretong hakbang tungo sa pagkamit ng ating pangarap na mabigyan ng maayos na matitirahan ang ating mga kababayan. Ito ay malinaw na nagpapakita ng inyong dedikasyon sa inyong sinumpaang tungkulin,” ang bahagi ng talumpati ni Pangulong Marcos.

 

 

“Nanatili ang ating layunin ng makakapagpatayo ng dekalidad at murang pabahay para sa bawat pamilyang Pilipino, lalo na para sa mga mahihirap na ating mga kababayan,” dagdag na wika nito.

 

 

Hinikayat naman ng Pangulo ang NHA at iba pang concerned agencies at stakeholders na ipagpatuloy lamang ang pagbibigay sa publiko ng matitirhan at bigyan ang mga ito ng pagkakataon na makapaghanapbuhay.

 

 

“Kasabay ng mga tirahang ibinabahagi natin, tiyakin natin na mabigyan din natin sila ng pagkakataon na makapag-hanapbuhay at magamit ang kanilang mga kakayahan at talino tungo sa kanilang tuloy-tuloy na pag-unlad,” ayon kay  Pangulong Marcos.

 

 

“Patuloy ninyong pagtibayin ang pakikipag-ugnayan sa mga kaakibat na ahensiya, mga lokal na pamahalaan, at mga pribadong organisasyon. Hangarin natin na matiyak na may sapat na suporta ang lahat ng mga benepisyaryo ng mga bagong tirahang ito,” aniya pa rin.

 

 

Sa ilalim ng Marcos administration, ang  Department of Human Settlements and Urban Development’s (DHSUD) Pambansang Pabahay para sa Pilipino program ay naglalayong magtayo ng  isang milyong  housing units  kada taon o may kabuuang  anim na milyong  housing units  sa loob ng anim na taon ng kasalukuyang gobyerno.

 

 

Samantala, inalala naman ng Punong Ehekutibo ang  Bagong Lipunan Improvement of Sites and Services (BLISS) project ng kanyang ina na si dating Unang Ginang Imelda Marcos.

 

 

Sinabi pa ng Pangulo na pag-aaralan ng kanyang administrasyon ang pagtatayo ng  high-rise housing projects.

 

 

“Kung maalala niyo ‘yung BLISS, ‘yung project ng BLISS, diyan nag-umpisa ang mid-rise na ilang five storeys, six storeys na building. At mukha namang maganda at marami talagang kumuha, nagkaroon sila ng sarili nilang tirahan,” ayon kay Pangulong Marcos.

 

 

“Ngunit ngayon dahil mahirap na, siguro baka pataasin pa natin. Baka puwede na nating itaas hanggang high-rise na. Ngunit pinag-aaralan natin ito siguro case-to-case ito,”  anito. (Daris Jose)